Saturday, January 8, 2011

Chapter 43

[Vher's Point Of View]


January 6.

Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayare sa buhay ko. Mukha ngang walang nangyayare sa buhay ko eh. Nakakabanas lang. Nagising ako nun para pumasok pero mukhang mauudlot ang pagpasok ko ngayon sa klase. Hindi naman masama ang pakiramdam ko, nagulat lang ako ng may namataan akong isang papel na nakatupi sa side table sa tabi ng kama ko. Medyo napatitig ako nun. Wala naman akong naaalala na nagiwan ako ng papel sa side table na yun. Kinuha ko nun yung papel pero hindi ko napansin na meron palang bagay na nakaipit dun sa papel na nakangite. Hinanap ko pa tuloy sa ibaba ng kama ko yung bagay na yun na kumikinang-kinang pa.

Nagulat naman ako ng marealize ko na yun yung ring na ginawa kong pendant. Yun yung akala ko nawala ko. Parang binalik lang sakin. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Binuksan ko yung papel. Nanlaki yung mata ko sa mga nakasulat.

Nahulog mo yan nung FS Ball.
Hindi ko muna binalik kasi akala ko
pwedeng maging more than best friends pa tayo
pero ngayon ko narealize na...
siguro nga hangang friends na lang tayo...

binabalik ko na sayo ang tanda ng
pagkakaibigan natin...
mahal kita... mahal na mahal...
higit pa sa kaibigan..
sorry sa lahat...
aalis na pala kami ngayong umaga...
bye..

- Silverio

ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bigla na lang akong napaluha nun. Nababadtrip ako sa sarili ko. Naghilamos ako ng dali-dali nun. Dala dala ko yung ring na ginawa kong pendant. Nagbihis ako kaagad. Parang 5 minutes lang yung tinagal nung lahat ng mga ginawa ko. Lumabas agad ako ng kwarto ko. Nagbabakasakali ako na makita ko si Ver dun. Pero ang tanging nakita ko lang ay si mama.

"Ma? umakyat ba si Ver sa kwarto ko?" tanong ko naman kay mama na naghahanda sa trabaho niya.
"oo ah.. hindi mo ba siya nakausap? kakaalis niya lang eh... may binigay lang daw siya sayo..." bumilis yung pagtibok ng puso ko. siguro kung kakaalis niya lang, eh pwede ko pa siyang maabutan.
"uh... Ma?! please, may favor ako! Pwede bang sundan natin si Ver ngayon?! Kailangan ko lang talaga?! Please Ma?!" parang nagtaka pa nun si mama sakin pero parang alam niya na seryoso ako sa mga sinabi ko... medyo nagdalawang isip pa siya siguro nun. pero binuksan na rin niya yung pintuan nun sabay sabi sakin ng "Oh lika na... baka hindi mo siya maabutan..."

Napangite ako nun. Dali-dali kami ni mama na pumasok dun sa kotse. Hindi pa ako naliligo nun, sige ako ng kadiri. Tapos mas inuna ko pa 'to kesa pumasok, sige ako ng pasaway. Pero si Ver 'to eh. Ito na rin siguro ang huling beses na masasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko gustong mag-sorry sa kanya. Mabilis na nagdra-drive nun si mama. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Kakayanin 'to. Dapat  lang na maabutan ko siya... Yun ang importante...

[Evans' Point Of View]

Umagang-umaga. Sumakit bigla yung puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Parang umaakyat sa ulo ko lahat ng dugo sa katawan ko. Ang sakit ng ulo at puso ko. Napapasigaw na ako nun. Dun ko lang narealize na may mga nagsipasukan na doctor at nurses. Ang hirap ng idescribe ang mga pangyayare sa paligid ko.

Nahihilo na din ako nun. 

"Bumababa ang vital signs niya. i-ready niyo ang EKG... check the heart's activity..." narealize ko na nagsasalita na nun yung doctor ko. nakita ko nun si papa na biglang lumabas ng kwarto ko. halos wala akong maramdaman kundi sakit. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. ang hirap huminga. ang hirap makapagisip.
"Doc, 45. Charge na natin siya..." naririnig ko yung mga nurses na nagkakandulo na din dahil sa sitwasyon ko.
"150. Charge" paulit-ulit kong naririnig. unti-unti na ding pumipikit yung mga mata ko. Parang wala na akong nakikita. Pakiramdam ko... lumulutang na ako...

[Rits' Point Of View]

Nasa labas ako ng kwarto ni Evans ngayon. Nakatulala na lang ako. Rinig na rinig sa labas ang mga sigaw ng doctor at ng mga nurses. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare. Umalis muna ako sa kinauupuan ko. Bumaba ako sa ground floor. Pumunta ako dun sa Chapel nung Ospital. Nagbabakasakali na sana makatulong ang prayer na gagawin ko ngayon.

Tumingin ako nun sa Imahe nila Jesua at Mama Mary. Bumibilis yung pagtibok ng puso ko. Napapaiyak na lang ako habang nakatingin sa kanila. Lumapit ako dun at hinawakan ko yung kamay nung statue nila.

