Sunday, December 26, 2010

Chapter 22

Hindi ko na rin naman sa kanya natanong kung ano namang importante ang ginagawa ni Kuya Evans sa States. Parang lalo nga akong kinabahan eh. Ewan ko ba. Feeling ko talaga merong isang malaking revelation tungkol kay Kuya Evans na wala akong kaalam-alam.

Nagpatuloy yung pagkwekwentuhan namin. So far, the best birthday ko yun. Hahaha. As in sobrang saya kasi, bonding time talaga with friends. Nakakilala pa ako ng mga bagong friends tulad ni Ate Pat. Sobrang bait niya. Ang cute pa. Hahaha.

So yun, natapos yung party namin ng mga 10 pm. puro kwentuhan lang naman. Hahaha. Si Gigi lang yung malas samin dahil medyo malayo yung bahay nila. Hindi tulad nung iba na kaparehas lang ng subdivision namin. Haha.

Nagsiuwian na yung iba. Pati din si Ver pumasok sa bahay nila. So ako din syempre. Pagod na pagod ako pero sobrang saya. Then nakita ko dun sa dining table namin na merong cake na may nakasulat na `Happy Birthday Vher`

"ATE! Happy Birthday!" sigaw naman ni Bojie nun. meron pa pala akong birthday party part 2. Hahaha.
"Wow. Kayo talaga" andun din si mama at si Papa. syempre, si Tami din. Hindi naman mawawala yun. Hahaha. Sabay-sabay naming kinaen yung chocolate cake tapos nagkakwentuhan din kami. Iba pa rin talaga kapag kumpleto ang pamilya mo. Sobrang saya. Haha.

grabe, puyat kaming buong pamilya nun. Halos 12 midnight na kaming natapos. nagkantahan pa kasi kami nun gamit yung magic sing. tapos si Bojie nagsasayaw pa dun. Hahaha. Nagiging katulad na din pala siya ni papa na isang magaling na dancer. Eto namang si Tami, sobrang galing kumanta. 100 lahat ng score dun sa magic sing. Hahaha. Ako na lang talaga ang walang talent. Badtrip lang no?

Napagpasyahan na namin nun na matulog na kaming lahat. Tumaas na ako sa kwarto ko at nagshower na rin. Syempre, nagpalit na rin ako ng damit ko. Basang-basa pa din eh. Sana hindi ako magkasakit ngayon, meron pa kaming stargazing activity bukas ng gabi no?! Hahaha. Super excited na ako nun eh. So bago naman ako humiga ng kama ko, binuksan ko yung bintana ko na pintuan na din ngayon. Nakita ko si Ver na ganun din ang ginawa.

"Yow" sabi niya sakin ng nakangite. suot ko pa din yung kwintas na binigay niya sakin. hindi ko na talaga 'to iwawala. as in promiseee!!
"hindi ka pa pala tulog!" sabi ko naman sa kanya.
"syempre, happy birthday pala ulit" sabi niya. wow. last greeter pala 'tong best friend ko! Haha.
"thanks pala sa regalo" ngumite ulit ako nun. kinikilig pa rin ako. grabe. hahahaha
"matulog ka na... magpupuyat pa tayo bukas..." sabi niya sakin. bakit parang ang baet niya ngayon sakin?! haha "dapat gising na gising ka bukas no!"
"at bakit naman?!" tanong ko naman sa kanya.
"wala ka na dun. sige. good night na. matutulog na ako..." sabi niya sabay sarado nung bintana niya. napasigh ako nun. kung makapag-uto siya, daig pa niya si papa. Hahaha. joke! then yun, sinarado ko na din yung bintana ko tapos humiga na ako sa kama nun. naeexcite na ako bukas. feeling ko nga hindi ako makakatulog pero syempre, sa sobrang antok nakatulog na din ako.

Stargazing. September 4. Saturday


Grabe. 12 hours akong tulog. Imba. Hahaha. Natawa na lang ako ng narealize ko yun. Halos 12 noon na kasi akong nagising nun. Grabe, kumaen na rin ako ng brunch ko (breakfast+lunch). Hahaha. Syempre, tuloy pa din ang kwentuhan naming buong pamilya. Tawanan pa din. Ibang klase talaga 'tong pamilya na 'to. Ibang klase kapag nagkasama-sama eh.

So yun, 5 pm eh dapat nakaalis na ako sa bahay dahil 6 pm start na nung stargazing activity namin. So yun, aftr ng brunch ko, inayos ko na rin yung gamit ko. Aba, si Tami at Bojie sasama na din kaya sabay-sabay na kaming nagayos ng gamit nun. kanya-kanya naman kaming dala ng comforter. ang uwi na kasi namin ay sunday ng umaga eh. isang overnight activity lang talaga siya. grabe, sobrang excited na talaga ako kahit feel ko na mabibitin ako sa activity na 'to.

5 pm na din nun. Hindi namin kasabay si Ver sa pagpunta dun. For sure, magpapakalate pa yun. Haha. Yun pa! Eh pa-VIP talaga yung mga yun. Kasabay ko lang nun si Bojie at Tami. 30 minutes lang ang tinagal ng byahe namin papunta dun sa site kung saan magsta-star gazing yung buong school. grabe, madami na agad na tao. naiwan na naman ako kasi nagpuntahan na si Bojie at Tami sa mga sarili nilang barkada. Then, nahanap ko naman na din dun si Gigi.

