Tuesday, December 28, 2010

Chapter 28

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Dun ko narealize na hindi ko pa nga talaga kilala si Kuya Evans... pero bakit hindi niya sakin sinabi yun?? hindi ba ako mapagkakatiwalaan?? napapaisip na naman ako eh... lalong sumasakit yung ulo ko...

syempre, pinasakay na kami ng mga teachers sa respective buses namin. tinanong ko yung adviser nila kuya Evans kung nasaan siya. lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko nung nalaman ko na linagay na siya sa ospital. grabe, sobrang tahimik ko nun nung pauwi na kami. nag-alala naman ako nun kay Ate Rits. ano na kayang ginagawa niya dun sa bus niya? umiiyak pa din kaya siya?? nakipagpalit ako ng pwesto nun kay Gigi... mas gusto ko dun sa bintana... para makakita naman ako ng nature... baka mapagaan pa nun ang loob ko... napatingin ako kay Ver... kinakabahan din kaya siya katulad ko?? alam kaya niya??

traffic nun. hindi naging madali sakin na pigilan yung mga luha ko habang nagsisink-in sa utak ko yung mga posibleng mangyare kay kuya Evans. hindi naman sa gusto ko siya... kaibigan ko lang siya... sino namang tao sa mundo ang gustong mawalan ng kaibigan diba??

binaba kami dun sa school namin. magkakasabay kami nila Gigi, Ver, Gian, Prince at Josh sa pag-uwi. dapat isasabay na rin namin si Ate Rits pero sabi niya pupuntahan pa daw niya si Kuya Evans dun sa ospital na pinaglagyan niya... siguro mahal na mahal talaga ni Ate Rits si kuya Evans... naguilty na naman ako nun... naisipan ko na rin kung bukas kaya eh bumisita ako kay kuya Evans kahit saglit lang...

ang tahimik ko buong byahe namin papunta sa mga bahay namin... out of words pa din ako eh... feeling ko hindi ako makakatulog... hindi rin naman nagtagal ng nakauwi na din ako sa bahay namin... kwinento ko kay mama ang lahat... iyak nga ako ng iyak... dun niya lang rin naintindihan kung bakit nila minamadali yung bahay... mahal na mahal din ng daddy ni kuya Evans yung anak niya eh... tingnan mo? sa mga huling sandali ng anak niya... itra-try niya na ibigay lahat ng gusto ni Kuya Evans... para lang maging masaya siya...

tumaas na ako sa kwarto ko nun. nagshower at nagpalit ng damit. napahiga ako dun sa kama ko. napatitig ako dun sa ceiling. nafeel ko nun yung pagtibok ng puso ko... naiisip ko... paano kaya tumibok ang puso ni kuya Evans?? mahirap ba yun?? masakit pa yun??

tumayo muna ako nun. napagpasyahan ko na buksan yung pintuan. medyo nagulat naman ako ng makita ko si Ver na nasa labas din nung kwarto niya at nakatambay lang siya dun sa bridge. tinabihan ko lang naman siya nun at napa-sigh. siguro, alam niya na rin no?

"okay ka lang?" tanong naman niya sakin na may halong pag-aalala...
"syempre naman... wala akong sakit..." naluluha ako nun. kahit na kasi sa maiksing panahon ko lang nakilala si kuya Evans, naging malaking parte rin siya ng buhay ko.
"gusto mo bang bumisita sa kanya bukas?" napatingin ako sa kanya.
"oo naman..." sagot ko naman.nakita ko siyang ngumite nun. hindi ko alam kung bakit.
"sige... sasamahan kita basta wag ka ng umiyak ha?" sabi niya sakin sabay hawak nung kamay ko. nanlamig nga ako nun eh. masyado siyang naging thoughtful... lalo akong naiiyak sa mga kinikilos niya.. Haha... joke!! tumango na lang ako sa kanya then pinilit kong ngumite... "yan... ngumite ka lang..." then ngumite din siya pabalik...

halos 9 pm na rin nung napagpasyahan na naming magpahinga na ni Ver. Nakatulog naman ako kaagad. feeling ko nga namaga na rin yung mga mata ko dahil sa pag-iyak. hindi ko na rin naman namalayan ang continuous 10 hours ng pagtulog ko. nagising ako ng mga 7 am nun. nag-almusal ako. syempre, dating gawi diba. tumaas ulit ako sa kwarto ko nun para buksan yung pintuan ko. kumatok ako dun sa pintuan ni Ver na as usual eh naka-lock.

