Tuesday, December 21, 2010

Chapter 12

Halos yanigin ng lindol, bagyo at tsunami ang buhay ko nung sinabi ni Ver sakin yung `Mahal kita`. Kahit na alam kong nagmamalasakit lang naman siya dahil alam niyang nasaktan ako, iba pa rin yun no? Pero teka, bakit nga ba ako umiiyak? Ang gulo ko. Siguro, masyado akong nag-expect ng This is it! Na si Kuya Evans nga talaga! Pero hindi ko alam na sa huli, masasaktan din pala ako.

Humiwalay agad ako kay Ver tapos nagpunas ako ng mga luha ko na parang nauwi din sa wala. Wala naman talaga akong iniyakan eh. Hay nako. Tumingin ulit ako sa likod ko. Ang bilis naman ata. Nawala agad si Kuya Evans at Ate Rits. Well, okay lang. Maglandian sila magdamag. Wala akong pakielam. Boo on them!!

Tiningnan ko si Ver na biglang nag-abot sakin ng Flat Tops. Napahikbi naman ako nun. Chocolate. Awww. Kinuha ko yun tapos kinain ko. Pinat niya yung ulo ko nun. Sige, ikaw na matangkad. Ako na pandak. Haha.

"Thank you..." Natatawa ako nun. Chocolate lang talaga ang katapat ko. Naglakad na kami nun tapos naka-akbay siya sakin. Ang bango bango pa niya, kakatapos lang magshower eh.
"Ikaw talaga, kapag in love lalo kang kumokorni..." Nang-asar pa eh. Badtrip. Haha
"In love ka dyan?!" Okay na ako nun. Wala nga akong maramdaman na pagkabog ng dibdib ko eh. Naging kalmado na ang kaning unos na dala ko.
"Kitang-kita naman. Ang bilis mo namang mahulog kay Kuya Evans..." Inunahan ko siya sa paglalakad nun tapos humarap ako sa kanya para harangin ako.
"Una, hindi naman talaga ako na-fall sa kanya, okay? Crush ko lang naman siya eh..." Linampasan niya naman ako nun pero nakahabol pa rin naman ako sa kanya. Tamang lampasan ako?!
"Sus. Ikaw pa. Crush lang ba yun? Eh halos maulit ang Noah's ark kung iyakan mo siya?" Napangite ako dun. Haha. Ang adik eh.
"Hindi naman sa ganun?! Alam mo ba yung feeling ng napapahiya... tapos yung masyadong mataas yung expectations mo tapos sa isang iglap malalaman mo na never mong makakamit yung expectation na yun..." Ginulo niya naman bigla yung buhok ko sabay sabi ng "Wag kang magdrama. Hindi bagay sayo"
At hindi lang yun ang sinabi niya. There's more! "Ako lang ang bagay sayo..."
Tumawa naman siya nun. Mukhang timang lang eh. Ang corny naman ng banat pero kinikilig pa rin ako. Haha. Umupo kami dun sa green na bench na malapit sa guidance office. Wala namang tapo sa office eh. Busy din sa panunuod nung laro. Futsal na ata yung laro ngayon eh. Tinatamad naman akong manuod. Okay na sakin na kasama ko ngayon ang aking lababol labs. Haha. 
"Alam mo ba na bawat tao sa mundo eh nagmamahal..." Aba, babanat 'to no?! Haha
"Hala, bakit mo nasabi?" Ang sarap maging panira sa mga banat niya eh. Haha.
"Kasi tingnan mo marunong na palang bumanat ang magsasaka ngayon..." Ngumite muna siya sabay tumingin sakin bago magsalita ulit. "Sana ulan ka at lupa na lang ako.Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo." Then, tumawa naman ako nun. Kung saan man niya nakukuha yung mga yan, total laugh trip talaga. Haha.
"Eto pa.. Pati mga mathematician meron na din?!" Nakakatawa yung reaksyon ng mukha niya eh.
"Weh?" Ako naman etong panira.. Hahaha
"Kasi sinabi nila na `Para kang algebraic expressionMinsan mahirap maintindihan But when you’re in the simplest form The best ka talaga naman`..." Tumawa kaming dalawa nun. Makabanat eh. Mukhang timang lang. Haha. Bakit ang daming alam na kalokohan ng lalakeng 'to?!
"Grabe. Epic eh." Natutuwa ako eh. Ang babaw ko.
"Pati isang bata na nagngangalang potpot may banat na din..." Aba, san niya napulot yan?!! "Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo" sabay turo pa dun sa puso niya. Ang cute. Ano ba yan?! Hahaha. Hindi naman mawala sa mukha ko yung tuwa at kilig. Sana hindi niya napapansin diba?
"Alam mo ba na pati mga baliw nagmamahal na din?!" May papikit-pikit pa siya ng mata niya nun. Haha. "Kasi sabi nila `Parang wala ako sa sarili ko, siguro na sa'yo ako`" Tumawa na naman kami.
"Saan mo ba napupulot yan?!" Sabi ko habang natawa. Over. Hirap magpigil ng tawa ah
"Wag mo na tanungin. Eto pa, may banat din naman ang mga taong walang pangarap..." Ngumite muna siya nun "Isa lang naman ang pangarap ko eh, Ang maging pangarap mo..."
Tumingin siya sakin ng pagkalalim-lalim. Gusto ko na ngang tumawa sa mismong harapan niya eh. Halos hindi ko rin mapigilan eh. 
"Pwede bang tayo na lang? Nakakapagod na kasing umupo eh..." Tumawa ako ng sobrang lakas nun. Hindi naman literally na sinasabi niya sakin na tumayo kami. Bumanat pa ng ayon sa ginagawa namin eh.
"Grabe. Akalain mong may ganyan ka pang nalalaman..."
"syempre! Oh yan mabuti ngumingite ka na ulit... Alam mo namang natitimang ako kapag nakikita kang naiyak eh..." Parang naging seryoso yung aura niya pero biglang bumalik ulit sa joketime na mode nung muli siyang ngumite. Tumayo siya nun tapos nag-unat ng kaunti. "Jollibee tayo mamaya!"
tumayo ako nun sabay sabi "sige. basta libre mo!"
Ngumite lang naman siya nun. Umalis na kami nun. Nanuod kami ng iba't-ibang laro. Ang bilis um-okay ng pakiramdam ko grabe. Parang walang nangyare eh. Haha. Sana masaya na si Ate Rits kay Kuya Evans. Badtrip lang eh. So yun, tulad ng sinabi ni Ver, nagjollibee nga kami. Nilibre niya ako ng sundae at french fries. Nagkwekwentuhan naman kami tungkol sa kung anu-ano. Pinagmalaki niya naman sakin na may fan page na siya sa facebook at 5600 na daw ang nagla-like. Sige, siya na gwapo at sikat. Grabe ha. Makita mo lang Facebook nun sabog sa mga posts ng mga babaeng nagkakagusto sa  kanya. Daig pa ang artista eh. Haha.

