Tuesday, December 21, 2010

Chapter 13

So yun nga, ngayon ginawa yung mga Championships sa bawat game. Champion ang Seniors sa lahat ng Team Sports. Grabe no? Malamang seniors sila eh, mas may advantage. Haha. Syempre, dun naman sa mga individual sports nangibabaw ang beauty ni Gigi. Champion siya sa Table Tennis. Astig no? Ganyan siya kaexpert.

Halos kami ni Gigi magkasama nun. Naikwento ko sa kanya yung nangyare kahapon and napagkasunduan namin na gamitin ang lahat ng makakaya namin para malaman ang kung ano mang meron kay Kuya Evans at Ate Rits. Masyado kaming naintriga eh. Haha. Inaasar niya naman ako kay Ver nun pero sinasabi niya na malandi ako kasi iniyakan ko pa daw si Kuya Evans. Inulanan ko naman siya ng maraming `Hindi ko iniiyakan si Kuya Evans, okay?`. May isang beses na napalakas yung boses ko pero keri lang yan, sana walang nakarinig. Haha.

Eh di yun nagka-awarding. Kulelat ang freshmen as always. Kami din naman last year ganun. Tapos nun, kami second to the last. Juniors ang 1st runner up. Syempre, ang champion ay ang seniors. Pagbigyan na, last year na naman nila eh. Haha. Medyo maagang natapos yung Awarding. 2 pm palang tapos na eh. Then mamaya, meron Intram's Ball. Napagpasyahan namin ni Gigi na umuwi muna para makapagbihis. Hindi naman talaga required na magsuot ng kung ano mang dress dun eh. Kahit mag-jeans ka lang, okay na! Haha.

Eh di yun ganun pa din ako dinaan ko. Uulitin ko pa ba? Haha. Swerte ata ako ngayong araw, lumabas yung pogi na nakatira sa may tindahan. Naka-top less pa. Wooooo. Hirap magpigil ng ngite. Well, extra lang naman yan pagbigyan niyo na. Haha.

Nakauwi na ako sa bahay nun. Tinatamad si Tami at Bojie na pumunta sa Intram's Ball dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo nilang dalawa sa Volleyball. Aww, buti pa sila may laro. Ako lang ba talaga ang  walang talent sa pamamahay na 'to? Ano yun, exempted?! Haha.

Nagpaalam ako kay papa na pupunta ako dun sa Intram's night. Nagulat nga siya eh. Dati naman daw kasi hindi ako napunta dun. Well, it's about time diba? Wala si mama nun, inaasikaso niya yung Drafting sa bahay na pinapagawa nila Mr. Javier, yun yung ubod ng yaman na tatay ni Kuya Evans.

So yun, pumasok ako sa kwarto ko nun. Naligo ulit ako then naghalungkat na ako sa cabinet ko. Ano kayang pwedeng isuot? Hmmm... Kumuha na lang ako ng skinny jeans pati isang maluwag na black t-shirt. Tapos nag chucks na lang ako. Okay na 'to. Hindi ko naman na kailangang magpaganda pa. Haha. Maganda na ako. Ay, joke. Feeling ko naman nun, may nawawala na sakin.

Tumingin ako sa salamin. Sobra yung gulat ko nung marealize ko na yung nawawala sakin ay yung ring na ginawa kong pendant na binigay sakin dati ni Ver. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaisip ako kung saan ko kaya yun nalagay. At nun ko lang narealize na ang tanga tanga ko kasi ngayon ko lang narealize na nawawala na pala yun?! Paano kung dati pa pala nawawala yun, eh di tepok na?! Hay nako. Ang tanda ng friendship namin. Badtrip naman kase. Pumunta ako ng banyo kasi baka mamaya naiwan ko lang dun, pero wala. Pati kwarto ng mga kapatid ko hinanapan ko na din kaso wala talaga. Nababadtrip ako. Bigla akong nawalan ng gana na pumunta sa Intram's Night. 4:45 p.m na. Ay, late na ako. Pero okay lang, feel ko matitimang na ako forever kapag hindi ko nahanap yun. Binuksan ko nun yung bintana ko, dun ko lang nakita na may nag-improve na pala dun. Sinisimulan na nung papa ni Ver yung bridge. Kaya medyo natuwa naman ako. Sana madaling matapos no! Napatitig ako dun sa bintana ni Ver. Ano ba naman yan, nakakabadtrip. Bakit kasi sobrang burara ko?! Pati mga importanteng bagay, nawawala ko. Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung bintana ni Ver. Malamang siya nagbukas nun. haha.

