Wednesday, December 29, 2010

Chapter 31

Napatayo ako nun bigla. syempre, pinunasan ko agad yung mga luha ko para hindi niya makita na iniiyakan ko na siya... nanlaki naman yung mata ko nun nung napaisip ako kung kanina pa kaya siya andyan?? paano kung narinig niya yung mga sinabi ko kay Tella?!! Nakagat ako sa labi ko nun. dahil sa sobrang epic fail ng nararamdaman ko ngayon, nakagat ko na rin yung nails ko tapos napapikit talaga ako... feel ko naman na napapangite nun si Ver sa likod ko...

"Tella..." narinig kong ibulong niya. triny kong sumilip sa ibaba ko at nakita ko siya na linagay yung kamay niya dun sa pocket niya... pinapayungan pa rin niya ako nun at tuloy pa din ang buhos ng ulan pero hindi pa rin namamatay yung kandila na tinirik namin. narinig kong umubo siya nun. kinilabutan naman ako nun lalo ng kumulog tapos biglang lumakas ang ihip ng hangin.
"gusto ko pala ipakilala sayo ang babaeng pinalit ko sayo..." nagulat ako ng bigla niyang sinabi yun tapos bigla niya akong inakbayan. "pakibatukan nga siya minsan sa pagtulog niya, mukhang hindi naniniwala eh..."
napangite ako nung sinabi niya yun pero trying hard naman akong nagpipigil ng kilig. napapatungo ako nun tapos hindi ko talaga mapigilang ngumite. iyak tawa ako eh. parang akong baliw. nafeel ko naman nun na linapit niya yung bibig niya sa tenga ko tapos bumulong siya.
"narinig mo naman na diba?" napatango ako nun. ako naman kasi 'tong tanga na natatakot maniwala... na natatakot aminin na meron din palang pag-asa na mahalin ako ng lalaking dati ko pa mahal... "baka gusto mong ulitin ko pa para sayo..."
nasa boses niya yung pagiging mayabang niya kaya natawa na lang ako nun. feeling ko nga nag-iba yung mukha niya nun gawa ng tinawanan ko lang siya.
"hoy alam kong corny 'to no... alam mo namang hindi ako isang corny na tao no! ang laking effort ang binibigay ko para umamin sayo ng maayos no..." napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. dun ko narealize na ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. napangite ako nun.
"so galit ka na niyan?" pang-aasar ko namang sinabi sa kanya. medyo lumayo siya nun. grabe, daig pa niya ang babae kung mailang. parang hindi naman siya nasanay sa sobrang closeness namin.
"h-hinde..." pautal-utal naman niyang sinabi sakin. dun ko lang narealize na yung kanang kamay niya pala eh nakahawak dun sa kaliwang braso ko tapos ang lapit-lapit din pala namin nun sa isa't-isa. pinagpipilitan kasi namin yung sarili namin dun sa payong...
"eh ano pa bang sasabihin mo?" tanong ko naman sa kanya... wala lang... gusto ko lang marinig sa kanya ng buong-buo... ngumite siya sakin bigla... napakagat ako sa labi ko nun dahil gusto kong pigilan yung pagkakilig ko sa bawat kilos niya... niyakap niya ako nun... parang tumigil ang pagrevolve at pagrotate ng mundo... tapos parang wala akong naririnig kundi yung bawat pintig ng puso niya... saktong-sakto yung tenga ko dun sa left side nung chest niya... napapikit ako nun... feeling ko kasi sumisigaw yung puso niya ng `Vher! Vher! Vher!`. alam kong OA... pero sadyang yun lang talaga ang nararamdaman ko...

segundo lang ang tinagal ng pangyayare na yun pero para sakin parang nagcompose na ng isang fairytale na nagtatapos sa mga katagang happily ever after. humiwalay kami sa isa't-isa nun at nagtinginan... bumilis yung pagtibok ng puso ko tapos parang naging back to normal din naman ang lahat... hinawakan niya yung mukha ko... nanlalamig yung kamay niya... hindi ko alam kung dahil ba sa panahon o sadyang kinakabahan siya...

