Sunday, December 19, 2010

Chapter 10

Bumilis ang panahon. July na din ngayon. Next Week, Intrams na. Alam naman namin na talo na kami sa mga seniors no! Hahaha. Ano pa nga ba ang mga nangyare? So yun, halos wala namang bago. Magkatext at magkachat nga palagi kami ni Kuya Evans. Isa rin palang malandi yung lalaking yun. Joke. Haha. O siguro hindi lang ako sanay na may lalake akong palaging nakakatext at nakakachat. May tawagan na nga kami eh. Kuya at Bunso. Aww. How cute diba? Haha

So samin naman ni Ver, ganun pa din. Best friend pa din. Kapatid ko pa din siya. Haha. Eight years na. Sanay na sanay ako. Andun pa din ang tuksuhan, asaran at galaan. Sinasamahan pa rin niya ako sa pagsimoy dun sa pogi na nakatira sa may tindahan. Magkasama pa rin kaming nagsisimba sa chapel. Sabay kaming pumapasok at nauwi. Nag-uusap pa din kami sa mga bintana namin. At hanggang ngayon, hindi pa rin nasisimulan ng daddy niya yung bridge na gusto naming itaguyod. Haha.

Wala kaming classes ngayon. Kailangan daw kasi magpractice ng bawat year level ng cheer dance at laro nila. So ako naman etong running for the best in tambayan award. Wala naman kasi akong galing sa pagsasayaw o pagcocompose ng cheer. Hindi nga ako marunong mag-volleyball o kung ano mang sport. Ang weak ko talaga. So yun nasa room kami ng Section A. Kami yung bahala sa mga props ng cheerdance. Buti pa si Gigi. May laro! Sosyal, Table Tennis. Expert siya dyan. Baka nga manalo pa siya eh. Haha.

Isa lang naman ang kinaeexcite ko sa Intrams eh. Yung Intram's Night. Haha. Ang dami ding kalandian ng school namin no? Hindi rin kasi ako nakasama last year sa Intram's night dahil bigla akong nagkalagnat. Ang epic ko talaga no?

So yun, halos hindi na rin ako makapaghintay. Ifast forward na natin sa mga finer parts of my life. Haha.

Thursday. Day 1. Intrams. July 14.


punong-puno ng dekorasyon yung Covered court ng school namin. Nagsimula yung parade ng mga players at cheerdancers, Hindi naman talaga siya parade kasi inikot lang talaga yung buong court namin. Ang corny no? Masabi lang na may parade. Hahaha. So yun, merong malaking mat sa gitna nung court kung saan nagtumblingan at nagexhibition yung mga cheerdancers ng bawat year level.

Astig nga eh. Mabalian ng mga buto 'tong mga 'to. Haha. Kami namang mga nasa gilid lang eh todo cheer sa mga sophomores. Wooo. Sabugan na ng ngala-ngala 'to. Haha. Madali pa naman akong mapaos. Grabe.

Nagsimula na yung paghulog nung mga mahahabang tela kung saan nakasulat yung Freshies, Sophies, Juniors at Seniors. Palakasan na naman kami ng mga sigaw at cheer. Dahil ang batch namin ang pinaka-kaunti, kaming batch ang pinaka weak sa sigawan. Haha. Seniors na nga lamang sa sigawan. Sige, sumigaw lang kayo. Pag-uwi malat. Haha.

Nagkaroon nung pag la-light ng torch eklavu. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets kung bakit kailangan gawin yun. Then after nun, pinakilala na yung mga players ng iba't-ibang year level. Syempre, hiyawan na naman. Nagsimula dun sa mga individuals. Andun nga si Gigi kaya nagsigawan yung mga kapwa niya juding. Haha. Syempre, ako nakisali. Bru ko yan!

Then, sumunod yung Basketball. Omg. Omg. Ang gwapo ni Ver pag suot niya yung uniform niya. Ang cute lang talaga. Nag-wave siya ng hello sa mga tao. Halos malaglag yung panga nung mga nagkakacrush sa kanya. Grabe, hindi mawawala sa ibang year levels yung mga sigawan sa kanya. Pano ba naman, kagwapo kagwapo ng lalakeng 'to.

Nagkaron ng mga drum rolling. Ang ingay nga eh. Nakakarindi. Haha. Medyo umalis muna ako sa court nun. Pumunta ako dun sa Greenwich stand sa court. Meron kaming ganito kapag may activity eh. Sponsor ba. Haha. Bumili ako ng pearl shake. Ang sarap. Gusto kong namnamin. Ang mahal ba naman kasi. Nagulat naman ako ng biglang may kumuha ng iniinom kong pearl shake.

Bastusin 'to! Si Ver yung kumuha and dahil sobrang kapal ng mukha niya, uminom siya ng pearl shake. Yun tuloy, nangalahati na lang. Badtrip talaga.

"ang kapal kapal kapal talaga ng mukha mo! akin na nga yan..." kinuha ko yung pearl shake ko sa kanya. Badtrip talaga 'to oh. So siya naman eh nakangite lang sakin na paprang wala siyang ginawang nakakabadtrip.
"Grabe ang hiyawan sakin no? Siguro sumigaw ka rin para sakin..." Yeah. Right. Whatever.
"Ay. Oo na lang... Kawawa ka naman... baka magpatalo ka kapag nalaman mo na ang best friend mo hindi sumigaw para sayo..." Pang-aasar ko naman sabi sa kanya. Ngumite naman siya nun. Meron pang pagalaw-galaw yung buhok niya. Bigla naman siyang tinawag nung kasama niya kaya nagpaalam na din siya. Tumango lang naman ako sa kanya. Sus. Hindi niya lang alam na kinikilig na ako sa kanya. Napatingin ako dun sa nagbebenta sa Greenwich stand. Babae siya na nakatingin sakin ng parang nang-aasar. Naging awkward naman ako nun kaya umalis na lang ako sa greenwich stand na yun. Mukhang timang lang si ate eh. Haha.

