Sunday, December 26, 2010

Chapter 20

Nakapagkwentuhan kami ni Ate Rits tungkol dun. Pero syempre di ko na rin sa kanya inungkat ang lovelife niya pagdating kay Kuya Evans. Feel ko kasi na sa isa  siyang state ng deep pain. Nakakaawa lang. Lalo tuloy akong nawawalan ng gana na magkaroon ng lovelife. Ang daming nagsisisi eh. Hay nako.

"Hm... Ate Rits... birthday ko pala sa 3... malapit na... gusto ko sana na iinvite ka sa bahay namin... may handaan lang..." sabi ko naman kay Ate Rits. Wala naman kasi ako masyadong friends diba? parang ngayon na nga lang ako nagkaroon ng friend na galing sa  ibang year eh. Baka maghinayang lang ako pagdating ng panahon kapag hindi ko pa siya naging close ngayong panahon. Haha.
"ow sure. try kong pumunta. sayang naman. hindi pa sakto dun sa stargazing natin! pupunta ka ba?" tanung naman niya.
"oo naman. syempre" sagot ko naman sa kanya. buti naman, hindi na madrama si Ate Rits ngayon. Sobrang saya niyang kausap.
"Wow. Kitakits tayo dun. Dapat nga hindi sasama si Evans eh kaso nagpumilit siya..." medyo nag-iba yung boses ni Ate Rits nun.
"Ha? bawal ba siyang sumama?" sobrang nagtaka ako nun. ang dami ko talagang walang alam.
"hindi yun pwede.." sabi niya habang napapailing.
"bakit?" tanong ko naman. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. akala ko makukuha ko na ang sagot pero ngite lang ang naibigay sakin ni Ate Rits. Nafeel ko naman nun na dapat nalang eh hindi na lang ako makielam sa kung anu mang nangyayare sa buhay nila Kuya Evans at Ate Rits. So yun, nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan. 

Nung Monday naman, nalaman ko na din from Ate Rits na pumapayag siya na pumunta sa bahay namin sa Friday. Buti naman. Ang nakakaexcite pa dun, kinabukasan star gazing activity na! Hahaha. Ang swerte ko ata ngayong September. Puro may thrill ang mga mangyayare sa buhay ko. Woooo. Nasabi rin naman ni Ate Rits yun kay Kuya Evans. Nagtaka nga ako sa sarili ko eh, hindi ko naisip na yayain si Kuya Evans, siguro dahil sa hiya pero pumayag naman si Kuya Evans. Magsasama na daw sila ng ibang katropa nila para masaya naman daw. Malamang, sasama si Ver, Gigi, Josh, Gian at Prince. Palage naman silang umeepal sa buhay ko. Hahaha. Joke!

Wednesday na yun. Medyo naeexcite na rin ako dun sa birthday ko. Hahaha. Party party sa bahay namin. Yehey. Kahit na hindi ko masyado kaclose yung mga kaibigan nila Kuya Evans at Ate Rits, okay lang. Ang importante, andun sila. Wooo. So yun, dating gawi. Maaga akong pumasok kasama yung kambal kong kapatid. Then yun, nakinig lang naman ako sa mga lessons. Halos walang nangyayare. Nakikita kong palaging tulog si Gigi. Well, hindi na yun bago. Mabilis siyang makatulog sa mga klase lalo na kung English Class 'to. Haha. Sobrang boring eh.

Eh di yun, dumating ang recess. Medyo nabuhay naman ang diwa namin ni Gigi nun. Nakausap kasi namin sila Ver at ung tropa niya. Nakikain kami dun kasama ng Basketball Varsity at Cheerdancers. Medyo napasubo naman ako dun, ininvite ko silang lahat dun sa bahay namin. Okkaaayy, baka sumabog ang bahay namin sa sobrang dami pero okay lang yun. Hahaha.

Then yun, back to classes na naman. Swear. Ayoko ng ikwento ang tungkol sa mga lessons na tinake-up namin. Sobrang boring talaga. So yun, dumating na din ang lunch. Dun ko nakita si Kuya Evans kasama yung tatlo pang lalake na palage niyang kasama. Nakabukas lahat ng mga libro nila habang nakaen sila ng lunch nila. Nagkwekwentuhan din sila tapos nagkakatawanan pa. Napapatitig ako nun kay Kuya Evans mula sa  table namin. Si Gigi lang yung kasama ko nun na hindi ata nahahalata na may isang tao na akong tinititigan. Then, bigla namang napalingon sakin si Kuya Evans. Ngumite siya na parang nawala na yung mga mata niya then medyo kumaway siya. Ngumite lang naman ako pabalik tapos nagpatuloy naman ako sa pagkaen. Ang cute niya. Kinikilig lang ako eh. Hahaha. Hinanap naman ng mga mata ko si Ver. Kaso hindi ko siya makita kaya medyo nabawasan naman ang happiness ko. Okay. Ako na OA. Halos nakalimutan ko din naman yung kiss and wala akong pinagsabihan nun. Lalo na kay Gigi?!! Bawal niyang malaman yun no!

Lumipas naman ang oras. Then at last, dismissal na. Tinatamad na akong magkwento tungkol sa mga walang kwentang bagay na 'to. Hahaha. Kakaayos lang namin ni Gigi ng gamit nun. Nagulat nga kami nung saktong paglabas namin eh andun si Ver. So, ano yun?! Sinusundo kami?! Hahaha.