Umepal naman bigla yung cell phone niya sa usapan namin. Nagtext na pala sa kanya yung tatay niya.

From: Daddy
asan k n nmn? umuwi k n. gbi n.

Napakamot naman siya sa ulo niya. Hahaha. Daig pa ako eh. Hindi pa nga ako tinetext ni mama at ni papa.

"Pinapauwi ka na pala oh..." Ngumite naman siya nun. Asus. Pa-cool pa eh.
"Bawal akong umuwi no?!"
"Ha?" Bigla naman niyang tinuro yung sign na malapit sa aircon tapos may nakasulat ng `Don't Leave your valuables unattended`
"Sabi dyan, Don't Leave your valuables unattended kaya dito lang ako sayo..." Tumawa na lang ulit kami. Lagot 'to sa papa niya. Haha. Nabanggit ko na ba sa inyo na wala yung mommy niya sa Pinas? Well, yun nabanggit ko na. Nasa Canada na kasi yun. Pangarap nga ni Ver na makapunta at makapagaral dun eh at the soonest time possible. Grabe no, ganyan talaga siyang mangarap. Masyadong mataas pero pwedeng pwede niyang makuha. Balak niya kasing maging photographer eh. Grabe mga photos niya, as in sobrang ganda. May talent agad eh. Pero ako lang nakakaalam ng talent niya. Kahit si Gigi o si Tella, walang alam! Haha. Grabe no? Ganyan kami ka-close.

Nagpatuloy yung pagkwekwentuhan naming hanggang mapagpasyahan na naming umuwi ng mga malapit ng mag-9 pm. Ayus naman. Nakasakay agad kami ng jeep. Walang bago sa dinaanan namin. Alam niyo naman yung mga dinadaanan namin diba? Hahaha.

So yun, hindi kami nakapagusap sa bintana kasi maaga akong natulog. Ewan ko ba. Napagod lang ata ako. Isang araw pa lang, ang dami ng nangyare. 

Day 2. Intrams. July 15

Si Tami at Bojie yung nakasabay ko sa jeep nun. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nakasabay si Ver nung araw na yun. Ang bagal kasing kumilos eh. Haha. Badtrip lang. So yun, ngayon na gagawin yung mga Championships nung game. Pati awarding ngayon na din. Then mamayang 4:30 p.m, merong Intrams Ball. Astig no? Parang gumawa sila ng party para sa lahat ng students para madevelop ang landian skills este ang Sportsmanship Value. Oha! May ganyan pang nalalaman ang school namin.

So kung ano mang kakaiba at exciting na naman ang mangyayare ngayon, please, nagmamakaawa ako sa mga santo, anito at sa mga kacheberluhan sa mundong ibabaw, wag na wag niyo akong bibigyan ng dahilan para umiyak ngayon.

No comments:

Post a Comment