Wednesday, December 22, 2010

Chapter 14

Nagulat ako din. Niyakap ako ni Kuya Evans?! Parang kanina pa nangyare pero ngayon ko lang narealize yung gravity ng nangyare. Halos nawala na sa party yung utak ko. Halos hindi ko na rin alam kung ano yung totoo sa hinde. Parang nagunaw naman yung mundo ko nung biglang narinig ko ang isang pamilyar boses na naggaling lang sa harap namin.

"Whoa..." sinabi ni Ver yun na parang may halong bitterness, pagkagulat at selos. Sige. i-erase na yung selos. Imagination ko lang ata na nagseselos siya nun. Haha. Sabay kaming napatingin sa kanya ni Kuya Evans. Naging sumunod na response ko agad eh ang pagbitaw sa mga kamay ni Kuya Evans at dumistansya sa kanya ng kaunti. Ngumite ako kay Ver tapos nawave ako ng hello sa kanya. Nakapatong yung polo niya sa kanang balikat niya. Ngayon ko lang nakita na yung White Shirt niya pala eh may nakasulat na `Let's bring it Back`. Kung bakit nasabi ko yun, wala lang. Na-share ko lang. Haha.
"Ow Ver" Nag-ngitian lang naman sila.
"ay, sige. Alis na ako. Mamaya na lang kita kakausapin Vher" Ngumite muna siya then umalis na. So ako naman etong napalunok ng bonggang bongga. Napatingin ako kay Kuya Evans na nakatingin din pala sakin na meron pang bahid ng pang-aasar sa mukha niya.
"Ano?" defensive yung boses ko nun. Ewan ko ba. Feel ko na inaasar na ako ngayon ni Kuya Evans eh.
"Puntahan mo na. Salamat pala ulit..." Tumango na lang ako sa kanya. Ganun ba talaga kalaki yung ginawa ko para sa kanya?! Feeling ko nga sila na ni Ate Rits eh. Kawawa naman si Ver. Hahaha. Pero yan pa si Ver, mabilis yang makamove on pagdating sa mga ganyang bagay. Hinabol ko naman si Ver nun na mag-isang naglalakad ng sobrang bagal kaya naman hindi ako nahirapan na habulin siya. Intentionally kong binunggo siya nun. Ewan ko ba kung bakit. Umepal lang ako. hindi niya ako pinansin nun.

"Aba, suplado 'to?!" Binilisan ko yung lakad ko nun tapos hinarangan ko siya. Nagstretch pa ako ng kamay nun parang sa patintero. Dapat pala eto yung game na sinalihan ko nung Intrams! Haha. May patintero kami eh. Bongga nu?! Tinaas naman ni Ver yung isang kilay niya then linampasan niya ako na parang nakakita siya ng hangin. Nadismaya ako nun kaya tumingin ulit ako sa kanya ng maayos.
"Hoy Silverio!" Sinigaw ko nun. ang daming nakatingin nun. Kasama na rin mismo si Ver sa mga tumingin. Nasa hallway na kami ngayon nung 1st floor. Eh medyo open yun sa court kaya naman yung ibang tao na nasa court na malapit sa kung nasaan kami ngayon eh tumingin ng bonggang bongga. Nakita kong napangite si Ver nun. Tinakpan niya nga yung bibig niya nun para hindi ko makita na natawa na pala siya nun. Sobrang pahiya ako nun kaya naman nag-peace sign ako sa mga tao na nakakita sakin. Nagbulungan naman yung mga tao nun na parang ako yung pinaguusapan. Okay lang yan, sabi ko sa sarili ko. ayaw ko nun, sisikat na ako?! Haha. Tumingin ulit ako kay Ver na nakatingin na din sakin with matching pogi eyes and pogi smile. Oh goossshhh. Kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw dahil sa presensiya ng lalakeng 'to.
"Ehem... So yun... At last, napansin mo na din ako.." Lumapit siya sakin nun pero halos 1 meter pa rin yung distansya namin sa isa't-isa.
"So inamin mo na rin na nagpapansin ka sakin?" Nang-aasar na naman. Grabe, ang hangin. Woooo. Ang yabang talaga neto?! Binabawi ko na lahat ng papuri ko sa kanya. Nakakabadtrip eh.
"Ang yabang mo?! Siguro kanina, nagselos ka samin ni Kuya Evans no?! Aminin mo..." Medyo na-threatened ako ng bigla siyang humakbang ng mga dalawang steps. Napa-atras nga ako ng kaunti eh.Hindi ko kaya yung pressure. Hahahaha. Pressure=Attraction. Oha!! Sakin lang galing yan?! Hahaha. Pang-physics na ba?!!
"Paano kung sabihin ko na oo?" Lalo siyang lumalapit. At ako naman etong, lalong napapaatras. Kautas talaga 'tong si Silverio.
"Eh di oo. Eh di inamin mo na may gusto ka sakin..." Tumawa ako nun para lang matago sa loob ko na kinakabahan ako sa bawat ginagawa niyang paghakbang at sa bawat pagbigkas niya ng mga salita niya. Feeling ko nga pinagpapawisan na ako. And hindi ko maiwasan na mapalunok talaga sa sobrang kaba. Haha. Napapangite ako sa kanya sabay kagat ng labi. hindi din nagtagal na sobrang lapit niya sakin. Hinawakan niya yung buhok ko. Parang may dumaloy na something sa katawan ko. Electricity? hindi, masyadong OA. Spark? Masyadong gamit na! Fireworks? Ano yan, a meets z?! Hahaha. Kung sumabog na World Trade Center sa New York, Oo yun nga ang dumaloy sa katawan ko. Palung-palo. Hahaha.
"Ang kapal naman ng mukha ng best friend ko! Payakap na nga lang..." Yinakap niya ako bigla. Halos maging frozen yung buong mundo at katawan ko. Ibang klase. Parang isang milyong beses na sumabog ang World Trade Center sa puso ko. Hindi ko man lang siya na-hug back nun kasi halos 5 seconds lang naman tumagal yung yakap na yun. eh hindi pa nga enough yung 5 seconds na yun para mabalik ako sa totoong pangyayare.
"Nakakaselos eh. Kung makayap sayo si Kuya Evans, parang 8 years na kayong magkakilala!" Nakangite siya nung sinabi niya yun. Halos tumawa lang naman ako sa kanya.
"Yun lang eh. Pwede mo naman sakin hilingin yun kahit kelan" Inakbayan niya ako nun habang papalabas kami dun sa gate ng Building A. "Libre mo ako!"
"Sige. Nagugutom na din ako eh" sabi niya sakin habang papunta kaming canteen. "Gusto mong cream pie?"


