Monday, December 27, 2010

Chapter 24

Napangite na lang ako nun. Nagpatuloy naman yung stargazing activity namin. Nasilip na rin namin sa telescopes yung iba't-ibang planets. Kwinento ko naman kay Gigi ang lahat nung kaming dalawa lang yung andun sa loob ng tent.

"OHHHHMMYYYYGHAAADDDD BRU?!!" ganyan yung naging expression niya nung sinabi ko sa kanya yun. Hahaha. Palagi na lang kaming nagkakatinginan nun ni Ver. Tapos nagkakahiyaan pa minsan. Hindi ko nga alam kung ano na kami eh. MU nga ba? Hindi ko masasabi. Pero parang dahil dito, napalayo ata ako sa kanya sa sobrang hiya.

Natapos na din yung stargazing activity. Sinundo kami nina Tami at Bojie ni Papa. Then syempre, umuwi na din kami. grabe, antok na antok ako nun. wala kayang tulugan yun?! Hahaha. Kahit sabihin mo na may isang sobrang nakakakilig na revelation, hindi pa din keri ng powers ko ang hindi makatulog. So yun, bagsak talaga ako agad sa kama. And nakatulog na din ako.

Nagising naman ako nun syempre. Halos walang nangyayare. Lumipas ang mga araw. Lalo din naman kaming napapalapit ni Ver sa isa't-isa pero masasabi mo na may hiyaan pa din. Hindi na nga namin ulit pinagusapan yung tungkol dun sa  i love you niya eh. Well, bahala na. At least, alam ko na ang sikretong tinatago ng mokong na 'to. Haha.

Lagi na din kaming magkasabay tuwing recess at lunch. Syempre, pati na din dismissal. Inaasar na nga kami nila Gigi eh. Pero okay lang. Kahit nung hindi pa man din naamin sakin si Ver, inaasar na rin nila kami eh! Haha. Hindi nanliligaw si Ver. Ewan ko ba kung bakit. Pero ayaw ko na ring isipin yun. Bumalik na din si Kuya Evans nun. Halos 2 weeks siya sa States nun. Pero hindi ko rin naman sa kanya natanong kung anong meron dun. Narealize ko nga na ang dami ko palang hindi alam kay Kuya Evans no? Parang meron siyang sikreto. Behind those sweet smiles na pinapakita niya, parang merong... something eh... ayoko ng isipin kung ano yun...

October na ngayon. ang bilis talaga ng panahon no? Haha. Kasama ko si Gigi ngayon. first time ngang maging busy ngayon ni Ver eh. Nagsisipag na ata ang loko no? Hindi ko tuloy siya kasabay ngayon sa pag-uwi. Hahaha. Mamimiss ko yun. Awww. Joke! Hahaha. Palagi ko naman siya nakikita, kailangan pa bang mamiss yung lokong yun?!

Uuwi na sana kami ni Gigi nun ng dumaan kami sa court. Nakita namin na nagprapractice yung Volleyball varsity. Balita ko nun meron silang game eh. Ayun, sana naman manalo sila no?! Haha.