"Oh hindi ka pa ba pupunta?" Nakangite niyang sinabi.
"Ha? Ewan ko. Ikaw ba, pupunta ka ba?" Ang bigat ng feeling ko grabe.
"Pupunta syempre, gusto mo sabay na tayo?" Ngumite na lang ako tapos tumango ako sa kanya. Sinarado ko na din yung bintana nun tapos lumabas na ako ng bahay namin. Hindi rin naman ako naghintay bago lumabas ng bahay si Ver. Ang gwapo niya grabe. Naka-shades pa eh. Haha. Nakacheckered siya na polo na color blue at white tapos meron siyang white t-shirt sa loob then nakamaong pants lang siya. Ang astig ng rubber shoes niya. Supra. Grabe, eh hindi pa naman yan bumibili ng japeke. Haha. Oh siya na mayaman.

Eh di yun naglakad kami papuntang clubhouse. Madali lang naman yun eh. Tahimik pa din ako nun. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nawala ko yung napakaimportanteng bagay na yun.

"Ang tahimik mo ata. Akala ko ba okay ka na?" sabi niya na parang hindi mo maintindihan kung nagjojoke ba siya o sadyang concern siya sayo.
"Okay naman ako. ano lang kasi..." sumakay na kami dun sa tricycle papunta ng rotonda. Nasa loob kami, swerte. Haha. Dun ko na din tinuloy yung sasabihin ko sa kanya "kasi ano..."
"Ano?" Nakatingin kaming dalawa dun sa salamin na nakadikit dun sa loob ng tricycle. Ewan ko kung bakit. basta nakatingin kami dun. Haha.
"Yung ring. yung pendant. Nawawala! Hindi ko naman talaga intensyon na mawala yun?! Sorry talaga! Ang tanga ko ba naman kasi?! Ang burara ko?! Hindi ko alam na nawala ko na pala yun?! Feel ko dati ko pa nawala yun pero ngayon ko lang napapansin?! Hala Ver, anong gagawin ko diba!?!?" Ang bilis ng pagkakasabi ko nun. napatingin nga yung driver sakin eh. Lalo naman akong nadismaya kasi ang tanging ginawa lang ni Ver eh ngumite.
"Okay lang yan. Yun lang eh. Akala ko naman kung ano. Pwede kitang bilhan nun kahit kelan mo gusto no?!" Parang nagmistulang bata naman ako na inagawan ng laruan.
"Eehh!! Iba pa rin yun?! Ver naman eh?! Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko!!?!!"
"Hindi ko nararamdaman pero naiintindihan ko..." Lumabas na kami ng tricycle nun. Siya nga yung nagbayad ng pamasahe ko eh. Haha. Nakalibre pa. Naghintay kami ng jeep nun. Medyo madali lang yun. Halos wala pang isang minuto, nakakita kami ng jeep na papuntang bayan. Sumakay kami nun. Buti na lang hindi siksikan.
"Paano na yun?! 8 years na yun sakin tapos ngayon pa nawala..." Feeling ko talaga binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi lang yun, there's more! Haha. Feeling ko din iniluwa ako ng lupa at inisuka ako ng langit. Sige, ako na OA magdescribe. Haha.
"Okay nga lang yun. Ang kulit..." Hindi pa rin ako natigil sa pagiging hysterical. Badtrip nga eh. Ang ginagawa lang ni Ver eh ulanan ako ng mga salitang `Okay lang yan`. badtrip. Ano bang okay dun?!

So yun, nakadating na din kami sa school. 5:15 na nun. Sobrang late haha. Nagsimula na yung program. Ang astig nung sounds at lights. Party party na nga talaga.Bumobongga talaga ang school namin. Grabe.

Pumasok na kami nun. Nakita ko si Gigi. Nagyakapan kami pati nagbeso-beso. Si Ver naman eh sumama dun sa tatlo niyang tropa na sila Gian, Prince at Josh. Dun ko lang namann narealize na yung apat eh halos parehas ng suot. Puro nakacheckered kasi silang apat. Ngayon lang sakin nabanggit na magsasayaw pala sila Ver. Sige, sila na! Hahaha. Wala akong kaalam-alam ah. Never ko pang nakitang mag-practice yung apat na 'to.

May kantang tumugtog nun na hindi ko na maintindihan kasi sobrang ingay ng mga estudyante. May mga nagsasayawan naman. Meron namang nagkwekwentuhan lang. Hindi naman dito mawawala, ang mga landian ng mga malalandi. Haha.

Nagulantang ang lahat ng estudyante ng biglang magsalita yung emcee. Isa yung 4th year student na sikat na sikat sa page-emcee ng mga programs dito sa school.

