Thursday, December 30, 2010

Chapter 35

Pasukan na naman. nakakatamad na ngang mag-aral eh pero susulitin ko na ang mga nalalabing araw kong kasama si Ver sa school. nakakainis naman kasi siya eh. sa December, hindi na siya papasok. hay nako naman. mamimiss ko talaga yung lokong yun.

buti naman wala masyadong classes ngayon. pinagbigyan kasi kami ng mga teachers namin na magplano tungkol sa mga booths na gagawin namin. plus grade din sa values at mapeh yun no! haha. next week na din kasi yung foundation week namin. sa totoo lang, hindi naman talaga siya week. barbero lang talaga ang school namin. joke! haha. 3 days yung foundationg `week` namin. well, sa day 1 opening of booths. may program din at kung anu-ano pang shows. yun yung pinakamasayang araw kasi parang kang pumasok sa Enchanted Kingdom ng all-rides ang ticket mo. haha. sa day 2 naman, ayun naman yung pinakacorny. kasi parang papasok ka lang sa school ng hapon. bale 2 pm yun hanggang 5 pm. parang merong party na ewan lang dun. wala lang naman yun. dun ka lang aawardan kapag nanalo kang champion sa mga quiz bees. dahil hindi naman ako nakakasali sa mga ganun, wala naman talaga akong pakielam sa mga mangyayare sa second day. syempre, bukas pa rin yung mga booths dun. day 3 naman, halos wala kaming gagawin. closing program lang talaga ang dadaluhan mo dun eh. may party dun. last year, ang motif nung party namin eh kailangan may touch of violet yung suot mo. ngayon naman, pinabongga nila. Masquerade party daw dapat. at dahil dun, kanya-kanya naman kaming renta ng mga gown sa tabi-tabi. haha.

mabilis na natapos yung klase namin sa paghahanda para dun sa booths. dati pa rin namin napagplanuhan na gumawa ng dedication booth eh. so maglilikom na lang naman kami ng mga CDs nun eh. tapos hihiramin na lang namin yung gamit nung school kapag nagpapatunog sila sa school. okay na yun. halos wala kaming gastos, may plus grade pa! san ka pa diba?! haha.

chineck ko yung orasan ko. 3:30 p.m na pala. wala akong kausap. busy kasi si Gigi dun sa pagdedesign nung table na gagamitin namin para sa booth namin. dahil dakila akong tamad, hindi ako tumutulong. haha. ang sama ko eh! joke. so yun, wala naman kaming teacher. nagpa-meeting ata tungkol dun sa foundation week namin. sinamantala ko ang panahon na yun para lumabas ng classroom ko. nagulat naman ako ng nakita kong nakatambay din si Ver sa tapat ng classroom nila. nagkangitian kami dun. tinabihan ko siya sa pagkakaupo nun tapos sumandal lang kami sa pader.

"bakit ka nasa labas?" tanong ko naman sa kanya.
"wala naman kaming teacher eh..." sabi naman niya sakin. napatango na lang naman ako nun. tinitigan ko siya. naalala ko naman yung mga sinabi niya sakin nung isang gabi. bumilis yung pagtibok ng puso ko. parang gusto ko pa ring isipin na inaasar niya lang ako. gusto kong isipin na baka isang araw magugulantang na lang ako kasi bigla niya saking sasabihin na `april fools day`. pero hindi naman April, kaya hindi mangyayare yun. ano ba 'tong iniisip ko?! nakakabadtrip lang eh. hinawakan ko nun yung kamay niya. masyado na rin kaming naging sweet sa isa't-isa. napapansin ko yun. haha. kaya nga parang araw-araw, buong-buo yung araw ko eh.
"'aalis ka pa ba?" tanong ko naman sa kanya. ang selfish ko talaga. bakit ba hindi ko magawang maging masaya para sa kanya?!
"Vher naman... pinapaatras mo ba ako?" sagot naman niya sakin na parang tanong pa rin. binitawan ko na yung kamay niya nun tapos huminga ako ng malalim.
"hindi naman sa ganun..." sabi ko naman sa kanya. nakakalungkot naman kasi eh. paano kung sa huli hindi naman talaga kami?? hindi naman ako naniniwala na magiging succesful ang isang long distance relationship...
"alam ko na mahihirapan ka... tayo... sa paga-adjust... pero pangarap ko 'to Vher eh... sana maintindihan mo.." napatango na lang naman ako nun. kaso mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko nun. gusto ko na ngang umiyak nung mga oras na yun eh kaso narealize ko, palagi na lang akong umiiyak... feeling ko tuloy sobrang hina ko... hay nako.. "lika nga dito..." linapitan niya ako nun tapos yinakap niya ako ng sobrang higpit. "alam mo... gusto na kitang yakapin magmula ngayon... gusto kitang halikan ngayon kaso baka makita tayo ng teacher..." napatawa pa siya nun pati ako natawa nun eh. kinikilig na naman ako eh. haha. "pero di bale... pag nagkita ulit tayo... sisiguraduhin ko na mayayakap ulit kita... at syempre wala na tayo sa school sa mga panahon na yun kaya pwede na rin kitang halikan..." lalo ko siyang niyakap ng mahigpit nun. ilang segundo lang naman yung tinagal nun kaya humiwalay na rin siya sakin. iyak-tawa ako nun. mukha akong baliw. haha.
"loko ka talaga..." sabi ko naman sa kanya. nagkwentuhan lang naman kami nun hanggang dumating yung time ng dismissal namin. hindi ko na naman siya nun makakasabay sa pag-uwi dahil kakausapin siya nung adviser nila tungkol nga dun sa pag-transfer niya sa Canada...

