Saturday, December 4, 2010

Chapter 3

Puro orientation lang naman yung mga nangyare nung first day. Syempre, nakilala na namin yung mga teachers na bago naming katatakutan. Nagkaroon din kami ng bagong seating arrangement. Sa kasamaang palad, napalayo ako kay Gigi. Ang panget pa ng katabi ko. Hahaha. Joke.

Excited naman ako na mag-lunch dahil kasabay namin ang fourth year sa mga oras na yun. Sophomore ako. Senior siya. Mapapansin kaya niya ang katulad ko? Mas marami namang magaganda dyan sa tabi-tabi. Medyo nawawalan naman ako ng pag-asa nun. Natanaw ko agad siya nun. Triny ko yung best ko na magpapansin sa kanya ng pasimple. Tulad na lang ng pagtabi sa kanya habang nakapila sa bilihan ng canteen. Pero hindi effective eh. Hay nako naman.

Tapos na kaming bumili ni Gigi ng pagkaen. So sunod na step ay maghanap ng upuan. Punuan sa canteen nun. Badtrip. Walang bakanteng upuan. Ayaw naman naming maki-upo sa mga nerd mula sa first sections. Mapagkamalan pa kaming mga geeks. Haha. Ayaw din namin sa mga emo people dun sa may tabi. Grabe, parang nababalutan sila ng kung ano mang itim na enerhiya. Ayaw din naman namin dun sa long table ng pinagsamang pwersa ng Basketball Varsity Boys at Cheerdance Varsity Squad. Punong-puno yun ng mga malalandi at mayayabang na tao. Andun nga ang akong magiting na best friend slash enemy na si Ver. Member kasi siya ng Basketball Varsity. Naaninag ata kami netong si Silverio kaya naman kumaway siya samin. Pinahayag niya samin na dun kami umupo sa long table na yun. Which is Epic Fail para sakin. Siguro kay Gigi, ayos lang dahil mga ka-close niya din mga tao dun. Eh ako? Wala. Tepok. Ramdam ko na ang pagiging out-of-place ko sa grupong yun.

Which is true. Napilitan kami... okay... disregard na natin si Gigi... Ako na lang... Napilitan ako na umupo kasama yung mga ugok na tao katulad nila. Kung anu-ano pinaguusapan nila. Mga Non-sense. Pinaguusapan lang naman nila yung HS Ball sa Friday. Naeexcite lang sila dahil muling ibabalik ng school yung HS Ball na yun. Masaya sila dun. Malamang. Oras na yun na makahanap ng syota o kalandian. Yan naman ang mga gusto nila. Badtrip.

Nakita ko naman bigla si Kuya Evans. May kasama siyang tatlong lalaki. Mga gwapo din. Pero lutang na lutang pa rin yung itsura niya. Nakareading glasses siya nun. Tapos hawak niya ang isang tinidor gamit ang kanang kamay niya habang ang mga mata niya ay focus na focus sa isang libro. Ang seryoso niya. Ang cute niya. Dun naman sa gilid niya eh may nakita akong bola ng volleyball at isang pair ng sapatos. Wow. Matalino na nga. Marunong pang mag-volleyball. Siguro, naglalaro nga siya nun. Wala lang akong napapanood na laro niya. Seriously, hindi naman ako active sa panunuod at pakikisali ng mga party, o kung ano mang program na ginagawa ng school. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ngayon, mag babagong buhay na ako. Hahaha.

