Saturday, January 8, 2011

Chapter 42

[Vher's Point Of View]

Mabilis yung pagtibok ng puso ko. May mga bagay na sadyang malabo talaga no? Yung tipong sasabihin ng taong yun na mahal ka niya pero sasabihin din naman niya na kaya ka niyang iwan? sobrang hirap talaga kapag nagkasabay na ang pakikiramdam ng puso at pag-iisip ng utak natin. hindi alam kung ano ang uunahin at isasantabi. Siguro, para kay Ver, naging mas importante ang kinabukasan niya kesa sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya. gusto ko siyang intindihin pero ang sakit... sobrang sakit... bigla bigla na namang sasagi sa isip ko kung paano kaya kung si Tella ang nasa kalagayan niya ngayon, magagawa niy kaya yung iwanan? Bakit ba kasi parang sobrang dali lang sa kanya na iwan ako?

Kagaya ng napagusapan, linayuan nga namin ang isa't-isa. Ewan ko kung tama 'to. Mukha din namang walang patutunguhan 'to eh. Lalo ko lang siyang namimiss. Lalo lang ako umiiyak gabi-gabi. Nakakainis naman kasi. Nagdadalawang isip na nga ako, kung mahal niya ba talaga ako.

Lumipas din ang ibang araw. Naiinis ako, dumaan ang Pasko at Bagong Taon ng hindi ko nakikita si Ver. Wala man lang siyang regalo sakin, nakakatampo no? Ako din naman eh hindi na nag-abala na bumili ng regalo. Hindi ko alam kung bakit. Nung Pasko naman ay nasa Cavite nun yung pamilya ni Ver, dun sila nagpasko at nagbagong taon. Kaya lalo ko naman siyang hindi makita. Sobrang tamlay ko nun. Ano kayang nararamdaman ni Ver? Ganito din kaya? Katulad ko... Hay Nako...

January 5 na ngayon. In short may klase na kami. Wala naman si Ver, expected ko na yun. Pero eto na yung buwan na pinakakinatatakutan ko. ang pag-alis ni Ver at ni Kuya Evans... bumilis yung pagtibok ng puso ko habang nagaassemble kami para sa flag ceremony namin... parang naging abnormal yung pagtibok ng puso ko... yung tipong sasabog na 'to anytime... kaba ba 'tong nararamdaman ko? kasi kung oo, dahil saan?

[Rits' Point of View]


January 5. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. sobrang kinakabahan ako tapos umaagos na din yung luha ko habang nandun ako sa kotse nila Evans. gusto kong may magawa para kay Evans pero ano nga naman ang magagawa ko para sa kanya? tanging samahan lang siya sa natitira niyang buhay ang maibibigay ko sa kanya. siguro kung cure yun sa sakit niya, matagal na siyang magaling.

Hawak hawak ko yung kamay niya nun. nakahiga siya nun sa lap ko. Nakikita ko sa mga mata ni Tito yung pag-aalala at ang kaba. Nanlalamig nun yung kamay ni Evans. Nangingig din siya at hawak ng kaliwa niyang kamay yung left side ng chest niya. Ayoko siyang tingnan nun kasi pati ako nahihirapan. Alam ko kung anong nararamdaman niya. Too much pain. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko nun tapos napapapikit na siya. Pawis na pawis din siya.

"Please Evans. Malapit na tayo sa ospital, okay?" sabi ko naman sa kanya. pinipigilan ko na yung pagluha ko nun, hindi nun nakapagsalita si Evans. hindi pa rin nagbabago ang heart rate ko nun.

Ilang minuto lang ang lumipas ng bumaba na kami dun sa ospital sa Muntinlupa. Dali-daling bumaba nun si Tito tapos tinawag yung mga nurses sa Emergency Room na mabilis naman na inalalayan si Evans. Nagawa kong bitawan nun yung kamay ni Evans. Lalo akong umiyak nun. natatakot ako... natatakot ako na baka yun na yung huling sandali na makakasama ko siya... hindi ako pinayagan na pumasok sa emergency room kaya naman pumasok na lang ako dun sa kabilang entrance at umupo ako dun sa waiting area... mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko... please naman... wag ngayon... wag talaga ngayon...

