Saturday, December 4, 2010

Chapter 1

Next Week ay pasukan na namin. Sophomore na ako nun. Kami naman ang mga bagong siga sa mga first years. Magkakaroon na rin kami ng chance na hindi mapagtripan ng ibang higher year levels. Nakakabitin yung bakasyon namin kaya nga sinulit na namin every minute ng natitirang buhay namin. Haha. Nag-enchanted kingdom ako kasama yung dalawa kong kaibigan.

Si Ver. Ka-nickname ko siya. Yung akin lang eh pinalanding version ng Ver. Haha. For long, si Silverio Ricardo Martin. Ang galing no? Mas matatanggap pang pangalan yung apilido niya kesa dun sa mismong first name niya na pang apilido naman talaga. Kababata ko siya. As in define. Pagkapanganak pa lang samin, bound na kami na magkakilala. Anak kasi siya nung ka-crew member ng tatay ko nung highschool. Aba, kung alam niyo lang dancer ang tatay ko. Kaso sa kasamaang palad, wala akong nakuha sa talent niya. Samantalang etong si Ver, nung nagpaulan ang Diyos ng kagalingan sa pagsasayaw, sinalo niya na lahat. Pati kaluluwa niya ata nakasalo ng talent na yun eh. Best friends kami. Pero at the same time, enemies na din. Hahaha. Basta kapag hindi ko siya nakikita, best friend ko siya. Kapag nakikita ko siya, kaaway ko siya. Palagi ba naman kasi niya akong pinagtritripan. Badtrip yung panget na yan eh. Hindi ko nga maintindihan kung anong nagustuhan ng mga kababaihan dyan. Heartthrob yan kaya nga sumikat ako as the `bestfriend`.

Yung isa naming kasama ay si Gigi. Bakla siya. Hahaha. John Gregory Stevenson. Siya yung naging bestfriend ko nung first day ko as a 1st year high school. Katulad ko, parehas naman kaming lokaret. Kaya nga nagkakasundo. Sayang at looks ng bruhong 'to. Gwapo pa naman. Gay nga lang.

10 pm na nun ng nakauwi ako sa bahay. Ang daya nga eh. Ang aga magsara ng EK. Sayang ang 500 sa ticket. Refuuund. Hahaha. Dahil hindi namann talaga ako masyadong napagod, binuksan ko agad yung computer. Kinuha ko yung DigiCam ko at yung USB connector nun. Malamang, sinaksak ko yung sa laptop ko. Nagbrowse ako ng mga pictures namin. Kahit tatlo lang kami nun, masaya pa rin.

Pumili ako ng picture namin na kaming tatlo ang magkakasama. Sayang, wala yung isa pa naming bestfriend. I'm missing her na :(

Kinuha ko sa ilalim ng kama ko yung Notebook slash diary ko slash scrapbook ko. Siguro, nacucurious kayo kung ano-ano ang mga nakasulat dito. Well, kahit hindi kayo macurious, sasabihin ko pa rin kung anong nakalagay dito. Haha.

Simulan sa unang page. Naka-paste dun yung pinakamaayos kong drawing nung Nursery ako. Dito ko narealize na may future ako sa pagdra-drawing. Narealize ko rin kung gaano ako kabaliw sa paga-uncover ng sarili kong fairytale love story. Nursery pa lang ako, marunong na akong manlandi. Hahaha.

Gusto ko kasi nun na makikilala ko si Prince Charming habang nakasakay siya sa isang puting kabayo na may pink at yellow na buntot. Kung paano magiging katotohanan yun, eh hindi ko alam. Hahaha. Tapos makakasayaw ko si Prince Charming sa isang garden na sobrang daming Flowers. Then, biglang maiiwan ko yung sapatos ko. O di ba? Parang Cinderella lang. Hahaha.

Sa sumunod naman na page yung mga pictures namin ni Ver. Ang cute naming dalawa oh. Sana hindi na lang kami tumanda. Well, naging best friend ko siya kasi sinagip ko lang naman yung buhay niya. Hahaha. Nung Summer din yun eh. Kasama ng pamilya namin yung pamilya nila na nagbakasyon sa isang resort sa Nasugbu. Naalala ko nun na sobrang busy akong tumitingin sa reflection ko sa salamin. Suot ko pa yung high-heels shoes ng mama ko. Mahilig kasi akong magmaganda. Mahilig akong mag-imagine ng isa akong Princess. Kaso nga lang umepal yung sigaw ni Ver. Pagtingin ko tuloy sa may dagat. Ayun, nalulunod na. Napilitan tuloy ako na lumabas nung cottage namin ng naka-high heels. Wala na kasi akong time na kumuha pa ng ibang tsinelas. So ayun, naligtas ko siya. Magaling akong swimmer. Tanda ng friendship namin yung sing-sing na binigay niya sakin. Dahil hindi na kasya sa daliri ko yun, ginawa ko na lang yung pendant. Palagi ko namang sinusuot. Hahaha.

