Friday, December 31, 2010

Chapter 39

mabilis ang naging takbo nung oras. maayos naman ang pagsasama namin ni Ver. akalain mong December na rin ngayon. unti-unti na ding lumalapit ang January... ang panahon kung kelan kami magkakahiwalay... naalala ko rin naman nun si Kuya Evans... lalo din akong kinakabahan... pwede kayang sa parehas na buwan na yun eh iwan nila ako pareho?? wag naman sana...

tulad ng plano ni Ver, nagpa-drop-out na nga siya dun sa school namin... dahil napagkasunduaan nila ng mga magulang niya na magho-homeschool siya... lalo akong nalulungkot nun... hindi ko na rin pala siya makikita sa school no... pagdating ko naman sa bahay, hindi rin kami makapagusap kasi busy din siya sa pag-aaral... masyado na niyang binubugbog yung sarili niya sa pag-aaral... hindi ko nga maintindihan siya minsan eh... pero naisip ko na lang... siguro kung ako rin naman ay merong isang goal katulad niya, gagawin ko ang lahat para makuha yun... kaso ang problema kasi, hindi ako katulad ni Ver na may pangarap... simpleng tao lang naman kasi ang gusto kong maging... iba kasi si Ver... punong-puno siya ng pangarap... determination... pagpupursige... at ambisyon... hindi ko naman siya masisisi kung ganun siya... masaya ako kasi at last, makakamita na riin niya yung pangarap niya na mabuo ulit silang pamilya at makapag-aaral na din siya sa ibang bansa... masaya ako para sa kanya... at hindi ako gagawa ng kung anu man para hadlangan ang happiness niya... gusto ko siyang suportahan pero parang  wala rin naman akong magawang matino para sa kanya...

napapatingin na lang ako sa orasan nun... sana tumigil yung oras... sana di battery na lang ang buhay para kapag nawalan ng battery, titigil lang 'to pansamantala... at least, pwede mong kontrolin ang takbo ng oras... pero sa kasamaang palad, impusible naman na maging di battery ang buhay... dun ko rin naman narealize na hindi lang sakin naikot ang mundo... hindi lang gusto ko ang parating nasusunod... minsan ako ang swerte... minsan naman ako ang malas... bakit ko nga ba 'to sinasabi? hay nako...

nakakamiss na si Ver eh... hindi tulad dati na araw-araw ko siyang nakikita, aba ngayon, parang first time na sa isang linggo ay dalawang beses ko lang siya nakikita... minsan nga gusto ko ng umiyak sa  harapan niya at patigilin siya... gusto kong paatrasin siya pero sinasabi ko sa sarili ko na mali yun...

napagpasyahan ko ng araw na yun na tumambay muna sa may playground... siguro, yun na lang ang tanging lugar sa  mundo na pwedeng magpakalimot sa sakit na nararamdaman ko kapag hindi kami nakakapagusap at di kami nakakapagkita ni Ver... ang drama ko talaga no? masyado ko ata siyang minahal eh... umabot sa point na kapag nawala siya, wala ng matitira para sakin... nagswing muna ako nun at nagmuni-muni lang sa paligid... napatingin ako sa langit at feel na feel ko naman ang malamig na simoy ng hangin... ang sarap naman sa pakiramdam... nagulat naman ako nun ng may napansin akong bato na gumulong sa harapan ko... tiningnan ko yung tao na nagbato ng bato sa harapan ko... nakita ko naman nun si Kuya Evans na nakatingin sakin..

