Monday, December 27, 2010

Chapter 25

Nagkakwentuhan pa kami ng pagkarami-rami. As in. Naglakad-lakad pa kami dun tapos nagpicturan gamit yung DigiCam ko. then, tumambay din kami dun sa parang madamo na part tapos nag-drawing na naman siya. Ako na naman yung drinawing niya. ganun ba talaga ako kaganda?! Joke. Haha. Pero promise, sobrang galing niyang magdrawing. Ang linis nung mga sketches tapos yung pagkakakulay niya eh, kuhang-kuha yung complexion ko. Feeling ko nga mas maganda pa yung mukha sa drawing kesa sa totoong mukha ko eh! Haha.

Halos 7 pm na din kaming nakauwi nun. Nag-commute lang kami nun. tutal naman parehas kami ng subdivision, hinatid niya ulit ako sa bahay namin. grabe, hindi matanggal sa mukha ko yung ngite na dulot ng mga pangyayare ngayong sabado. okay lang naman kay mama na sumama ako kay Kuya Evans dahil kaibigan at kliyente naman niya yung daddy ni kuya Evans. hanggang ngayon nga eh wala pa din kaming alam ni mama kung bakit gustong madaliin nung daddy ni kuya Evans yung bahay. as of now, ginagawa na nga agad eh. grabe. and gusto na nga daw agad matapos bago ang graduation ng anak niya. kamusta naman yun?! Hahaha. Sobra naman ata. Kaya nga full-forse nga yung mga tao eh. Feeling ko matatapos siya sa sobrang daming kamay na nagtratrabaho. Wew. Sila na mayaman.

Tumaas naman ako dun sa kwarto ko. binuksan ko agad yung computer para magprint ng pictures namin ni Kuya Evans. Alam niyo naman ako, kapag may masayang memory, linalagay ko kaagad dun sa notebook ko. Ang dami na talagang laman nun. Puro masasayang memories.

Nagshower muna ako tapos nagpalit na din ng damit. 8 pm na rin ngayon ng napagpasyahan ko na buksan yung pintuan ko. tumawid ako dun sa bridge then kumatok ako dun sa pintuan ni Ver. Binuksan naman niya agad, ginamit ko yung opportunity na yun para sumilip dun sa  kwarto niya na never ko pa napapasukan. nagulat naman ako ng bigla niya akong pagsaraan ng pintuan. medyo nainis nga ako nun pero after a few seconds lang naman, binuksan niya agad yung pinto tapos parang split second lang yung naging pagitan ng lumabas siya mula sa kwarto niya. parang meron siyang tinatago dun sa loob ng kwarto niya na hindi niya sakin pinapaalam.

"bakit ba parang may halimaw kang tinatago dyan sa loob ng kwarto mo?!" pangaasar ko namang tinanong sa kanya.
"bakit ba?! tsaka saan ka galing?!" tanong niya na parang siya ang tatay ko. Haha.
"sa NuVali... nagpunta kami dun ni kuya Evans..." pinatong ko nun yung kamay ko dun sa hawakan nung bridge. tumabi naman sakin nun si Ver.
"Oh? anong ginawa niyo dun?" napatingin ako sa kanya. naghahanap ako ng sign kung nagseselos ba siya o hindi.
"uh... wala naman... nagstarbucks kami... nagpicturan... drinawing niya ako... tapos tumambay lang kami dun..." napatingin naman ako dun sa kamay ni Ver na kanina ko pa napapansin na parang kinukutkot yung daliri niya. yung tipong hindi siya mapakali.
"aahh. okay.." yun lang naman ang sinabi niya. gusto ko ngang i-open sa kanya yung pag-amin niya sakin. joker kasi siya diba? malay ko ba kung nagjojoke siya o hinde?! baka naman kasi joke lang yun diba?! ako lang 'tong tanga na naniwala at nagpauto sa kanya. siguro mas mabuti na ding di ko siya tanungin. mananahimik na lang ako. tama, yun ang tamang gawain. Haha.

Lumipas naman ang ibang days. naging excited na din kami sa fieldtrip namin sa October 21 sa Tagaytay. Lalo naman akong naexcite nung nalaman ko na kasama namin sa bus yung section nila Ver. Magpaparty na naman ang puso ko. Hindi naman talaga ako excited sa mismong trip sa  Tagaytay, excited ako sa kung ano mang mangyayare sa bus. Napagpasyahan namin ni Gigi na kami yung magkatabi dun sa bus. Well, mula first year naman kami na talaga yung magkatabi kaya wala na ding pinagbago.

