Thursday, December 23, 2010

Chapter 18

Hindi ko si rineplyan si Ver nun. Ang dahilan: Wala lang, tinatamad ako. Hahaha. Aasarin niya lang naman ako kay Kuya Evans. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya.  Mabara ko siya ng wala sa oras. So yun, successful naman ang reaction paper ko. Ang taas ng score ko, 93! Hahaha. Share ko lang ba! Then yun, feel na feel ko agad nun yung birthday ko kahit na August 22 pa lang ngayon. September 3 kasi birthday ko eh tapos ang dami ng nabati sa facebook ko. Hahaha. Paunahan pa eh no? Ang kulit nga eh bati sakin ng bati si Kuya Evans. Mukha timang lang eh. Nagpicture pa nga siya nun na may hawak siyang papel tapos may nakalagay na `Happy Birthday Vher! ^^`. Kinilig naman ako nun. As in, super. Halos, hindi ako makatulog nung araw na yun. Ang dami pa ngang nag-like ng picture na yun eh. Sus, kung alam lang nila na si Ate Rits naman talaga ang gusto ni kuya Evans! siya nga ba? Hahaha, bahala na nga lang!!

So ayun, halos parati ko namang kasama si Ver sa paguwi. Hindi tuloy namin maulit yung pagpunta dun sa ateng tindera na nang-asar samin ni Kuya Evans. Nakaka-miss si ate ah! Infairness. Hahaha. Saturday ngayon. Syempre, halos buong araw eh nakafacebook ako. Ganun lang naman ang takbo ng buhay ko. Wala akong kachat kundi si Kuya Evans. Palagi naman. Si Ver naman tuwing umaga ko lang nakakachat. Eh gabi ngayon si hindi ko siya kachat. Haha. Siguro puro DOTA siya. Well, buhay niya na yun. Basta masaya ako kay Kuya Evans. Haha.

Evans Javier → Vher! ;)
Vher Benitez → whut? ahehe :)
Evans Javier → ala lang :)
                         miss you ^_^
Vher Benitez → K :)
Evans Javier → sama kang stargazing? :)


So yun hindi ko pala nasabi sa inyo na sa September 4 eh meron kaming stargazing activity sa school namin. Sayang no? Hindi pa tumama sa mismong birthday ko! Hahaha. Nakakainis lang eh. Well, yun excited na ako dun. Kaso nga lang ang mahal. 1,500!! Over yun diba? Pero sigurado naman ako na mageenjoy kami dun. Parang camping yun pero astronomy ang field! O di ba, bongga?!!

Vher Benitez → yup! excited na ako :))
Evans Javier   Ako din eh!!
Vher Benitez   sayang hindi sakto ng birthday ko :|
Evans Javier   onga eh. ano gusto mong gift? :)
Vher Benitez   ipangalan mo skn ang staaaarr :) jokes!! Kahit ano po kuya ^_^
Evans Javier   nge. K :)
Vher Benitez   lol :)
Evans Javier  Love you! :*

Halos kilitiin yung puso ko nun sa sobrang kilig. Grabe. Hahahaha. Ang sarap magwala. Wooo. Gusto kong magsayaw nun sa kwarto ko kaso naisip ko na dapat akong magreply.

Evans Javier → Sorry. wrong send :) Para kay Rits yan. ahehehe

ARAY. BASAG

Evans Javier → Jokes! Para sayo talaga! ;)

Okay. Fully Recovered! Hahahaha

Vher Benitez   lol ule :)
Evans Javier → Aw :|
Vher Benitez → Why? :)
Evans Javier → I love You! ;)
Vher Benitez → K 
Evans Javier → Hmp? :|
Vher Benitez → I love You too :)
Evans Javier → Haha 

