Sunday, December 26, 2010

Chapter 21

Thursday na ngayon. Pagbangon ko pa lang mula sa kama ko, ang laki-laki ng ngite ko. Kahit hanggang pagkaen ko ng almusal; sobrang hyper ko. Daig ko pa ang nag-Enervon. Hahaha.
"Good Morning my beloved Benitez Creewwww!" sabi ko naman habang paupo ako dun sa may upuan sa dining area.
"Hindi pa tayo nakaen pero mukhang may nakaen ka na..." sabi sakin ni Tami.
"Oo nga ate! ang blooming mo ngayon! Ano bang meron?!" tanong naman sakin ni Bojie. Eh tinawanan ko lang naman siya nun. Haha.
"Masama na bang maging masaya ngayon?" yun naman ang sagot ko sa kanila na tila isang tanong pa din para sa kanila. Hahaha. Nagpatuloy kami sa pagkaen nung sandwich na ginawa samin ni mama. Namiss namin si mama. Grabe kaming magtiis nun sa mga epic fail na luto ni papa. Hahaha. Joke! Then yun, kasabay kong pumasok yung mga kapatid ko. Ayos naman. Sobrang saya ko pa din dahil at last, meron na din akong pangalan na nakasulat na sa kisame ng ating mundo. Weee. Mas lalo tuloy akong naexcite dun sa birthday ko. Okay lang na kahit wala si Kuya Evans. Yung regalo niya pa lang, palong-palo na. Hahaha.

Then yun, pumasok na kami sa school namin. Nung recess, nilapitan ni Kuya Evans yung table na pinagkakainan namin ni Gigi. Medyo nagulat nga kami ni Gigi nun eh. Hahaha.

"Nakita mo na yung gift ko sayo?" tanong niya sakin na may halong ngite pa.
"Oo. Sobrang thank you! Nakakatuwa yung gift mo! hindi ko naman akalain na ite-take mo seriously yung joke ko!" sabi ko naman sa kanya.
"Sus Bru?! malakas ka kaya kay Kuya Evans?!" pang-aasar naman na sinabi ni Gigi.
"Oo naman. buti natuwa ka..." Haaaay. Ibang klase talaga si Kuya Evans. Hindi mo alam kung panaginip ba lahat ng 'tong nangyayare sakin. Parang kasing impusible. Haha. Alam kong mayaman siya pero hindi ko inexpect na ganito siya ka-spoiled at pinayagan siya ng tatay niya na ipangalan yung isang star sakin. Ang sweet eh. Hahahaha.
"Sobra.." sagot ko naman sa kanya.
"Sige. Balik na ako sa table ko. Bye!" sabi niya sakin. tinanguan ko lang naman siya nun then lumayo na siya sa table namin. Umupo siya dun sa dati pa rin niyang inuupuan sa canteen namin. Nagkakangitian pa kami. Hahaha. At sobrang tumatalon ang puso ko sa kakiligan.

Then, dumating na din ang araw na pinakahihintay ko...

September 3.Friday


Birthday ko na. 13 years old na ako. Never pang nagkaka-bf. Never pang umaamin ng feelings sa isang tao na dati pa niya gusto. Pero wag balewalain, may first kiss na. Meron pang star na nakapangalan sa kanya. Bonggaaaa. Hahahaha.

Plano naming lahat na magparty-party sa bahay namin after classes. Hahaha. Half day lang kami nun gawa kailangan namin maghanda dun sa Stargazing activity namin bukas. Grabe, magkasunod pa talaga eh no?! bongga. So yun, tinipon ko lahat ng mga kasama dun sa tapat ng gate ng school namin. Sobrang dami namin. Ako, si Ver (syempre, di mawawala yun), si Gigi (lalong di mawawala), Josh, Gian, Prince, Ate Rits, tatlong friends ni Ate Rits (mukhang popormahan 'to nila Josh), apat na cheerdancers at pitong mga estudyanteng kasali sa basketball varsity. Wala si Kuya Evans at hindi ko pa din alam kung ano yung dahilan. Well, malalaman ko din yun. So yun, sobrang saya. Sakop namin ang buong jeep sa pagpunta sa bahay namin. Hahaha. Party-party na talaga 'to!!