"Hi Kuya Evans!" sabi ko naman sa kanya. tinabihan niya ako nun sa isa pang swing. tahimik nga kami eh. "bakit ka nasa labas? dapat nagpapahinga ka ah..."
"malapit na... may nakapagsabi na sakin na malapit na..." sabi niya sakin. napatungo ako nun. ayaw kong makarinig ng mga ganito eh. pati ako nasasaktan.
"ano ba naman yan kuya Evans?! mga sinasabi mo?! bumalik ka na nga dun sa bahay niyo! magpahinga ka na dun?!"tumayo ako nun tapos hinila ko siya at naglakad kami papunta dun sa bahay nila. ang tahimik nga niya nun eh. halos walang imik. pero dumating sa point na tumigil siya nun sa paglalakad. napatingin nga ako sa kanya nun.
"napagisipan ko na talaga..." sabi niya sakin ng nakangite. "thank you pala sa lahat... baka ito na kasi ang huling pagkakataon na makapagthank you ako sayo..."nagtataka ako sa kanya. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. hindi ko siya maintindihan. ayoko ng mga salitang ganyan eh. napaluha na talaga ako nun. daig ko pa ang bata na naagawan ng laruan.
"wag ka ngang ganyan! mukha ka namang tanga eh... kung nagpapahinga ka sa  bahay niyo diba? siguro, hindi yan yung huling beses na masasabihan mo ako ng thank you!"naiyak na talaga ako nun. lumapit naman siya sakin. bakit ba siya ganun?! nakukuha pa rin niyang ngumite. hinawakan niya yung kamay ko tapos naglakad kami papunta ng bahay niya. medyo malayo pa nga kami nun kasi ang bagal talaga naming maglakad nung mga oras na yun.
"nagpapakasiguro lang ako... buti na lang ngayon wala na akong pagsisisihan..." sabi naman niya sakin. napatingin ako sa kanya ng wala sa oras nun. natigil na din yung pagiyak ko nun.
"b-bakit?" napapangite nga ako nun eh. feeling ko kung mawawala man ngayon si Kuya Evans, sigurado akong masaya siya...
"nasabi ko na kay Rits..." bumilis yung pagtibok ng puso ko.
"sabi ko naman sayo eh... ayaw mo lang aminin na siya talaga ang gusto mo.." sabi ko naman sa kanya. nawalan ako ng mga luha nun at mabagal pa din ang paglalakad namin.
"oo nga... sige, ikaw ng magaling..." sabi naman niya sakin na may bahid ng pang-aasar. napansin ko naman nun na ako na lang ang naglalakad tapos napatigil siya nun. bigla ko nga siyang nilingon eh. nakita ko na nakasarado yung fist niya nun tapos hinihingal siya. bigla akong kinabahan.
"kuya Evans?! anong nangyayare sayo?!!"tarantang-taranta ako nun. parang wala akong magawa. hinawakan niya nun yung kamay ko. napaiyak na naman ako. please... Lord... wag ngayon... wag ngayon... wag niyo naman muna siyang kunin ngayon...
"masakit..."sabi niya habang hawak niya yung left side nung chest niya... nahihirapan siyang magsalita nun tapos napapaluhod na diya nun... wala akong magawa nun kundi umiyak... tumingin ako sa paligid ko... swerte pa kami kasi may nakakita samin na kakilala ni Kuya Evans... dinala siya agad dun sa  bahay nila... tarantang-taranta din yung daddy ni Kuya Evans nun... wala na ngang malay nun si Kuya Evans eh... lalo akong kinabahana... parang umiikot yung buong paningin ko... parang hindi ko na magets yung mga nangyayare sakin... o siguro ayaw ko na lang paniwalaan yung mga nangyayare sakin... nakita kong dali-daling pinaandar nung daddy ni kuya Evans yung kotse nila... sakay na nun si Kuya Evans... hindi na rin naman ako nakapalag... halos frozen na rin ako nun... wala akong magawa... takot na takot ako nun... awang-awa ako nun kay kuya Evans... hindi ko alam kung ano yung nararamdaman niya pero sigurado ako na masakit yun... iyak ako ng iyak nun... tumakbo ako kaaagad sa bahay namin... nagtaka nga sila Tami at Bojie dun sa kinilos ko... dali-dali akong nagpalit ng pang-alis nun...

"Ma! pupunta ako ng ospital... naospital si kuya Evans?!" hindi ko na hinintay nun yung sagot ni mama basta lumabas na ako ng bahay namin. kabado ako nun. napatingin ako dun sa bahay ni Ver... wala na muna akong pakielam dyan... mas kinakabahan ako kay Kuya Evans eh...

sumakay ako ng tricycle nun papunta dun sa Hospital na pinakamalapit samin... hula ko lang naman dun na dinala si Kuya Evans kasi yun nga ang pinakamalapit diba? so yun, mabilis lang akong nakapunta dun... sakto pa nun ng makita kong sinusugod sa ICU si Kuya Evans mula dun sa Emergency Room... lalo akong kinabahan... ayaw kong paniwalaan na si Kuya Evans yun... ayaw kong maniwala...

sinilip ko nun yung ICU... dasal ako ng dasal nun at hindi ako mapakali... naghintay ako dun... halos pitong oras akong naghintay nun... sobrang tagal diba? syempre, nagtext na din ako kay mama na hindi ako makakauwi... dumating na rin naman nun si Gigi at Ate Rits... syempre si Ate Rits dumating dun para  kay Kuya Evans... si Gigi naman pinapunta  ko talaga... tinext ko nga nun si Ver kaso hindi siya nagrereply... gusto kong umiyak nun... parang nahihirapan na nga ako sa sitwasyon eh... kung kelan naman kailangan ko si Ver, bigla siyang wala... dun kami natulog ni Gigi sa ospital... masyado kaming nagalala sa kalagayan ni Kuya Evans eh... pagkagising naman namin, sinilip ulit namin yung ICU...

nagulat kaming dalawa nun ni Gigi...

