Thursday, December 30, 2010

Chapter 34

Parang tumigil yung buong mundo ko nun. nahihirapan akong gumalaw, huminga at makapagsalita. pretty much everything. nahihirapan ako na magrespond sa mga masasayang sinasabi niya sakin.

"magtatapos ako ng pag-aaral dun... dun na din ako magco-college..." gusto ko na umiyak nun sa harapan niya pero ayoko na makita niya akong naiyak. dahil baka ito lang ang maging dahilan ng pagback out niya sa mga pangarap niya.
"dun ka na talaga?" tanong ko naman sa kanya. nauutal-utal pa nga ako nun eh. parang gusto kong isipin na lahat ng sinasabi niya ay sana joke na lang. sana hindi totoo lahat ng sinasabi niya. ang sakit-sakit kasi na mahihiwalay siya sakin eh.
"ou naman pero syempre dadalawa naman ako dito..." ang saya saya niya nung sinabi niya yun. parang kinilabutan naman ako nun. tumaas yung bawat balahibo ng katawan ko. napatungo ako nun at hindi ko napigilang umiyak. pinunasan ko agad yung luha ko. "oh bakit ka umiiyak? hindi ka ba masaya sakin?"
"syempre, masaya ako para sayo..." tumingin ako sa kanya ng diretso nun pero nalulungkot lang talaga ako. "paano kasi kung makakita ka ng mas maganda sakin? ng mas sexy sakin? paano kung palitan mo ako? balita ko magaganda yung mga babae dun sa Canada eh!! papatayin mo naman ako sa selos eh..." hikbi ako ng hikbi nun tapos parang akong bata na inagawan ng laruan. lumapit siya sakin nun tapos hinawakan niya yung mukha ko at nginitian niya ako.
"ano ka ba? alam mo namang mahal na mahal kita... dadalhin kita dun... papakasalan kita dun... dun tayo titira..." kiniss niya nun yung cheeks ko. medyo gumaan yung pakiramdam nun kahit walang kasiguraduhan lahat ng mga pinagsasabi niya.
"ang tagal kitang hindi makikita..." sabi ko naman sa kanya.
"may facebook naman... may ym naman!! diba nagsasawa ka na din sa mukha ko?? 8 years na nga tayong magkasama eh!" sabi naman niya sakin ng pabiro. bigla akong napayakap sa kanya nun.
"eeehhh... mamimiss pa rin kita..." sinabi ko sa kanya na parang naging 8 years old ulit kami. humiwalay ako ng kaunti nun sa kanya. tiningnan niya yung mga mata ko.
"isipin mo na lang na hindi 'to para sakin... kundi para... satin..." nakangite niyang sinabi. ang sarap pakinggan ng bawat salita na binibigkas niya pero may sakit pa din sa bandang puso ko habang pinapakinggan ko yun.
"kelan ka aalis?" tanong ko naman sa kanya. baka mamaya next week na yan!! hindi ko kakayanin yun?!
"sa january ang flight ko..." nalungkot ako nun. halos dalawang buwan na lang pala. sana tumigil ang oras. ayaw ko ng mag-pasko. ayaw ko na ding mag-new year!
"ang lapit na nun?!" pagrereklamo ko naman sa kanya. niyakap ko ulit siya nun. pero humiwalay din ako pagkatapos ng ilang segundo. parang ngang natatawa na lang siya sakin eh. kung alam niya lang... totoo lahat ng sinasabi ko...
"at tsaka sa december... hindi na ako papasok sa school natin..." nanlaki yung mata ko nun. bakit naman pati pagpasok niya sa school mawawala?!?! yun na nga lang yung panahon namin na magkakasama eh...
"bakit naman?!" lumapit ako sa kanya nun.
"kailangan ko kasing maghanda eh... magho-home school muna ako pansamantala sa mga panahon na yun para makapagaral ako dun sa entrance exam sa Canada..." napaluha naman ako dun. buti na lang hindi siya nakatingin sakin. "ang alam ko kasi masyado silang advance dun... baka mahirapan ako dun sa entrance exam... dapat handa no?" saktong tingin niya naman sakin nun. lalo naman siyang lumapit sakin tapos lumayo ako sa kanya. "wag kang umiyak... baka mapaatras ako niyan eh..."
"ang tagal naman kasi eh..." sabi ko naman sa kanya. feeling ko tuloy ang selfish ko nun which is totoo naman talaga. selfish nga ako sa mga pananalita ko. niyakap ako ni Ver nun. napapikit nga ako nun. ang sarap kasi ng mga yakap niya eh. naramdaman ko naman nun na unti-unti na kaming napapahiga dun sa kama. ang awkward ng position namin nun. tapos hindi naman ako makagalaw... o siguro ayaw ko lang talagang gumalaw...

kinabahan ako nun. ang bilis ng pagtibok ng puso ko... paano kung biglang pumasok si mama?? paano kung makita niya kami ni Ver?? naramdaman kong gumalaw yung kanang kamay ni Ver nun... hindi ko na rin napigilan nun na magsalita...