"Teka laaangg!!" sigaw naman niya. natatawa nga ako eh. parang kasing natataranta siya na ewan. parang ngang pag pinakinggan mo yung loob ng kwarto niya parang merong mga bagay na naghuhulugan tapos parang feeling mo ang dami ng nabasag sa loob. grabe lang eh.haha. then in a matter of seconds, binuksan niya na rin yung pintuan. pawis na pawis pa nga siya nun eh.
"oh? alis na tayo?" tanong naman niya sakin. nakakatawa yung itsura niya. ang gulo gulo pa ng buhok niya nun.
"oo... maligo ka na!" sabi ko naman sa kanya.
"sige sige... ikaw din oy!! wag kang babagal-bagal..." ang yabang niya talaga forever eh! Haha.
"aba, eh mas mabagal ka pa sakin no!!" nginitian niya ako nun tapos pumasok na siya dun sa kwarto niya. ako naman etong parang kinilabutan pa dahil sa kilig. Haha. pumasok na din ako sa kwarto nun para kumuha ng damit. naligo na rin ako nun ng dali-dali. nagsuot lang ako ng jeans ko nun pati isang simpleng t-shirt. bumaba na ako nun sa first floor. nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ko si kuya Evans.. syempre, pumayag siya kaagad... lumabas na ako ng bahay namin... nagulat naman ako ng naunahan pa ako ni Ver...
"Wow... improving..." pang-aasar ko naman sa kanya. "baka sa sobrang pagmamadali mo, nakalimutan mo ng suotin yung brief mo!" 
"loko ka... lika na nga..." yinaya niya na ako nung umalis. syempre, naglakad kami papuntang clubhouse. namiss ko namang imention yung pogi sa tindahan. Hahaha. tapos nagjeep na kami papunta dun sa ospital na malapit sa  SM. sabi kasi ni Ate Pat, dun daw nilipat si Kuya Evans. asa namang magstay si kuya Evans dun sa ospital sa tagaytay no! over naman yun... hindi masyado traffic nun kaya medyo mabilis na din kaming nakapunta dun sa ospital... lumapit kami dun sa information para tanungin kung saang room si Gian Evans Javier..
"Room 516 po ma'am.." sabi sa amin nung receptionis. nagthank you naman kami dun tapos dumiretso kami sa elevator. naalala ko tuloy nung sinundan ko papunta dito si Ate Rits. sa same elevator rin na 'to na sinasakyan namin ni Ver. kaming dalawa lang ni Ver yung nasa loob nung elevator. tumingin ako dun sa salamin sa gilid ko. nakikita ko dun si Ver. ewan ko ba. kinikilig ako. Hahaha.

tumunog na din yung elevator. ibig sabihin nun nasa 5th floor na kami. hinanap namin yung 516 na room. hindi naman kami masyado nahirapan, nakita namin agad yung room 516. kumatok kaming dalawa ni Ver dun. binuksan namin ng maliit lang. feeling ko hindi kami nahalata nung dalawang tao na naguusap dun sa loob nung kwarto ni kuya Evans. mas sinilip ko pa. nakita ko na magkausap nun si Kuya Evans at Ate Rits. nakaupo si Kuya Evans dun sa kama niya tapos parang pinapagalitan niya si Ate Rits nun.