"three days na lang po... please... wag ngayon..." binulong ko sa kanila. please... kahit isang heart donor lang within sa three days na yun... nagmamakaawa na ako...

[Ver's Point Of View]

Iniwan ko yung ring nun sa kwarto ni Vher. Siguro nga wala kaming patutunguhan. Siguro nga hindi naman talaga kami meant to be. Siguro nga ang relasyon namin ay magiging isang memory na lang. Tatanggapin ko na lang yun. Nakaupo ako nun sa back seat ng kotse namin. Si daddy yung nagdra-drive. Si kuya naman yung katabi ko sa kanan.

Excited ako na ewan. Pupunta na din ako sa Canada ngayon. Makakasama na namin si mama at makakapagaral na din ako sa ibang bansa...

[Vher's Point Of View]

Nakaupo ako nun sa front seat. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kotse ni mama. Kinakabahan ako nun. Baka hindi namin maabutan si Ver. Dumaan na kami dun sa ospital kung nasaan si Kuya Evans nakaconfine. Sana naman okay din siya.

"kotse yun nila Ver diba?!" narinig ko naman na sinabi ni mama. tinuro niya yung silver na kotse nila Ver. Parang nabigyan ako ng pag-asa nun. Ngumite ako.
"Oo ma! sundan lang natin?!" sabi ko naman sa kanya. 

Dumaan na yung kotse nila Ver nun sa may traffic light kung saan yellow na ang kulay nung ilaw. lalo akong kinabahan. parang ang bagal ng mga pangyayare. naabutan kami ng red light kaya mukhang hindi namin maabutan sila Ver. ilang segundo lang ang tinagal ng pangyayare...

[Ver's Point Of View]

Dumaan kami dun sa traffic light kung saan nakabukas yung yellow na ilaw. Pero ilang segundo lang ng tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Vher na lumabas dun sa kotse na nasa pinakaunahan nung mga nagsitigil na kotse sa traffics light. Nagulat ako nun ng makita ko si Vher.

"Vher?" napabulong na lang ako sa sarili ko.

[Vher's Point Of View]

Lumabas ako nun ng kotse habang nakatigil lahat. Mukhang ang daming nangyayare sa sandaling panahon na 'to. Segundo lang ang tinatagal ng mga ginagawa namin pero nagmimistulang minuto. Nanlaki yung mata ko ng may nakita akong isang truck na mabilis na gumagalaw papunta sa kotse nila Ver. Gusto kong sumigaw nun... Gusto kong takpan ang mga mata ko... 

[Ver's Point Of View]

Huling kita ko sa kanya nun at sa isang iglap nawala ang lahat. Nagulat na lang ako ng may isang malaking ilaw na papunta sa amin. Segundo lang ang mga pangyayare pero aakalain mong minuto. Wala na akong alam... Wala na akong makita kundi mga ilaw...

[Vher's Point Of View]

"VER!" Napasigaw ako nun at iyak ako ng iyak. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbunggo ng truck sa kotse nila Ver. Napalabas na din nun si mama. Parang naging frozen ako nun.

"Vher!" sinigaw ni mama yung pangalan ko nun pero halos hindi ko na rin marinig. Bigla na lang ako nakarinig ng isang sobrang habang preno.

Napatingin ako sa likod ko at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. May nakita akong isang motor. Isang motor na papunta sa direksyon ko...

Puro ilaw  na lang rin ang nakita ko... Pagkatapos nun, wala na akong alam sa mga nangyare...

[Evans' Point Of View]

Wala na akong maintindihan. Siguro nga mamamatay na ako. Ayokong maging negative pero iba na talaga 'to. May nakikita akong ilaw. Parang may sundo ako na ewan. Pero naririnig ko pa din ang mga sigawan ng doctor at nurses.

"doc, bumabalik na rhythm ng heartbeat niya..." narinig kong sinabi nila.
"good... ituloy lang natin 'to..." pero kahit na ganon. mukhang nawawalan na din ako ng pag-asa...

[Rits' Point Of View]

isang oras na ang nakakalipas. Nakabalik na rin ako nun syempre sa upuan sa harapan nung kwarto ni Evans. Nakatulala lang ako nun. Please lang. Pahabain niyo ang buhay niya. Nagulat naman ako ng may nakita akong nurse na pumasok bigla sa kwarto ni Evans. Halos ilang minuto lang naman ang tinagal at lumabas na yung doctor ni Evans para kausapin kami.

"steady na ulit ang heart beat niya... and lucky to say... meron na naman siyang heart donor..." bumilis yung pagtibok ng puso ko. narinig ko yung pagiyak ni tito. siguro, sa sobrang tuwa.
"kaya kailangan niya ng complete bed rest para makapagready sa transplant... congratulations..." naiiyak na din ako nun. ito na nga ba talaga ang katuparan ng kahilingan ko?

Nangingite ako na natutuwa. Hahaba pa pala ang buhay niya.

No comments:

Post a Comment