"Hoy Vher. Tulala ka na dyan." Back to reality na naman ako. Bwiset 'tong si Ver. Kahit hinde. Hahaha. "Ang tahimik mo dyan ah. Narealize mo na ba na may gusto ka na agad sakin?" Nagtawanan naman yung mga kasamahan niya.
"Ay Ver! Nakakatuwa naman yang joke mo. Ha ha ha" Napakasarcastic ng tono ko nun. Isabay mo pa ang pang-iirap ko sa kanya. Taob si Silverio. Haha.
"Ang sungit talaga eh. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan" Nagtawanan na naman sila. Talagang ba dapat tumawa sa bawat statement ni Ver. Porke't sikat siya dito, nagpapakaalipin na sa kanya yung ibang tao. Akala naman nila na kapag sumama sila sa sikat, sisikat din sila. Duh. Si Ver pa pinili nila. Hahaha.
"Oh talaga? May balak ka ba talagang asarin ako? Nakakainis ka na kasi. Nakakawalang ganang kumaen tuloy" Nababadtrip lang ako sa kanya. Masyado kasi namang malakas ang trip eh.
"Alam niyo guys, kung hindi lang masungit 'tong si Vher, matagal ko na 'tong linigawan" Lalong nagtawanan yung mga katropa niya. Pero para sakin, parang may biglang malaking bato na sumagi sa puso, utak at kaluluwa ko. Parang siyang nag-unleash ng isang striking sentence. Tumagos talaga. Tumawa din naman siya nun.
"Yun ang joke 'tol! Nice one" Bumanat pa 'tong si Prince na best friend din ni Ver pagdating sa tropa. Nagtawanan ulit yung buong tropa. Seriously, ganun ba talaga kabenta ang joke ni Ver?
"Wow. Nakakatawa naman yang joke mo"
"Sus Vher. If I know kinikilig ka naman" tiningnan niya yung mga mata ko ng diretso. Sa ganitong pagkakataon, wala akong mood na makipagtinginan sa kanya. Dahil baka lalo akong... ma-you know. Okay. Fine. Baka mahulog ako pero sa sobrang inis baka mawalan ako ng puso dahil baka mapatay ko na siya. Badtrip.
"Ang yabang mo talaga Ver. Nakakapikon na." Tumayo ako nun tapos iniwan ko yung pagkaen ko then umalis ako mula sa table nila. Nababadtrip na talaga ako eh. Parang akong napagtripan.
"Bru! Wait!" tawag naman sakin ni Gigi. Liningon ko siya.
"Dyan ka na lang muna Gigi. Hot ka naman eh. Siguro kailangan ni Silverio ng heat galing sayo. Sobra na kasi yung hangin sa katawan niya" Palabas na ako nun nung sa pintuan ng canteen ng biglang sumigaw si Ver.
"Ver! Eto linoloko ka lang"
"Sa tingin mo ba nakakatuwa?"
Tumahimik naman silang lahat nun. Inirapan ko na lang siya nun tapos lumabas agad ako ng canteen. Nababadtrip talaga ako. Ayoko kasi ng joke na ganun. Ang masama pa, kay Ver lahat nanggagaling yung mga jokes na yun. Kung alam ko namang totoo yun, magiging masaya ako. Pero hindi naman eh. Ayoko lang talagang umasa.

Halos wala naman kaming ginawa nun. Malamang, first day pa lang naman eh. Nagdaldalan lang naman sila. Nanahimik lang kasi ako. Bigla akong nawala sa mood. Kahit nga na isipin ko si Kuya Evans, hindi effective eh. Dismissal na rin nun. At last, nakasurvive sa unang araw.

"Bru. Tara. Sabay na tayong lumabas."
"Ay Bru. May kulang pa sa mga libro ko eh. Pupunta muna ako sa library. Una ka na lang."
"Sige Bru. Ingat ka ha? Text na lang tayo."
"'kay..."

Umalis naman na siya nun. Kulang pa kasi ako ng Biology book nun kaya kailangan ko pang pumunta sa library para i-follow up yung kulang kong libro. So yun, madali lang naman yun. Kaunting pirmahan lang at unting chikahan sa librarian, eh solve na ang lahat. Hindi ko pa feel umuwi nun kaya tumawid naman ako dun sa isang building. Andun yung mga fourth years eh. Dumaan ako sa second floor ng building na yun. Nakita ko si Kuya Evans na nasa loob ng classroom ng Section A.

Napanganga naman ako nun. Wow. Gwapo na nga. Matangkad na. Malakas ang appeal. Matalino. Sporty pa. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman siguro mali na magka-crush sa kanya diba? Crush lang naman eh. Haha.

