Sunday, January 9, 2011

Chapter 44

[Evans' Point Of View]


January 7


After that night... yung gabi na akala ko katapusan ko na... nalaman ko na meron palang naaksidente... isang taong naaksidente na may dalang organ donor card... hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano... hahaba ang buhay ko... hindi lang hahaba, magiging ordinaryo ako... hindi na sasakit ang puso ko at hindi na rin ako mangangamba sa nararamdaman ko... makakakain na ako ng fried chicken at kung anu-ano pang pagkain na bawal sakin noon... pwede na akong maging masaya, malungkot, maexcite at magalit... makakasama ko na rin ng matagal si Rits... at higit sa lahat, hindi ko rin naman pala maiiwan ang mga kaibigan ko na sina Vher at sila Gigi...

Halos isang araw akong nakahiga... preparation daw 'to dun sa heart transplant... kinakabahan nga ako eh... sa mga panahong 'to, ayoko ng pumalpak... sa totoo lang, gusto kong tumayo ngayon at magpasalamat sa pamilya nung magaalay sana sakin ng puso... pero normally nga pala eh hindi natin malalaman kung sino ang donor natin... ang saklap... wala rin pala akong magagawa para makapagpasalamat dun sa nagmagandang loob na pamilya nung donor...

"anong iniisip mo?" nakatulala na pala ako. hindi 'ko napansin. kasama ko ngayon si Rits. siya yung nagbabantay sakin. grabe, nagu-guilty nga ako eh. hindi siya napasok dahil sakin.
"uh... wala lang... gusto ko lang isipin yung mga bagay na pwede kong gawin kapag napalitan na ako ng puso..." sabi ko naman sa kanya.
"ano bang gusto mong gawin?" nakangite siya nun.
"hmm.. magswimming... tumakbo... sumakay sa mga rides sa enchanted kingdom..." sabi ko naman sa kanya.
"di bale gagawin natin yan lahat, okay?" sabi naman niya sakin. nagkakaroon ako ng pag-asa. eto na talaga yun. mabubuhay pa pala ako...

[Vher's Point Of View]

Ang hirap imulat nung mga mata ko. Nakahiga ako dun sa hospital bed. Puti yung mga ding-ding at maaliwalas ang paligid. Parang kakagising ko lang mula sa isang sobrang himbing na pagkatulog. Nagulat naman ako ng makita ko yung paa ko na nakabenda tapos pakiramdam ko pa nun, nawalan ako ng paa. Dun ko narealize na nabaliaan na pala ako...

Nabunggo nga pala ako ng isang pasaway na motor nung lumabas ako ng kotse ni mama. Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Bigla kong naisip si Ver. Nanlaki yung mata ko. Parang kinikilabutan ako nun. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may bumunggong isang truck sa kotse nila Ver. Hindi ko masasabi na panaginip yun, dahil alam ko sa sarili ko na katotohanan lahat ng nakita ko. Bigla nung bumukas ang pinto, gusto kong isipin na si Ver yun pero si Gigi lang pala...

"Bru?! Grabe, gising ka na pala?! Pinag-aalala mo kami..." pulang-pula nun yung mukha ni Gigi. tapos iba yung boses niya... parang sobrang lungkot ng pananalita at mata niya... hindi din siya makangite... halatang kakagaling niya lang sa kakaiyak... lumapit siya nun tapos umupo siya dun sa upuan sa tabi ng kama ko...
"Bru?" nakikita ko na naiyak siya nun. Hinawakan niya yung kamay ko. Kinabahan ako bigla.
"Si Ver..." yun yung unang mga salita na sinabi niya sakin. iyak siya ng iyak at nahihirapan na rin siyang magsalita.
"Bakit? Asan si Ver?" tanong ko naman sa kanya. sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang umaakyat sa ulo ko yung lahat ng dugo ko. Nahihirapan akong huminga sa sobrang sakit.
"wala na siya..." tumulo bigla yung luha ko. parang tumigil sa pag-ikot ang mundo na ginagalawan ko. parang akong nawalan ng buhay. parang akong nawalan ng paningin, pang-amoy, pananalita, pakiramdam at emosyon. parang walang natira sakin kundi sakit... parang akong naging weightless... parang nawalan ako ng kaluluwa... parang kinuha na sakin lahat...

ayokong maniwala... bumuhos lahat ng luha ko... hindi ko kakayanin... yan lang ang naisip ko... ang hirap huminga at parang sumisikip na yung dibdib ko... hindi ako makapagsalita... hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Gigi... gusto kong tumayo... gusto kong patunayan na hindi pa siya patay... hindi pwede... hindi kasi pwede... pinilit kong umupo pero hinihila ako ni Gigi pabalik sa kama ko...

