Saturday, January 1, 2011

Chapter 40

wala rin naman akong magagawa kung wala saming bibigay ni Ver eh. hindi lang naman siya ang prinoproblema ko eh. problema naming lahat ang pagkawala ni Kuya Evans... hindi naman siguro pwede na wala na siya sa mundong ibabaw no?! hindi naman pwede yun... dapat at least naman, merong nagawa ang mga doctor para pahabain ang buhay niya para  at least marinig naman niya yung mga last words mula sa pamilya niya... so yun, lumabas naman ako ng ospital nun... sinundan pa nga ako ni Gigi nun kaso nakita ko na pinigilan siya nila Prince... sa lakas naman ng mga boses namin ni Ver, sigurado ako na narinig nilang lahat ng pinagawayan namin... sumakay ako ng tricycle nun diretso na agad sa bahay namin... iyak ako ng iyak nun sa loob ng tricycle... sumasakit nun yung puso ko...

nababadtrip ako... parang nanghihina ako na ewan... napapaisip nga ako na ako naman ata yung mali... masyado ko kasi siyang mahal eh... masyado ko kasi siyang namimiss kaya ganito... masyado na ata akong possesive sa kanya... siguro, nagtataka na yung tricycle driver sakin kung bakit ako naiyak pero hindi naman niya ako pinapansin... unting minuto lang naman nun nung nakauwi na din ako ng bahay namin... ang lamya ko nun... as in... sobra... hindi rin ako makakain ng maayos pagdating nung lunch at dinner.... parang nawalan na nga rin ako ng buhay eh...

gabi na ngayon, nakatunganga pa din ako dun sa pintuan namin dati na ginawa ng bintana... hinihintay ko na kumatok siya sakin pero sa buong gabi ng paghihintay ko sa kanya, ni anino niya o kahit isang hibla ng buhok niya wala akong nakita... nababadtrip ako nun... naiiyak ako... sana hindi ko na lang pala sa kanya sinabi yung mga nararamdaman kong pagtatampo sa kanya... ako talaga ang may problema eh... kahit kelan naman hindi ako napagod eh pero ako 'tong nagpakita ng kahinaan... wala akong kwenta... nakakainis...

kinabukasan naman ay may pasok na naman... Monday na naman... umpisa na naman ng isang linggo... wala akong kaalam-alam sa kung ano mang meron kay Ver. wala din akong alam nun kay Kuya Evans... ano na kayang nangyare dun?

so yun, pumasok naman na ako ng school nun. nagtatanong na nga si mama kung may sakit ako eh pero syempre wala naman talaga akong sakit... lovesick lang... hay nako naman... kasabay kong pumasok si Tami at Bojie na parehas namang kinukulit ako kaso wala ako sa mood ngayong makipagasaran sa kanila eh... gusto ko man silang sabihan ng problema ko kaso mukhang hindi naman makakatulong...

tahimik ako sa mga klase namin... ang boring nga eh pero never naman nawala sa isip ko si Ver... ano kayang nararamdaman niya ngayon? iniisip niya kaya ako? bumibilis yung pagtibok ng puso ko... math time namin ngayon... napatungo ako nun sa table... alam kong nakakaantok ang subject na 'to pero hindi naman talaga ako inaantok nun eh... napatungo ako nun para hindi makita ng teacher namin at ng mga kaklase ko na umiiyak na naman ako... bigla kasing pumasok sa isipan ko yung tanong na paano kaya kung maisipan na ni Ver na hiwalayan ako?? paano kung marealize niya na mahal niya pa rin si Tella at naging panakip butas lang ako para maging masaya siya?? kaso kahit na ganun, kulang pa din ako para sa kanya... lalo akong umiyak nun... triny ko yung best ko nun para walang marinig na tunog sakin... buong oras naman akong umiyak nun na walang nakapansin...

hindi pa rin ako normal nung mga sumunod na oras... minsan mapapansin ko na lang ang sarili ko na nakatitig sa may bintana at si Ver lang ang iniisip... nababadtrip na nga ako sa sarili ko.. ako yung nagumpisa nung away tapos ako naman 'tong halos magsuicide na dahil lalo ko naman siyang hindi nakita... lalo ko siyang hindi nakausap... at higit sa lahat lalo kong naramdaman na malapit niya na akong iwanan... ang sakit... ang sakit-sakit... badtrip...

mabilis ang oras nun kahit na puro malulungkot lang naman ang pangyayare... dismissal na nun... hindi ko makakasabay si Gigi sa paguwi dahil meron daw pupuntahan si Gigi na family gathering... alangan naman makasabay ko si Ver kaso hindi na nga pala siya dito nag-aaral... naluluha na naman ako nun... lumabas na din ako ng classroom namin... sakto ko namang pagbaba dun sa second floor ng building namin, nakita ko si Kuya Evans sa second floor nung kabilang building... bumilis yung pagtibok ng puso ko... aba, kailangan kong malaman kung bakit nawala bigla yung lalaking 'to!?! binilisan ko yung paglakad ko nun papunta sa kanya...