30 minutes ang lumipas ng makita ko si Evans na nilabas dun sa emergency room. Nakadextrose siya tapos merong nakatakip sa bibig niya. Nakahiga siya dun sa hospital bed at mabilis siyang trinatransport ng mga nurses at isang doctor sa isang kwarto... sa isang kwarto na lalong nagpakaba sa damdamin ko...

napatayo ako nun tapos medyo binilisan ko yung takbo ko para maabutan pa kung saang kwarto linagay si Evans... sa ICU... gusto ko ng umiyak nun... wag ngayon... iyak ako ng iyak nun... bumubuhos talaga yung luha ko nun... nakita ko yung tito niya na nakaupo dun sa mga upuan sa harap ng ICU... naiyak din siya... sumasakit yung puso ko... hindi ko mapigilan yung mabilis na pagtibok ng puso ko... mukhang hindi ko na kakayanin... mukhang hindi ko kakayanin lahat... lahat ng pwedeng mangyare... hindi ko kakayanin na mawala siya... hindi pwede yun...

ilang minuto rin ng mapatulala ako. tinabihan ko na rin sa pagkakaupo si tito nun. parehas kaming hindi nagsasalita nun. parehas kaming kinakabahan. lumipas ang dalawang oras. walang lumalabas na nurse o doctor man lang. hindi na namin alam kung anong nangyayare dun sa loob kaya naman lalo kaming kinabahan... medyo nagulat naman ako ng biglang lumabas yung doctor na may isang malungkot na expression... sabay kaming napatayo nun ni tito... sabay din naman naming nilapitan yung doctor... nakita naming umiling nun yung doctor... tumibok na naman ng pagkalakas-lakas yung puso ko...

"bumababa na ang vital signs niya... pwede kayong pumasok sa kwarto niya kasi baka ito na rin ang huling sandali na makakasama niyo siya... I'm so sorry..." sabi naman nung doctor..

parang tumigil yung buong mundo ko. pati pagpatak ng mga luha ko tumigil na din. naninikip yung dibdib ko. unti-unti na ding naglabasan yung mga nurses. pumasok si tito dun sa kwarto ni Evans. frozen pa din ako dun sa pintuan nung ICU. ayokong tingnan si Evans na nahihirapan... nasasaktan ako... naiiyak ako... nakita ko dun sa screen na mula sa 60 eh bumababa yung vital signs niya... ayoko na... parang unti-unti ng nadudurog yung puso ko nun...

"sa totoo lang miss... akala namin magsusurvive na siya when we found out na meron na siyang donor..." nagulat ako dun sa sinabi nung doctor sakin. bumilis yung pagtibok ng puso ko.
"po?" tanong ko naman sa kanya.
"1 hour before, biglang may nagsabing nurse sa 'kin na may isang donor na pwede sana sa pasyente kaso 30 minutes after, umatras yung pamilya nung donor..." kinabahan naman ako lalo. parang nagkaroon ako ng pag-asa nun. napatigil ako nun at napatingin ako dun kay tito na binubulungan si Evans... iyak ng iyak nun si tito... nakakaawa lang... napaisip ako nun maybe eto na nga yung time na pwede kong matulungan si Evans...
"sino yung donor?" tanong ko kay doctor.
"Unfortunately, hindi ko alam... normally naman kasi hindi natin nalalaman kung sino ba yung mga donors..." nanlumo naman ako sa sinabi ni doc. triny ko nun na lumapit kay Evans. hinawakan ko nun yung kamay niya. triny ko yung best ko na wag umiyak sa harap niya. nakapikit siya nun, malamang diba... segundo lang ang tinagal nun at binitawan ko na yung kamay niya... hindi na ako nagpaalam dun kay tito... basta umalis na lang ako mula sa kwarto ni Evans...

mabilis akong sumakay ng elevator papunta sa First floor... kinakabahan ako lalo... wag niyo siyang kunin ngayon please... eto lang ang tanging naiisip ko habang pinupuntahan ko yung area para sa information...

"miss, saan po yung room dito nung naaksidente or naadmit dito one hour ago?" yun yung una kong tanong dun sa receptionist. mabilis naman na nagtype yung babae dun sa computer.
"are you referring dun sa lalakeng teenager na nabundol ng kotse?" parang umikot yung paningin ko. sa totoo lang, wala akong alam.
"uh... yes... asan siya?" tanong ko naman sa kanya.
"nasa ICU siya ngayon... 5th floor..." bumilis yung pagtibok ng puso ko. nagthank you ako kaagad dun sa receptionist at mabilis akong pumasok dun sa elevator. dasal ako ng dasal nun... please... wag ngayon... kahit na patagalin niya lang ng apat na araw pa si Evans... nasa 5th floor na ako ngayon at patuloy na hinahanap yung ICU... napatingin ako dun sa loob nung ICU... wala ng doctor at mga nurses pero may nakita ako dung isang lalake na siguro ay yung tatay nung teenager at yung parang isang lalake na may edad ng 20s pataas... nakasilip lang ako dun sa bintana nung pintuan... nakita ko dun ang isnag teenager na lalake na hindi nalalayo sa edad ko... mukhang unconscious din yung pasyenteng yun... dun ko naman narealize na naka-coma pala yung pasyente... linakasan ko ang loob ko nun tapos kumatok ako dun sa pintuan at pumasok ako dun sa kwarto... napatingin sakin yung dalawang lalake nun... siguro nagtataka sila sa pagdating ko...

inunahan na ako ng emosyon ko nun... napaiyak ako kaaagad... nahihirapan akong magsalita pero naisip ko na lang na kailangan ko 'tong gawin para kay Evans...

