Friday, December 31, 2010

Chapter 38

Hindi ko na lang naman yun pinansin. biglang nabagabag yung loob ko sa hindi nalalamang dahilan eh. syempre, ngumite na lang ako nun kay Kuya Evans tapos umalis na din ako sa harapan niya. hinanap ko agad nun si Ver. Hindi pa naman uwian nun. Meron pa kasing 1 hour para magcontinue pa yung pagbubukas ng iba't-isang booths.

dahil malinaw naman ang mga mata ko, nakita ko nun si Ver. nakatingin siya sakin tapos mukhang natatawa pa siya. hay nako. nakakahiya talagang ma-awardan ng mga ganitong bagay. nakakainis lang eh. kasama niya nun si Josh, Gian, Prince at Gigi. ano ba naman yan?!! bakit nga ba ako nakipagkaibigan sa mga alaskador na katulad nila?!! haha. joke!

"Wow bru?!! lumelevel-up ka?!! Ms.Pretty award!!" pangtukso naman sakin ni Gigi. nagtawanan naman yung apat na lalaki na kasama niya. kung makatawa, parang walang bukas ah... tinanggal ko na agad yung tiara ko nun tapos tinago ko dun sa bag ko..
"nakakainis kayo!" sabi ko naman sa kanila pero syempre, pabiro ko lang naman yun. nagtatawanan na naman sila.
"oh bakit? maganda ka naman talaga ahh?!" feeling ko naman nagblush ako nun. haha. kay landi ko talagang bata oh?!! pako niyo na ako sa krus?!! joke! haha.
"etong si Vher! halatang kinikilig?!!" rinerefer ako nun ni Prince. makapang-asar talaga eh.
"h-hindi ahh..." denial queen naman ako nun. so yun, pinagtawanan lang naman nila ako. then yun nakapagkwentuhan din kami tungkol sa kung anu-ano pang bagay. alam naman na nila na pupunta ng Canada si Ver pero bakit ganun? parang ako lang ata ang pinaka-affected dito...

syempre, umuwi na rin kami pagdating nung 5 pm na uwian namin... tahimik ako sa buong jeep... hindi ako makapaglambing kay Ver eh... andyan ba naman sila Prince na parang buong byahe eh binabantayan ang lahat ng kilos namin ni Silverio..

nagtitinginan lang tuloy kami ni Ver nun pati nagkakangitian... parang hindi kami ahh.. hahaha.

unting minuto lang naman ang tinagal ng byahe namin... nakauwi din naman kami ng matiwasay nun... syempre, dating gawi... tinatamad na akong ienumerate lahat ng dinaanan naming kanto at pasikot-sikot.. haha.. so yun, pumasok na din ako ng bahay ko... nagkakwentuhan ulit kami ni mama tungkol sa kung anu-anong bagay... tinukso naman ako ni  Tami at Bojie tungkol dun sa Ms.Pretty Award ko... syempre, binato ko naman ng tukso si Tami dun sa first year na tumanggap nung Mr. Handsome Award... Nagblush nga siya nun eh... aba, itong kapatid ko pala eh kasing landi ko lang! joke. hahaha.

tumaas naman ako nun at nag-shower... tapos napalit ako ng damit ko... bumaba din naman ako ulit para kumaen ng dinner nun.. parang nabusog nga ako kaso bawal nga palang matulog ng busog no... hindi ko din alam ang dahilan... haha... so yun, umakyat ulit ako dun sa kwarto ko... naisipan ko naman na buksan yung pintuan na dati kong bintana... ineexpect ko nun na makikita  ko kaagad si Ver kaso ang ineexpect ko pala ay wala sa harapan ko... nadismaya ako ng mga ilang segundo nun... parang lalo akong nalungkot... lalo kong naalala na aalis siya... hay nako... simula nung malaman ko yung super good news niya, parang nagunaw na ang buong mundo ko... may nakita naman ako note dun sa labas nung pintuan niya... kinuha ko yun tapos binuklat ko...

Vher! :]

Start lang ako ng review para sa Exam =)
I love You!! ^___^

medyo napangite ako nun. ang aga naman niyang magreview. akala ko ba sa  december pa?? hay nako... sinarado ko na rin yung pintuan ko nun tapos tinabi ko lang yung note niya... hinanda ko nun yung rinentahan kong gown para bukas... parang bigla nga akong tinamad na umattend eh pero naisip ko na what if last dance na namin ni Ver ang mangyayareng ball na 'to?? bumalik na rin naman ang sigla ko nun habang iniisip pa yung mga pwedeng gawin namin ni Ver habang andyan pa siya... habang kapiling ko pa siya...

dahil sa sobrang pag-iimagine ko, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na din pala ako...

Day 3. November 29. Foundation Week.

Hapon pa naman yung start nung ball. nagulat nga ako ng malaman ko na umalis kaagad si Ver. ano ba naman yun, hindi man lang ako hinintay... nakakapagtampo naman... hindi ko rin naman makakasabay nun yung kambal kong kapatid gawa ng magpapalate daw sila pareho... mga trip eh... 5 pm ako pumunta dun sa school namin... syempre, hinatid ako ni mama... masyadong matigas ang ulo nung mga kapatid ko, hindi pa sumama... sayang sa gas eh! hahaha...

so yun, bumaba na ako dun sa school namin... nagbabye at nagkiss muna ako sa cheeks ni mama bago bumaba dun sa kotse... medyo excited naman ako nun... dahil masquerade ball ang gagawin, malamang meron yung mga parang maskara sa mukha... badtrip lang eh... feeling ko nga non-sense pa yung pagtatakip ng mukha kung halata mo naman agad kung sino yung kaharap mo... pinagmumukha lang ata kaming timang ng school namin eh... hahaha.

so yun, nagkaroon ng kung anu mang program... merong mga grupo ng dancers na inarkila yung school namin para sa closing program na 'to... hindi ko namann masyado napansin yung nagsayaw kasi busy ako sa paghahanap kay Ver... kaso hindi ko talaga siya makita.. so si Gigi na lang ang hinanap ko pero hindi ko rin naman siya nakita... napagtritripan na naman ata ako dito ahh.. haha...

