Wednesday, December 29, 2010

Chapter 30

Speechless ako ng mga oras na 'to. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. napahawak ako dun sa left side ng chest ko. ayaw ko maniwala sa mga sinasabi ng isipan ko sakin... ang hirap lang kasi talagang paniwalaan eh...

"nagkakamali po ata kayo..." ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito... pinipilit ko pa yung mga bagay-bagay kahit na obvious na sa mga paningin ko yung katotohanan. ang hirap kasing tanggapin eh... parang ang hirap mag-decide kapag ganito...
"no way..." sabi sakin nung daddy ni Kuya Evans. naluluha siya nun. gentle naman na naglakad yung katulong sa sala tapos linagay niya yung tray of cookies dun sa center table... naririnig ko nga yung mga sobs niya eh... siguro, matagal na siyang katulong dito at napalapit na rin siya ng husto kay Kuya Evans...
"si Ate Rits po talaga ang gusto niya... hindi po ako..." ewan ko ba kung bakit ko sinasabi 'to. napalunok ako nun.
"Margarette??" si Ate Rits yun. parang napaisip pa nung mga panahon na yun yung daddy ni kuya Evans... please let it be her... ayoko na mainlove sakin si kuya Evans... kasi baka madala ako ng awa ko sa kanya... nahihirapan akong huminga nun kahit na wala naman talaga akong hika... naninikip nun yung dibdib ko... dala siguro ng rush of emotions...
"opo..." triny ko pa din na magsalita nun kahit na hindi lang rush of emotions ang nararamdaman ko nun... rush of words din sa utak ko yung pumapasok sakin... hindi ko alam kung paano ko ieexplain 'to pero sa sobrang bigat ng problema na nalaman ko... parang pati ako nadadala eh... ganito pala yung nararamdaman ni Ate Rits noon... ganito pala kasakit yun...
"Margarette is a very good friend to Evans... sa totoo lang... parang magkapatid na yung dalawang yan eh..." lumapit siya dun sa tokador na pinakaeleman ko kanina. then meron siyang kinuha na picture frame na hindi ko naman masyado napansin kanina... nakita ko na picture yun ni Kuya Evans at Ate Rits... "This girl has a very charming smile..." nag-agree ako dun. sobrang ganda ni Ate Rits kaso parang wala lang appeal... parang may sadness kasi palagi sa mga mata niya eh... "pero ever since nung malaman niya yung tungkol sa sakit ni Evans, nag-fade na rin yung mga ngite niya..." nakita kong hinawakan niya yung picture na yun then gently, binalik niya yung picture frame dun sa tokador...tumingin siya sakin ng diretso nun... "That's why galit na galit sakin si Evans nun..."


kinabahan ako nun. ewan ko kung bakit. nagpatuloy ulit yung daddy ni Kuya Evans sa  pagsasalita. "Nabanggit ko kasi bigla kay Margarette eh..." nakita kong lumuha siya nun. "Kaya yun... ako ang may kasalanan..."

naka-feel ako ng awa dun sa daddy ni kuya Evans. ang sakit sakit talaga... 

"Ako rin palagi ang may kasalanan eh..." nagsigh ako nun... "Ako yung dahilan kung bakit nawalan si Evans ng will to live..." naiyak na siya nun. napapaluha na nga rin ako nung mga panahon na yun eh. ang sakit eh... tagos sa puso... "but the thanks to you..." nanlaki yung mata ko nung sinabi niya yun.
"po?" nagtataka kong tanong sa kanya...
"the moment he first saw you saved that boy... dun niya narealize kung gaano kaimportanteng mabuhay... alam niya na mamamatay na yung boy nun sa pagkalunod pero bigla kang dumating para iligtas siya... na-touch si Evans dun... and simula nun... pinangarap na niyang ma-meet ka..." nagpumilit sa ngite yung daddy ni kuya Evans... bumilis ulit yung pagtibok ng puso ko... wala akong ineexpect na ganito eh... "kaya thanks to you..."

nagreach-out siya sakin ng hand.. tinanggap ko naman yun at nakipagshake hands ako sa kanya... hindi ko alam kung bakit...

