Sunday, December 12, 2010

Chapter 4

Nakalimutan ko naman talaga ang lahat ng kabadtripan ko dahil sa iisang chocolate lang. Hahaha. Syempre, nakasakay na din kami ng jeep na papuntang Hi-way. Bumaba kami sa may rotonda. Nag-tricycle papunta ng clubhouse. Naglakad lang ng kaunti. Dumaan kami sa chapel at sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. Haha. Isang liko na lang sa kanan. Ayun, nakauwi na din. Magkatabi lang yung bahay namin ni Silverio. Pati bintana ng kwarto namin eh magkatapat. Kaya naman pag-gising ko, aba Mr.Sunshine agad ang matatanaw ko.

Ginawa ko naman yung assignments ko. Nakapwesto yung study table ko sa harap nung bintana. Una, para matanaw ko agad si Silverio. Pangalawa, para mahangin. Hahaha. Pero dahil talaga kay Ver kung bakit sa tapat pa ng bintana ko pwinesto yung study table ko. Busy naman ako sa paggawa ng essay na `How's your vacation?` sa English. Nakakasawa. Palagi na lang may ganito. Pero ngayon, idadagdag ko na din yung pinakamalungkot na pangyayari sa existence ko. Ang pagkawala ni Tella. Hay nako. Ayaw ko na ngang isipin yun. Nakakaiyak.

Tuloy naman ako sa pagsusulat. Ang daming words na pumapasok sa isip ko. For sure, mahaba ang kalalabasan na 'to. Matatagalan na naman ako sa pagre-rewrite neto sa isang bond paper. Kailangan ko ng inspiration. Hahaha. Tumingin naman ako dun sa may bintana. Ayayayyy. Inspiration lang hinihiling ko, aba anghel ang binigay sakin ni Lord. Hahaha. Nakita ko dun si Silverio na nakatingin sakin tapos nakangite. Ang pogi sana. Nakakabadtrip nga lang. Binuksan niya yung bintana niya.

"Ang sipag ah. Anong nakain mo?" Siguro pagkain. Hahaha.
"Masama na bang maging masipag ngayon? Ikaw ba eh gumawa na ng essay mo?"
"Hindi pa. Alam ko namang magaling ka dito, pagawa naman. please!" Badtrip. Kakausapin lang ako kapag may kailangan.
"Badtrip ka din no? Mag-isa ka. Bwiset" Tumayo ako nun tapos tinakpan ko ng kurtina yung bintana ng kwarto ko. Babalik na sana ako sa study table ko ng marinig ko ulit yung boses ni Ver.
"Vherrr!"


Binuksan ko ulit yung kurtina. Sabay sabi sa kanya ng "Oh ano na naman?"
"Wala lang. Masama magsabi ng good night?"
"Yun lang naman pala eh. Hindi naman importante." Isasara ko na ulit sana yung kurtina ng sumigaw ulit siya.
"Wait!" Binuksan ko ulit yung bintana.
"Oh?"
"Sweet Dreams! Sana mapanaginipan mo ako! I Love You! Mwaaaahhh!" Napangite ako nun. Nakakatuwa kaya. Nakakakilig pa.
"Kadiri. Hindi bagay." Tumawa naman ako nun. Haha. "Sige. Good Night Silverio" Then sinara ko na yung bintana ko. Bago ako bumalik dun sa study table ko, umupo muna ako sa kama ko nun. Then nagsigh. Gusto kong sumigaw. Napapakagat ako sa labi ko. Abot langit kasi talaga yung tenga ko. Hahaha.

Napahiga ako dun sa kama ko. Hindi ko na mapigilan na yakapin yung unan ko tapog magpapagulong-gulong dun sa kama ko. Nakakakilig talaga. Badtrip. Waaaaaa. Nasa gitna naman ako ng paglalabas ng kilig vibes ko eh biglang may bumukas ng pintuan ko.

