Sunday, December 19, 2010

Chapter 9

Inistretch out ko yung kamay ko. Alam mong peke lang yung snow kasi texture at isang tingin mo lang eh styro lang naman talaga na maliliit yung nahuhulog but still, ang sweet. Bumukas yung kurtina mula dun sa bintana ni Ver. Hawak niya yung DigiCam niya then pinicturan niya ako habang nakastretch yung kamay ko dun sa snow(kuno).

Tiningnan ko yung taas. Dun ko nakita si Josh at Gian sa may bubong at naghuhulog ng mga styro. Andun din si Prince na may hawak ng blower para pampadagdag effect.

Napatawa naman ako dun kasi nataranta pa yung tatlo dahil nakita ko daw sila. May bigla namang nagflash. Napatingin tuloy ako kay Ver na pinicturan na naman ako. Haha. Masyado na talaga akong maganda.

"Ang adik. Kunwareng snow" Ngumite siya nun. Mukhang nauubusan na din sila ng ihuhulog na snow kaya bumaba na yung tatlong alipores ni Ver. Meron kasing mahabang hagdan dun eh. Kaya sa first floor muna naman ang bagsak nila. Haha.
"Nagustuhan mo ba?" Nagtake ulit siya ng picture. Hinarang ko yung mukha ko pero nagte-take pa rin siya ng picture. Ang adik eh.
"Wait. Time out! Gaganti ako!" Kinuha ko agad yung camera ko mula sa lalagyanan. Hindi naman talaga ako nagpatalo. Pinicturan ko siya ng bonggang bongga. Ayos. Kahit anong anggulo, ang gwapo. So yun, joined forces naman kami ni Tami sa pang-aasar sa mga stolen shots ko kay Ver.
"Burahin mo yan! Ang panget ko dyan eh!" Triny niyang abutin pero hindi niya talaga keri. Haha. Nag-apir pa kami ni Tami nun habang trinitrip namin si Ver. Ang kulet lang eh.
"Ang cute cute mo nga dito?! Okay lang yan" Tinawanan ko naman lalo yung picture niya na cute naman talaga pero basta. Haha. Gamit naman ang peripheral vision ko nakita ko na nakatitig siya sakin tapos iba yung ngite niya. "Bakit ka ganyan makatingin?"
"Wala..." Nakangite niyang sinarado yung kurtina niya. Mukha lang siyang timang eh. Sinarado ko na din yung kurtina nun. Then, binuksan ko agad yung computer. Kinuha ko yung USB connector para magprint ulet ng picture.
"Alam mo ate, bagay talaga kayo ni Kuya Ver?!" Nagulat naman ako sa kalandiang sinabi ni Tami. Haha. Ngumite lang ako then prinint ko yung isang picture ni Ver. Syempre, yung picture na pinagtatawanan namin. Mukhang timang pero ang cute eh. Haha. Kinuha ko yung notebook ko na sobrang importante. Pinaste ko dun yung picture. "Honestly ate! Pwede nga kayong magkatuluyan?!"
"Hala Tami... naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Kumuha ako ng pentel pen and nagsulat ako ng caption. `Tamang Snow sa Pinas :* XOXO By: Bestie Verrrrrr`. Yan yung linagay ko. Tinitigan ko pa yung picture. Ahuuuy. Masyado akong kinikilig. Haha.
"Ate, imagine ha?! Ang tagal niyo ng magbest friend... hindi pa ba mahuhulog niyan si kuya Ver sayo?" Sinarado ko yung notebook then tinago ko ulit sa ilalim ng kama ko.
"Nope..."
"Ano ba yan ate?! Ikaw lang naman ang nagsasabe na may gusto siya kay Ate Tella eh?! Sinabi niya ba sayo na si Ate Tella gusto niya?"
"Hindi... eh pero halata naman yun Tami..."
"Alam mo kung bakit hindi niya sinasabi sayo kung sino gusto niya? Kasi ikaw naman talaga ang gusto niya..." Tumayo si Tami nun at patuloy na magpaganda sa harap nung salamin. Napatigil naman ako nun. May point si tami eh PERO TEKAAAA. Bawal. Back to reality. Sinampal ko yung sarili ko. Bawal ako umasa. Aasa na lang ako kay Kuya Evans, wag lang kay Ver. "Ate, obvious talaga. ayaw mo lang isipin kasi baka masaktan ka... malay mo si Kuya Ver... ganun din... ayaw niya umamin kasi baka masaktan din siya..."
Napatingin ako sa kanya. Hinagis ko sa paa niya yung isang maliit na unan mula sa kama ko sabay sabi ng "Mga iniisip neto! Ang bata-bata pa eh." tumawa lang naman ako nun.
"Wala ka talagang kwenta pagdating sa love life no? Aminin mo na kasi na may gusto ka kay Kuya Ver!" Napalakas yung pagkakasabi niya nun kaya nataranta naman talaga ako ng over. Tumayo agad ako then tinakpan ko yung bibig niya. 
"Etong bibig ng babaeng 'to... lumayas ka na nga sa kwarto ko..." nakangite kong sinabi. Binuksan ko yung pintuan. Sakto naman eh nagulat ako. Si Josh, Gian, Prince at si Ver eh nasa labas pala ng kwarto ko. Iba yung ngite nila sakin. Mga loko pa man din yung mga 'to. Kinurot ni Tami yung kamay ko kaya syempre, inalis ko bigla yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya.
"Babye Ate!!" Then kumaripas si Tami ng takbo. Napapikit naman ako nun kasi feeling ko narinig talaga ng apat na 'to yung sinabi ni Tami. Panira talaga ng gabe 'tong kapatid ko oh. Iluluto ko talaga ng buhay yun. Hahaha.