Tumango ako nun. Yun yung pinakamemorable na nangyare nung Intrams' Ball. Kasama ko si Ver at Gigi habang nakaen ng cream pie. Absent na naman si Tella, syempre. Eto pa naman yung mga nakaugalian namin mula nung Grade 3 kami. Kung kelan naman talaga nabuo yung friendship naming apat eh dahil sa lahat kami ay mahilig kumaen ng Cream Pie. Nagpicture-picture kami gamit yung Cameras namin. Grabe, mukha kaming timang sa kubo. Picturan ng picturan. Nakisali nga sila Prince, Josh at Gian eh. Bumili din sila ng Cream Pie. Naging awkward yung feeling ko nun, puro lalaki pala kasama ko. Wag niyo ng isali si Gigi, alam niyo namang binabae yun. Haha. Nagkakwentuhan kaming lahat. Isang lintek lang 'tong si Gigi na pinasok ang lovelife ko sa lovelife ni Ver.

"Oh kayong dalawa Ver, kelan niyo ba balak mag-aminan?!" Nagtawanan silang lahat. Joke yun?! Badtrip.
"Oo nga eh! Nung 1st year pa lang naman, halata na si Ver eh!" Walang katapusang tawanan
"Sinong Ver?" sabay namin ni Ver na sinabi yun. Iba talaga kapag may kaparehas ka ng pangalan. 
"Oha! Sabay pang nagtanong?! Ibig sabihin lang niyan, kayong dalawa?!" sabi naman ni Josh.
"Aminin niyo na kasi?! Nagkakaila pa eh?!" Epal talaga si Prince kahit kelan. Sarap batukan eh!
"Kayo nga, ang kukulit niyo. Basta ako, labas ako dyan!" sinuntok naman ni Prince yung braso niya pero syempre hindi yun malakas. Parang pang-asar na suntok lang. Haha.
"Sus, papa Ver, defensive ka naman?!" Sabi naman ni Gigi na halatang handa ng pikunin si Ver.
"Wag kang ganyan Ver, baka multuhin ka ni Tella dyan?!" pabiro kong sinabi kay Ver pero feeling ko wrong move yun. Napatingin ako kay Ver na nakatingin na din sakin.
"Mukha kang timang, palagi mo na lang sakin pinipilit si Tella... Alam mo namang wala akong gusto dun ah..." Napangite si Gigi nun. Ewan ko kung bakit.
"Bakit pre? Sino ba talagang gusto mo kung hindi si Tella?!" Sabay-sabay tumingin si Josh, Prince, Gian at Gigi sakin kaya naman napasunod na rin ng tingin sakin ni Ver.
"Yan?" Tumawa siya ng pagkalakas-lakas nun. Adik naman kasi. Bakit ko pa ba binanggit si Tella?
"Wag ka ngang ganyan Ver?! Nasasaktan si Vher?!" Tumingin sakin si Josh nun. Badtrip tong lalaking 'to oh?!
"Anong nasasaktan ka dyan?! Dukutin ko kaya yang mata mo?! Badtrip 'to?!" Nagtawanan lang naman silang lahat kasama si Ver. Napapatitig nga ako sa kanya pero syempre, pinipilit ko na magbounce back to reality ulet no?! Nakakahiya sa buong tropa kapag malaman lang nila na nakatingin na lang ako kay Ver.
"Pero Papa Ver, ano ba talagang naramdaman mo kay Tella?"! Badtrip ka Gigi... Tinanong mo pa yan... Sa harapan ko pa... nakakainis ah...