"Kuya Evans!" pagtawag ko naman sa kanya. pagod na pagod ako nun... lumingon naman siya sakin nun ng nakangite pero ako 'tong hindi makuhang ngumite dahil sa sunod-sunod na nangyayare sa buhay ko...
"Ow Hi Vher!" parang nawala pa yung mata niya nun sa sobra niyang pag-ngite.
"bakit bigla kang nawala sa ospital?!!" linapitan ko siya nun tapos sabay kaming naglakad pababa nung second floor. mabagal nga kaming naglalakad nun eh.
"wala lang... ayaw ko ngang mamatay dun..." sabi naman niya na parang joke pa ang lahat.
"bakit ba ganyan kang magsalita ha?! malay mo biglang may donor na dumating sayo?!" sabi ko naman para patibayin yung loob niya kaso mas mukha pa nga ata siyang malakas ang loob kesa sakin eh.
"kung sweswertehin... pero mabuti na kung handa diba..." tugon naman niya sakin.
"ibang klase ka talaga..." sabi ko naman sa kanya.
"ikaw nga yang mas mukhang may sakit sakin eh..." nagulat ako dun sa sinabi niya. masyado ba talagang halata ang pagkadepressed ko?!!
"ha?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya. nasa covered court na kami nung mga panahon na yun.
"ano bang nangyare sayo ha?" napatigil ako nun sa paglalakad. naalala ko si Ver.
"galit sakin si Ver..." nakatungo ako habang sinasabi ko sa kanya nun. gusto kong umiyak nun ng isang litro pero sigurado naman ako na walang magagawa ang pag-iyak ko...
"mapapatawad ka rin nun..." bakit ba parang ang dali niyang sabihin yun? nagsimula na ulit kami sa paglalakad ng mabagal...
"iba na kasi eh... parang nagkapatong-patong na..." sabi ko naman sa kanya ng may halong dismaya.
"kahit ano pang problema yang pumatong sa  inyo. as long as mahal niyo ang isa't-isa... hindi pwedeng matiis niyo ang isa't-isa ng hindi nagkakapatawaran..." sabi naman nun ni Kuya Evans na may halong ngite. hindi ako makapagsalita nun pero hindi ibig sabihin nun ay satisfied na ako... biglang hinawakan ni Kuya Evans nun yung kamay ko tapos hinila niya ako... "halika... may pupuntahan tayo..."
sumama na lang ako sa kanya nun. sa totoo lang, ayaw ko pa naman rin talagang umuwi eh... sumakay kami sa  jeep nun na papuntang pavillion... hindi ko nun alam kung saan kami pupunta... ano yun?!! magma-mall kami?!! joke! hahaha... yehey! first time ko ng makapagjoke!!

so yun, bumaba nga kami dun sa pavillion...

"san ba talaga tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
"sa bahay ko..." sabi naman niya sakin. dun ko lang naman naintindihan na dun sa pinapagawang bahay niya ako dadalhin. nagtricycle kami nun papunta dun sa sosyal na subdivision kung saan pinapatayo yung bahay na maraming bintana....

halos 10 minutes kaming nasa loob ng tricycle nun... ang haba no? haha... so yun, bumaba kami dun sa kanto tapos nilakad pa namin yung mismong tuktok... sa parang hill niya pa kasi pinagawa yung bahay eh... ang sosyal talaga no?? napansin ko naman nun na parang malapit ng matapos yung bahay... kita mo na yung mga bintana... ang kulang nalang eh yung bubong, pintuan, gate at pintura... tinitigan namin yung bahay na may maraming workers na nagtratrabaho...

"alam mo..." nagsimula na siyang magsalita nun... "natatakot ako na baka hindi ko 'to makita ng buo..."
"malapit na yang matapos no!" sabi ko naman sa kanya. siguro, in 3 weeks naman abot na yan no?! dapat lang na umabot yan... pangarap yan ni kuya Evans eh...
"alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" napatingin ako sa kanya nun.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"because that house is a sign of love and forgiveness..." bumilis yung pagtibok ng puso ko nung sinabi niya yun. "galit na galit ako kay daddy nun... lalo na nung nalaman ko na may sakit ako at sa linya ng pamilya niya nanggaling yun... sobrang sama ko nga nun para sisihin siya sa kondisyon ko ngayon..." napapaluha pa siya nun. "pinamukha ko sa kanya na siya ang may kasalanan... unaware naman ako na hindi lang pala ako ang nasasaktan... siya din pala..." napatitig talaga ako nun kay Kuya Evans. "sinabi ko sa kanya nun na bago ko siya patawarin, kailangan siyang magpagawa ng bahay para sakin... akala ko hindi niya yun seseryosohin pero eto na ngayon, nasa harapan ko na ang tanda kung gaano niya ako kamahal..."

wala akong masabi nun. kung icocompare ko yung problema ko kay Kuya Evans, di hamak naman na mas mabigat yung kay Kuya Evans... dun ko narealize na there are more finer things in life... ayaw ko lang talaga iexplore yung mga bagay na yun...

"hindi ko naman sinasabi na magpagawa ka ng bahay para kay Ver no?" napapatawa na siya nung sinabi niya yun. "ang gusto ko lang naman na sabihin sayo eh sana gumawa ka ng bahay... o space man lang sa puso mo for forgiveness, trust and understanding..."

tumango ako nun sa kanya. medyo naluluha na nga ako nun... tama nun si Kuya Evans... napatungo na ako nun tapos dali-dali kong pinunasan yung luha ko... nung sigurado na ako na wala na akong mailuluha pa, tumingin ulit ako ng diretso nun kay Kuya Evans...

"maraming salamat..." sabi ko sa kanya...

No comments:

Post a Comment