So pakapalan nga naman talaga ng mukha, biglang pumasok yung apat na lalake. Pero aba, may pahabol pa! Bago sila pumasok sa kwarto ko, si Josh, Gian at Prince eh kiniliti muna yung bewang ko. Badtrip. Pang-asar talaga eh. Kanya-kanya naman silang pwesto sa kwarto ko. Si Josh at Gian eh nakahiga dun sa kama ko habang nakaupo si Prince dun sa sahig at hawak niya yung remote control ng TV ko. Aba, batas 'tong si Prince, siya pa yung naglilipat ng channel! Si Ver naman eh umupo dun sa upuan ng computer table ko. At ako naman eh umupo dun sa pinakamalapit na upuan ng computer table. Ngayon ko lang narealize, ang dame palang upuan sa kwarto ko. Haha.

"Aba mga lalakeng 'to! Ang titikal! gabing-gabi na! magsiuwi na nga kayo!" nakacrossed arms pa ako nun. ang sunget ng dating no? Hahaha.
Unang bumanat naman si Josh at Gian. Sabay pa silang napaupo sa kama ko. Aba, kailangan sabay? Hahaha.
"Sa ngalan ng pagmamahal Caroline Miles Benitez!" Hala anong pinagsasabe netong si Josh?! "Aminin mo na kay Mister Silverio Ricardo Martin ang iyong hidden feelings?!" Tiningnan ko si Ver nun na ngumingite na parang timang. Mukhang tanga lang eh.
"Wag mo 'kong tingnan. Wala akong kinalaman dyan..." Badtrip. Napagtritripan na naman ako ng mga apat na 'to.
"Ayiieee Vher ha?! Tinititigan mo pa si Ver!" Mukhang timang. Bakit ba kasi parehas kaming Ver ni Ver?! HAHAHAHAHA
"Oh tingnan mo meant to be pa?! Parehas pa ng nickname" Nagapir naman si Prince at Gian habang sabay nilang sinabi ang `nice one`.
"Kayo talaga?! Wala kayong magawa sa buhay no?! Umalis na kayo dito?!! Chupi! daliii..." Nakangite naman silang lahat. Ano ba yon?! Nakakapangluma. Ang gwagwapo ng mga kalalakihang 'to.
"Kela Ver kaya kami matutulog... Natripan lang namin... diba Ver?" Napatingin naman ako nun kay Silverio.
"Oo... Dito na lang tayo matulog tropa" Tapos tumawa siya.
"Walangya 'to. Anong dito?! Umalis na kayo dito?! Pinapasakit niyo ulo ko?!" Nagacting naman ako na masakit ang ulo ko. May papikit effect pa ako nun. Haha.
"Ohaa!! Si Vher daw masakit ulo oh?!" Langya 'tong si Prince. Nag-aacting pa lang eh. Minulat ko yung mata ko nun tapos feeling ko nagblush ako nun. Lumapit kasi bigla sakin si Ver tapos hinawakan niya yung ulo ko. 
"Aww. Masakit ulo ng best friend ko... gusto ko siyang alagaan... dito na lang ako matutulog..." Wait. Time Out. Kinikilig ako!! Hahaha. Medyo tinulak ko si Ver nun. Mukhang timang naman oh. Nagtawanan sila nun.
"Ano ka ba naman Ver?!" Tumingin ako kela Prince at Gian na iba na naman ang ngite sakin!! Loko talaga yung mga 'to.
"BAKIT KA NAMUMULA?" sabay-sabay nilang sinabi sakin. Badtrip. Namumula ba talaga ako?! Natataranta ako. Tiningnan ko si Ver nun na natatawa na lang sakin. Pinatong niya bigla yung paa niya sa may computer table. Gusto kong tumitig. Ang gwapo kasi ESTE WALAAAAA. AAAHHH. Hibang na ako eh. Haha.
"HINDI KAAAYYAAAA!!!" Tinapon ko naman kay Prince yung stuff toy ko na pink na teddy bear. Akala mo naman, nasaktan talaga sila eh lalo lang nila akong pinagtawanan. Ang kulet lang eh.
"Ano bang magagawa niyo? Ayaw pang umamin eh..." Umayos na siya ng upo nun tapos lumapit siya sakin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Badtrip ka talaga. Nakakainis ka na talaga! Umalis na nga kayo dito?!" Tumayo naman ako nun tapos hinampas ko ng mga unan sila Prince, Josh at Gian para lang mapilit ko silang lumabas. Binuksan ko yung pintuan para lampasuhin sila sa labas. Hahaha. Parang naging walis yung unan na hawak ko tapos silang apat yung alikabok na winawalis ko. Hahaha. Nahuling lumabas si Ver. Bago siya lumabas ng kwarto ko may pahabol siya.
"Good Night Ver..." then sabay ngite. Hindi ako ngumite pabalik. Sinarado ko kasi agad yung pintuan. Napahiga ako agad dun sa kama. 

