Tuesday, December 28, 2010

Chapter 29

Lumipas ang ibang days ng hanggang umabot na sa sembreak namin. halos wala ding progreso ang buhay ko. ang boring na nga ng buhay ko. sa umaga, kakaen ng almusal at magcocomputer. sa hapon, matutulog o di kaya makikipagkwentuhan kay Ver. sa gabi naman, computer na naman o di kaya magtetext ako. sobrang boring na, narealize ko rin naman matagal na ding hindi nakakapagonline si Kuya Evans. wala na rin kaming communication ni Ate Rits. Tiningnan ko naman yung calendar... napasigh ako ng malaman ko na birthday pala ni Tella bukas... October 28... Ano kayang iniisip ngayon ni Ver? minsan nga naiisip ko na mahal pa din ni Ver si Tella... ewan ko ba... naiinsecure lang ako... iba kasi talaga ang karisma ni Tella eh... ngite pa lang niya... taob na taob na ako...

hapon na ngayon ng October 27... hindi ko nga alam kung bakit ba ang init-inti eh... binuksan ko yung pintuan ko and nakita ko si Ver na nakatambay pa rin dun sa bridge... siguro... nagpapahangin din siya... linapitan ko siya nun...

"huy... sabay na ba tayong pumunta bukas sa kanya?" tinanong ko naman siya tungkol sa pagdalawa naming dalawa kay Tella.
"h-ha? baka hindi ako makasabay sayo eh..." sabi naman niya. nagtaka naman ako dun.
"bakit naman?" wag niyang sabihin na pati siya may tinatago no?!! nginitian niya lang naman ako nun tapos pumasok siya bigla dun sa kwarto niya. napanganga nga ako nun eh?!! tamang hindi sagutin yung tanong ko?! badtrip naman oh.. hindi ko na lang naman yun pinansin... nagpahangin na lang ako... medyo mahangin nga sa labas kaya naman ang sarap sa feeling... tinext ko naman nun si Gigi na sabay kaming pumunta bukas kay na Tella kaso umaga siyang pupunta dun para bumisita kaya hindi rin ako makakasabay sa kanya... may pupuntahan daw kasi silang pamilya sa hapon so... solo flight pala ako bukas... ano ba naman yan?! pero okay na din yun... makikipagkwentuhan ako kay Tella ng mag-isa?!! hahaha.

pumasok na din ako sa kwarto nun. naligo muna ako nun at syempre, nagpalit ng damit. naisip ko naman na maglakad-lakad muna sa subdivision namin. nagpaalam naman ako kay papa... wala kasi si mama... inaasikaso yung bahay na pinapagawa nila Kuya Evans... grabe, kinacareer na talaga... pumayag naman agad si papa kasi dyan dyan lang naman sa tabi-tabi... so yun, dumaan ako dun sa tindahan nung pogi... bumili naman ako ng goya dun... dalawang piraso... ang gugulo pa nung mga katropa niya na nakatambay dun sa tindahan nila... nakaka-irita lang eh... nung paalis naman na ako sa tindahan nila, narinig kong sumigaw si kuya pogi..

"goodluck sa lovelife mo ate ha!!" nakangite niyang sinabi. inirapan ko lang naman siya pero napangite din ako nun. haha. ewan ko ba. natatawa lang ako sa mga tao ngayon. dumaan ako dun sa chapel. pumasok ako dun na parang first time kong nakapasok dun. then, umupo ako sa isang pew at nagdasal ako... ano nga bang idadasal ko??...

sana... maging maayos na si kuya Evans...
sana... sana po alagaan Niyo di mama, papa, Tami, Bojie, Gigi at higit sa lahat si Ver... sila yung mga tao na pinaka-iingatan ko...
syempre... sana po gabayan niyo si Ate Rits at yung tatlong mokong... please... sana wag Niyo ng kunin man lang ang isa sa mga kaibigan ko... okay na si Tella ang andyan... sigurado... akong masaya siya sa piling Niyo. Okay. Amen.

