Friday, December 31, 2010

Chapter 37

Nagparty-party nun yung puso ko. nakakakilig talaga yung bawat ginagawa sakin ni Ver eh. nakakaloko lang lahat. haha. may balak nga ata akong gawin netong baliw eh... bawat titig pa lang niya, nakakabaliw na. Sige, ako na OA. Haha.

So yun, nagpatuloy naman ang kasiyahan namin. Parang kaming nag-date buong araw nun. Parang solo namin ang buong school na instant Enchanted Kingdom na ang dating. Dahil mapaglaro nga ang panahon, tila sobrang bilis nito. akalain mong, dismissal na namin. 5 pm pinauwi ng mga teachers yung mga estudyante. Aww, bukas ay boring part na. puro awards lang na wala naman akong pakielam. asa namang mapasali ako dun sa mga most beautiful, most friendly at kung ano mang most most chorvalu na awards. hindi naman ako sikat para mapasali sa listahan ng mga yun. haha.

sabay kaming umuwi ni Ver nun. akalain mo yung, halos isang araw ko na siyang nakasama, hindi pa din ako nagsasawa sa mukha niya. pero narealize ko din naman na never pa rin akong nagsawa sa mukha niya kahit na 8 years na kaming araw-araw na nagkikita.

traffic nun. meron atang banggaan dun sa unahan. mukhang nakikisali ang panahon ngayon sa mga hangarin ko ah. hangarin ko lang naman na mas makasama si Ver nun. mas lalo tuloy akong kinikilig. nakacling nun yung braso ko sa braso niya. parang pinagtitinginan kami ng mga tao dun sa jeep sa sobrang ka-sweetan namin eh! hahaha. pakielam ba nila. eto ang kasiyahan 'ko no! haha. mang-away ba?

so yun, sinamantala ko na ang oras na nun para sumandal dun sa kanang balikat niya. napapangite ako nun. sobrang kinikilig ako. ang bango bango niya. amoy baby! haha. grabe 'tong mga iniisip kong description sa kanya ah. napaghahalataan na akong adik na adik sa kanya. hahaha.

naramdaman ko namang lumapit siya sakin nun tapos bumulong siya.

"ikaw ha... chansing ka na..." pabiro niya binulong sakin. napangite naman ako nun tapos lalo kong hinigpitan yung kapit ko sa kanya. kinikilig talaga ako. kayo ba? kinikilig din? hahaha.
"oo... chansing 'to!" sabi ko naman sa kanya. halos hindi umuusad yung jeep nun kaya enjoy na enjoy ko naman ang bawat segundo ng pangyayare na 'to. haha. ang landi ko talaga!
"nakakahiya ka huy!" sabi naman niya sakin. sus, gusto din naman niya!
"bakit ba?" sabi ko naman sa kanya. wala naman akong pakielam sa mga sasabihin ng ibang tao. kung alam lang nila ang mga mangyayare sa mga susunod na araw... linggo... at buwan ng aking buhay... siguro, magagawa din nila 'to sa mga taong mahal nila kung sakaling mae-experience nila ang nangyayare sakin ngayon...
"wala lang... ang cute mo pala..." sabi naman niya. kinilig na naman ako nun. parang kaming miniature married couple nun. sobrang saya ko. akala ko hanggang pangarap at panaginip lang 'to, pero akalain mo ngayon, nagkatotoo na!! saan ka pa?! samin na?! Haha.
"Uh... Ver... anong maipra-promise mo sakin?" hindi ko alam kung bakit ko tinanong sa kanya 'to. siguro, gusto ko lang na marinig yung mga sweet words niya sakin.
"uh.. na kahit anong mangyare, mananatili ka sa puso ko..." tumingin siya sakin ng diretso nun tapos sobrang lapit nung mukha namin sa isa't-isa. napatitig ako at napangite ako sa sinabi niya.
"talaga?" tanong ko naman sa kanya.
"oo naman... mahal na mahal kita eh..." sabi naman niya. napangite na lang ako nun. nagsigh ako. narealize ko naman nun na parang hindi na ako makangite. naiisip ko kasi yung pag-alis niya. pinilit kong burahin yun sa isipan ko kaso ang hirap lang... naniniwala naman ako na mahal ako ni Ver... kaso parang... mas mahal ko siya eh... alam kong mali ang timbangin ang pagmamahalan ng isa't-isa... kaso hindi ko maiwasan na maicompare... parang kasing... hindi siya nasasaktan kung magkakalayo man kami pero eto ako... halos maubos na ang luha ko at halos sumakit na ang ulo ko kakaisip kung ano ang pwedeng mangyare sakin... samin... kapag umalis siya... hay nako...