Pasimple naman akong nagti-tip toe para lang maabot yung bintana sa pintuan. Dun ko kasi siya nakikita eh. Ay, kinikilig ako. Ang cute ba naman. Gusto ko siyang makausap. Haha. 

Triny ko namang tumalon nun para makita ko siya kahit na ilang segundo lang ako na nakalutang. Napapangite naman ako. Ako na malandi. Haha. Parang ayoko pang umalis nun kaso baka mahuli niya ako. Paalis na ako nun ng biglang may tumawag sakin.

"Vher?" Sos. si Ver lang naman pala.
"Oh?"
"Bakit ka andito? Sinong tinitingnan mo dyan?" Nagtip-toe din naman siya para tingnan yung tao sa loob nung classroom. Nataranta naman ako nun dahil si Kuya Evans lang naman yung nasa kwartong yun.
"Uh... Wala... Wag mo ng alamin..."
"Oh. Andun sa loob si kuya Evans! Makausap nga" Sinabi niya habang nasilip siya dun sa pintuan. Magkakilala sila? How come na parang ako lang ang hindi nakakakilala kay Kuya Evans?! Napaka-out of place ko talaga sa school na 'to.
"Wag na!" Feel ko naman na nagblush ako nun. Hindi ko alam kung dahil ba kay kuya Evans o baka dahil kay Ver. Hahaha. Napatingin naman sakin si Ver nun.
"Bakit? May gusto ka kay kuya Evans?"
"Grabe naman 'to. Gusto agad. Crush lang naman no? Ka-close mo?"

Napangite naman nun si Ver tapos bigla niya akong inakbayan then naglakad kami para bumaba na dun sa stairs. Badtrip. Nilayo pa ako sa prince charming ko. Haha

"Parang kanina galit na galit ka sa kin, tapos ngayon na nalaman mong kaclose ko si kuya Evans, bigla kang bumaet. Tapos na ba yang dalaw mo?" Lagi na lang na may pang-asar 'tong si Ver.
"Dalaw ka dyan?! Badtrip lang talaga ako sayo kanina! Paano ba naman napakayabang mo?! Badtrip"
"Ngayon mo lang nalaman?" Sabay tawa naman siya."Babawi na lang ako sayo"
"Oh sige, ilibre mo ako ng pamasahe sa jeep.."

Lumabas na kaming ng gate nun. Grabe, nakalimutan ko si prince charming ko. Hahaha. So habang naghihintay ng jeep, naguusap pa din kami ni Ver. Kapitbahay ko lang 'to eh. Kaya masanay na kayo na sabay kaming nauwi. Haha.

"Ang swerte mo naman. Ano ka chicks?"
"Akala ko ba babawi ka?" Ina-unleash ko na ang buong pwersa ng convincing powers ko para lang pumayag siya na ilibre niya ako ng pamasahe ko sa jeep.
"Wag na yung ganun. Sasamahan na lang kita bukas"
"Ha? Saan?" May pupuntahan ba ako?
"Sa panunuod ng practice ng Volleyball varsity sa court. Nakakahiya.naman kung si Gigi ang kasama mo. Sige ka, baka agawan ka nun" May point siya dun. Napansin ko naman na ang tagal ng walang dumadaan na jeep. Badtrip.Wala bang Hi-way dyan? Puro complex eh. Hahaha.
"Sige. Bukas ha!"
Linagay niya naman yung kaliwa niyang kamay sa ulo ko. 

"Para ka talagang bata." Tapos ngumite siya. AYY Ang cute :) Hahahaha.
"Eto mang-aasar na naman...Ang tagal...Walang jeep...Badtrip" Bigla naman siyang nag-check ng bag niya. Then, may nilabas siyang Snickers mula sa bag niya. Then, inabot niya sakin.

"Oh yan. Pampatagal badtrip" *smile*

Na-touch ako dun. Siya lang ang tanging tao sa mundo na may alam na isang chocolate lang ang katapat ng badtrip at kalungkutan sa buhay ko. Pero hindi niya alam na its not just the chocolate that makes me feel better. Its also him :)

No comments:

Post a Comment