"Uwi na kayo?" tanong niya saming dalawa ni Gigi.
"Yes, papa Ver?! Hahatid mo ba kami?" ang landi talaga ni Gigi. Hahaha. Badtrip lang. Joke! Tumango lang naman nun si Ver tapos ngumite siya. then tumingin siya sakin, ngumite din siya. ako naman 'tong hindi makangite agad dahil naalala ko yung `yes`. alam niyo na yun. ayaw  ko na talagang maalala. Hahaha. Over na, Feeling ko huhuntingin na ako ng mga thoughts ko hanggang pagtulog ko. Wag naman sana.
"Lika na..." tumango lang naman ako nun. hindi ako makapagsalita. grabe. naglakad na kami nun papunta sa first floor ng makita naming tatlo si kuya Evans. Akala namin makakasalubong lang namin siya pero hinahanap niya pala ako.
"Andyan ka lang pala Vher!" nakatingin siya sakin kaya malamang ako yung kausap niya at hindi si Ver. Nagtaka naman ako nun. Ano naman kayang meron?
"Oh bakit?" sabi ko naman ng nakangite. Nakita ko si Ver na nakatingin samin.... nakatingin ng masama... samin... samin ni kuya Evans... hay nako... hindi ko naman na pinansin yun. ayoko naman na umasa pa diba?
"matagal pa ba yang paguusap niyo kasi kung ganon, uuna na lang kami ni Gigi..." napangite si Gigi nun. ewan ko kung dahil ba kinikilig siya kay Ver o dahil naiisip niya din ang naiisip ko.... na nagseselos si Ver samin ni kuya Evans... ewan ko ba... paguusapan talaga namin yan ni Gigi?! Hahaha.
"ayy hinde 'to matagal... as in sobrang bilis lang... may ibibigay lang ako sa kanya..." nakangiteng sinabi ni kuya Evans. grabe, ang cute lang. Hahaha. Tinanguan lang naman siya ni Ver. Ang bitter naman ng pagmumukha ng lalakeng 'to?!
"anong ibibigay mo?" tanong ko kay kuya Evans.
"mukha kasing hindi ako makakapunta sa birthday mo so ngayon ko na lang ibibigay yung gift ko sayo..." sabi niya. may kinuha siyang envelope mula sa bag niya tapos inabot niya sakin. "buksan mo na lang yan pagdating sa bahay niyo ha?"
"sure. thanks" sabi ko sa kanya habang kinukuha sa kanya yung envelope. ano naman kayang laman neto?! sobrang nagtaka naman ako nun pero nginitian ko na lang siya.
"sige. may gagawin pa ako. pupuntahan ko pa si Rits. Bye!" ngumite na lang ako ulit. medyo nakaramdam ako ng selos nun na pupuntahan niya pa si Ate Rits. Ewan ko ba. isa din akong magulo pa ang isipan eh. then, umalis na siya.
"ano yan?" tanong naman ni Ver. "buksan na natin..."
"badtrip 'to! sabi ni kuya Evans sa bahay ko buksan!" sabi ko naman sa kanya. para kaming bata eh. hahaha.
"ano ba naman kayo?! kung makapagaway, parang aso't pusa. di niyo naman kayang mabuhay kung wala ang isa't-isa?!" sabi ni Gigi na may halong pang-aasar pa.
"umuwi na nga tayo. excited na akong buksan 'to eh..." sabi ko then nagsimula na kaming maglakad papunta ng gate.
"sus. what a show off..." sabi ni Ver habang naghihintay kami ng jeep na papuntang Mamatid. Haha.
"Ano?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala..." then sumakay na kaming tatlo sa jeep na saktong tumigil sa harapan namin. Mas naunang bumaba si Gigi dahil iba nga yung subdivision niya samin. Napansin ko naman na merong cold atmosphere sa pagitan namin ni Ver. Badtrip tong lalake tong, ayaw akong pansinin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nung nasa rotonda na kami, malamang nagtricycle na kami papunta ng clubhouse tapos ilang lakad na lang at madadaanan na namin yung chapel at yung tindahan ni pogi. Then, kakaliwa na lang para makapasok na sa bahay naming dalawa. hindi man lang kami nagpaalam sa isa't-isa. biglang pasok na lang kami. nagshower agad ako at nagpalit ng damit. mabilis kong kinain yung dinner ko. naeexcite na kasi akong buksan yung envelope na regalo sakin ni Kuya Evans. Hahaha.

So yun, pumasok ako ng kwarto ko. Umupo ako dun sa kama and hawak ko na yung envelope. Hindi ko mapigilang ngumite sa sobrang tuwa at kilig. Hahaha.

Binuksan ko na yung envelope. Nung una akala ko wala lang. Puro pictures lang ng star. Isang star talaga sa langit. Isang star na medyo familiar. Alam ko na nakikita ko 'to palagi kapag magisa akong sta-star gazing. Haha.

Then meron akong pinull-out na isang papel. Isang papel na masasabi mong makakapagpalaglag ng panga mo. Hahaha.

STAR CERTIFICATE

This is to register the Star designated as 3376 with magnitude 9.5 , type V , located at coordinates: RA 20H 14m 57.54s, and declination 83 degrees 34m 51.33s, to be known and named:

Caroline

Time Flies
Suns rise... And shadows Fall
Let Time go By..
Love is forever...
Over all

Be it also known that The Stellar Registry Committee will record and preserve the assigned name to this star.

Record this Day:                         Recorded by:

April 24, 20xx                         Mr. Gian Evans Javier

sobra napangite ako ng bongga nun. As in over. May pinangalan siyang star sakin.

sobrang saya ko nun... as in... sobra..

No comments:

Post a Comment