Saturday, December 4, 2010

Prologue

Sus. Prologue? Kailangan pa ba niyan? Pampatagal lang ng oras. Excited na ako sa mala-fairytale kong storya. HAHAHA.

Eh intro? Juskopo. Required ba yun sa pagbuo ng isang fairytale? Pwede bang ifast-forward na natin ang lahat sa scene na makakasayaw ko na yung prince charming ko. Alam mo na yun. Yung parang sa Cinderella? O di kaya sa Beauty and the Beast? O di kaya dun sa scene na hahalikan na ako ng Prince Charming ko para magising ako. Katulad sa Snow White and the Seven Dwarfs at sa Sleeping Beauty.

Nakakainggit yung mga prinsesa na yan. Maganda na nga, pinabongga pa ng mga poging kalalakihan na eentrada sa buhay nila. Ang haba ng hair ah. 

Bago simulan ang storyang 'to, hayaan niyo munang magpakilala ang bidang prinsesa sa kwentong ito. 

Ako nga pala si Caroline Miles Benitez. Kilala bilang Vher. Alam kong malayo ang nickname ko sa pangalan ko. Mga weirdo din kasi yung mga magulang ko. Kinasal kasi sila December 25. Kaya Caroline ang pinangalan nila sakin. Sakto daw sa Christmas. At kung bakit Miles naman, eh ewan ko. Bakit ko ba kailangang problemahin ang pangalan ko?! Basta nakuha ang Vher sa month ng `DecemBER`. Pinalandi ko lang yung BER. HAHAHA. 

Oh ano? Pwede na ba ang intro na 'to? Start na tayo.

Gusto ko na rin kasing matunghayan 'tong storya na patataubin ang paborito kong fairytale story na Cinderella. Ay, Joke lang yun. HAHA.

Sige eto na talaga...

Once upon a time...








JOKE. Ang corny.

eto na nga lang.

Tara. Magbasa na lang tayo :)

No comments:

Post a Comment