Grabe talaga. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Kinikilig ako. Kinikilig ako. Kinikilig ako. Kinikilig ako. Narealize ko na swerte pala ako na hanggang ngayon eh buhay pa din ako. 8 years na akong kinikilig at natutunaw sa mga tingin niya, nakeri kooooo. Hahaha.

Nagcomputer naman ako nun. Nakachat ko pa nga silang apat gamit yung Facebook ni Ver. Natulog nga silang lahat sa kwarto ni Ver. Ang adik eh. Inaasar pa rin nila ako kay Ver. Ano ba?! Nakakainis talaga kapag inaasar ako. 

So yun, medyo inantok na din ako. Mga 2 am nung nagising ulet ako and hindi na rin ako nakatulog. Masyado ko kasing iniisip si Ver. Kainis naman. Pwede bang si Kuya Evans na lang isipin ko?! Pero si Ver pa din. Badtrip.Badtrip.

Tumayo ako nun tapos pasimpleng sumilip dun sa kurtina ko. Nakita kong bukas yung kurtina ng bintana ni Ver. Andun siya. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Ver naman?!! Magkakaheart attack ako neto eh! Haha.

Bigla namang nag-vibrate yung cell phone ko.

From: Silverio
Psimple p to. pasilip silip kpa sa bintana mo jan.
buksan mo na. usap tayo ^_^

Napangite ako nun. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Nakakahiya naman kapag may muta pa ako or something. Dapat naman presentable diba? Haha. Dahan-dahan kong binuksan yung kurtina ko nun. Nakita ko siya dun na nakangite.

"Good Morning" Ayy pogi naman neto. Hahaha. Nginitian ko lang naman siya nun. "Dapat na talagang magpagawa ng bridge dito! Papagawa ako kay papa bukas"
"Hala 'to?!"
"Aba, dapat kong mabura yung panget kong picture sa camera mo..." Ang babaw ng dahilan. Haha. Napatawa na lang ako nun. 
"Tulog na yung tatlo?"
"Yup. Bakit?"
"Wala lang..." Nag-iba bigla yung ngite niya.
"Sinisigurado mo na tayo na lang ang nagkakarinigan? Ganun?"
"Eh! Kapal talaga neto!"
"Hindi... Narinig ko kasi eh!" PATAYYY. Lagot talaga sakin si Tami.
"Ahhh. Si Tami? Alam mo naman yun. joker! Hahahaha" Tumawa ako pero hindi siya tumawa. Okay. Ako na pahiya.
"So hindi seryoso yun?"
"Uh huh..."
"Anong uh huh?"
"As in... uh huh... Oo, hinde seryoso..."
"Aaahhh..."

Katahimikan. Alam niyo yung parang sounds ng mga crickets. Yun na lang yung naririnig ko sa sobrang tahimik. Haha

"Uhm..."
"Hm?"
"Er..." Ngumite na lang ako nun. "Sige, matulog ka na. Good Night... ay Good morning na pala"
"sige..." sasara ko na sana yung kurtina ko nun ng bigla pa siyang nagsalit ulit. 

"sana nagustuhan mo yung snow..." tumango na lang ako with a smile then sinarado ko na yung kurtina.

No comments:

Post a Comment