"thank you..." parang nalulunod ako sa pasasalamat nun. "thank you kasi binigyan mo ng pag-asa ang anak ko..." bumuhos na yung luha nun. nanlaki yung mata ko nun. "Nawala na sakin ang asawa ko ng hindi nakikita ang anak niya... ngayon naman... kung mawawala man sakin si Evans... gusto ko sana na masaya siya..."

Parang nadurog yung puso ko nung sinabi yun ng daddy ni kuya Evans. hiniwalay na rin niya yung kamay ko nun. grabe, awang-awa ako sa daddy niya nun... nawalan na siya ng asawa then ngayon... malalaman niya na mawawala na din yung solo niyang anak... ang sakit lang... sobrang sakit lang...

"I'm so sorry..." yun na lang yung nasabi ko. napatango lang naman nun yung daddy ni kuya Evans. nagulat naman kaming dalawa ng biglang bumukas yung pintuan papunta sa sala. sabay kaming napalingon dun.. nakita naming dalawa si Ate Rits...
"Margarette! So glad you're here!" nagpunas kaagad ng luha yung daddy ni kuya Evans nun. nagkatinginan kami ni Ate Rits nun tapos yung mga mata namin ay naglocked sa isa't-isa. yinakap ni Ate Rits yung daddy ni kuya Evans...
"so glad to see you din tito..." sabi naman niya dun sa daddy ni kuya Evans kahit na sakin pa rin siya nakatingin. parang naging back to normal yung mood nung daddy ni kuya Evans nun... parang patawa-tawa na nga siya nun habang ineentertain niya kaming mga bisita niya... siguro, masayahin talaga siyang tao... o siguro ginagamit niya lang yung pagiging masiyahin niya para matakpan lahat ng sakit na nararamdaman niya... bigla namang tumunog yung cell phone ni Mr.Javier kaya nag-excuse me siya samin para pumunta siya sa labas at sagutin yung taong tumawag sa kanya...

kaming dalawa na lang ni Ate Rits yung nasa sala nun... ewan ko ba kung bakit biglang nanlamig yung katawan ko...

"alam mo na ba?" parang walang emotion yung pagkakasabi niya nun...
"yung a-ano?" nauutal ako sa pagsasalita nun. nakakaramdam din kasi ako ng awa kay Ate Rits..
"yung tungkol kay Evans... yung tungkol samin... tungkol sainyo... tungkol sa kanila ng dad niya..." napatingin siya sakin nun. nakita kong lumuha siya nun tapos pinipigilan niya talaga yung luha niya. napatango na lang ako nun. unti-unti na din akong nalilinawagan nun. ang dami ko na ring mga bagay na naiintindihan...
"ang sakit no?" rinig na rinig ko yung mga sobs nun. "iniiyakan ko siya for 4 years... akalain mong kaya ko yun?" 
nagulat naman ako sa sinabi niya. "mahal na mahal mo nga talaga siya..." tiningnan ko siya nun then she replied me with a nod.
"sobra..." sabi pa niya habang natango siya. hinawakan ko yung kamay niya nun. "lika... puntahan natin yung kwarto ni Evans..."  nung una ay nagdalawang isip pa ako pero nagbago din naman agad yung isip ko... sumama ako sa kanya sa taas at pumasok kami dun sa pinakadulong kwarto... kinakabahan nga ako nun... hindi ko alam kung bakit...

binuksan namin ng dahan-dahan yung pintuan nung kwarto then nakita ko si kuya Evans na nakahiga dun sa kama niya tapos tulog siya at merong dextrose na nakalagay dun sa kamay niya... naluha ako bigla nun... ang hirap ng ganito... sobra...

frozen ako dun sa kinatatayuan ko na malapit sa pintuan. lumapit si Ate Rits kay kuya Evans ng may halo pang iyak... naawa ako nun... parang ayaw kong manuod... biglang niyakap ni Ate Rits si Kuya Evans na parang  last na yakap na yun para kay Kuya Evans...

binuksan ko gently yung pintuan tapos lumabas ako ng kwarto nun and hindi ko na ring napigilang umiyak...

bumaba agad ako dun tapos nagpaalam na din ako dun sa daddy ni kuya Evans na uuwi na ako... grabe, halos hindi na maubos yung luha na pwede kong ilabas... 

