Friday, December 31, 2010

Chapter 36

Gusto ko sana lumapit nun sa kanila kaso narealize ko na kapag ginawa ko yun, magiging isa akong malaking epal sa kanila ni Ate Rits. Ramdam ko naman na narealize na rin ni Kuya Evans kung sino naman talaga ang gusto niya... halata naman na si Ate Rits talaga... siguro excuse lang ako para hindi siya gaanu masaktan kapag oras na para iwan niya si Ate Rits... si Ver kaya?? ano kayang nararamdaman niya?? ano kayang iniisip niya?? naiisip niya ba kung ano yung future namin kung sakaling maghiwalay nga kami sa dadating na panahon... kung tutuusin kaunting oras na lang at January na... minsan magugulat ka na lang pagkagising mo, ay eto na pala yung araw na kinatatakutan mo... hindi mo rin kasi mapigilan ang panahon ... parang yang nag-Christmas break ka ng panahon tapos akala mo may libre kang 2 weeks ng walang kaboringan pero nagmimistula lang na 2 days... parang pagkagising mo kinabukasan, mapapasabi ka na lang ng ayy, may pasok na pala... ganoon makipaglaro ang panahon sayo... kapag malungkot ka, ang bagal ng takbo nito... parang bang sadyang pinapahirapan ka... kapag masaya ka naman, ang bilis ng oras... parang sadyang binibitin ka...

lumipas ang ibang days... dumaan na rin yung exams namin... ayos lang naman... carry ko pa naman ang mga nakakamatay na terms na tinahak ko mula sa umpisa ng quarter na 'to. haha. o tingnan mo, sobrang bilis ng mga araw, foundation week na namin ngayon... syempre, suot namin yung batch shirt namin at jogging pants... handang-handa na ako nun... medyo excited na din ako eh... hindi ko alam yung dahilan...

Day 1. November 27. Foundation Week.


sabay kami nila Tami at Bojie nun. Excited din kami pare-pareho. Too bad hindi namin kasabay si Ver nun, nauna kasi siya dun at may gagawin pa daw siya... siguro sasayaw ulit sila ng F4... Hahaha... makasabi lang ng F4 no? akala mo naman kung sino silang kagwapuhan!

syempre, naglakad kaming papunta dun sa clubhouse then sumakay kami ng tricycle papunta sa rotonda at nag-abang kami ng jeep na papunta sa school namin. nakakita kami agad ng jeep. must be a lucky day no! haha... nagulat naman ako ng makasabay ko nun si Gigi... bongga ang baklang 'to... meron pang shawl na suot!! baklita talaga?!

"Bru?! lupet ng shawl ahh!" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Alam mo bru, ganyan na ang maganda..." sabi naman niya. natawa naman kami nila Bojie at Tami nun.
"nagmamaganda kamo!" sabi ko naman sa kanya. nagtawanan na lang kami nun. hindi na lang pinansin ni Gigi yung pang-aasar ko sa kanya. nagkwentuhan na lang kami tungkol sa kung anu-ano. nadiscover ko naman na may boyfriend na pala siya sa text... badtrip 'tong baklitang 'to!!? naunahan pa ako!! Haha. napapatawa na nga lang nun si Bojie at Tami eh... tapos etong si Gigi naman mukhang may pagnanasa kay Bojie?!! aba, wag ang kapatid ko no?!

ilang minutes lang naman ng sabay-sabay na kaming bumaba dun sa school namin... masaya ako nun kasi bukas pa ang duty ko dun sa booth namin... free day ako ngayon... duty naman ni Gigi dun sa telegram booth nila... eh 1 hour lang naman yun kaya halos isang oras din ako mawawalan ng kasama... nagstart na nun yung program.. inannounce lang naman yung launching of booths... kanya-kanya ang mga magbabarkada sa pagbisita sa bawat booths... astig nga eh... parang nagkaroon ng instant Enchanted Kingdom sa school namin... bongga?!! bumili ako ng cotton candy nun... syempre, kakaen muna ako pampalipas oras... umupo muna ako dun sa green na bench sa hallway nung first floor ng building namin... enjoy ako sa pagkain ng merong estudyante na lumapit sakin... sigurado akong kabatch ko siya kasi parehas kami ng kulay ng batch t-shirt...

"ate, from telegram booth po ako... meron pong sulat para sa inyo..." nagtaka naman ako nun. infairness, bumebenta ang booth ni Gigi. umalis din naman kaagad yung estudyanteng yun. binuksan ko yung letter.

Maghanda ka! :]

nagulat naman ako dun. may birthday party ba para paghandaan ko?!! nagulat ulit ako ng meron na namang isang estudyante na lumapit sakin at nag-abot na naman ng letter. halos hindi nga ako makapagsalita sa pagsulpot ng mga kabatch kong 'to. parang napagtritripan ako.

bubuhusan na kita
ng pagmamahal
ko :]

napangite ako nun. bigla akong kinilig eh. dun ko naman narealize na baka si Ver 'to. handwriting pa lang eh, mukha ng kinalaykay ng mga manok! joke! tumayo naman ako nun tapos nagulat ako ng biglang may dalawang lalake na napag-alaman kong si Josh at si Prince na hinila ako papunta sa second floor. 