Tapos ang dasal ko. tumayo naman ako nun tapos lumabas ako dun sa chapel. naglakad ako nun papunta dun sa clubhouse kahit na tirik na tirik yung araw. nadaanan ko nun yung bahay nila Kuya Evans. may nakita nga ako dung matanda eh na nagdidilig ng mga halaman sa tapat nila... nung dumaan nga ako dun, grabeng makatingin sakin yung matanda eh... siguro gardener nila yun kaya hindi ko na rin pinansin... tumambay na lang ako dun sa parang stage dun sa clubhouse ng phase namin... syempre, kinaen ko magisa yung dalawang piraso ng Goya ko... wa-epek ata 'tong mga chocolate sakin ngayon... hindi man lang gumaan ang loob ko...

naglakad-lakad naman ako dun sa playground... medyo hindi na rin pala 'to naaalagaan no... ang dami ng dahon na nakakalat sa lupa... umupo ako sa isang swing dun... napatingala ako nun... ang ganda dun... dala ng mga puno na nakatayo dun ang malamig na simoy ng hangin... napapapikit ako nun... parang merong hangin na umihip sa tenga ko... naalala ko nun si Tella... lagi niyang ginagawa yun sakin eh... napamulat ako nun... at dun ko narealize na nawala na nga pala siya para gumawa nun... kaso may sensation na naman ako na may umihip na naman sa tenga ko... kinilabutan ako nun... ewan ko kung matatakot ako o hinde pero dahil dun, gumaan naman yung loob ko...

umalis na ako sa swing nun... nakita ko yung court kung saan may mga kalalakihan na naglalaro ng basketball... wala naman talagang importanteng tao kaya wapakels na din ako... parang wala na din akong magawa so napagpasyahan ko na ding bumalik sa bahay namin...

muli kong nadaanan yung bahay nila kuya Evans... nakita ko na naman yung matanda na gardener ata nila... nakalagpas na ako nun nung narinig ko na tinawag ako nung matanda...

"Miss!!" napalingon naman ako nun. "Iha? ikaw ba si Vher?" sa totoo lang, hindi naman talaga ako kumakausap ng strangers. nakakatakot kaya!! hindi ko kaya kilala yung lalakeng 'to kahit na medyo familiar yung mukha niya. hindi naman ako makapagsalita nun. "ayy sorry... by the way... I'm Evans' dad..." lumabas siya nung gate nila tapos lumapit siya sakin. nagulat naman ako dun na ang isang mayaman na tao, nagdidilig ng mga halaman?!! "you're Vher right??"
"uh...opo..." nakipagshake hands siya sakin then hinila niya ako sa loob nung terrace nila. nagulat nga ako dun. parang close kami ng tatay ni kuya Evans!?! Haha.
"pasok ka... dati pa kita gustong makilala..." dati pa?!! nawindang naman ako nun. binuksan niya yung pintuan para sakin then pinapasok niya ako. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. sobrang lawak nung bahay nila. at amoy na amoy mo na mayaman nga ang lahi nila. ang sosyal nung sofa at mga appliances. parang mas mahal pa kung ipagbebenta mo ang katawan mo sa mga sindikato. Haha.
"upo ka...iha?" speechless naman ako nun. nakanganga ata nga ako nun eh. haha. umupo naman ako dun sa sofa. kinabahan nga ako kasi baka masira ako. ang tongek ko din no?! haha. "Ate!!" tawag naman niya sa katulong nila.may babae naman na lumabas mula dun sa kitchen nila. "paghanda mo siya ng merienda..." nagulat naman ako dun.sumunod agad yung katulong niya. napatingin ako dun sa paligid ko. "sige... teka lang ha?? may gagawin lang ako sa taas..." tumango ako nun tapos ngumite ako then umalis muna siya. napatayo ako nun para makapagtingin-tingin dun sa buong sala...

meron akong natanaw na tokador na parang nag-caught ng attention ko... may nakita akong mga picture frames... puro family portraits lang... tapos picture ni kuya Evans na nasa hospital... bumilis yung pagtibok ng puso ko tapos parang kinilabutan ako... then napatingin naman ako dun sa familiar na sketch pad... sigurado ako na eto yung ginamit ni kuya Evans na sketchpad nung drinawing niya ako...

tiningnan ko yung mga first pages... nung una, parang mga sceneries lang... napatigil ako sa isang page... isang page na parang isang fresh memory sakin... sigurado ako na eto ay isang memory nung bata pa ako... napahawak ako dun sa papel... isang drawing kung saan bata pa ako at meron akong kausap na bata tapos basang-basa kami tapos parang pinapagalitan ko yung batang lalake na kasama ko dun... kinilabutan ako nun... eto yung nangyare nung niligtas ko yung buhay ni Ver... pero paano... paano niya madra-drawing 'to??

unti-unting nagsink-in sa  utak ko. naalala ko yung isa sa mga sinabi ni Kuya Evans sakin nung mga last week...