"Kay Tella?" Tumango silang lahat, hindi ako kasama dun. Ayokong marinig. "Hmm... naging crush ko siya nung grade 3 at 4." then tumawa siya. 
"wow! Nasabi sakin ni Tella dati na may crush din siya sayo nung mga Elem days natin?!" Nagtinginan silang lahat sakin habang nagform ng heartbreak na puso sa mga kamay nila. Inirapan ko lang naman sila.
"Mukha kayong timang!" natatawa na lang ako eh.
"O sige papa Ver, tuloy mo lang!" sabi ni Gigi. nu ba yan Gigi?!
"Uhm... Tapos nung high school... wala lang... best friend na lang..." Tumayo bigla si Prince, Josh at Gian tapos nagform sila ng heart gamit yung dalawa nilang kamay habang nagsasayaw pa. Grabe, natatawa na lang ako eh.
"Ang lakas ng trip niyo?!" sabi ko naman sa kanila kaya napatigil sila.
"Ibig sabihin lang nun may chance kayo?!" sabi naman ni Prince. Grabe ha?! Hahaha. Inirapan ko lang naman siya.
"Bakit ba pareng Vher?! Sino na bang gusto mo ngayon?!" Nakita kong tumingin sakin si Ver. Ewan ko ba kung kikiligin ba ako pero pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Uh... ngayon?" tumango ang lahat pero lahat sila nakatingin sakin. Ayy, ako ba yung iniinterview?! Haha.
"Sus. Hindi ba halata? Si Ate Rits?!" Inunahan ko na. Haha.
"Eh taken naman na yun?! Diba Ver?" Bakit ba?! Ano bang pake nila kung taken?! Hahaha.
"Oo taken yun... Ayoko na dun... Hindi naman ako mahilig sa taken eh..." sabi naman niya. Nagtinginan ulet sila Gigi, Josh, Gian at Prince sakin.
"Eh sino na lang ba dyan sa tabi-tabi ang hindi taken?!" sabay-sabay nilang sinabi. malamang, ako yung tinutukoy nila diba?
"Nakatingin kayo sakin?" sabi ko habang nakataas yung kilay ko. Tumango nun silang apat ng sabay-sabay. Napatingin din naman sakin si Ver nun tapos nakangite siya sakin na unti-unti na ding tumutunaw sa puso ko na sobrang bilis ang pagtibok ngayon.
"Okay na din..." biglang sabi niya. sumabog na ang bulkang mayon sa puso ko. Over. Grabe. Sinabi niya na okay na din ako. Waaaaaaa. Mababaliw na talaga ako. Hahaha. Nagtinginan sa kanya yung apat. Pinagpatuloy niya yung sasabihin niya. "Okay ka naman Vher eh. Maganda ka. Cute. Sexy. Kahit wala kang talent, okay lang" Badtrip. Sige. Ikaw na may talent. "Mabait ka naman. Matalino." Halos kiligin naman ako nun habang pinupuri niya ako. "Maganda..." Nakatitig na siya sakin nun.
"Halata ka naman masyado Ver?! Inulit pa yung maganda?!! Haba ng hair mo Bru?!" sabi ni Gigi. Hindi ako makatawa. Hindi rin nangite si Ver nun. Nakatitig lang kami sa isa't-isa nun. Nagulat din kasi ako sa kanya. Inulit pa yung maganda.
"Maganda ka.." Inulit pa. "Isa na nga lang ang kulang sayo eh..." eh ano? talent?! Nako. Hahaha. Lahat nanahimik. Hinihintay yung sasabihin ni Ver. then bigla niya na lang sinabi...

"Ako..."

No comments:

Post a Comment