"Okay. Good Eveniiiiiiiiiinnggggggg my fellow students?!! Grabe, kakadating lang pala ng grupong 'to na may record na sa pagiging VIP?! Grabe, palakpakan..." Nag-palakpakan yung mga tao. Nagtatawanan din sila kasi alam nila na yung tinutukoy eh yung apat na magsasayaw ngayon. Nalate pa kasi si Ver?!! Kaya yun pa-VIP tawag sa kanila. "Buti pinayagan ko pa kayo magperform dito?! Sige, take the stage now!" Nakuha pang mang-alaska nung emcee eh. So yun, umakyat na yung apat na gwapo este na panget dun sa stage. ang cute. Si Ver diba Blue yung polo. Si Prince naman Red. Tapos si Josh ay Violet. Si Gian naman ay naka-green. Pare-parehas sila na may white shirt sa loob. Pwumesto na sila dun. Iba't-ibang lights yung tumatapat sa kanila. Ang cool nga eh. Nagtayuan yung mga tao with matching hiyawan.

Tumugtog yung Quit Playing Games na kanta ng Backstreet Boys. Lalong nagtilian yung mga kababaihan nung nagstart sila. Ang cute pa naman ng mga steps nila. Ang simple lang ng steps eh. Parang ngang objective nila na pasunurin na yung mga tao sa mga dance steps nila. Pagdating nung chorus eh, nakigaya yung mga tao sa mga steps nila. Nakigaya nga kami ni Gigi eh. Ang cute nung step. Tapos parang lahat ng estudyante nun kahit hindi masyado magkakakilala eh nagkasundo at naging united para lang magaya yung sayaw nila. ang saya nun. Total laughtrip nung biglang shumembot yung apat tapos walang choice yung mga tao na gayahin yung sayaw nila. Grabe, total entertainment talaga. Pero sobrang galing nilang magsayaw. Para kang nakakapanuod ng apat na Chris Brown na nagsasayaw. Pagkatapos nung kanta, sobrang magtawanan yung mga tao. Mukhang nagsasayaw yung iba pero yung iba daw mukhang nag-aerobics lang. Haha.

"Gusto niyo pa ba?!" sabi naman netong si Gian. Nagthumbs up yung mga tap sa kanya sabay tawanan. Bumulong si Gian dun sa tatlo. Tapos nag-ngitian silang lahat. Kung ano man ang plinapalno nilang sayaw, alam kong laughtrip na naman 'to. Bumulong si Ver dun sa naghahandle nung audio and sounds. Then, naghiyawan bigla yung tao nung pwumesto na sila.

Tumugtog yung kantang As long As You Love Me. Sumigaw yung emcee bigla ng "Let's bring back the backstreet boys". Medyo complicated pa yung steps nila nung una kaya wala pa masyadong nasunod. Puro pasway-sway lang yung mga tao. Then pagdating sa chorus nakisali na sila. Enjoy talaga eh. Hindi lang steps nila ang cute, sila din eh cute. Hahaha.

Nakikisali pa kami ni Gigi sa kasiyahan ng mga tao nung biglang may tumapik sa likod ko. Napatingin kaming dalawa ni Gigi sa taong yun. Si Kuya Evans lang pala. Nginitian ko siya.

"Gigi, hiramin ko lang siya ha?" tinanguan ako ni Gigi tapos sumama na ako kay Kuya Evans. Hinila lang naman niya ako dun sa bandang malapit sa gate. Pero hindi naman talaga malapit. Haha. Basta may puno ng buko dun e na hindi naman tinutubuan ng buko. Haha. Dun niya ako dinala.
"Oh bakit?" sabi ko naman. rinig na rinig yung kasiyahan nung mga tao sa mundo.
"Wala. Gusto ko lang magpasalamat..." Ngumite siya sakin at sobrang cute niya. Grabe. Haha.
"Sus. Yun lang eh?!"
"Sayaw tayo" Ngumite ulit siya. Pumayag naman ako nun. Ang astig nga eh. Ang bagal ng pagsasayaw namin. Hindi bagay dun sa sinasayaw nila Ver sa stage. Nagkakatuwaan naman kami ni Kuya Evans nun. Alam niyo yung feeling na parang wala kayo sa place na kung nasaan man kayo. Parang kang dinadala sa kung saan man. Tapos parang meron kayong sariling music na natugtog. Tapos parang isip, kaluluwa at puso niyo lang ang nakakarinig at nakakaramdam ng music na yun. Sobrang sarap ng feeling.

Parang kang nakakaramdam ng fairytale. But the second time around. Parang feeling mo nagsasayaw kayo sa isang place kung saan maraming flowers tapos merong mga butterflies na nabalot sa inyo. Tapos yung mga paru-paro kung kiligin eh daig ka pa. Haha. Natatawa naman ako nun sa naiisip ko. Tumigil na kami nun tapos nagkatinginan kami.

Iba yung  heart beat ko ngayon habang tinitingnan ko siya. Natapos na nun yung sinasayaw nila Ver. Kasabay ng paghiyaw at pagtawa ng mga tao eh bigla akong niyakap ni Kuya Evans.

No comments:

Post a Comment