"nuod muna tayo bru!" yinaya ako ni Gigi nun.
"sige..." umupo kami dun sa stage sa court then nanuod kami ng practice ng Volleyball varsity. nagtaka naman ako ng hindi ko makita si Kuya Evans. hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap pero diba dapat kasama siya sa mga nagprarpractice.
"bakit... bakita prang hindi ko makita si kuya Evans?" napatanong naman ako nun sa sobrang curiosity ko.
"aba, hindi ko alam..." busy nun si Gigi sa panunuod ng mga gwapong volleyball players na nagprapractice kaya siguro ganyan yung sagot niya sakin. napalingon naman ako sa gilid ko ng makita ko si Kuya Evans na kakalabas lang sa canteen na may kinakaen na ice cream. nakaschool uniform nga lang siya tapos dala niya yung bag niya. halatang wala siyang plano mag-practice. ano na naman bang ginawa neto?!
"uy teka lang Gigi ha? dyan ka lang..." sabi ko kay Gigi. tumango lang naman si Gigi nun. Tumayo ako nun tapos bumaba ako sa stage. linapitan ko si kuya Evans para makausap siya.
"oh kuya Evans... bakit hindi ka nagprapractice?" tanong ko naman sa kanya. namumula yung mga labi niya nun dahil ice cream na color red yung kinakaen niya. ang cute nga niya eh.
"Uh... nag-quit na kasi ako eh" naloka naman ako nun? nag-quit?!! asa naman no?!
"ha? bakit naman?!" nagtaka ako nun. asa naman na tungkol sa studies yan eh halos tuwing lunch nakikita ko siyang nakaen habang nagbabasa ng kung ano mang libro.
"wala lang..." sabi niya habang tinatapos niya yung popsicle stick galing dun sa ice cream. "trip ko lang..."
"ahh ganun ba..." hindi ko na rin mapigilan na lalong maging curious ng habulin ko siya ng isa pang tanong. "sabi ni Ate Rits, pumunta ka daw ng US nung birthday ko... bakit ka pumunta dun?" tumingin siya sakin ng diretso nun.
"uh... may ginawa lang..." bakit ba parang nagtatago siya?! ano ba yan?!
"anong ginawa niyo dun??" ako naman etong gagawin ang lahat para malaman kung ano man ang tinatago niya.
"ha? hindi naman yun masyadong importante..." sabi niya naman. masyado ba talaga yung malaki para hindi ko malaman??
"sige... sabi mo eh!" medyo nagpakita ako sa kanya ng pagkatampo. badtrip naman kasi 'tong si Kuya Evans eh?!
"oo nga! bakit ba ayaw mo maniwala?" napapangite na siya nun. kaya naman napapangite na din ako. Hahaha. nakakaloko kaya yung mga ngite ng lalakeng 'to. ewan ko ba kung bakit.
"eh kase naman..." yan lang yung nasabi ko. Haha.
"Uhm... pwede ka ba sa Saturday?" nagulat ako sa tanong niya. bumilis yung pagtibok ng puso ko.
"okay lang naman. bakit?" parang nahihiya pa siya nun bago ituloy yung sasabihin niya.
"gusto sana kitang yayain... gala lang tayo... pwede ba?" napa-isip ako nun. gala lang naman 'to diba?
"hmm... sige... okay lang..." umabot yung ngite ni kuya Evans nun. Haha. ay sige, ako na OA! Haha.
"Good. Text na lang tayo, okay? may kasabay ka bang umuwi? tayo na lang, ano?" hahawakan na sana ni Kuya Evans yung kamay ko ng biglang may naka-una sa kanya. Bago pa man mahawakan ni kuya Evans yung kamay ko, nahawakan 'to bigla ni Ver. Medyo nagulat nga ako eh. Hindi ko naman expected na bumaba na din pala siya.
"Vher... uwi na tayo..." sabi niya sakin. napangite na lang ako nun kay Kuya Evans.
"Ow. sige kuya Evans... kasabay ko na kasi si Ver at Gigi... next time na lang!" nginitian niya lang naman ako nun tapos tumango na lang siya then nagwave siya ng goodbye. naglakad na kaming dalawa ni Ver nun para puntahan si Gigi. Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan tapos binulungan niya ako.
"anong next time ka dyan?!" binulong niya sakin. natawa naman ako nun. tama ba ang hinala ko? nagseselos ang best friend ko?! Hahaha.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya na may halong biro na. humiwalay naman siya sakin nun.
"wala lang..." namumula siya nun. ang cute nga eh. kinikilig lang ako. Haha.
"Sus... selos?!" inaasar ko siya nun. totoo naman diba?!
"h-hindi ah..." pautal-utal naman niyang sinabi. natatawa na lang ako eh. yinaya ko na nun si Gigi na umuwi na kami. um-oo naman siya nun. naghintay na kami ng jeep. dating gawi din naman. hindi na kailangang ulitin pa. Haha. then nung nakauwi na kami, nagshower na ako at nagpalit ng damit. hindi ko na nga nabuksan yung bintana ko eh. nakatulog kasi ako kaagad. ewan ko ba. inantok lang ako kaagad. lumipas yung ibang days, wala namang pinagbago sa samahan namin ni Ver. Parang ngang nagmistulang joketime yung pag-amin niya sakin eh. kasi parang mag-best friend pa rin yung turingan namin. sa totoo lang, mas gusto ko yung ganito. kumbaga walang commitment... para pag sa huli, nalaman mo na hindi naman pala kayo talaga ang para sa isa't-isa... walang masasayang... andyan pa din yung friendship... diba?