"Ver... bata pa tayo..." sabi ko. humiwalay naman na sakin si Ver nun at umupo siya dun sa isang side nung kama ko. nakatawa pa nga siya nun eh. adik 'tong batang 'to?!!
"tungak... akala mo naman may gagawin tayo... yinayakap ka lang eh?!!" sinabi naman niya sakin. hinampas ko siya ng unan nun. napapatawa na lang ako. sorry naman?!! nakakabadtrip naman kasi yung posisyon diba?!!
"syempre!! a-ano ka ba?!" hinampas ko ulit siya ng unan nun. ayoko talaga ng napapahiya ako kay Ver eh?! Haha.
"hindi pa naman ako aalis eh... bakit ba mamadaliin pa natin?" tanong naman niya sakin. hindi ko alam kung seryoso siya dun o ano. bumibilis ulit yung pagtibok ng puso ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.
"b-bakit? pag-aalis ka ba? gagawin na natin yun?" tanong ko naman sa kanya. masyado pa ata kaming bata nun diba?!! hoy adik siya. papaliparin ko 'tong papuntang mars eh?!! nginitian niya lang naman ako tapos humiga siya dun sa kama ko.
"ewan... kung gusto mo... eh di okay lang..." napangite lang naman ako nun. humiga din ako sa kama ko tapos napasigh ako. hinawakan ni Ver yung kamay ko nun. pinakita pa niya sakin yung magkahawak naming kamay.  "i love you..." namula ako nun. hindi ko na rin napigilang yakapin siya na parang unan. natatawa na nga ako nun sa sobrang kilig eh.
"tabihan mo ako..." request ko naman sa kanya.
"sagot ka muna..." sabi naman niya. tiningnan ko yung mukha niya na nakangite sakin. kinikilig talaga ako. parang nakakalimutan ko na sa kaunting panahon eh iiwan niya din ako...
"i love you too..." yun ang huli kong sinabi sa kanya bago kami matulog. sana ganito na lang ako parati... sana wag na lang siya umalis... sana wag niya na lang akong iwan kasi hindi ko alam kung kaya ko...

kinabukasan, syempre nagising naman na ako nun. hindi ko na nakita si Ver nun sa kama ko. nataranta ako bigla nun. kinabahan ako.
"january pa naman ang flight niya ah! bakit wala siya?!!" bulong ko naman sa sarili ko sa sobrang pagkataranta ko. binuksan ko yung pintuan ko na dating bintana at nakita ko si Ver dun na nakatambay sa may bridge. feeling ko biglang naging kalmado ang puso at kaluluwa ko nung nakita ko siya.
"hala 'to... parang mawawala na ako ah..." linapitan ko siya nun tapos niyakap ko siya. natatawa na nga lang ako nun and sigurado ako na tinatawanan niya lang rin ako nun...

nag-almusal kami ng sabay sa bahay namin... nagkakwentuhan kami... nakakatuwa nga eh... siguro nga, baka hindi ko siya naiimagine as a prince charming kasi naiimagine ko na ngayon na siya yung magiging asawa ko... magpapakasal kami... magha-honey moon at magkakaanak...

busy naman si Ver nung araw na yun dahil nagpunta sila ng Manila nung mama niya. Sunday pa naman ngayon, hindi ko pa siya kasama. lalo tuloy akong nalungkot... lalo kong naalala na sa january ay alis niya na... ang tagal din pala naming magkakahiwalay no? pero kakayanin 'to! FIIGGGHHTTT!

nagsimba kaming buong pamilya sa Chapel nun. pagkatapos naman nung misa, hindi muna ako umuwi. tumambay muna ako dun sa playground na kaunting lakad lang naman mula dun sa chapel. ang lamig ng simoy ng hangin. sana madala na rin ng hangin etong mga sad thoughts ko... kung aalis man si Ver sa January... gusto ko bago siyang umalis... busog na busog na ako sa happy memories kasama siya... umupo ulit ako sa swing nun... napahawak ako dun sa kwintas na bigay sakin ni Ver... mamimiss ko talaga yung lalakeng yun... swear...

"Pst..." nagulat naman ako sa taong sumitsit sakin. liningon ko nun si Kuya Evans. nginitian ko siya at nagwave ako sa kanya ng hello. lumapit siya sakin tapos umupo siya dun sa isang swing sa tabi ko. "tambay ka na naman dito! wala ka na talagang ginagawa sa buhay mo no?"
"meron naman ah... ito nga... pagtambay..." nakangite kong sinabi sa kanya pero mabilis din namang napawi yung mga ngite kong yun. napansin ko naman nun na nakatitig sakin si kuya Evans.
"o-oh bakit?" napatanong tuloy ako bunga ng aking curiosity.
"may problema ka ba?" natigilan ako nun. ako? may problema? hay nako....
"wala naman..." pinilit kong ngumite kaso parang wa-epek naman sa pagtatago ng tunay na nararamdaman ko.
"sabihin mo na..." pagpupumilit niya naman sakin.
"ano... uh... natatakot lang ako..." sabi ko sa kanya. nagsigh muna ako bago sundan yung mga sasabihin ko. "sa kung ano mang pwedeng mangyare samin ni Ver..." gusto kong umiyak nun kaso triny ko talaga yung best ko na pigilan yung sarili ko.
"wag ka ngang ganyan... mahal na mahal niyo nga ang isa't-isa... impusible na paghiwalayin kayo... even death can't do that..." tumatak sa isipan ko yung sinabi yun ni kuya Evans. napangite na lang ako dun kahit na medyo hindi rin naman gumaan yung pakiramdam ko...

even death can't do that...


paulit-ulit kong naririnig yan sa kaluluwa ko, tenga ko at sa puso ko... sana ganun nga... sana kami na lang... pang-habang buhay...

No comments:

Post a Comment