Woo. Landian ano? Kinikilig na talaga ako. As in hindi ko talaga napigilang mapatayo nun tapos as in nagtatalon pa talaga ako. Over na talaga 'to. Hindi ko nga alam ang irereply ko nun eh. Hahaha. Natatawa ko. Hindi matanggal sa mukha ko yung sobrang ngite. Napatingin ako dun sa pintuan ko na ngayon, naglevel up na yung bintana!, pero may bintana yung pintuan, gets niyo? Hahaha, so yun nga, napatingin ako dun. Nakita ko si Ver na nakatingin sakin na parang sinasabi niya na, ` baliw na ba 'tong best friend ko??` . Well, masaya lang ako dahil sobrang kinikilig talaga ako kay Kuya Evans ng bonggang bongga. Hahaha. Inirapan ko lang naman si Ver nun pero dahil dun, napagpasyahan ko na magbrb muna kay Kuya Evans. Ewan ko ba. Namiss ko ring kakulitan si Silverio. Hahaha.

Eh di yun binuksan ko yung pintuan ko. Biglang pasok naman 'tong si Ver sa kwarto ko. Grabe no? hindi na talaga nahiya. Hahaha. Bakit pa ba namin pinangarap yung bridge na yan oh?!

"Problema mo?" dinaan ko naman siya sa pagiging mataray ko. Hahaha.
"Wala. Mukhang kinikilig ka ah!" Tiningnan niya bigla yung chatbox namin ni Kuya Evans kaya naman nataranta talaga ako. Triny ko siyang pigilan nun. Hinihila ko nga yung kamay niya nun pero ayaw niyang paawat. Tapos binabasa pa niya ng malakas yung mga sweet talks namin ni kuya Evans. 
"I love you. smile. K. heart. Ang landi. Badtrip" Then, tawa siya. Ako naman 'tong pikon na sa kanya at halos sumuko na sa pagpigil ko sa kanya. "eto pa malupet. I love you too!! smiley. tapos Haha. heart. heart. heart" then tumawa pa siya ng sobrang lakas nun.
"Badtrip 'to! masyado kang pakielamero?!" sabi ko sa kanya. kainis lang eh.
"nakakatuwa nga kayo eh! ang lalandi niya eh hindi naman kayo..." napahiga siya dun sa kama ko tapos natawa siya ng mag-isa. badtrip talaga 'tong lalakeng 'to.
"eh hindi naman yan landian eh! friendly talk lang yan?!!" sabi ko naman in my very defensive voice.
"sus. friendly talk ka dyan?! eh hindi nga tayo nagkakaganyan?! ano yan?! dinaig pa ako ni kuya Evans?!" sabi niya nun pero hindi na siya natawa nun. biglang naging seryoso eh. ewan ko ba. sus tampururot lang 'to kasi akala niya inaagaw ni kuya evans ang papel niya sa buhay ko.... ang maging best friend... lang... best friend lang.... haaay nako. bigla naman akong tumabi dun sa kanya. wala naman na kasing malisya 'to kasi mula bata naman parang na kaming magkapatid kung magturingan. nakahiga yung ulo ko dun sa braso niya, mukha tuloy kaming lovers. Hahahaha. Joke!
"sus. selos ka lang eh!" pang-aasar kong sinabi sa kanya kahit na alam ko na hindi naman talaga.
"asa naman boy!" sabi niya sakin nun then wrinap niya yung braso niya sa leeg ko. parang sinasakal pero hindi naman talaga?! Hahaha. igets niyo na lang. ang sweet nga eh. tapos nun, yinakap niya lang ako. wala lang, siguro namiss niya ako kaya ganito siya kalambing ngayon.
"ehem..." sabi ko sa kanya kasi napapansin ko na rin yung closeness (literally) namin sa isa't-isa.
"5 seconds lang..." ngumite siya bigla pagkasabi niya nun. then, hindi pa naman tapos ang 5 seconds na best moments of my life sana, eh humiwalay na siya sakin tapos umupo siya sa kama ko. So yun, napaupo na din naman ako.
"lika. ibibigay ko na sayo birthday gift ko!" sabi niya sakin bigla then tumayo siya.
"ang aga pa ah!" sabi ko naman. ano ba, halos 3 weeks pa ata yung birthday ko diba?! Haha.
"tumayo ka na dyan. minsan lang 'to." hinila niya ako nun patayo. hindi narin ako nakaimik sa kanya dahil hinila niya na din ako palabas ng kwarto ko tapos pinagpaalam niya ako kay papa na pupunta daw kami ng bubong, masyadong mabilis yung mga pangyayare. hindi na rin nakaimik si papa sa sinabi ni Ver. Haha. Halos ako din eh hindi ko maintindihan kung anong klaseng disease ang dumapo ngayon kay Ver. Ang adik eh. Then, umakyat kami dun sa ladder na papunta sa bubong namin. Yung yung ginamit nila Josh, Gian at Prince nung nagpaulan sila ng styro. Haha. Then yun, atlast, nasa bubong na din kami. Andun kami sa medyo flat part, nakaindian seat kami pareho nun.
"oh anong meron?" pinagpag niya yung isang part ng bubong gamit yung kamay niya then humiga siya dun.
"higa ka..." sumunod na lang naman ako tapos tumabi ako sa kanya. pinanuod lang namin yung mga stars sa skies.
"minsan mo ng nasabi sakin nung mga bata tayo..." napatingin ako sa kanya. parang nag-spa sparkle yung mga mata niya nun. ang gandang tingnan. mas nakakatuwa pa siyang panuorin kesa dun sa mga kumikinang na bituin ngayon. "...na gusto mo na may isang tao na magaalay sayo ng buong universe... then any minute now, mapapasayo na yun..."
"ha? anong pinagsasabi mo?!" tinuro niya yung mga stars na parang wala namang nangyayare tapos biglang napansin ko na may mga mabibilis na ilaw na biglang nagfliflicker at naghuhulugan. ang ganda. sobra. napangite ako ng hindi ko napapansin. 