"So, the dance floor is all yours! Please enjoy the party!" sabi naman nung emcee. ay tapos na pala yung presentation nung mga nagsasayaw, hindi ko man lang napapansin. natatawa na lang ako eh. so yun, kanya-kanya naman yung mga lalake sa pagyaya dun sa mga babae sa pagsasayaw... ako naman 'tong naggagala lang sa buong covered court para hindi mayaya... ayoko lang talagang nagsasayaw... kung hindi si Ver ang kaparter... masyado akong choosy eh... haha... 

"Vher!" napangite naman ako nung narinig ko yung boses ni Ver sa likod ko. lumingon ako kaagad tapos nakita ko siyang nakatayo mag-isa dun sa area ng school namin kung saan may bermuda grass... ang lapad ng ngite ko nun... lumapit naman ako sa kanya... infairness, mahirap magpunta dun sa damuhan ahh!! hahaha.
"Ver!" sabi ko naman sa kanya. tinitigan niya lang ako nun tapos rineach out niya sakin yung hand ko. kinikilig nga ako nun. kinuha ko naman yung kamay niya tapos nagsayaw kami... napayakap nga ako sa knaya nun tapos napapikit pa talaga ako... hindi ko nga alam kung ano yung kantang natugtog... masyado kasi akong nakafocus sa ginagawa namin ngayon ni Ver... feeling ko nga kaming dalawa lang yung naandun eh... minulat ko naman yung mga mata ko nun tapos napansin ko na parang ang daming butterflies na pumaligid samin...in amazement, medyo humiwalay ako sa kanya nun...
"ang ganda..." sabi ko sa kanya. nakangite lang siya sakin nun.
"may ipapakita ako sayo..." dun ko lang naman narealize na magkahawak kamay kami nun. meron siyang tinuro na isang bagay sakin na pamilyar sa  mga mata ko... tinuro niya sakin yung isang bagay na nakalapag lang dun sa damuhan... hindi ko nga yun napansin kanina eh... pero natulala talaga ako sa bagay na yun...

sandals...

pero masasabi na nating ang sapatos na 'to ang pinakamemorable na footwear sa buong buhay ko... lumapit kaming dalawa dun...

"naaalala mo pa yan?" bumilis yung pagtibok ng puso ko. naalala ko yung pagligtas ko sa buhay niya nung mga bata kami... kung saan ang tanging naging remembrance na lang sakin ay yung kabiyak ng sandals na yan... and ngayon ko lng nalaman na nakita pala yun ni Ver.. tumango ako nun... parang gusto ko ngang umiyak nun eh... parang Cinderella lang... nakakatuwa eh... kinuha ni Ver yung sandals na yun...
"tanggalin mo yang suot mung sapatos..." sumunod naman ako sa kanya.
"eh paano ba yan, nasa bahay yung kabiyak niyan?" sabi ko naman sa kanya. ako naman ang panira sa plano niya oh... lumuhod siya nun tapos sinuot niya sa kanang paa ko yung sandals... infairness, kasyang-kasya sakin... palibhasa, kay mama naman talaga 'to eh?! haha... 
"don't worry..." sabi naman niya sakin habang natayo siya. hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos nagulat ako ng biglang narinig kong tinawag ako ni Tami.

"ATE!! Kuya Ver?!!" sigaw ni Tami samin. kasama niya nun si Bojie. bigla akong napangite nung nakita ko yung bagay na dala nila...

yung sandals...

napangite talaga ako nun. binigay ni Bojie kay Ver yung isang sapatos... lumuhod ulit nun si Ver tapos sinuot naman niya sa kaliwa kong paa yung isang sandals... medyo nagtaka nga ako nun eh... alam pala ni Bojie at Tami kung saan ko tinago 'tong sandals na 'to... napaiyak na talaga ako nun while nakita ko naman si Bojie at Tami na nakangite lang sa  may isang tabi...

"oh bakit ka naiyak?" tanong naman niya sakin. napapailing naman ako nun tapos napayakap ako sa  kanya. naramdaman ko naman na parang tinatapik-tapik niya lang yung likod ko...
"ikaw kasi eh... masyado kang nagawa ng good memories..." sabi ko naman sa kanya. lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. "lalo kitang mamimiss niyan eh!" naramdaman ko naman na tumawa nun si Ver. bakit ba palage na lang siyang natawa?! hahaha.
"syempre... mahal kita eh..." humiwalay siya sakin ng kaunti nun tapos tinitigan niya yung mga mata ko. hinawakan niya nun yung mukha ko then bumulong siya sakin...

"i love you... tandaan mo yan ha?" tumulo nun yung luha ko tapos bumilis yung pagtibok ng puso ko. parang kinabahan ako dun sa mga sinabi niya.

No comments:

Post a Comment