Friday, January 14, 2011

Chapter 45

[Vher's Point Of View]

Hindi ko nun maramdaman yung katawan ko. Hindi ko nga rin maramdaman kung may buhay pa ako eh. Napagpasyahan ko nun na tapusin na ang lahat. Gusto kong makasama si Ver. Alam kong nagpapakatanga ako.. pero sadyang biglang pumasok lang sa isip ko na magpakamatay... sobrang sakit kasi... Akala ko kasi ito yung way para mawala yung sakit na nararamdaman ko nung nawala siya... Parang hindi ko kasi kaya na mawala siya eh... sobrang sakit... parang gusto ko talaga siyang sundan...

parang ang gaan ko nun... may ilaw akong nakikita... hindi ko nun alam kung nakamulat ba talaga ang tunay kong mga mata o baka mata ko lang labas ng realidad ang nakabukas... ang gulo din no? halos blurred yung nakikita ko... o siguro sadyang nalabo lang ang mga mata ko... parang nagspin nun yung buong mundo ko pero kahit na ganun, wala naman akong naramdaman na pagkahilo...

may sensation ako na may mga naririnig akong tao na nagkakandulo... dun ko lang naman narealize na pwedeng boses yun ng mga doctor na pumipilit sakin na mabuhay pa... gusto ko nga silang patigilin eh... pakiramdam ko kasi ito na yung way para magkasama ulit kami ni Ver...

lalong nagblur ang paningin ko... pero narealize ko din na hindi pala paningin ko ang may problema... parang nagkaroon ng mist nun o siguro isang sobrang kapal na fog... nagmistulang ulap yung tinatayuan ko nun... gusto ko na ngang maniwala na sana nasa langit na ako nun...

nakakita ako ng silhouette ng isang lalake... familiar yung hugis ng katawan na yun... bumilis yung pagtibok ng puso ko... dun ko naman narealize na paano ko kaya naramdaman ang pagtibok ng puso ko?? ang gulo din talaga no? parang pinagpawisan naman ako nun kahit tama lang naman ang temperatura nun...

unti-unti ng nawawala yung makapal na fog na yun... hindi ako nakagalaw... nanlaki yung dalawa kong mata... napasarado yung fist ko nun... bumibilis yung pagtibok ng puso ko... naramdaman ko nun na tumulo ang luha ko... hindi ko alam kung sa realidad din ba ay natulo din ang luha ko... pero kasabay din ng lahat ng nun ang panggulo sa utak ko at ang unti-unting pagdurog sa puso ko...

nakita ko nun si Ver... gusto kong umiyak sa harapan niya... bakit kaya niya pa ring ngumite kung wala pang kasiguraduhan na kaming dalawa naman hanggang sa huli?? sobrang sakit nun... sobrang sakit na isipin na nagpapakita siya ngayon para paasahin ako na baka sakaling... may chance... na sa realidad eh... kami nga hanggang sa huli...

lumapit siya sakin... namanhid ako nun pero at the same time, tumayo yung mga buhok ko sa katawan... gusto ko siyang hawakan... ramdam na ramdam ko ang presensiya niya pero tila parang wala pa din siya sa harapan ko... inistretch ko nun yung kamay ko para mahawakan yung kamay niya pero parang tumagos lang yung kamay ko dun sa ulo niya...

bumuhos yung luha ko... iyak ako ng iyak... gusto ko siyang yakapin... kahit sa huling pagkakataon lang...

"tanga ka talaga no?" nagsalita siya nun. hindi ko alam kung matatakot ako pero sa ngayon, nalulungkot talaga ako. ganun pa din siya. binigkas niya pa rin ang mga salitang yun na may halong pagkayabang. Ver na Ver nga naman talaga. "kailangan ba talagang sundan ako?"


bumilis yung pagtibok ng puso ko nun. wala akong nasabi kaya tumango na lang ako.

"kung ganon, wag kang sumunod..." sabi naman niya. napatingin ako sa kanya. bumuhos lalo yung luha ko nung sinabi niya sakin yun.
"hindi ko naman kasi kaya eh! kung alam mo lang kung gaano kasakit na maiwanan! sobrang sakit!" napapasigaw ako sa kanya nun.
"hindi lang naman ikaw ang nasasaktan eh... syempre ako rin naman ay nasaktan nung iiwan na kita kaso wala naman tayong magagawa eh... ganito talaga ang nakaplano satin..." sabi naman niya na parang tanggap niya na ang lahat.
"hindi naman kasi dapat ganito eh!! bakit kailangan mong mawala sakin?!! bakit?!! sigurado ako nun na ikaw na!! pero bakit ngayon, wala ka na?!!" sabi ko naman sa kanya.
"wala na tayong magagawa..." sabi niya sakin. sobrang hirap na tanggapin lahat ng mga sinasabi niya.
"bakit ka ba ganun?! bakit ba parang hindi ako kawalan sayo?! bakit ba parang hindi mo ako mahal?!!" masyado akong naglalabas ng emosyon nun.
"sinong nagsabi sayo na hindi kita mahal?" tanong naman niya. hindi ako nakapagsalita nun. "sorry kasi iniwanan kita... hindi ko naman yun gusto eh... pero gusto kong ipaalala sayo na ang puso ko ay natibok pa din para sayo... at patuloy 'tong tumitibok... patuloy pa din 'tong nagbibigay ng pag-asa na makakita ng isang tao na katulad ko... o siguro... hindi na katulad ko eh... siguro isang tao... na hindi ka kayang iwanan..." iyak ako ng iyak nun. nahihirapan na din akong huminga. "tsaka... may mga mata din akong iniwan dyan...para alam ko sa sarili ko na pwede pa din kitang bantayan..."

bumilis yung pagtibok ng puso ko. naisip ko yung puso niya... nagkaroon talaga ako ng isang theory na si Kuya Evans ang tumanggap nun... pero ngayon ko lang naaalala na meron din pala siyang inalayan ng mga mata niya at hanggang ngayon, hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng mga yun... napatahimik ako nun...