"narinig mo ba yun?" napapikit ako nun. feel na feel ko kasi yung touch niya eh.
"yung alin?" tanong ko naman sa kanya. parang akong nalipad nun... feeling ko lulutang ako sa sobrang kilig... ewan ko nga kung kilig pa ba 'tong tawag sa nararamdaman ko... happiness... eternal happiness 'tong nararamdaman ko... ang sarap sa pakiramdam ko...
"yung puso ko..." tumango ako nun. minulat ko yung mata ko at nakita ko siya na nakangite sakin... hinawakan niya nun yung hips ko... ewan ko ba kung anong tawag samin ngayon... such young lovers... sige, kami na malandi. hahaha.
"so anong meron sa puso mo?" tanong ko sa kanya. i wanted to hear more words from him... more sweet words...
"ikaw..." napangite ako bigla nun.ngumite din siya sakin as a reply. linapit niya yung mukha niya sa mukha ko. parang nakalimutan niya na may hawak siyang payong kaya nahulog niya yun... bumuhos ang ulan sa ulo naming dalawa... ang lamig ng simoy ng hangin... ang sarap sa pakiramdam... basang-basa na kami pero tila wala kaming pakielam kung ano mang itsura namin ngayon... lalo siyang lumapit sakin... nakapikit na siya nun dahil sa tubig ulan na saktong pumapatak sa mga mata niya... gusto ko ng marinig yung mga bagay na dati ko pa gustong marinig...

"i love you..." he said it... parang naging warm yung feeling ko nun... he said `i love you` a million times better than any man in this world... "mahal na mahal kita..." naluluha ako nun sa sobrang tuwa. napapangite na talaga ako ng sobra nun... parang ayaw kong matapos 'to... ang sarap kasing pakinggan nung mga words na yun... the best talaga...
"i love you too..." ngumite din siya nun nung sinabi ko yung mga katagang siguro dati pa rin niya hinihintay... hindi na mabigat sa pakiramdam yun... tuloy ang pagbuhos ng ulan sa mga ulo namin... tuloy ang pagikot ng mundo... alam niyo ba yung feeling na umiikot lang ang mundo para saming dalawa ni Ver?? ganun yung nararamdaman ko ngayon... as if ipinanganak siya para makilala ko at ako din naman ay isinilang sa mundong ibabaw para mabuhay para sa kanya...

lalo niyang nilapit yung mukha niya sakin. i know this sounds weird but he kissed me... he kissed me na parang kasal na namin 'to... parang akong lumilipad nun... napaisip pa nga ako nun na lintek 'tong si Ver... hindi sakin sinabi na may kapangyarihan pala siyang paliparin ang isip at kaluluwa ng isang tao... it was sweet... it was perfect...

mabilis na natapos yung mala-fairytale kong kiss na yun... nagkatinginan kami and ended it all with a sweet smile... napatingin kaming dalawa dun sa puntod ni Tella... parang walang naalis kahit na isang petal mula dun sa mga flowers at walang namatay na kandila...
"ibang klase ka talaga Tella..." bulong ko naman.

lumipas naman ang ibang days. natapos din ang sem break. hindi ko masasabi na kami na o ano. basta ayun, may feelings lang talaga kami sa isa't-isa... napapansin na din ng mga tao yung pagiging blooming ko at sobrang pagiging out-going... nakausap ko na din nun si Kuya Evans at Ate Rits... triny na din namin ang best namin na wag ipakita kay Kuya Evans kung gaano kami kaafected... alam na din pala ng buong tropa yung tungkol kay Kuya Evans kaya naman tulong-tulong kami sa pagpapasaya sa kanya... syempre, hindi namin kinalat sa iba yun no!! kinakabahan na nga rin kami ng mga sandaling yun kasi napapadalas na din yung pagabsent niya pero yan! FIGGGHTTT!!

nagpatuloy yung kasiyahan naming lahat... although, minsan nagpaparamdam sakin si Kuya Evans... tulad ngayon...