"Asan si Kuya Evans?!"nagtaka kami nun. nawawala nun si Kuya Evans. hindi ako makapagsalita... nangingig na yung buong katawan ko... dahan-dahan akong tumalikod nun at nagulat na lang ako ng makita  kong si Ver na nasa likod ko... nakatitig siya sakin nun tapos niyakap niya ako ng mahigpit... wala akong maramdaman nun... parang naging manhid ako sa mga yakap niya... ewan ko ba... parang nababadtrip ako kay Ver...

"oh? anong nangyare kay Kuya Evans?!"humiwalay siya sakin nun. hindi ako makasagot sa kanya. nagsidatingan naman nun si Prince at Gian kaya kinausap sila ni Gigi nun. hindi ako makapagsalita sa sobrang inis sa  pagmumukha ni Ver... ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa kanya... hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh...
"Vher! sumagot ka! anong nangyare kay Kuya Evans?!"tanong niya ulit sakin.
"hindi ko alam..." ang cold ko sa kanyang sumagot nun... nung mga oras na yun, nanghihina na din ako... "please lang... wag na nating pagusapan 'to... ayoko na..."linagpasan ko siya nun pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"ano bang problema mo? bakit ka ganyang sumagot sakin?" tanong naman niya sakin. bumilis yung pagtibok ng puso ko. hindi rin ako makagalaw...
"wala akong problema, okay?" sinabi ko yun kahit halatang meron akong dinadamdam...
"sabihin mo nga sakin ng harapan... yung hindi tayo naghuhulaan..." parang siya pa yung galit nung sinabi niya yun sakin. parang pumutok na ako nun. parang nawala na din ako sa tamang pag-iisip nung mga panahon na yun.
"sige... gusto mong malaman?" sabi ko naman sa kanya. hindi ko na napigilang umiyak nun. "ikaw... ikaw ang problema ko... naiinis ako sayo... nababadtrip ako sa presensiya mo... alam mo... bakit ba hindi ka na lang bumalik dun sa kwarto mo tapos mag-aral ka na lang?! yun na lang naman ang iniisip mo diba?hindi mo naman ako iniisip diba?? wala naman talaga ako sa listahan ng mga pangarap mo diba? totoo naman yun eh"
binitawan na ni Ver nun ang kamay ko. nahihirapan na rin akong huminga nun. bumubuhos na din yung luha ko nun. "di mo talaga 'ko siguro naiintindihan nu..." sabi naman niya sakin. "mula pagkabata pa lang natin, alam mo naman na pangarap ko yun eh tapos ngayon gusto mo 'kong paatrasin?!! palibhasa..." napatigil siya nun.
"palibhasa ano? makitid ang utak ko para maintindihan lahat ng pinagdadaanan mo?" nagulat ako dun sa mga nasabi ko.
"Oo... sobrang kitid ng utak mo?!!" sumigaw nun si Ver sakin. napasarado ako nun sa fist ko... nanginginig ako sa sobrang galit sa  kanya... hindi ko akalain na magkakaway kami ng ganito... ewan ko ba... malapit na rin naman siyang umalis... masyado ata akong nadadala sa mga emosyon na dulot ng pagkakasakit ni Kuya Evans...
"bakit? akala mo ikaw lang ang nahihirapan dito?! pagod na pagod na akong intindihan ka... sa totoo lang pagod na pagod na ako...pagod na ako sayo..." nanlaki nun yung mata ni Ver. "pagod na ako...satin..."
"then fine! sorry ha?! sorry kung pinagod kita?!" ang sarcastic ng tono niya sakin nun. hindi ko na rin napigilan yung sarili ko at nasampal ko siya nun. parang tumigil yung mundo naming dalawa... iyak ako ng iyak nun sa harapan niya...

tinitigan niya ako nun na parang ngayon niya lang narealize na nagkamali din siya... tatalikuran ko na sana siya nun ng bigla niyang hawakan yung kamay ko... hinihintay ko nun yung `sorry` galing sa kanya pero pagkatapos ng ilang segundo, binitawan niya din yung kamay ko...

No comments:

Post a Comment