Saturday, December 4, 2010

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang six days ng bakasyon namin. Pasukan naaaaa! Panahon na naman ng paggising ng maaga. Makikipagsapalaran na naman sa matagal na pag-aabang ng jeep, mga panot na drivers, mga may putok na pasahero. Swertehan mo na lang kung naligo ng pabango yang katabi mo. Hahaha. Makakalanghap ka na naman ng air at noise pollution. Tandaan mo, isang taon mo 'tong titiisin. Pero dahil nasanay na din ako, wala na sa kin yan. Hahaha.

Nakasakay na din ako sa jeep nun. Napatingin ako sa mga pasaherong kasama ko. Wala namang mala-prince charming ang itsura. So malamang, hindi sa jeep ang first meeting namin. Hahaha. Excited na talaga ako ha!

Walang traffic nun kaya naman mabilis lang eh nakarating na din ako sa school namin. Simple lang naman yung school namin. Dalawang Building lang tapos may isang court. Nasa gitna nung court yung isang malaking White Board, dun nakapost yung sections namin. Halos aakalain mo na nilamon na ng mga estudyante yung white board dahil sa nagkumpulan yung mga tao dun. Atat talagang malaman ang section eh. Dahil ayokong makipagsiksikan, mamaya ko na lang titingnan. Nakita ko naman agad yung best friend kong si Gigi. Hahaha.

"Bru!" tawag ko naman sa kanya. Tumingin siya sakin kaagad. Syempre, alam na alam nun ang boses ko.
"Bru! Namiss kita ng bonggang bongga! Grabe. I have so many kwento talaga sayo!" Amp. Gay. Hahaha
"Palagi naman pero sana maging classmate kita ngayon!"
"Oo talaga!!"


Naka-cling to each other yung arms namin nun. Habang papunta kami dun sa malaking white board (buti naman buo pa), lahat ng makakasalubong naming gwapo, eh binabati netong si Gigi.

"Hoy Gregorio, ang landi mo! Haha" Nagtawanan lang naman kami nun.
"Yuck Gregorio! Wag mo nga akong tawagin ng ganun?! Panira sa beauty ko."
"Meron ka ba nun?"
"Bruhaaaa ka talaga..."

Nagtawanan lang kami nun. Ganito lang talaga kami kaabnormal. Nakalapit na din kami dun sa Malaking white board. Ang daming papel. Joined forces naman kami ni Bru (si Gigi yan) na hanapin yung section namin. Nakakaduling ah. Kumikirot na yung ngipin ko dahil sa braces ko. Sosyal ako, may braces. Ang pangit kaya ng ngipin ko. Hahaha.

"OHHHMIIIIGOSSHH!! Classmates kita Bruuuuuu" Parang rinig na rinig sa buong court yung boses ni Gigi. Napatingin tuloy ako dun sa mga kalalakihan na malapit sa gate na pinagtatawanan ata kami. Andun si Ver na tiningnan ko naman ng masama pero nakangiti pa rin siya tapos nag-wave siya sakin ng hello. Inirapan ko lang naman siya tapos tumalikod ako sa kanya. Narinig ko pa yung mga kasama niya na ng `Ooooohhh` ng bonggang bongga. Mga abnormal na lalake. Badtrip eh.

"Anong section natin?"
"Ayy, sayang! Hindi natin kaklase si Papa Ver!!"
"Bru?! Anong section natin? Ano bang pakeelam ko kay Silverio?"
"Ang bitter mo. Hahaha"
"Excuse me. Hindi ako bitter dun no?"
"Napansin ko lang na mahilig kang magtawag ng mga panget naming pangalan. Porket ikaw ang cute ng pangalan mo, ganyan ka na."
"Bru naman. Gusto ko lang malaman ang section ko"
"Section B tayo... Sus. If I know, gusto mo din namang maging classmate si Ver"
"Ang kulit mo Gigi."
"May gusto ka--"

Tinakpan ko agad yung bibig niya nun. Ano ba?! Dapat  talagang ibroadcast. Ang lakas pa naman ng boses ng bruhildang ito.

"Tumahimik ka nga. Ssshh"

Tumango siya nun then tinanggal ko na rin yung kamay ko mula sa pagkakatakip ko sa bibig niya. 

"Lika na nga. Punta na tayo ng classroom"
"Sige na nga bru. wala rin naman akong makita na pogi dito.Hahaha"

Maglalakad na kami papunta dun sa entrance papunta sa Building namin ng napansin ko na mabilis na tumatakbo papunta samin yung tropa ni Ver. Napapatingin nga yung mga first years sa kanila. Ang gwagwapo ba naman kasi nilang lahat. Parang sinakluban naman kami ni Gigi ng mga tropa ni Ver. Binunggo ni Ver yung balikat ko nun. Alam kong intentionally yun. Ang lakas talaga ng mga trip ng mga yan.

"ANO BA VER?!"

Nakalagpas na yung tropa nila samin nun ng bigla siyang humarap samin ni Gigi.