nalulungkot ako na aalis na siya pero kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko na palapit na rin pala ng palapit yung araw na aalis din siya... wala akong kasabay umuwi nun... magpapaiwan daw kasi si Gigi para tumulong pa din dun sa booth namin... palibhasa, yung escort namin crush niya! Hahaha. magste-stay lang dun para makasimoy. landi talaga ng baklitang yun. hahaha. dumaan ako dun sa stairs nung kabilang building. bwiset kasi ako dun sa mga estudyanteng nagda-darts dun malapit sa stairs na dinadaanan ko pag-uwi. baka matamaan pa ako dun no?!!

paliko naman na ako nun ng biglang may mga narinig akong boses...

"Rits naman... bakit ba ayaw mo 'kong payagan na manligaw sayo?" hindi ko kilala yung boses ko nun pero sigurado ako na yung Rits na tinutukoy niya ay si Ate Rits. sumilip ako dun at nakita ko na may kausap si Ate Rits na isang third year din na lalake. matangkad yung lalake at halatang kakagamit lang ng gel para tumaas yung buhok niya.
"ang kulit kulit mo ah... kahit naman ligawan mo 'ko, hindi kita sasagutin..." wow. eh meron palang admirer 'tong si Ate Rits. ginamita ko lang yung pandinig ko para  malaman ko kung anong ginagawa nila dun. sana hindi nila ako mapansin diba?!
"baket?! dahil dun sa Evans na yun ha?! dahil pa sa kanya?!!" hindi ko narinig nun na sumagot si Ate Rits kaya baka siguro tumango na lang siya dun sa sinabi nung lalake.
"ano ba naman yan, Rits?!! alam mo namang mamamatay na yung tao pero minamahal mo pa din?!! sa tingin mo, anong mangyayare sayo kapag nawala siya?!! diba iiyak ka?!! maniwala ka na kase na bilang na yung araw ng Evans mo?!" nagulat ako dun sa sinabi nung lalake. sumilip ako dun sa ginagawa nila. sakto naman nung na nakita ko na sinampal ni Ate Rits yung lalake.
"ang kapal ng mukha mo para sabihin yan..." umiiyak nun si Ate Rits. nakita ko naman na may kasama pa yung lalake ng isa pang matabang lalake. nagulat naman ako ng biglang magsalita yung mataba...
"tol, may tao ata..." natakot naman ako nun. grabe, nakita kaya nila ako?!! bumilis yung pagtibok ng puso ko. sumilip ulit ako at nagulat ako ng makita ko si kuya Evans... siguro, hindi ako yung tao na tinutukoy nung matabang lalake...
"Evans?" narinig kong sinabi ni Ate Rits. sumilip na talaga ako ng bonggang-bongga nun. nakita kong galit yung expression ni Kuya Evans dun sa lalake na kausap ni Ate Rits.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" narinig kong tinanong ni kuya Evans.
"baket ba? ano bang pakielam mo?" ang harsh nung pagkakasagot nung lalake. nakita kong sinarado ni kuya Evans yung fist niya nun. napalunok naman ako nun. feeling ko nagkaakroon na ako ng adam's apple sa madalas kong paglunok. joke! haha.
"diba sabi ko sayo layuan mo na siya..." ang seryoso ng boses ni kuya Evans nun. parang naghahamon siya ng away pero bawal siyang magpagod!! baka makasama sa kanya.
"Evans, hayaan mo na kami dito..." sabi naman ni Ate Rits pero mukhang walang naririnig nun si Kuya Evans. nakita kong lumapit si Kuya Evans dun sa lalakeng may taas-taas na buhok.
"umalis ka na dito..." sabi ni kuya Evans dun sa lalake. halos magkasing-tangkad lang sila nung lalake pero mas mukhang basag-ulo yung kausap na lalake ni kuya Evans.
"bakit? anong gagawin mo?" saktong pagkasabi nung lalake yung mga salitang yun, nagulat na lang ako ng bigla siyang sinuntok sa mukha ni kuya Evans. bumilis yung pagtibok ng puso ko. pinanuod ko yung mga pangyayare. tumulong yung matabang lalake sa pangbubugbog kay kuya Evans. rinig na rinig ko naman yung mga sigaw ni Ate Rits para pigilan si Kuya Evans pero mukhang nabinge na ata siya nun. ang hirap panuorin kasi parang nararamdaman ko yung nararamdaman ni Kuya Evans ngayon. feeling ko yung lahat ng dugo ko eh umaakyat sa ulo ko. naiiyak ako nun. gusto ko na ding pumunta dun para pigilan sila kaso parang hindi rin naman makagalaw yung buong katawan ko nun.