meteor shower...

napatingin ako ng wala sa oras kay Ver ng magulat na lang ako ng saktong pagtingin ko sa kanya ay sakto ng first time na paglapat ng lips niya sa lips ko. Halos, manlaki yung mata ko nun. Mas nagulat ako sa kiss kesa sa meteor shower. biglang napaupo si Ver nun sa sobrang gulat. hindi niya rin siguro expected katulad ko. ang tagal nung meteor shower na yun. ang astig pa kasi kitang-kita mo talaga with the naked eye.

"s-sorry... dapat sa cheeks lang yun kaso humarap ka... k-kaya..ano" nauutal niya pang pagkakasabi. halos stunned ako nun kasi hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. nakita ko siyang sumilip sakin tapos ngumite siya then sabay sabi ng "sorry... di talaga yun ang intensyon ko..."
tumango na lang ako nun. first kiss ko yun. tapos kay Ver pa. Hindi ko alam kung kikiligin ako. Napahawak ako nun sa labi ko tapos hindi ko napigilan na hindi mapangite. Grabe, of all times. ngayon pa. Parang fairytale. Parang hindi makatotohanan. May kinuha si Ver dun sa pocket niya. Yung digicam niya then he took a picture of me while watching the stars. Kita  ko pa yung flash nun.
"Ayun, nagustuhan mo yung gift ko?" tanong niya sakin.
"ano ba yung gift mo sakin? yung meteor shower o yung ano?" natatawa ako nung sinasabi ko yun. alam niya namang jinojoketime ko lang siya. Haha. nakita kong namula siya nun tapos nataranta siya kasi hindi niya alam kung anong gagawin niya.
"uh... syempre... yung stars?! diba sabi ko hindi naman talaga intensyon yun?! ang kulit mo naman eh?!" okaaay. nagiging katulad ko na siya. katulad kong defensive. Hahaha.
"sus. may gusto ka na sakin nun?!" nanlaki yung mata niya nun.
"IKAW?!" then tumawa siya ng sobrang lakas na parang joke ang magkagusto sakin. napasimangot nga ako nun eh. badtrip talaga 'tong lalakeng 'to. then, tumigil siya sa pagtawa at tumingin straight to my eyes.

"Oo..."

No comments:

Post a Comment