Yung ibang pages eh memories lang naman. Natutuwa talaga ako sa mga naiimagine ko noong bata pa ako hanggang sa ngayon.

Grade 2. Gusto ko yung crush ko magiging ka-close ko. Tapos malalaman ko na may powers siya na kaya akong paliparin. Iniimagine ko nun na may magic carpet siya o something. Gusto ko din naman na pumunta kami sa outer space tapos iaalay niya sakin ang buong universe. Tapos gusto ko din na ipangalan niya sakin ang isang star. Pero gusto ko yung star, eh marerecognize ko. Gusto ko yung Polaris kasi hindi yun nagalaw. Ayoko na pahihirapan pa ako na hanapin yung star na nakapangalan sakin. Haha
Grade 3. Gusto ko ng sa isang gabi eh ako yung magiging pinakamagandang babae tapos bibigyan ako ni Prince Charming ng roses. Basta parang magiging princess ako. Tapos kapag nagkatouch yung kamay namin ni Prince Charming, may spark. Hahaha
Grade 4. Minsan ko ring naisip na maging makatotohanan. Gusto ko rin na palagi kong makakasama si Prince Charming. May something na magtutulak samin na i-tutor ang isa't-isa. Ang sweet nun diba? Nag-aaral kayo ng sabay tapos hindi naman maiiwasan na magkahawakan kayo ng kamay. Hahahaha
Grade 6. Okay din naman sakin yung magkakabunggo kami. Tapos sa una, magkakaway agad. Then magiging magka-close. Magkakatext kami at magkakachat palagi hanggang ligawan niya ako. Tapos maging kami na.
1st year Highschool. Ayos na din na makakasabay ko sa jeep yung gusto ko. Parang sa Jeepney Love Story. Tapos may something na mangyayare. Then, we will live happily ever after.


Prinint ko naman na yung picture na napili kong idikit dito. Then syempre, after nun kumuha ako ng glue at dinikit ko dun. Parang kulang yung picture ah. Kinuha ko yung shoe box ko. Dun kasi nakalagay yung mga ibang bagay na mahalaga sakin. Andun nga yung isang sapatos ni mama. Yung isa nawala na. Badtrip kasi si Ver nun. Nagpakalunod pa. Hindi ko na lang pinaalam ni mama na nawala ko yung sapatos niya. Hahaha. Quiet na lang kayo. Andun din naman yung ibang pictures. Punong-puno yun. Kumuha ako ng solo picture niya. Nung nahanap ko na yung picture na yun, I smiled. Dinikit ko yun sa tabi ng picture ko para kunware kasama namin siya nung nag-EK kami. Kahit naman anong mangyare, palagi naming kasama yung babaeng yun.

Sayang hindi niya matutunghayan yung fairytale love story ko, bakit kasi siya maagang kinuha ni Lord? Ipapakilala ko sa inyo yung isa naming best friend na si Cristella Marizze Mercado. Died on a car accident. Last 2 months lang.

Ang tanging babae na nagpaiyak kay Ver


First Love yan ng bestfriend ko. Hahaha. Dyan nga lang, natotorpe yung mokong na yun eh. Kgwapo-gwapo tapos kapag kaharap si Tella, wala ng masabi. Nakakaselos nga eh.


Teka. Sinabi ko ba yun?

Fine. May gusto naman ako kay Ver. Hindi naman siguro maiiwasan na magkagusto sa bestfriend na ganitong kagwapo diba? Pero hindi ko lang kasi talaga maimagine yung sarili ko na kasayaw siya. In short, hindi ko maimagine na siya ang magiging Prince Charming ko.

Ewan ko ba kung bakit. Impusible lang kasi. Tsaka siguro hanggang best friends lang naman talaga. Tanggap ko na yun. Hanggang ngayon naman, ang puso niyan para kay Tella pa din.

Kailangan pa siguro ng Genie o di kaya ng Fairy Godmother para lang main-love sakin si Ver. Eh hindi naman ako makakahanap nun ngayon. Hahaha.

Kalimutan na natin si Ver. Hindi siya ang prince charming ko, ok?

Ngayon lang ako naexcite sa pasukan. Sana dun ko na mahanap ang tunay kong prince charming :)

No comments:

Post a Comment