"Josh?! Prince?! anong ginagawa niyo?!!" tanong ko naman sa kanila nung binitawan nila ako at dinala nila ako dun sa malaking bintana sa second floor ng building namin kung saan kitang-kita mo yung buong court.
"hindi kami si Josh at Prince?!" sabi naman ni Josh. natawa naman ako nun. mukha silang timang ah. umalis din naman sila nun at pumunta sa ibaba. aalis na sana ako nun kasi mukhang napagtritripan lang ako ng biglang tumugtog mula sa dedication booth yung kantang Your Song ni Ellie Goulding. naalala ko nun yung forst dance namin ni Ver. napatigil nga ako nun eh.

dumungaw ako dun sa bintana. akala ko makikita ko nun si Ver pero isang buong section ata ng mga estudyante ang nakita ko. meron silang hawak na parang white na cardboards. napapangite na lang ako nun eh. nasa wow mali ba ako?! hindi ko naman ineexpect na binalgtad nila yung cardboard... then, narealize ko na may message pala na pinapahiwatig yung mga taong yun... nabasa ko dun yung phrase na `tumingin ka sa likod mo`. napatawa naman ako nun. ako naman 'tong, biglang tumingin sa likod ko...

lalo akong napangite nung nakita ko si Ver..

"anong ginagawa mo?" tanong ko naman sa kanya. natatawa na lang talaga ako nun. okay lang kahit mukhang timang, sobrang sweet naman.
"recreating our fairytale love story..." biglang sagot naman niya sakin. lumapit siya sakin tapos hinila niya ako papunta dun sa gitna nung hallway ng second floor. napapangite na lang ako nun eh. parang joke lang ang lahat. medyo lumayo siya sakin. sa distansyang 5 meters mula sakin. then, nagstart din siyang maglakad ng mabagal papunta sakin.
"gusto ko... hindi pa daw tayo magkakilala..." sabi naman niya habang naglalakad siya papunta sakin. napapangite na talaga ako nun. total laughtrip talaga. lumapit na siya sakin nun tapos binunggo niya ako intentionally. "tapos mabubunggo kita... tapos magagalit ka..." napapakagat ako ng labi nun sa sobrang kilig. "eh kunware daw sobrang yabang ko tapos papatulan kita..." hinawakan niya nun yung kamay ko. "tapos sa una, hindi tayo magkasundo pero dadating din yung panahon na nadevelop din tayo sa isa't-isa..." tuloy pa din yung pagtugtog nung kanta nun. bumibilis din yung pagtibok ng puso ko. pinipigilan ko pa yung ngite ko. nakakahiya kasing magpakita sa kanya ng kakiligan. "tapos liligawan kita... magiging tayo agad... at wala tayong problema kasi gusto din naman natin yung isa't-isa..." hinawakan niya yung kamay ko nun tapos hinila niya ako pataas ng 3rd floor. narinig ko yung hiyawan ng mga tao. kinikilig na talaga ako nun. nagulat naman ako ng merong nagsabit sakin ng belo nun tapos merong estudyante na nakadamit pari dun sa gitna ng hallway ng 3rd floor.
"oh ano naman yan?" natatawa kong tanong. hinigpitan niya yung pagkahawak niya sakin nun.
"papakasalan na kita..." sabi naman niya sakin. jinoketime naman ni `kunwareng pari` yung pagbasbas samin as husband and wife. halata namang joketime lang talaga ang lahat. lalo akong natawa nung nakita ko si Prince, Gian at Josh na naiyak pa daw.

"big boy na talaga ang baby boy natin!!" kunware pa silang naiyak nun. tawa tuloy kami ng tawa ni Ver nun. 5 minutes lang nagtagal yung marriage namin kunware sa marriage booth. parang nag-iba nga yung scene nun eh kasi parang segundo lang ang nakalipas nung iligpit na agad nung mga students yung pang-kasalan na mga gamit.

tumitig lang sakin si Ver nun at hawak pa rin niya yung kamay ko. narealize ko din na wala na din sila Prince nun. parang naglaho na lang bigla ahh. galing nun. Haha.

"oh tapos na ba?" tanong ko naman sa kanya.
"bakit? nabitin ka ba?" parang nag-aalala siya nung tinanong niya.
"hindi ah... malay ko ba kung may pasabog ka pa... baka maging panira ako sa mga plano mo... kelan pa ba kita pwedeng sagutin?" nakangite kong sinabi sa kanya. medyo feel ko naman na naintindihan yung sinabi ko nun.
"kung gusto mo ngayon na!" sabi naman niya sakin. tumango lang ako nun. bumibilis pa rin yung pagtibok ng puso ko. hindi ako makapaniwala na kami na... 

kami na ni Ver nung mga oras na yun...

"i love you..." bulong ko naman sa kanya. hindi ko alam kung tama bang sagutin ko siya kung alam ko namang malapit na rin ang panahon na iiwan niya ako... hindi kaya masaktan lang ako lalo neto...

"i love you too..."

No comments:

Post a Comment