umandar na rin naman yung jeep na yun. buti na lang. kakampi ko talaga ngayon ang panahon. parang anytime kasi, bubuhos na naman ang luha ko eh. buti na lang, umandar na yung jeep. bumaba na kami sa rotonda nun. nagtricycle kami papunta sa clubhouse. tahimik naming nilakad yung mga bahay namin. dumaan kami sa chapel at merong misa nun. dun ko naman nakita si pogi, gwapings at yung kabarkada niya na nagsisimbang tabi dun. mukhang naghahanap ng chicks. haha.

so yun, kumaliwa na din kami para makapunta sa bahay namin... pumasok na kami sa mga bahay namin... nagkakwentuhan kami ng kaunti ni mama nun... grabe, pukpukan daw sila sa trabaho... naka-40% na nga sila dun sa bahay eh... grabe, siguro sobrang taas ng pay nila sa labor... nag-shower naman na ako nun at nagpalit ng damit... umakyat ako dun sa kwarto ko... dahil sa sobrang pagod na din, hindi ko na rin naisipan na buksan yung pintuan ko na dating bintana... nakatulog na rin naman kasi ako kaagad...

Day 2. November 28. Foundation Week.


1:30 p.m din nung umalis kami ni Ver dun sa mga bahay namin. yehey! sabay na kami. kilig na kilig pa rin naman ako nun. hahaha. okay lang na corny ang araw na 'to, at least makakasama ko naman ang aking Silverio. ayy, tamang angkinin?! haha.

sumakay ulit kami syempre sa jeep nun. naka-akbay siya sakin nun tapos ako naman etong halos mahiga na sa katawan niya. ang sweet namin no? kulang na lang eh langgamin kami.

"i love you..." bulong naman niya sakin.may balak ata 'tong araw-arawin ang pagsasabi sakin ng i love you ahh!!
"hala... mahal na mahal mo siguro ako no?" pang-aasar ko naman sa kanya. tumango lang naman siya nun tapos nginitian niya ako. hinawakan ko yung kamay niya. grabe, bumibilis yung pagtibok ng puso ko. kami na pala no? kahapon lang... at yun ang pinakamasaya kong araw... "i love you too..."


mabilis naman kaming nakapunta nun sa school namin. nabitin tuloy ako sa lambingan namin! hahaha. joke!

so yun, pwumesto naman kami. bukas yung mga booths nun. mapapalayo ako kay Ver nun kasi duty ko nun. badtrip naman oh. gusto ko pa namang makausap si Ver nun. so yun, wala namang nagpapadedicate. sayang lang ang effort ko na magbantay dito sa booth namin. kasabay ko nun magbantay yung dalawang babae na hindi ko naman kaclose kaya super boring naman talaga. worst day ever... buti na lang andyan ulit si Ver para buuin ang araw ko... hahaha... halos antok na antok na ako...

hindi ko na nga namalayan na nagsisimula na yung pag-aaward... nagsimula sa mga award ng mga champion sa poster making, slogan making, paso making at kung anu-ano pang mga gawain na may making sa dulo... meron ding nagwagi sa mga spelling quiz bee, math quiz bee, science quiz bee at  kung ano mang uri pa ng insekto bukod sa bubuyog. then dumating na dun sa mga most most chuvereklabu... lalo naman akong walang pakielam dun.. dun ko lang naman narealize na isa si Kuya Evans dun sa mga nag-aabot ng mga awards... siguro, kasama siya dun sa mga moderators ng buong foundation week... hmmm... baka nga...

tinawag na nun yung most fashionable... jejemon award... most friendly... ms. and mr. killer smile... at kung anu-ano pa... kakornihan ba... marami pang sumunod dun ng biglang tinawag na yun Mr. Handsome...