"ATEEEEE!" Okay. Siya yung bunso namin. Si Diana Artemis. Tami tawag namin sa kanya.Kung bakit, eh hindi ko alam sa mga magulang ko. Haha.  First year high school siya sa school ko. Hindi ko siya kinakausap at hindi ko siya pinapansin sa school. Ewan ko ba kung bakit. Hahaha. Iniiwan ko nga yan eh sa pagpasok eh. Ayoko lang na makasabay siya. May kakambal siya. Si Phoebus Apollo. Bojie naman ang tawag namin sa kanya. Kung bakit, hindi ko din alam. Ang weird ng mga palayaw namin no? Hahaha.
"Oh? Anong promblema mo bukod sa pagmumukha mo?"
"Wala lang. Paturo ng unang lesson namin sa Math!"
"Yuck. Wala pa ngang klase. Nagpapaturo ka na. What a nerd Tamiii?!"
Tinawanan ko naman siya. Ang sarap talagang mang-asar. Hahaha.
"Wag na nga. Bahala ka na nga dyan" Tapos umalis siya agad. Nagpa-epal lang 'to sa fairytale ko eh. Wag niyo na lang siya pansinin. Kapatid ko lang yun. Haha.

So yun, patuloy ako sa pagpapagulong-gulong sa kama ko. Pero andun pa din yung kilig. Hahaha. Badtrip. Then syempre, gumawa ako ng assignment. Then, tulog.

Tapos yun. Good Morning Mister Sunshine!! Haha. Binuksan ko yung bintana. Nakita ko si Ver na kakabangon lang. Ngumite siya sakin. Syempre, ngumite din ako. Nag-ayos naman ako para pumasok. Binilisan ko para hindi ako masabayan nung kambal kong kapatid. Hindi ko rin nasasabayan na pumasok si Ver dahil mabagal yun kumilos. As in define. Sobrang bagal. Daig pa ang pagong. Hahaha.

Then yun, kumaliwa ako. Dumaan sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. Dumaan sa chapel. Naglakad pa ng kaunti papunta sa terminal ng tricycle papuntang rotonda. Tapos bababa na sa rotonda. Maghihintay ng jeep papuntang bayan. Then, sakto nakakita din ng jeep. Sasakay dun. Makikisakay na naman sa mga panot na drivers katulad neto at makikipagsabayan sa mga may putok na pasahero. Wala pa ding pinagbago. Haha.

As usual, hindi naman traffic. Nakadating na din sa school namin. Walang tao sa court. Diretso naman agad sa  classroom. Pumunta naman ako ng Third Floor. Andun yung classroom namin. And nasa loob na nun si Gigi. Nakipagtsikahan naman ako sa kanya. Hanggang dumating yung first subject teacher namin. Wala namang nangyare. Ang boring lang. Nagklase agad. Badtrip no? Ang KJ. Haha.

Lunch na rin naman nun. Mabilis kaming natapos ni Gigi. Too bad, hindi namin kasabay ang seniors. Nagkaroon kasi sila ng Early Lunch. Aww naman yun. Dahil may 30 minutes pa namang natitira, napagpasyahan kong magwalis muna sa labas. Ang sipag ko no? Walang magawa eh. Ang dumi-dumi kaya ng tapat ng classroom namin. Si Gigi kasi hindi pa tapos yung essay niya so ayaw ko muna siyang guluhin. 

Nagwalis-walis naman ako sa labas ng classroom namin. Nakatambay naman yung tropa ni Ver dun sa harap ng classroom nila na katabi namin. Kasama sa tropa niya sila PrinceJosh at Gian. Na mga Gwapo din naman. Haha.

"Ang sipag naman ng bestfriend ko!" Nang-asar pa. Inirapan ko lang naman siya tapos nagwalis na ako. Alam ko naman na lumapit siya sakin. Then kinuha niya yung walis at dustpan sakin. "Ako na dyan"
Tumalon yung puso ko. Kinikilig ako. Hahaha. Syempre, hindi ko pinakita yun. Nakita ko namang nagtatawanan lang yung mga kaibigan niya. May dumaan naman na teacher. Feeling ko alam ng teacher namin yung ginawa ni Ver kaya tumigil pa siya sa harapan namin.