October 28. Tella's Birthday

Bumili ako ng bulaklak at candles nun para dumalaw kay Tella. Hapon ko ng naisipan na dalawin siya. ewan ko ba kung bakit. siguro, dahil hindi pa din ako  makarecover dun sa mga nalaman ko kahapon... dumating na din ang inaasam kong oras na pagdalaw sa kanya... 4 pm... naglakad ako papunta sa clubhouse tapos nagtricycle ako then nagpababa ako dun sa sementeryo kung saan nakaburol si Tella...

naglakad ako malapit dun sa puntod niya kaso bigla kong natanaw si Ver... gusto ko sana na lumapit pa kaso parang may nagpigil sakin... napasandal ako dun sa puno na malapit sakin at tinitigan ko yung ginagawa ni Ver dun sa puntod ni Tella...

may dala siyang tatlong roses nun... parang nadudurog yung puso ko nun... naalala ko bigla yung pag-amin ni Ver kay Tella noon... nahalata ko naman na umiiyak si Ver nun at may hawak siya na red ribbon na box... nagindian seat siya dun sa damuhan tapos binuksan niya yung red ribbon na box... nakita ko na ang laman nun ay isang slice of cake tapos meron siyang hawak na tinidor... nakita kong bumulong siya ng happy birthday dun pero hindi ako sigurado kung may pahabol pa ba yung i love you... ang bilis ng pagtibok ng puso ko... parang nasasaktan ako... hindi ko maintindihan...

napasandal ako dun sa likod nung puno tapos iyak ako ng iyak... feeling ko kasi nun wala ng natira sakin eh... feeling ko kasi hindi naman talaga ako mahal ni Ver eh... feeling ko kasi si Tella pa rin... nag-feeling kasi ako masyado eh... yan tuloy... feeling ko sobrang nasasaktan na ako...

kinaen ni Ver magisa yung cake sa harap nung puntod ni Tella. pinanood ko lang naman siya nun. halos 5 minutes lang yung tinagal niya nun then umalis na din siya. buti na lang dun siya sa kabilang gate dumaan kaya okay na din sakin... nung nawala na sa paningin ko si Ver, dun lang ako lumapit sa puntod ni Tella...

nakita ko na merong violet na candles at flowers dun sa gilid...siguro, galing kay Gigi yung mga yun... nakita ko naman yung three roses na linapag dun ni Ver... naiinggit ako nun... nagseselos ako... naiiyak ako... nagtirik ako ng kandila nun at naglapag din ako ng mga bulaklak tapos nagindian seat din ako sa harapan nung puntod niya...

"Tella... pusang galis ka talaga!!" iyak tawa ako ng mga panahon na yun."ang swerte mong baboy ka!!" bumuhos yung luha ko nun. "bakit parang ikaw pa din yung gusto niya?? bakit parang ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ka pa rin niya?? nakakainggit ka... sana ako na lang ikaw... sana ako na lang yung andyan sa pwesto mo ngayon para hindi na ako nasasaktan ng ganito..." nanginginig yung boses ko nun. "alam mo... hirap na hirap ako ngayon... yung kaibigan ko kasi baka sumama na rin sayo eh..." naalala ko nun si kuya Evans kaya lalo akong napaiyak. "Tella naman... sana andito ka ngayon... miss na miss na kasi kita eh..."

tinakpan ko nun yung mukha ko tapos wala akong tigil sa kakaiyak... nakaramdam naman ako ng ambon nun... kaso parang wala din naman akong pakielam nun... ewan ko ba kung bakit hindi na rin ako makagalaw... then after a few seconds, narealize ko na wala ng ulan na napatak sa ulo ko... tumingala ako nun at nakakita ako ng blue na payong...

tiningnan ko ang tao na naghahawak nun...


si Ver...

No comments:

Post a Comment