"sabay na tayo umuwi..." dismissal na namin ngayon. masyado nga akong maraming gagawin dahil tinambakan kami ng mga assignments at projects.
"ow. kasabay ko na kasi si Ver eh..." hindi ko nga alam kung dapat ba ako maawa o hinde eh... feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya... diba??
"ay sige... ingat ka ha? mahal pa naman kita..." minsan sa mga simpleng pagsabi niya ng mga salitang yun, napapangite na lang ako. hinahayaan ko na lang siya na iparamdam sakin ang lahat ng nararamdaman niya... nginitian ko lang naman siya tapos nagbabye na din ako sa kanya... lumapit ako kay Ver nun na matagal na palang naghihintay dun sa gate...

"ang tagal mo!!"pagrereklamo naman niya sakin. nginitian ko lang naman siya nun.
"tayo na!" nakita kong napatigil siya nun tapos napangite siya sakin. aba... baka akala neto...
"yan lang naman ang hinihintay ko eh..." ang yabang pa ng boses niya nun. palagi naman siyang ganyan. sanay na ako. hahaha... akala nga niya eh sinasabi ko na kami na!! timang talaga 'tong lalakeng 'to oh?!!
"tanga!! paano kita sasagutin kung hindi ka naman nanliligaw?!" hinawakan ko yung kamay niya nun tapos hinila ko siya palabas nung gate... naghihintay na kami ng jeep ngayon... as usual, matagal pa rin ang paghihintay...
"ow... eh pwede bang manligaw sayo?" napangite ako nung sinabi niya yun. tumungo ako nun para hindi niya makita kung gaano ako kinikilig. hindi ako makasagot sa kanya. nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko tapos nagsalita siya. "hindi bale... papakasalan muna kita bago kita ligawan kaya mas mabuting wag mo munang sagutin yung tanong ko..."


kilig na kilig ako nun. hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko... nakauwi na rin kami nun syempre... dating gawi... lumabas ako dun sa kwarto ko gamit yung pintuan na dati kong bintana... tumambay ulit kami dun sa bridge at nagpahangin... ang sarap ng feeling na siya ang kasama ko...

"ang ganda nung stars kaya ang sarap titigan eh" sabi ko naman sa kanya.
"alam mo kapag namatay ako..." nagulat ako dun sa sinabi niya. ayoko nung mga salitang ganyan eh!! "gusto kong maging isa sa mga stars na yan... para lagi mo na din akong titingnan..." babanat lang pala?!! akala ko kung ano... napatawa na lang naman ako nun... hinawakan niya yung kamay ko nun... feeling ko nga nahihiya pa siya nun eh... pero ako naman etong naginsist na hawakan ng mahigpit yung kamay ko...
"paano kung namatay ako, anong gagawin mo?" tanong naman niya sakin.
"susunod ako sayo..." yun yung naging reply ko sa kanya. feeling ko kasi totoo talaga na kaya kong gawin yun para sa kanya eh.
"tungak. kaya pala hindi talaga ako pwedeng mawala no..." tumango ako nun. tapos nginitian ko siya.
"gaano mo ako kamahal?" nakita kong ngumite siya nun.
"...enough for my world to hear, feel and see..." kinilig ako ng sobra nun. bakit ba siya ganito ka-sweet?! "parang ganito oh..." 

The moment he said that... lumapit siya sakin at bumulong... "I love you... para maring ng buong mundo ko kung gaano kita kamahal..." 

lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa kamay ko then nagsalita ulit siya... "ayan, para makita ng mundo ko kung gaano ko gustong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.." napangite ako nun.

then tumingala siya at tumingin sa mga stars.

 "at ang mga stars... para ipaalala ko sayo na hangga't merong isang bituin dyan na nagbibigay ng ilaw sayo, hindi matatapos ang pagmamahal ko sayo..."

No comments:

Post a Comment