"mahal na mahal kita... hindi ko alam kung bakit hindi mo nararamdaman pero totoo lahat ng sinasabi ko... mahal na mahal kita... kahit na wala akong puso ngayon... alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang mamahalin ko..." ang sakit sa puso nun. ang sweet pero ang sakit... ang gandang pakinggang pero sobrang sakit pa din...
"mahal na mahal din kita..." yun na lang yung nasabi ko. siguro nga ito na ang huling pagkakataon namin.
"tsaka pwede bang wag mo ng paiyakin si Gigi... nawala na kaming dalawa ni Tella... wag ka na ring mawawala sa kanya, okay?" bilin naman niya sakin. napatango na lang ako nun. "tsaka wish ko sana para sayo na magkaroon ka ng isang perfect love story... o isang storya na may isang happily ever after na ending... yun naman ang pangarap ko para sayo eh... tuparin mo ha?"

sinabi niya yun ng nakangite. mamimiss ko talaga ang mga ngiteng yun. alam ko nun sa sarili ko na sa paglipas ng panahon, makakalimutan ko din 'tong mga sinabi niya... siguro, makakalimutan ko din ang itsura niya... pait pagkilos at manners niya... mode ng pagsasalita niya at expressions niya ay pwede ko ding kalimutan... siguro, lahat na ng pwedeng kalimutan sa kanya ay makakalimutan ko sa paglipas ng mahabang panahon pero isa lang ang pwede kong baunin na memorya galing sa kanya... isang memorya na hindi ko makakalimutan... minahal ko siya... yun ang hindi ko makakalimutan... at kahit kailan ay hindi ako nagsisi...

"tsaka wag ka ng magpakatanga dahil sakin ha? 8 years ka ng nagpakatanga, wag ka ng magextend..." napangite ako ng unti nun. tama siya, sa sobrang pagmamahal ko nga talaga sa kanya, lahat na ng katangahan halos eh nagawa ko na... huminga ako ng malalim nun...
"ako naman may wish sayo..." sabi ko sa kanya habang lumalapit ako sa kanya.
"ano yun?" tanong naman niya sakin.
"Kiss me..." nagkatinginan kami. hindi ko nga alam kung posible pa ba 'tong hiling ko sa kanya eh. bumilis yung pagtibok ng puso ko. lumapit ako sa kanya. parang biglang lumamig nun pero naiinitan pa din yung katawan ko. sobrang tahimik nun... 

triny ko ulit na istretch yung kamay ko, nagulat ako ng naging solid siya bigla... nahawakan ko siya... sobrang saya ko nun... hindi ko akalain... tumulo yung luha ko dahil sa tears of joy... kinikilabutan ako... sobrang hirap iexplain yung feeling na yun... hinawakan ni Ver nun yung mukha ko then he kissed me... ramdam na ramdam ko ang bawat paglapat ng mga labi namin... parang totoo ang lahat... paano naging posible ang lahat? yun ang hindi ko alam pero kakaibang experience 'to.... siguro, kung ikwekwento ko 'to sa iba, walang maniniwala sakin...

linubos lubos ko na ang lahat ng pangyayare... binuksan ko ng mas malaki yung mouth ko to let more of him in... sobrang sarap ng feeling... sobrang saya... parang first kiss lang...

natapos ang lahat sa pagmulat ng mga mata ko sa katotohanan... puting ceiling agad ang nakita ko... may dextrose ako nun... nasa ospital nga ako at buhay... siguro nga ay napaniginipan ko nun si Ver... hinawakan ko yung mga labi ko nun... parang totoo talaga ang lahat... naluha na lang ako ulit... napaupo ako nun at sakto naman nun na pumasok si Gigi sa kwarto ko... nung nakita niya ako, hindi ko maintindihan yung emotions niya... galit ba siya o nalulungkot? tumakbo siya papalapit sakin tapos umiiyak na siya nun...

"ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO HA?!! BAKIT KA NAGPAPAKAMATAY?!! ANO BA KO HA?!! TUBUSAN NG BEST FRIEND?!!" triny kong ngumite nun. "SO NAKAKANGITE KA PA?!"
"I'm so sorry Bru..." binulong ko yun sa kanya. medyo tumigil na din siya sa pagiyak nun. sunod naman na pumasok sa kwarto ko si mama at papa. yinakap nila ako kaagad. iyak ng iyak nun si mama. sorry naman ako ng sorry. ang tanga tanga ko kasi eh. si Bojie naman at si Tami syempre iyak ng iyak din. biniro ko nga sila na buhay pa naman ako, walang dapat kaiyakan...

dumalaw din sakin nun si Ate Rits at kuya Evans... medyo gumaan nun yung pakiramdam ko... tanggap ko na... siguro, kailangan ko na din mag-let go...

masakit man pero ito ang tama... dahil sigurado ako na magiging masaya din siya sa kung ano mang pwedeng kalabasan ng storyang 'kong 'to...

No comments:

Post a Comment