"Aba Ver, kay Carol ka na pala ngayon!" Grabe, mai-issue pa ako. Hahaha. Carol tawag sakin ng mga teachers at mga taong hindi naman talaga ako kilala. Hindi naman kasi ako sikat. Napaka-invisible ko kaya sa school na 'to. Kulang na lang eh maburado na ako sa mapa.
"Opo Miss! Dati pa naman!" AYYY. Walang ganyanan. Kinikilig ako. Hahaha.
"Goodluck na lang Ver. Bagay naman kayo eh" AYYY. Nakakahiya naman. Napapangite na lang ako eh. Haha.
"Kasi miss baka sakaling mawalan na ng kasungitan 'to eh! Nung nagpaulan kasi ng kasungitan ang Diyos, Sampung Palanggana ang nasalo. Nakaabsorb pa mga kili-kili niyan." Gumuho naman bigla yung mundo ko. BADTRIP. AS IN DEFINE. Nagtawanan yung katropa niya pati yung teacher namin. Pinilit kong tumawa. Para maki-ride pero badtrip na badtrip na talaga ako.
"Ang kulit mo talaga Ver. Sige, babyee"
"Sige Miss! Bye!" Umalis na nun yung teacher namin tapos tiningnan ko ng masama si Ver. "Ganyan ka makatingin?"
"Nakakabadtrip ka din no?! Badtrip ka?! Ang sarap mong ilibing ng buhay!" Kinuha ko sa kanya yung walis at dustpan. "Hindi ko kailangan ng tulong mo, okay?"
"Weh? Paano si Kuya Evans? Baka gusto mong ipagkalat ko yun" Parang namula yung pisngi ko nun. Badtrip talaga 'to.
"How dare you?!" Aba, english yan. Hahaha
"I dare" Ngumite siya sakin. Ang cute pero badtrip pa rin. 
"Nakakainis ka talaga!" Papasok na ako ng classroom nun ng magsalita pa ulit siya.
"Hindi bale, sasamahan pa rin kita mamaya!" Inirapan ko lang naman siya tapos pumasok na talaga ako ng classroom.

Nagpatuloy ang mga klase. Ang boring. Naeexcite ako sa panunuod ng practice ng volleyball. Hindi ko alam kung dahil ba kay Ver o dahil kay Kuya Evans. Kung ano man ang dahilan, bahala na. Hahaha. Ang Landi ko talaga. Mabilis kong inayos yung gamit ko. Pagkalabas ko naman ng pintuan eh nakita ko agad dun si Ver.

"Ano ba yan, ang tagal mo. Kanina pa nag-start."
"Ang aga naman" As usual, bati ulit kami. Ganito naman kami palage. Sabay kaming naglakad papunta ng court. Ang daming nagha-hi kay Ver. Sikat ba naman kasi. Siguro hindi nila ako kilala. Nung first year ako, diretso uwi agad ako. First time ata nila akong nakita. Haha.

Nung nasa court na kami, nakita ko na nagprapractice yung Volleyball Varsity. Errmayghaaad. Ang pogi ni Kuya Evans. Pawis na pawis siya pero Ang hot talaga. Hahaha. Napapangite ako ng wala sa oras eh. Ang galing niyang maglaro. Grabe. May sinabi naman si Ver na medyo hindi ko naintindihan. Masyado akong busy sa pagtunaw kay Kuya Evans gamit ang tingin. Basta something yun about sa paghahanap ng mapwepwestuhan sa panunuod ng practice. Hinawakan bigla ni Ver yung kamay ko tapos hinila niya ako. Pero hindi ko pa rin maalis yung tingin ko kay Kuya Evans. 

Parang nag-slow motion ang mga pangyayare. Ilang segundo lang ng bigla kong makitang nakatingin sakin si Kuya Evans. Ang cute ng mga mata niya. 

"ATE!" Teka, ako ba yung tinatawag niya? Nataranta ako. Biglang bumilis yung mga pangyayare.

*DUG*

Nahilo ako nun. Ang lakas ng impact. Nakita ko yung mukha ni Kuya Evans at ni Ver. Blackout.

No comments:

Post a Comment