October 13. Saturday.4:30 p.m


so yun may gala pala kaming dalawa ngayon ni Kuya Evans. Hindi naman ako masyadong excited. basta ang sabi niya susunduin niya na lang daw ako. hala, baka mamaya may BMW na namang tumigil sa harapan ng bahay namin. nagulat naman ako ng totoo nga?! Oohhhlalala?!! nakakainlove yung kotse eh. yung kotse na lang papakasalan ko?! Joke.

Naka-shorts ako nun tapos merong blouse as top. Tinack-in ko nga yun eh. ang cute kasi. bagay sakin yung mga damit na ganun. tapos naka-gladiator shoes ako nun na walang heels syempre. Haha.

bumaba naman ako nun sa first floor tapos kiniss ko na lang yung cheeks ni mama at ni papa then nagbabye na din ako sa kanila. pumasok ako dun sa back seat. nakita kong andun si kuya Evans. nagkangitian kami then tumabi na din ako sa kanya. hindi ko alam kung saan kami pupuna. bahala na. andun na din yung driver nila tapos malamang, si manong yung nagdradrive.

"cute mo ah..." sabi niya naman. hindi ko alam kung joke ba yun o ano? hahaha. bahala na. nginitian ko lang naman siya. nakita ko ngang may dala siyang attaché case. ano kayang laman nun? nacurious na naman ako. ang tahimik namin buong byahe. dun ko narealize na sa NuVali pala ang punta namin. natuwa naman ako kasi first time kong makakapunta dun. buti na lang wala masyadong traffics nun kasi medyo naexcite talaga ako eh! then, mabilis lang naman, bumaba na din kami dun sa NuVali.
"manong... kami na lang po uuwi ng magisa mamaya..." tumango lang naman si manong nun tapos umalis na din siya.
"wow. akala ko kung saan!" sabi ko naman sa kanya. tuwang-tuwa talaga ako. grabe, sobrang babaw ko naman ata. Haha.
"Oh siya lika. Starbucks tayo..." gusto kong umatras nun. Starbucks?!
"Wala akong pera huy!" eh totoo naman eh... nakakahiya naman 'to..
"libre  kita... lika na..." nanlaki yung mata ko nun. LIBRE?!! The woooowwww. hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papunta dun sa Starbucks. Umorder kami. sabi ko sa kanya kahit ano na lang. siya ng bahala sakin. Haha. First time ko din 'to sa Starbucks no?!!

Then, pumunta kami dun sa taas. Dun kami uminom at kumaen. grabe, pati yung pastries nilibre niya din sakin. Sige, siya na mayaman!! Nakakabadtrip lang eh. Haha. Nandun kami malapit sa may bintana umupo. Nasa likod ko nun yung bintana. Feel ko nga sunset na yun eh. Medyo orange na din kasi yung skies.

"The perfect spot..." narinig kong bumulong si Kuya Evans sa sarili niya. Tinabi niya yung drinks niya at pastries niya. tapos kinuha niya yung attaché case niya. naglabas siya nun ng Faber-Castell na color pencils. then meron siyang nilabas na sketch pad.
"teka lang ha?" nagulat naman ako sa kanya nun. nagdrawing siya nun. halos 15 minutes na akong naghihintay nun tapos ang ginagawa ko lang ay uminom at kumaen. ayaw niya kasing ipakita yung drawing niya sakin eh. ang bilis niyang mag-drawing. grabe, naamaze nga ako.
"tapos na!" nakangite niyang sinabi sakin.
"patingin ako!" binigay niya sakin yung sketchpad. grabe, detailed yung colors. tiningnan ko yung bintana sa likod ko. sunset nga. and dun sa picture, sunset ang background ko. nakasmile ako nun. basta ang galing, sobrang galing niya palang magdrawing at mag-color. napangite talaga ako sa kanya.
"Wow.. sobrang galing mo..." papuri ko naman sa kanya.
"Thanks.. nagustuhan mo?" tanong naman niya sakin habang binabalik ko sa kanya yung sketchpad.
"Oo. sobra..." then nginitian ko siya at nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan.

No comments:

Post a Comment