So ang susunod na dapat kong gawin eh maghanap ng kasama. Badtrip naman eh. Wala si Tella. Siya pa naman yung palage kong kasama nung Intrams nung first year ako. Parehas kaming weak sa laro eh. Haha. Si Gigi naman kasi sinabugan ng talent sa table tennis. Wala tuloy makasama. Si Ver naman masyadong talented, badtrip. Break pa lang ngayon. Mamaya na magstastart yung Volleyball game ng first year at second year girls. Kasabay nun yung mga individual games na hindi kailangan ng court. Haha. Sayang hindi ko mapapanuod yung kay Gigi! Mas maganda naman kasing panuorin ang Volleyball. Haha.

So yun nakita ko naman yung mga kaklase ko, dun na lang ako nakasama. Meron pa silang mga hawak na `Go Sophies`. Haha. Ang lalakas pa ng mga tili netong' mga 'to. Ang kukulet lang eh.

Nagsimula na yung Volleyball game. Ayun, malamang pinanuod ko lang yun. Andun din si Kuya Evans kasama yung mga players na katulad niya. Siguro, feeler lang ako na ako yung tinitingnan niya. Ano ba yan?! Sino bang tinitingnan ng prince charming ko?! Haha.

Natapos na din yung game. Halos 1 hour and 45 minutes yun. Sige, sabihin na nating dalawang oras yun. Astig kasi yung laban eh. Haha. Mahigpit. Sa dalawang oras naman na yun, buti na lang hindi ako natunaw sa mga titig ni Kuya Evans.

So yun, start naman na ng Volleyball game ng Seniors at Juniors boys. nanuod lang ako. Andun kasi si Kuya Evans. Kakatapos rin ng laro ni Gigi sa table tennis kaya at last, may kasama na din akong matino. Panalo nga siya. Woooo. Haha.

"Baka mawala sa focus si papa pogi kapag tiningnan mo..." Adik talaga 'tong si Gigi. Haha. Tama bang tawagin si Kuya Evans na papa pogi?!
"Grabe ka naman! Manuod na lang tayo...." So yun. Ang astig ng laban. Grabe yung pagpapasaha-pasahan nung bola. Astig pang mag-spike si Kuya Evans. Nakaka-amaze eh. Haha.

Parang siya nga yung nagpapanalo eh. Tambak na tambak kasi talaga yung score ng Juniors. Grabe. Dun lang biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Tinitingnan ko si Kuya Evans na parang nagiging slow motion na. Bawat galaw ng buhok at bawat tulo ng pawis niya eh parang nabagal na din. Isang oras na din ang lumipas. 5 points na lang panalo na ang seniors. Sure naman na yun kasi 20 points ang lamang nila sa juniors. Grabe ngang maghiyawan yung mga tao eh. May mga kababaihan din naman na sigaw ng sigaw para kay Kuya Evans. Kulang na lang eh gumawa sila ng isang Fan Club para kay Kuya Evans.

Halos 10 minutes ang dumaan. Hindi pa rin nagalaw ang score. Ang astig grabe. Sobrang galing ng juniors at seniors. ibang klase. Taob na taob ang volleyball boys namin. Haha.

5 minutes na rin ang nakalipas ng 2 points na lang ang kailangan para manalo ang seniors. Nagtatayuan na ang lahat dahil nadadala na sila sa mga pangyayare. Nagserve nun si Kuya Evans. Grabe, lahat naghiyawan. Ang lakas ng serve niya. Yung mga juniors na naglalaro eh tinitingnan na lang yung bola. Hindi na nila hinahabol. 1 point na lang panalo na. Isang serve na lang yan.

Kita ko sa mga mata ni Kuya Evans na pagod na siya pero determined pa rin na manalo. Partida pa yan, walang substitution. Grabe. Isang serve na lang kaso..

palpak... Hindi umabot sa kabilang net. Napatingin lahat ng tao kay Kuya Evans. Pati yung first and second referee nagulat. Parang nawala lahat ng tao sa mismong laro. Nagulat ako. 1 point na lang yun, pinalampas pa niya.

Nakita kong biglang humawak si kuya Evans sa bandang chest niya na parang nahihirapan siyang huminga. Lalong nataranta lahat ng tao. Nagsilapitan sa kanya yung mga referee at yung mga students para sa medics. Nasilip ko na nakahiga na siya sa floor ng covered court tapos nakapikit siya.

Gusto kong lumapit nun pero bigla akong napatigil ng makita ko si Ate Rits. Yung junior na crush ni Ver. Tumatakbo siya nun habang papalapit siya kay Kuya Evans. Nakita kong umiiyak siya nun.

Nanlaki yung mga mata ko. Anong meron? Dinala ng mga estudyante si Kuya Evans sa kwarto ng isang first year section. Napapatulala ako. bakit parang nahuhuli na nga talaga ako sa mga pangyayare?

Nagpatuloy ang game. May pumalit na lang kay Kuya Evans. Pero hindi pa rin matanggal sa isip ko yung kung ano mang nangyare kay Kuya Evans at kung bakit ganun maka-react si Ate Rits. Panalo ang seniors ng hindi makapagserve ng maayos yung isang junior. Kaso parang wala masyadong nag-cheer.

Dahil halos lahat nangamba sa kung ano mang nangyare kanina.

No comments:

Post a Comment