"wag ka nga kasing mangielam..." yun yung mga salitang narinig ko galing kay kuya Evans. sinarado ko gently yung pintuan tapos tumingin ako ng diretso kay Ver.
"dyan ka lang Ver ha? papasok muna ako..." tumango lang naman nun si Ver tapos pumasok ako dun sa kwarto ni kuya Evans. napatingin si Ate Rits at kuya Evans sakin. feel na feel ko yung tension sa air. nakita kong umiiyak nun si Ate Rits.
"Vher?" parang nagtataka pa siya na makita ang presensiya ko...
"okay ka na ba?" ang stiff ko nun. nung tinanong ko sa kanya yun parang wala akong emosyon.
"Oo naman... nag-collapse lang ako dala ng init ng pana-" pinutol ko agad yung sasabihin niya. bakit ba kasi kailangan pa niyang magsinungaling?! pwede namang sabihin niya na lang sakin na may sakit siya sa puso diba!!?
"alam ko na, okay? hindi mo na kailangang magsalita..." nanlaki yung mata niya nun. mas umiyak nun si Ate Rits kaya napatingin ako sa kanya. nakita kong napatungo nun si kuya Evans.
"Rits..." parang nanginginig pa nga siya nun eh... alam kong bawal yun eh..."bakit mo sinabi??" parang nataranta nun si Ate Rits...
"kuya Evans??" parang takot na takot siya nun tapos hindi maubos yung luha na nalabas mula sa mga mata niya.
"wala siyang kasalanan okay?!! ikaw! nahihibang ka na ba?! hindi mo ba napapansin na ang dami-dami niyang ginagawa para sayo?!" sinigawan ko si kuya Evans nun na parang ako yung mas matanda sa kanya.
"wala akong pakielam..." sinabi yun ni kuya Evans kahit feeling ko sobra siyang nahirapan sa pagbigkas ng mga salitang yun. pero saktong sa moment nun ng umiyak ng husto si Ate Rits tapos lumabas agad siya ng kwarto... wala man lang akong nagawa sa para pigilan siya... alam kong hindi sinasadya ni Kuya Evans na sabihin yun...
"bakit ka ba ganyan? bakit mo ba pinapahirapan si Ate Rits?!" tanong ko naman sa kanya. nanlalamig yung buong katawan ko nun...
"hindi ko siya pinapahirapan... siya ang nagpapahirap sa sarili niya..." wala akong naintindihan dun sa sinabi niya pero dahil dun lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. "magmamahal na nga lang siya.... sa mamamatay pa..." unti-unting nagsink-in sa utak ko yung mga sinasabi ni kuya Evans...
"mahal na mahal ka ni Ate Rits... alam mo naman yun diba??" gusto ko sa kanya ipamukha yung pagbabalewala niya kay Ate Rits nun.
"kaya nga eh! alam ko! kaya pinipigilan ko siya?!! kaya nilalayuan ko siya?!! kaya iniiwan ko na siya ngayon pa lang kasi alam ko kapag iniwan ko siya, mas masakit yun sa kanya?!!" napasigaw nun si Kuya Evans. bumilis yung pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba. naluluha na ako nun "best friend ko siya... syempre, importante siya sakin... mas nasasaktan ako na layuan siya... sana maintindihan niya yun diba?!" nakita kong may namumuo ng luha sa  mga mata ni kuya Evans. ramdam ko nun yung mga emotions niya. pinipigilan ko na ding umiyak nun. "hindi ako pwedeng maging masaya..." kinilabutan ako nung moment na sinabi niya yun... "kasi baka ikamatay ko yun pero pag andyan siya, napapasaya niya ako ng sobra sobra..." parang tumigil ulit yung pagtibok ng puso ko. "hindi ako pwedeng malungkot..." napatigil siya nun...
"pero pag wala siya... sobrang lungkot mo naman..." napatango siya nun. naiintindihan ko na... mahal nga niya talaga si Ate Rits... kaso natatakot siya na mas masaktan si Ate Rits kapag nawala siya... finally... namumulat na ako sa katotohanan... parang tumigil dun yung conversation namin nung biglang pumasok yung doctor sa loob... pinalabas na ako ng doctor nun... saktong paglabas ko ay sinalubong ako ni Ver... naluha agad ako ng makita ko siya... kaya naman niyakap niya ako ng sobrang higpit nun...

napaupo na lang kami ni Ver dun sa upuan sa tapat nung room ni kuya Evans... tinanong ko na rin kay Ver kung saan nagpunta si Ate Rits pero hindi na rin pala niya nakausap si Ate Rits dahil masyadong mabilis yung pagtakbo niya... ilang minutes lang ang nakalipas nung lumabas na ulit yung doctor...

"doc?" pagtawag ko naman sa kanya.
"kapatid ka ba ng pasyente?" tanong naman niya sakin. siguro akala niya, kamaganak ako ni Kuya Evans.
"hindi po... kaibigan niya lang po ako... gusto kong lang pong malaman kung ano na pong karamdaman niya?" sabi ko naman kay doc.
"sorry pero sa mga kamag-anak muna namin pinapaalam ang mga sitwasyon na ganito..." umalis nun yung doctor pero sinundan ko siya ng lakad. alam kong sinundan ako nun ni Ver. binilisan ko yung paglakad ko nun para maabutan lang yung doctor.
"sige na po... gusto ko lang malaman... please..." feeling ko nung una, nagdalawang isip pa yung doctor pero sana sa pagpupumilit kong 'to ay mapapayag ko na siya... nagsigh muna yung doctor then nagstart na dun sa mga findings nila tungkol kay Kuya Evans..
"He's got 3 more months to live..." ang bilis ng pagtibok ng puso ko nun. "mahirap makahanap ng heart donor para sa kanya... mahirap tyumempo and ayaw niya ring magstay sa ospital... sa tutal nga... milagro na 'tong pagkabuhay niya for 16 years dahil mahirap na kalaban ang heart disease na nasa kanya..." napaluha talaga ako nun. "he's been struggling with it since he was born... bawal siyang ma-excite... bawal siyang maging masaya... bawal din namang sobrang lungkot..."


ang bilis ng pagtibok ng puso ko. parang ngang hindi ko kakayanin eh. halos hindi ko na rin narinig yung iba pang sinabi nung doctor. parang hindi ko na rin napansin na wala na din siya sa harapan ko. napaupo ako dun sa sahig sa sobrang lungkot... nafeel ko nun na niyakap ako ni Ver... and hindi ko na rin napigilan na mapaiyak nun...

No comments:

Post a Comment