"Please po... alam kong hindi niyo ako kilala..." nanginginig na ako nun. "Hindi ko rin sigurado kung kayo yung tinutukoy nung doctor... pero kung kayo yun sana po matulungan niyo ako..." iba yung titig sakin nung dalawang lalake na narealize ko naman ay isang mag-ama. "ang best friend ko po malapit ng mamatay dahil sa isang heart disease... hindi ko alam kung yung pasyente po na yan yung dapat donor ng best friend ko... pero kung siya po at kayo ang pamilya niya, please... sana matulungan niyo ako..." iyak na ako ng iyak nun. ang sakit sakit ng puso ko.
"sorry iha... may organ donor card 'tong anak 'ko pero hindi namin basta basta pwede ipamigay ang puso niya..." sabi naman nung tatay niya. lalo akong umiyak nun. parang nablur na nun yung paningin ko. napaluhod ako nun sa harapan nila tapos tumingin ako sa mata nung tatay niya.
"please po... mamamatay na po ang best friend ko... pumayag na po kaya na ibigay sa kanya yung puso niya... alam kong mali 'tong ginagawa ko at nagpapakaselfish ako pero hindi ko kaya na mawala po siya sakin..." lumalapit ako sa kanila ng nakaluhod. bumibilis yung pagtibok ng puso ko. ang bilis din ng pag-agos ng luha ko. lumapit naman sakin yung kuya nung pasyente tapos tiningnan niya ako ng diretso.
"alam mo ate mahirap yun!" napapasigaw na nun yung lalake sakin. "para sa'min may pag-asa pa rin na mabuhay yung kapatid ko!! sinasabi man ng mga doctor na unti-unti ding mawawala yung buhay niya, ayaw naming maniwala dun?!! kung alam mo lang, minsan kong napansin kanina na gumalaw yung daliri niya?!?! siguro, kung para sayo wala lang yun... para samin, malaking bagay yun?!! sana maintindihan mo kami?!! hindi ka lang ang mawawalan kami din naman..." lalong lumakas yung pag-iyak ko nun. nanginginig ako. medyo lumayo na sakin yung lalake pero kahit ano mang sinabi nung lalake eh hindi pa rin maalis sa isip ko na 'to na lang yung last chance na pwedeng mabuhay si Evans...
"please lang... please lang... please lang..." halos halikan ko na nun yung sahig... ang hirap huminga... ang hirap magsalita... ang hirap masaktan... sobrang hirap maiwanan...

[Evans' Point Of View]


Parang akong nadadala sa ibang lugar... kung anu-anong mga naririnig ko... mukha din namang pumapasok na ulit ako sa riyalidad... unti-unti kong binuksan yung mga mata ko... nakadextrose ako at may nakatakip sa bibig ko... nasa ospital pala ako... sa totoo lang, parang naging imposible nga 'to eh... napatingin ako kay papa na nakaupo dun sa upuan sa tabi ng kama ko... mukhang nagulat rin siya na nagising pa ako...

"Evans? Anak?" hindi ako makapagsalita. lalo na nung makita ko na ngumite si papa sakin. nakita ko yung screen kung saan nakita ko na mula sa 70 eh umaakyat papuntang 150 yung vital signs 'ko... hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin ng lahat ng 'to... parang in-extend nun yung buhay ko... parang akong na-reborn na ewan... halos wala na akong marinig sa sobrang bigat ng pangyayare...

basta biglang pumasok yung doctor at nurses sa kwarto ko at dali-dali nilang inasikaso yung sarili ko... nung mga oras na 'to, hindi ko maisip ang kahihinatnan ko... hindi ko maisip ang kamatayan ko... dahil ang tanging naiisip ko lang ay yung mga taong pwede kong iwan... si papa... mga classmates ko... si Ver at Vher... sila Gian... Gigi... at lalong-lalo na si...

Rits...


[Vher's Point Of View]


Gabi na din ngayon. At medyo kakauwi ko lang rin. Hindi ko nga nakita si Ate Rits at Kuya Evans sa school kaya naman lalo akong kinabahan. Nagulat naman ako ng makita ko si Ver nung papasok ako sa bahay ko. Kakadating lang pala nila galing Cavite. Nagkatinginan kami nun. Mukhang gusto naming kausapin yung isa't-sa pero may kung ano mang force na pumipigil sakin... napatitig na lang ako sa kanya... kasi pakiramdam ko... huli na 'to...

No comments:

Post a Comment