"Oh Hi Vher! Sorry nakalimutan kitang batiin ha? Sige, bye!" Nagtawanan yung mga katropa niya. Ang hangin niya talaga kahit kelaaaaaan. Badtrip.
"Duh Ver?! Wala akong pakielam kung hindi mo ako batiin no? Hindi ka man lang nag-sorry! Nabunggo mo kaya ako"
"Ay Vher, hindi pa ba obvious na intentional yun? Kailangan pa bang mag-sorry?" Nagtawanan ulit. Badtrip.
"Susunggaban talaga kita Silverio!"
"Oo na. Sige na po. Ikaw naman palagi ang tama. Sorry na po. Okay na ba?" Ang yabang pa din niya. Grabeeeeee. Pigilan niyo ako. Baka mabigyan ko 'to ng pasa sa mukhaaaaa.
"Badtrip ka talaga Ver! Ang yabang yabang mo!"
"Bakit mo pa ba pinapatagal Vher? Siguro gusto mo lang ako makausap ng mas matagal..."

Babanat pa sana ako nun kaso biglang umepal si Gigi. Sayang, mapapataob ko na sana yung mokong na 'to. 

"Itigil niyo na nga yan! Parang nakikipagusap lang kayo sa sarili niyo. Parehas pa naman kayo Ver, hindi pa kayo magkasundo. Ang sakit niyo sa uloooo" Kung andito kayo siguro matatawa ka na lalo sa tono ng boses ni Gigi. Hahaha. Ang gay talaga.
"Eh palibhasa nanggagaya yan ng Nickname!"
"Hoy, Hin--!"

Hindi ako pinatapos ni Gigi nun.

"Oh magsisimula na naman ng bagong away! Palagi na lanaaang!" Nagtawanan naman yung ibang kasama ni Ver. Pati si Ver napapangite na din. Eh ako? Mukhang sineryoso ata lahat ng pangyayare pero hindi ko pa rin mapigilang hindi ngumite.
"Hay nako. Lika na nga lang, Gigi"

Pinairal ko pa rin pagiging mataray ko. Hinawakan ko sa wrist niya si Gigi. Hinila ko siya punta sa loob ng building namin. 

"Nakakabadtrip talaga siya Gigi. As in kanina, kumukulo na yung dugo ko sa kanya. Akala niya sobrang gwapo niya! Pwes, hindi sakin uubra yun! Badtrip talaga!" Ang bilis ng pananalita ko nun.
"Nakakarindi ka Bru! Sakit sa ear drums!!" Sabay hawak dun sa tenga niya. Ang arte ng bruhang 'to.
"Eh nakakainis naman talaga kasi siya--"

*DUG*

Nahilo ako bigla. Ang lakas naman ng impact na yun. Sino bang !@#$%& ang nakabunggo sakin? Una, si Ver. Ngayon, sino naman?! Uso na ba talaga ang bungguan ngayon. Panira ng First Day. Parang may nakikita pa akong birds na ewan. O siguro, wild imagination ko nga lang talaga yun. Hahaha.

"Sorry Miss" Napatingin ako dun sa taong kung saan nangagaling yung mala-anghel na boses na yun.

Okay. Ang Gwapo.
Ang tangkad.
Ang lakas ng appeal.

Loading...

Wow. Prince Charming is that yooouuu? :">

Nakahawak siya dun sa braso ko. Kaya naman humiwalay agad ako. Nakakahiya kaya. Halata kaya na nagbla-blush ako. Over. Ang gwapo kasi. Ano ba yan?! Eto na pala ang prince charming ko! Dumating na pala! Wala man lang binigay sakin na sign na ngayon ko makikilala si Prince Charming. 

"Uh.. Okay lang po" parang kanina iniisip ko na magiging panira 'to ng first day ko. Ngayon, binabawi ko na. Haaay Heaven! Hahaha 
"Sige miss. Nagmamadali po ako. Babawi na lang ako mamaya." tapos nginitian niya ako then umalis na siya. Hindi ko maiwasan na lumingon habang nagmamadali siyang lagpasan ako.

"Hoy Bruha!" Hindi ko na pala namalayan na napatulala na pala ako kay Prince Charming.
"Bru. Siya na talaga!"
"Ha? Si Ver na talaga?" Nawindang naman ako nun bigla. Paano napasok si Ver dito!?
"Ayoko dun. Ang panget nun eh. Yun oh! yung nakabunggo sakin. 4th year ata yun eh. Ang pogi Bruuu!!"
"AAAHHH!! si Evans!"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad nun. Evans pala name niya :"> Nakakainloveeee Hahahaha

"How come naman na kilala mo yun at ako hindi?!"
"Duh?! Eh kasi ako Bru, may listahan ako ng mga gwapo dito sa school natin?!"
"Ang swerte ko talaga sayo Bru!"
"I know right!"

Nagtawanan lang naman kami nun. Hindi pa din maalis sa isip ko si Kuya Evans. :"> Ang hirap na magpigil ng kilig. Hahaha. Pagpasok ko naman sa classroom namin, kumuha na ako ng seat. Syempre, pinakamalapit kay Gigi. 

This is it :"> Feel na feel ko na na si Kuya Evans na talagaaaaa

No comments:

Post a Comment