"BRU?!" sabik kong sigawan si Gigi nun ng Bru. Haha.
"Ow hellooooo bru?! asan si Ver?!" tamang hanapin sakin si Ver?! Haha.
"mukha ba akong tanungan ng nawawala na tao?" pambabara kong sinabi sa kanya pero joke lang yun, syempre.

then, nagkakwentuhan naman kami ng kaunti ni Gigi. Nakapag-reserve na rin siya ng tent. So meron na kaming tent na open for 10 persons. Hahaha. Plano na namin na isama yung barkada nila Josh, Ate Rits at si Ate Pat. Syempre, wala si kuya Evans. nasa states nga diba? ano ba yan?! akala ko ba makakasama siya dito?! hay nako.

so yun, malapit ng mag6pm nung nagsidatingan lang sila Ver. Andun na kami sa tent namin. Kasama na rin namin si Ate Pat at Ate Rits. Syempre, chikahan na naman kami dun. dun naman kami mahilig.

"Okay. Students who are included in this Stargazing activity, please proceed now to the lecture hall...
"
sabi naman nung head ng science department ng mga teachers.
"bakit? anong gagawin?" mukhang timang naman na tanong ni Gian. Hahaha.
"tungak. malamang may lecture. ang tanga eh" pambabara namang sinabi netong si Ver. Ang sama talaga eh. Hahaha. di rin naman nagkapikunan kasi joketime lang naman ang lahat.

Eh di yun pumunta na kaming lahat dun sa lecture hall. pwumesto na kami dun at nagindian seat na din kami. meron dung LCD proector, for sure magpapakita sila dun ng isang presentation o kung ano man. Then yun, sobrang boring. Haha. Nagopening remarks yung iba't-ibang in charged para dun sa stargazing activity. hindi talaga nawawala yung mga ganito kapag may activity sa school namin.nagkaroon ng powerpoint presentation tungkol sa stronomy. dun naman kami nabuhayan ng loob kasi yun naman talaga ang pinakainteresting eh. Then, pagkatapos nun binigyan kami ng 45 minutes break para kumaen ng dinner. Kanya-kanya naman kaming bili ng dinner. Yung iba naman merong baon. Tulad ko , syempre. Hahaha.

"ano ba yan?! gusto ko ng makahawak nung mga telescope?! yun ang inaabangan ko dito eh?!" sabi naman ni Gigi habang nakaen kame.
"ako nga din eh! ang alam ko puro lectures muna 'to eh..." buti naman hindi masyado madrama ngayon si Ate Rits.
"etong mga 'to, kakasimula pa lang, thrill na agad ang hanap?!" sabi naman ni Josh.

Then yun, after nung dinner namin nagkaroon ng lecture tungkol sa  mga iba't-ibang celestial body sa kalangitan. Medyo interesting naman. Sunod-sunod na lecture yun kaya sobrang nakakawindang naman. Napagusapan dun yung stars kaya medyo naengganyo kami. Then, dumating na din yung pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Ang makasilip dun sa mga telescopes. Kanya-kanya kaming takbo nun. Kasama ko si Ver nun. Ewan ko ba kung paano kaming nagkasama nun. Hahaha. Pumila kami dun sa telescope kung saan mo pwedeng masilip ang Polaris

"Ang haba ng pila?!" nagreklamo pa 'tong lokong 'to. Haha.
"syempre! asa namang maikli?!" barahan na lang ano?! Hahaha. Hindi naman siya sumagot nun. Then at last, dumating na din yung turn ko. Sumilip na ako sa telescope, astig nakita ko yung Polaris. Haha. Pagkatapos ko, si Ver na din yung sumilip. Then syempre, natapos na din siya.
"Pila pa tayo sa iba" sabi naman niya sakin tapos pumila na kami sa iba pang telescopes. sino bang aantukin kapag si Silverio ang kasama mo?! Hahaha.

So yun, natapos na din yung time para sa pagsilip sa mga telescopes. Lecture naman about sa planets. Sobrang katamad naman nun. Eh ang tanging hinihintay na lang namin ay yung time para silipin yung mga planets sa telescope!

So tumakas kami ni Ver nun. Hindi nga alam nila Josh na wala na kami dun sa lecture hall eh. Linatag ni Ver yung banig ni Gigi dun sa part na may semento na medyo malayo dun sa lecture hall.

Umupo kaming dalawa nun. marami din namang tumakas eh. Yung iba, para makipaglandian. Kami naman ni Ver, para tumakas sa kaboringan. Haha.

"grabe, ang boring no? excited na ako dun sa mga telescope eh!" share ko naman sa kanya.
"ako nga din eh..." yun lang naman yung sinabi niya sakin.

nagkaroon ng pansamantalang katahimikan.

"Uh... Vher?" nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita ng ganun. yung tipong, may halo pang kaba dun sa mga sinasabi niya. tumingin siya sakin ng diretso.
"b-bakit?" miski ako kinabahan na din. napansin kong tumingin siya sa left at right side niya then huminga siya ng sobrang lalim.
"may sasa-... hindi pala... meron akong aami-... ay hindi... never mind na nga lang..." alam kong meron siyang sasabihin... alam kong meron siyang aaminin...
"ano ba yun? ang KJ naman ng lalakeng 'to!" sabi ko sa kanya na may halong hampas pa.
"Wala" napapangite siiya nun.
"ano na nga kase yun?! epal naman eh?!" badtrip 'tong lalakeng 'to eh?! Hahaha
"Eh baka malaman ng buong mundo kapag sinabi ko sayo?!" aba, hindi naman ako madaldal eh?!!
"ang daya mo! anong klaseng best friend ka?! ano na kase yun?!" kinonsensiya ko naman siya.
"gusto mo talagang malaman?" tinanong pa niya sakin.
"oo..." sagot ko naman.

"I love you..." nanlaki yung mata ko dun. bumilis yung pagtibok ng puso ko.

"Oh yan, alam na ng buong mundo ko" :""""">

No comments:

Post a Comment