"Vher! Bawal ka tumayo ... please..." sabi naman niya sakin. parang nandidilim yung paningin ko nun. sobrang nadudurog yung puso ko. sobrang hirap. ayoko na. parang anytime eh bibigay na lang ang puso at utak ko... ayokong maniwala... sana joke lang ang lahat... sana panaginip lang ang lahat...
"gusto ko siya makita!" napasigaw ako nun. hirap na hirap akong gumalaw un dahil sa bali ng paa ko. sobrang sakit ng buong katawan ko. sigaw ako ng sigaw. iyak ako ng iyak. durog na durog na ang puso ko.

nagsipasukan ang mga nurses at pinakalma nila ako. pero kahit anong gawin nila, iyak pa din ako ng iyak. parang akong nawalan ng buhay... gusto ko ng mamamatay... ayoko na talaga... sobrang sakit lang... pumasok nun si mama, papa, Tami at Bojie... kinakausap nila ako pero tila hindi ako makapagsalita... iyak naman ng iyak si Gigi sa may tabi...

pinagsisihan ko lahat... sana pala kinausap ko siya... sana inintindi ko na lang siya... sana hindi na lang kami nag-away... sana nasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na mawala siya...

[Rits' Point Of View]


Sa loob ng tatlong araw (January 6-8)... sobrang daming nangyare... Akala ko nun katapusan na ni Evans but luckily, may dumating na isang heart donor... naging succesful ang transplant sa kanya... naging masaya naman kami nun pati ang daddy niya hindi mawala ang ngite sa mukha niya...

nakapamasyal kami, nakapagswimming, kumaen kami ng masarap... lahat ng gusto niya ginawa namin... alam niyo yung tipong parang kakapanganak pa lang niya... yung tipong first time niyang makaranas ng happiness... masaya ako para sa kanya... masaya ako para sa 'min...

pero nalungkot din naman ako sa balita... nalaman ko na naaksidente ang pamilya ni Ver... nabunggo daw sila ng truck... iyak ako ng iyak ng malaman ko na namatay pala si Ver pero ang kuya at daddy niya ay nakaligtas... sobrang hirap tanggapin para sakin nun... kaibigan ko si Ver at hindi ko akalain na pwedeng mangyare 'to... sobrang hirap lang... lalo na para kay Vher...

kasabay naman ng lahat ng yun ng malaman ko din na nabaliaan si Vher... ewan ko ba... nagkadugtong-dugtong lahat ng pangyayare... hanggang ngayon, nakaconfine pa din siya... nagkasakit pa daw kasi dahil sa sobrang depression... nakakalungkot lang... sobrang sakit nun... kasi sa sarili ko eh, naramdaman ko rin ang mga nararamdaman ni Vher...

nakakalungkot nga eh... hindi man lang makakapunta si Vher dun sa burol ni Ver... lahat kami nakaitim nun at pinanood namin ang paglibing sa kanya sa sementeryo... katabi niya si Tella ngayon... at sana naman masaya na siya kung nasan man siya...

[Vher's Point Of View]


One week akong nakahiga sa ospital nun. nakarecover naman ako mula sa mga pangyayare pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang pagkawala ni Ver. Nakita ko nun yung daddy, kuya at mommy ni Vher. Nakausap ko pa nga sila. Syempre, may saklay ako nun. Kakauwi nga lang nung mommy niya galing Canada, sigurado ako na mas nasaktan sila kesa sakin...

sabay-sabay naming binisita yung burol ni Ver. Iyak nga ako ng iyak nun eh. Nakakabadtrip. hindi ko man lang siya nadalaw sa burol niya. Pansamantalang iniwan muna ako ng pamilya ni Ver nun. Siguro, para mapagisa ako. Umuulan nun at nakapayong ako. Naalala ko pa nun yung mga moments nung nagkaaminan na kami. sa sementeryo din 'tong. Sa harap pa ni Tella. Pero ngayon naman, katabi na niya si Tella. Nakakabadtrip.

