Wednesday, December 29, 2010

Chapter 32

Halos langgamin naman kami ni Ver nung gabing yun. Kilig na kilig nga ako nun. Sana ganito na lang palagi araw-araw. nakakalimutan ko mga problema ko dahil sa kanya eh. haha. syempre, natulog na din kami nun. hindi nga rin ako makatulog eh. dahil dun, naisipan ko na magtext kay Ver. akala mo naman sobrang layo ng bahay namin! haha.

To: Silverio
Gising ka pa? :)


mabilis naman siyang magreply. halatang hindi rin makatulog. siguro iniisip ako! hahaha. Joke!

From: Silverio
yup. d k dn mk2log? ^_^

napapangite naman ako nun. ewan ko ba. kahit walang kwentang text na ganito eh napapakilig niya ako.

To: Silverio
ou...

wala na akong mareply sa sobrang kakiligan nun. ano kayang expression ng mukha niya ngayon?? napapangite kaya siya?! haha. ako kasi napapangite na nga, napapakagat pa ako ng labi!

From: Silverio
prehas ta kea meant to be tau eh ^^

napaupo ako nun sa kama ko. lalong nawala yung antok ko sa mga pinagsasabi niya eh. ibang klase talaga 'tong lalakeng 'to eh! haha. ang daming special powers sakin. ako naman 'tong, palagi niyang tinatablan. haha.

To: Silverio
adik ka. tlog na tyo. gdnyt :)

nahihiya pa ako nun na sabihan siya ng magic words kasi baka mamaya hindi naman siya magreply ng i love you too. ang sakit kaya nun! haha

From: Silverio
ok.good night. i love you :)

YUN! ano ba naman yan Ver?!! paano ako makakatulog kung ganyan ka kasweet?! Haha.

To: Silverio
i love you too :')

dun naman natapos ang paglalandian naming dalawa. haha. kahit na hirap akong makatulog syempre, hindi na rin nakeri ng mga mata ko ang antok... nakatulog na din ako at hindi na ako makapaghintay sa bagong araw na haharapin ko bukas...

syempre, nagising na din ako nun. Saturday ngayon. 10 am nun. ako at si papa pa nga lang ata yung gising nun. grabe, eh papunta ng trabaho ngayon si papa kaya malamang nagpaalam na ako sa kanya at nagkiss sa cheeks niya. puyat na puyat pala si mama dahil dun sa pagaasikaso nung bahay nila kuya Evans. 

naligo naman ako nun. ewan ko ba kung bakit ang aga ko atang maligo ngayon. trip ko lang siguro. haha. tapos nun, syempre nagpalit ako ng damit ko at nagpalaman na lang ng peanut butter dun sa tasty bread namin. nakakatamad ng magluto ng pancit canton para sa almusal eh. haha.

nagulat naman ako ng biglang lumabas si mama dun sa kwarto nila at tarantang-taranta na.

"Oh ma, anong meron ngayon at nagmamadali ka?" tanong ko naman kay mama na bagong ligo lang ata at binibilisan ang bawat pagkilos niya. siguro, late na 'to.
"malapit na kasi akong malate dun sa site viewing namin eh!!" sinabi rin niya ng sobrang bilis. titingnan na ata nila yung site kung saan itatayo yung bahay ni kuya Evans.
"sama ako ma! nakaligo na naman ako eh!! teka lang! magbibihis ako!" sabi ko naman sa kanya. wala naman akong gagawin sa bahay kaya sasama na lang ako kay mama.
"oh sige.. basta bilisan mo!" tumaas agad ako dun sa kwarto ko. 3 minutes lang ang kailangan ko para makapagsuot ng pantalon at t-shirt. naunahan ko pa si mama ng mga limang segundo. sumakay na kami dun sa kotse ni mama... ang bilis nga ng pagpapatakbo niya eh... late na late na kasi siya nun... tapos hindi siya nagsasalita... breath taking experience nga bawat pagliko ni mama sa mga kalye eh dahil minsan may muntik na kaming mabanggang tricycle o di kaya pedicab. haha. buti na lang hindi mainitin ang ulo nung mga tao na muntik na niyang mabangga... bangag na ata 'tong si mama...

20 minutes lang naging byahe namin nun... sa isang sosyal na subdivision kami pumasok... buti naman at nakarating kami dito ng buhay o di kaya wala kaming napapatay... haha

nakita ko na parang merong hill na puro damo na pinagtitipunan ng maraming tao na may helmet na pang-construction worker. tapos meron na ding mga nakatayo at nakakabit na mga kahoy. siguro, yun yung base nung bahay. ang daming workers nun at halatang minamadali yung paggawa. pumunta kami dun ng dali-dali ni mama. nagmadali naman si mama na lumapit dun sa mga kasamahan iya sa trabaho at nagdiscuss siya ng kung anu-ano. hindi ko na pinakielaman si mama nun at baka nakakasagabal lang ako sa trabaho niya... nakita ko nun bigla yung daddy ni kuya Evans... siguro, hindi niya ako napansin... lumapit naman ako sa isang puno... nung tumayo ako dun, narealize ko na sobrang ganda nung view... kitang-kita mo yung dalawang bundok na nasa gilid ng buong laguna... bahagya naman akong napangite nun...