Wala naman talagang nangyayare sa buhay ko kaya mas maigi ng ifastforward na natin sa mismong fieldtrip. feeling ko naman nun may mangyayareng maganda ngayon. ewan ko ba. sa lahat ata ng mga kutob ko nagkaaktotoo eh! Haha

October 21. Field trip.Friday

Sumakay na kami dun sa bus. ang ingay ng mga estudyante. feeling ko eto na yung best fieldtrip ever. ang lakas ng trip ng mga tao eh. hindi pa nagalaw yung bus, parang may excitement na. nagtatayuan na yung pasimuno ng kaingayan tapos nagkakantahan at nag-aasaran na sila. tamang gawing playground ang loob ng bus?! Haha. Nagpasukan na rin naman yung section nila Ver. Marameng kaclose dito yung mga tropa nila Ver kaya naman sobrang saya nila nung nalaman nila na magkakabus kami. Magkatabi nun si Ver at Prince. While si Josh at Gian yung magkatabi. Tumabi si Ver at Prince dun sa seat na katapat lang namin sa kanan. si Gigi yung nakaupo malapit sa bintana. While si Prince yung nasa other side na pinakamalapit sa bintana. kaya naman isang upuan lang sa gitna yung pagitan namin ni Ver. Tumitingin nga siya sakin eh. nakikita ko lang siya dahil sa peripheral vision ko.

Nung umandar na yung bus, lalong naging wild yung mga estudyante. grabe, pasahan ng pagkaen nun tapos picturan sila ng picturan. Inalok ako ni Ver ng pringles nun, makapal ang mukha ko kaya kumuha naman ako kaagad.

"excited ka?" nagtanong pa siya. Haha.
"oo naman..." sagot ko naman sa kanya habang kumukuha pa ako dun sa pringles niya.
"bakit?" ano namang klaseng tanong yan?!
"malamang, dahil fieldtrip..." isang obvious na sagot naman ang binato ko sa kanya.
"Ahhh.. akala ko kasi dahil sakin..." tapos tumawa siya. okay, yun naman pala eh. mang-aasar na naman siya.
"asa naman..." inirapan ko lang naman siya nun. "penge nga ako niyan" sabay hingi dun sa tortillos na kakabukas niya lang. sige, ako na patay gutom. kumaen lang naman kami nun at nag-asaran. wala naman siyang kung ano mang ginagawa na sweet gestures. pero kahit na ganun, kinikilig pa din ako.

patuloy naman ang pang-aasar nila Prince at Gigi na katabi lang namin. Tapos si Josh at Gian naman eh nagpapakulo na naman ng bagong gimik. pinipicturan nila lahat nung mga tulog tapos nageefort talaga sila na makapagpicture ng mga nakakalokong stolen shots. Haha. Trip din naman nila na picturan kami ni Ver. Sige, scandal na naman yan. badtrip talaga 'to oh.

"upload niyo yan aah!!" eto namang si Ver, kinokonsente pa!!
"wag nga kayong ganyan!!" sabi ko naman sa kanila.
"okay lang yan bru!?!! iupload niyo yan Josh ha?!!" wala na talaga akong kaibigan. Hahaha. Joke!!
"iuupload talaga namin 'to!!" sigaw naman ni Josh. grabe, ang wild talaga. wala namang pake yung teachers na nagbabantay samin. pagbigyan naman nila no?! minsan na lang maging maingay eh!! Haha.

so yun, hindi din naman ako nakatulog nun. sobrang ingay kasi nila Prince. parang nagkakaroon ng party sa loob ng bus. tapos pinagtritripan pa nila yung mga tao sa labas. kamusta naman yun?! baka akalain ng mga tao, zoo ang diretso namin dahil daig pa namin ang mga wild animals kung magwala. Haha.

after 100 years naman (over!), nakarating na din kami dun sa Tagaytay. Masasabi nating boring ang field trip na 'to dahil wala naman talaga kaming gagawin. bibigyan lang kami ng time para maggala dito at magpicture-picturan. okay lang yun. at least, wala ng nakakatamad na mga lectures o kung ano mang eklavu. Haha.

Nung bumaba naman kami dun sa bus, nilapitan namin kaagad si Ate Rits, Ate Pat at yung ibang babae na kasama niya. Lumapit din samin si kuya Evans at yung iba niyang tropa. So kami-kami na din yung magkakasama nun. first year na lang ang kulang eh!! Haha.

"Wow. kumpleto ang barkada ahh.. anong una nating gagawin?" tanong naman ni Gian.
"magikot-ikot muna tayo..." sinuggest naman ni Prince. so yun, siya yung sinunod namin. nagpipicturan lang naman kami habang naglalakad-lakad. grabe nga si Ver eh, kinacareer na ang pagiging photographer. kung makapagpicture eh parang walang bukas. tapos yung mga magagandang tanawin talaga yung pinupuntirya niya. sige, siya na! Haha. nilapitan ako nun ni Kuya Evans.