"Hoy Silverio..." naiiyak na ako nun. "ang daya mo naman eh! basta basta ka na lang nang-iiwan!?! hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita... tapos ngayon, kasama mo pa si Tella?! siguro masaya ka na no?! pwede na kasing maging kayo ni Tella?!! hindi naman kita mahuhuli kasi wala naman ako dyan?!! bwiset ka talaga?! mahal na mahal pa man din kita..."


mukha akong tanga nun na nagsasalitang mag-isa. napasigh ako pinunasan ko yung mga luha ko. nakita ko naman nun yung pamilya nila Ver na nasa loob ng kotse. umiiyak nun yung mommy niya. nakakadurog ng puso. siguro, yung oras na yun ay oras niya nga talaga... 

"Vher?" pamilyar yung boses na yun. lumingon ako at nakita ko si Kuya Evans. papalapit siya sakin. nabalitaan ko naman nun na succesful pala yung heart transplant. wow naman... masaya ako para sa kanya...
"Kuya Evans..." tumabi siya sakin nun at parehas kaming tumitig sa puntod ni Ver.
"Condolence..." bulong naman niya sakin. biglang tumulo yung luha ko nun. parang ang bigat bigat ng puso ko... ang bigat ng pakiramdam ko... narealize ko na lang nun na unti-unti na akong niyayakap ni Kuya Evans... hindi pa rin ako matigil sa pagiyak... nahihirapan akong huminga...

sakto yung tenga ko dun sa left side ng chest ni Kuya Evans... bumubuhos ang luha ko nun... ramdam na ramdam ko ang heart beat ko pero mas ramdam ko ang heart beat ni Kuya Evans... parang merong mga bumalik sakin ng memories... pakiramdam ko nun na kayakap ko si Ver... parang tumigil yung pagulan nun... mas pinakinggan ko yung puso ni Kuya Evans...

hindi ko alam kung hallucination ko lang pero parang narinig ko ang pagsigaw nun... yung tipong may naririnig akong `Vher. Vher. Vher`... naaalala ko si Ver... bumilis ang pagtibok ng puso ko... napapapikit ako... parang nagkaroon ako ng conclusion na puso ni Ver ang na kay Kuya Evans ngayon... medyo humiwalay ako kay Kuya Evans nun at tumingin ako sa mga mata niya...

kinilabutan ako na parang nakita ko si Ver through his eyes...

January 9

Kakauwi ko pa lang nun sa bahay. namiss ko yung kwarto ko. namiss ko yung bintana na ginawa ng pintuan. at higit sa lahat, namimiss ko na si Ver...

napatulala ako nun sa kawalan... hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang mawawala na ang lahat... lalo kong naalala yung pakiramdam ko ng yinakap ko si Kuya Evans... parang siyang si Ver... parang naging iisa sila...

bumaba ako sa kitchen nun para kumuha ng makakaen... medyo mahirap pa nga yun dahil naka-saklay ako pero keri ko pa din naman... kumuha ako ng chichiria nun pero napalingon ako sa isang bagay na nagbigay sakin ng isang masamang ideya...

kutsilyo...

lumapit ako dun tapos kinuha ko... naalala ko si Ver at bigla na lang akong napaluha... ang sakit-sakit pa din... langhiya... nahulog ko nun yung chichiria na hawak ko at tinitigan ko pa yung kutsilyo... nasa sala nun si Tami at Bojie at mukhang busy sila sa panunuod ng TV...

hindi na ako nagdalawang isip pa, dinikit ko yung kutsilyo sa wrist ko and naglaslas ako...

ang daming dugo nun sa paligid... unti-unti na akong nahihilo... nagcollapse na ako nun sa sahig at ang huling narinig ko na lang ay ang sigaw ni Bojie...

"MA?! SI ATE?! Dalin natin sa ospital si Ate?!!!!" bumibilis ang pagtibok ng puso ko pero at the same time, nauubusan na din ako ng dugo.

No comments:

Post a Comment