nakita ko namang hinigit ni Ate Rits si Kuya Evans nun. parang ayaw pa ngang magpaawat nun ni Kuya Evans eh. paprang lalo pa siyang naghahanap ng away.

"Evans naman?! tumigil ka na nga?!" pagod na pagod na nun si kuya Evans. nakita ko siya na humawak dun sa left side nung chest niya. nakita kong nakatitig yung dalawang lalake kay kuya Evans.
"tol, lika na! baka malagot tayo dyan..." gusto kong basagin yung mukha nung dalawang lalake. kumaripas sila ng takbo nun para lang hindi sila masangkot sa nangyayare kay Kuya Evans. lalapitan ko na sana nun si Ate Rits at Kuya Evans ng narinig kong magsalita ulit si Ate Rits nun.
"Eh gago ka pala eh..." sinampal ni Ate Rits nun si Kuya Evans. medyo napansin ko naman na nakakahinga na rin ng maluwag nun si Kuya Evans. "hindi mo naman kailangang gawin yun... kung gusto mong makipagbugbugan... sabihin mo sakin... ako mismong maglalagay ng pasa sa  mukha mo!" naiyak na nun si Ate Rits tapos ang lakas lakas na ng boses niya habang pinagsasabihan niya si Kuya Evans. "anong gusto mong mangyare sakin?! gusto mo bang magpakamatay ako?! paano kung inatake ka kanina?! eh di sisisihin ko yung sarili ko?! gusto mo ba yun?!!"


bumilis yung pagtibok ng puso ko habang pinapankinggan sila. nakita ko ulit na sinampal ni Ate Rits si Kuya Evans. "sira ulo ka talaga... ipangako mo sakin na hindi mo na gagawin yun..." tumitig lang sa kanya si Kuya Evans nun. "kahit anong mangyare sakin, wala kang gagawin... kahit maholdap ako... basta  kahit ano... wala kang gagawin, maliwanag ba yun?"

hindi sumasagot nun si Kuya Evans. "bakit ba ayaw mo sumagot?! ginagawa ko naman 'to para sayo ahh!" nakita kong bumubuhos nun yung luha ni Ate Rits."ayaw ko lang naman na mawala ka sakin agad eh... hindi pa 'ko handa  na mawala ka sakin..."

biglang niyakap ni Kuya Evans nun si Ate Rits. tinitigan ko sila. bumilis yung pagtibok ng puso ko. "ako rin naman eh..." parang tumigil yung mundo ko. gusto kong marinig yung sasabihin nun ni Kuya Evans kay Ate Rits...

"ayaw ko ring mawala ako sayo... hindi pa rin ako handa.."

No comments:

Post a Comment