"huy" sabi niya naman sakin.
"hm?" nginitian niya lang naman ako nun. sa totoo lang, wala naman talaga siyang sasabihin. siguro, gusto niya lang ako na sabayang maglakad. napatingin nga samin si Ver na busy na magpicture eh. nginitian niya kaming dalawa tapos nagtake siya ng picture samin.
"oy bakit mo kami pinicturan?!" tanong ko naman sa kanya.
"Wala lang... masama ba?" yun lang ang sinabi niya tapos nagpatuloy siya sa paglalakad kasama nila Gian. Napadaan kami dun sa parang tiangge na ewan tapos si Gigi tuwang-tuwa dun kahit na wala naman siyang balak na bumili. Haha.
Nagpatuloy naman yung adventure namin. pumunta kami dun sa horseback riding chuchu. Wala naman kaming bayad nun nung nalaman nila na mga estudyante kami na nagfi-fieldtrip lang. siguro, kasama na yun dun sa mismong bayad namin. Nakasakay naman kaagad si Ver. Siya pa nga yung nanguna eh. Parang expert naman siya kung sumakay ng kabayo. Tapos picture lang siya ng picture. Sunod na sumakay si Josh. then si Gian at Prince nasa isang kabayo lang. natawa nga ako nung nalaman ko na takot palang sumakay dun si Gian. Hahaha. Laugh trip talaga kami nun. sumakay nun si Gigi. Tapos si Ate Rits at Ate Pat sumakay sa isang kabayo. pati yung ibang friends ni Ate Rits, sumakay na din. Kami na nga lang ni Kuya Evans yung natitira dun.

"sabay na tayo sa isa?" yinaya niya naman ako nun. magsasalita na sana ako ng oo ng biglang tumigil yung kabayo ni Ver sa harapan ko. nakatingin sakin si Ver nun.
"sakay ka?" then rineach out niya sakin yung right hand niya. ang bilis ng pagtakbo ng puso ko nun. parang dati ko pa 'to naiimagine... yung tipong parang may isang prince charming na nakasakay sa kabayo tapos aalukin ako na sumakay sa kabayo kasama siya... fairytale come true... grabe talaga... hindi ako nakapagsalita nun... feeling ko si Ver na yung pinakagwapong lalake sa paningin ko nung mga oras na yun... hinawakan ko yung kamay niya tapos tinulungan niya ako na makaupo dun sa kabayo..
"sige... kay Ver na lang..." then tumakbo na din yung kabayo... hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko para kay Kuya Evans... masyado ba akong masama?? then, syempre nakasakay na din si Kuya Evans sa isang kabayo. tapos inikot lang naman namin yun. inaamin ko nga na medyo kinakabahan ako dun sa kabayo eh. nakikita ko kasi sa movies na parang sinisipa ng kabayo yung mga taong hindi nila feel. Hahaha. Baka lang kasi hindi nila ako feel diba?
mabagal lang yung takbo namin nun. hindi ko na rin naman napapandin na paulit-ulit na lang kaming naikot dun. pero hindi pa rin ako nahihilo. hindi ko alam kung bakit.
"bakit ka sakin sumama? hindi kay Evans?" biglang tanong naman sakin ni Ver. nagulantang nga ako sa tanong niyang yun eh. hala, mapapaamin na ata ako.
"uh... eh..." yun lang yung nasabi ko sa kanya. nafeel ko nga na ngumite siya eh.
"sige... wag mo ng sagutin... mahal naman kita eh.." bigla akong napangite nung sinabi niya yun. hindi ko napigilan na yakapin siya from his back. grabe, sobrang saya ko talaga. sobrang kilig yung nararamdaman ko. ang bilis ulit ng pagtibok ng puso ko tapos tumaas yung mga buhok ko sa katawan. feel na feel ko na talaga na this is it!! si Ver na talaga. Haha.

Natapos din kami dun sa horseback riding. hindi na nga ako nakapagsalita nung sinabi yun ni Ver sakin. out of words. sa sobrang kilig ata? Haha.

nung nakababa na kaming lahat dun sa kabayo, kami ni Ver yung magkasama na naglakad papunta dun sa site kung saan pwede kumaen ng lunch.

"kaen na tayo, gutom na ako!" pagrereklamo naman ni Gigi habang papunta na kami dun sa site.
"papunta na nga tayo eh..." pambabara naman ni Gian. Halos ilang minuto lang naman at nakaupo na din kami at sabay-sabay naming nilabas yung mga lunch na baon namin. nagkakwentuhan kami. katapat ko nun si Ver sa pagkaen tapos nagshe-share pa kami ng ulam sa isa't-isa.

Then, bigla naman akong napatingin kay kuya Evans na nasa bandang dulo katabi ni Ate Rits. Ewan ko ba. Biglang naglocked yung mga mata namin sa isa't-isa. hindi siya ngumingite. siguro, yun yung dahilan kung bakit hindi rin ako makangite sa kanya. pero bigla naman siyang nagfake ng smile tapos binalin niya na lang agad yung tingin niya dun sa pagkaen niya. bumilis yung pagtibok ng puso ko. napatanong ako sa sarili ko kung ano namang ibig sabihin nung mga ginawa niya?

No comments:

Post a Comment