"uhm... crush at first sight... sa isang resort pero nakalimutan ko na kung saan...bata pa ako nun eh..."


paano kung eto yung ibig sabihin niya?? paano kung ako yun? naguguluhan na talaga ako ng mga panahon na yun?? nagflip ulit ako ng pages... halos wala namang kabuluhan yung iba... then, napatigil ako sa isang page... isang drawing ng isang babae na naka-sunday dress sa chapel... tiningnan ko ng mabuti yung babae na drinawing niya... then, nagrush yung mga memories sakin pabalik...

Flashback

Nagsisimba kami ng buong pamilya ko dun sa chapel nun. ang gandang panimula sa isang sunday morning. halos wala pa akong kamuang-muang sa mga nangyayare sa chapel na yun... basta ang alam ko eto na yung moment kung saan hahalik ako kay mama at papa... kumbaga... giving of peace... nagulat na lang lahat ng mga tao ng may narinig silang lalakeng nahulog sa sahig.... dun nagkagulo yung mga tao...

"anak??" yun yung sigaw ng isang lalakeng matanda na parang tarantang-taranta na makita ang isang bata na siguro malapit sa edad ko na nakahiga na sa sahig... napasilip ako dun sa mukha nung bata na hirap na hirap sa paghinga.... nakakatitig siya sakin... at ang nakakalito pa dun... ngumite sakin yung bata... kahit na hindi naman kami magkakilala...

End of Flashback.

What if kung siya yung bata na yun?? lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko nung muli kong naalala yung kadugtong ng mga sinabi sakin ni kuya Evans...

"... like at second sight... sa Chapel..."

ang bilis ng pagtibok ng puso ko nun... nagflip ulit ako ng pages nung nakita ko ang isang portrait ko na naka-school uniform... sigurado na ako na ako talaga 'tong babaeng 'to...

"love at first meeting... sa school..."

ang daming nagbabalik sakin na memories... naalala ko tuloy bigla yung unang paguusap namin sa gotohan..

"Uhm... Appreciative... Cute... Uh... Eyes? Okay na din kahit singkit... Braces? Okay na din kahit meron... Skin? Uh... Okay na din kahit morena..."
"Uh...ikaw? Okay na din..."

biglang tumulo yung luha ko nun. hindi ko din alam kung bakit... hindi ko na rin naman maintindihan yung sinabi ko... napalingon ako sa  likod ko nun then nakita ko yung daddy ni kuya Evans na nagpalit ng malinis na damit... pinunasan ko agad  yung luha ko nun... nakakahiya naman tapos binalik ko yung skecth pad dun sa tokador...

"nasilip mo na pala..." sabi naman niya sakin. frozen ako nun... nakita ko yung sarili ko sa reflection sa bintana... ang pula-pula na pala ng mukha ko... pinunasan ko ng kamay ko yung mukha ko... tiningnan ko ng diretso yung daddy ni kuya Evans... "solong anak ko yan..." he tried to smile pero kita sa mga mata niya na may mga namumuong luha sa mga mata niya. naawa ako sa kanya... ang sakit na malaman mo na mas mauuna pa sayo ang anak mo... "funny, isn't it?" bigla niyang sinabi. nakita kong may tumulo na mga luha dun sa mga mata niya. napatingin naman ako dun sa katulong nila na may dalang tray ng cookies ata pero hindi makalabas dun sa kitchen dahil pati siya eh pinipigilan yung pag-iyak... "my dying son has been in love with..."

triny kong i-catch yung breath ko nun... parang nahihirapan akong huminga nun... ang dami kong nalalaman... parang hindi kakayanin ng utak ko...

"...you..."

No comments:

Post a Comment