"Christian Mark Roldan!!" maraming babae na naghiyawan nun. hindi ko nga kilala yung estudyante na yun eh pero feeling ko first year lang siya. mukhang madaming fans ahh. napatingin naman ako kay Tami nun na grabeng makatingin dun sa maputing lalake na umaakyat sa stage para kunin yung award niya... aba, kulang na lang maglaway 'tong kapatid ko aah!?!! haha. so yun, nagpalakpakan yung mga tao... nagkaroon ng picturan... hay gusto ko lang matulog eh...

"so for the Ms. Pretty award!!" sigurado ako na baka mapunta lang yan dun sa mga malalanding cheerdancers o di kaya dun sa mga babae dyan sa tabi-tabi na palaging nagmamaganda. haha.

"Ms. Caroline Miles Benitez..."

tooot...tooot...toot... parang nagmistulang tunog ng telepono yung pumasok na ingay dun sa tenga ko... mababa ata ang signal dito?! mali ata ang pagkakarinig ko?!! nakatingin sakin lahat ng estudyante tapos naghihiyawan sila... TEKA!?! TAMA BA 'TONG NARIRINIG KO?! tumingin ako kay Kuya Evans na nakatingin sakin... ano ba yan?!! kahapon pa akong napagtritripan aahh?!! haha.

tumayo ako nun at napilitan na umakyat dun sa stage... medyo nahihiya nga ako nun eh... napatingin ako kay Ver na nakangite sakin... nawala nun yung kaba ko... grabe, puro kakiligan na lang ang nararamdaman ko... ano ba yan... nakaharap ko naman nun si kuya Evans at binigay niya sakin yung trophy kung saan may nakasulat na Ms.Pretty Award... nagkaroon ng picturan at kung anu-ano... badtrip... hindi nga ako nangite nun eh.. haha..

"ganda mo ah.." sabi naman niya sakin. parang nanlamig ako nun pero at the same time nag-init din yung mukha ko.
"ang lakas ng trip niyo..." bulong ko naman sa kanila. sigurado ako na trip lang 'to?!! kaya ayoko ng day 2 ng foundation week eh. haha. badtrip lang. 
"pero di nga? maganda ka nga..." nginitian ko na lang siya nun tapos bumaba na din ako stage. balik naman ako dun sa duty ko na nun. ang awkward ng feeling... parang halos lahat ng tao nakatingin sakin... ganun na ba talaga kagrabeng lumevel-up ang beauty ko!? joke! haha.

nagkaroon pa naman ng kung anu-anong speeches at nakakaantok na mga remarks. then yun, pinaalalahanan kami tungkol dun sa Masquerade ball na gagawin namin bukas... ewan ko ba... pero medyo naeexcite naman ako dun... aba, bongga ang gown ko dun?!! color green... simple pero eleganteng tingnan?! haha.

lalapitan ko na sana si Ver nun para sabayan siyang umuwi kaso biglang lumapit sakin si Kuya Evans... may dala siyang maliit na tiara nun...

"ayy... nakalimutan kong isuot 'to sayo..." natulala naman ako nun. lumapit siya sakin tapos sinuot niya sakin yung tiara.
"whoa... so kailangan pa talaga nun?" parang medyo inayos niya nun yung buhok ko, parang kinilabutan nga ako... hindi ko alam yung dahilan...
"yup princess..." nung narinig ko yung word na princess, parang napatigil ako...

wala lang... hindi ko alam kung bakit... bumilis yung pagtibok ng puso ko pero at the same time, bumabagal din naman yung oras... naging awkward yung feeling ko bigla... hindi ko lang talaga maintindihan...

No comments:

Post a Comment