"Vher..." sa boses pa lang niya, alam ko na kung sino siya. napalingon ako at nakita ko si kuya Evans na lumapit din dun sa puno. "bakit ka andito?"
"uh... wala lang... sinamahan ko lang si mama..." sabi ko naman sa kanya ng nakangite. sabay naming tinitigan yung bahay na unti-unti ng nabubuo.
"'sana bago magpasko, tapos na yan..." alam kong medyo imposible yun. magiging posible kung halos isang daan ng workers ang nagtratrabaho para dyan non-stop. napangite na lang ako nun. ayokong masira ang mga iniisip ni kuya Evans. kaya instead of doing that, binago ko na lang yung topic namin.
"uhm... ikaw ba yung nag-specify ng designs?" tumango naman siya nun. naaalala ko nun nung nakita ko yung draft na ginawa ni mama para dun eh isang bahay na puro bintana.
"maraming bintana yan... para kapag may sunset o di kaya sunrise, kitang-kita mo agad... tsaka alam mo ba kung bakit hindi ko pinaputol ang punong 'to?" sabi naman niya sakin. enjoy nga siya sa pagshe-share eh.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"kasi yang puno yung palatandaan ko para makita yung star na pinangalan ko sayo..." napangite ako nun. bumilis yung pagtibok ng puso ko. napatingin ako sa mga mata niya na tila walang prinoproblema.
"wow..." yun na lang ang nasabi ko. "may itatanong ako sayo..."
"ano yun?" napasigh ako nun.
"bakit parang ang tibay mo? parang wala kang problema? nakakangite ka pa ng ganyan..." yun yung natanong ko sa kanya. nagtataka kasi talaga ako. parang wala siyang sakit.
"dahil sayo..." napatungo ako nun. narinig ko nun yung tawa niya. "tsaka kung magiging malungkot ako, ano ng mangyayare sakin?" sinabi niya sakin ng nakangite. napatango na lang ako nun at tuluyan ng nahiya na magtanong pa ng kung anu-ano sa kanya. syempre, tumingin na ako ng diretso sa kanya nun. nagsigh ulit ako. hindi ko talaga mapigilan na magtanong pa sa kanya.
"natatakot ka ba?" feeling ko napatigil si kuya Evans nung tinanong ko sa kanya yun. nakita kong may luha na pumatak dun sa left eye niya. bumilis yung pagtibok ng puso ko. bigla akong nakaramdam ng takot. triny niyang punasan yung luha niya nun.
"sa totoo lang, oo..." umiiyak siya nun. nabadtrip ako sa sarili ko nun. sana hindi ko na lang tinanong yun. yinakap ko siya nun ng sobrang higpit. "takot na takot akong mamatay..."

tumulo na din yung luha ko nun ng hindi ko namamalayan."sorry.."

bulong ko naman sa kanya. humiwalay na rin kami sa isa't-isa nun. nag-force ulit ng ngite nun si kuya Evans. kung ako ay isang lalake, hindi ko kaya na lunukin ang pride ko at umiyak sa harap ng isang babae...

"salamat..." bigla naman niyang sinabi. medyo nagulat nga ako eh.
"para saan?" tanong ko naman sa kanya.
"hinayaan mo yung sarili mo na maging parte ng buhay ko..." nagsigh siya nun bago magsalita ulit. "at may sasabihin ako sayo..." napatigil ako nun pero all ears naman ako na marinig yung kung ano mang sasabihin niya sakin. "i love you..."

lumakas yung ihip ng hangin nun. parang pati kaluluwa ko eh natatangay na din. hindi ako makapagsalita nun. naguguluhan pa din naman ako kay Kuya Evans... pakiramdam ko kasi hindi naman talaga ako ang gusto niya... sabihin na natin na ako nga yung tinutukoy niya dun sa crush at first sight, like at second sight at love at first meeting... pero sobrang tagal na nun... paano kaya yung mga taon... yung mga araw kung kelan hindi pa niya ako kilala at hindi pa niya ako nakakausap... sigurado ako na nagmahal siya ulit nung mga panahon na yun... at hindi ako yun... at siguro... hindi pa rin lang niya maamin sa sarili niya yun...

"oh yan kapag namatay ako  bukas, wala na akong pagsisisihan..." sabi naman niya.
"ako ba talaga?" tanong ko naman sa kanya. parang napatigil siya nun at tila hindi nakausap. "paano nga kung namatay ka na bukas at hindi mo pa nasasabi sa taong yun na siya naman talaga ang mahal mo... siguro pagsisisihan mo yun..."

hindi siya nakaimik nun. "pagisipan mo yan ng mabuti kuya Evans..." nagsigh muna ako bago ituloy yung sasabihin ko...

"malay mo pinahaba ng Diyos ang buhay mo para dyan..."

No comments:

Post a Comment