Then yun,pumasok na kami dun sa bahay namin. Hanggang labas yung mga tables and chairs na linagay nila Papa para sa birthday party ko. Haha. Linagay muna namin yung mga bags sa may sala. Then nagsipwestuhan kami sa terrace namin tapos nagsiupuan kami dun sa mga tables and chairs. Kasama ko sa table si Ver, Prince, Ate Rits at yung isang kaibigan ni Ate Rits na mukhang pinopormahan ni Prince. Malandi talaga yung lalake na yun. Hahaha. Si Tami yung naglagay ng mga styro sa mga tables namin. While si Bojie yung naglagay ng mga drinks namin. Then yun, kainan kami. Nagkakwentuhan kaming lima na nasa isang table.

Nakikisali din kami dun sa kwentuhan ng ibang tables. Grabe nga eh. Tinake up naman nila Josh yung time na 'to para makipaglandian dun sa ibang mga babae. Hahaha.

Nagkaroon kami ng games. Mukha nga kaming mga bata eh. Haha. Nagkaroon kami ng Apple-eating contest. Nakasali ako dun. At naging kapartner ko pa si Ver which is nakakabadtrip talaga. Tamang asaran eh!? Haha.

"Ayoko talaga sumali dyan?! ?Badtrip naman kayo eh?!"  sabi ko sa kanila. ibang klase kaya yung laro na yun. nakasabit yung apple sa may tali tapos kailangan niyong maubos yun gamit lang yung bibig niyo. bawal gamitin yung kamay. grabe yun.
"sus. bakit? ayaw mong maulit yung kiss naten?" nawindang ako sa sinabi ni Ver nun. Kailangang ibroadcast?!
"ANNNOOOO?!!" biglang sigaw ni Gigi.
"Ha?! Joketime lang yun?! sige, laro na tayo!" tiningnan ko ng masama nun si Silverio. badtrip talaga ako sa kanya. nakakainis lang. pero ang tanging ginawa niya lang eh ngitian lang ako. akala niya ba nakakatawa yung joke na yun. then yun, nagsimula na yung game. grabe si Gigi. pinipicturan every bite namin ni Ver ng apple. grabe. ang lapit na nga minsan ng mukha namin sa isa't-isa eh. sobrang naiilang ako. at dahil dun sa pagkailang na yun , natalo kami. nanalo si Gian pati si Ate Pat. Isa sa mga friend yun ni Ate Rits. Haha.

Then yun nagpatuloy pa kami sa ibang mga nakakawindang na games. Hahaha. Halos 6 pm na rin ngayon ng nagpaalam na yung iba samin gawa daw bawal silang gabihin. Natira na lang samin si Gigi, Ver (syempre), ako, Josh, Gian, Prince, Ate Rits at Ate Pat. Haha. Medyo naging close na nga din kami ni Ate Pat eh. Buti naman. Hahaha.

So yun halos nasa iisang table na lang kami. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Tumayo nun sila Josh at Prince. Ewan ko kung bakit. Hindi ko na din pinansin ang kung ano mang gagawin nilang kalokohan. Haha. So yun, enjoy sa pagkwekwento pa nun si Ate Pat ng biglang may kaepalan na ginawa si Josh at Prince.

"Dahil wala na tayong magawa, eto na lang!!" bigla nilang linabas yung hose mula sa likod nila na may natulong tubig.
"BASAAN NA LANG?!!" sakto nun ang pangbabasa nila samin gamit yung hose. super lakas ng tawanan namin nun. grabe, nagtakbuhan talaga kami sa labas nung gate pero abot pa din kami nung tubig. napagtripan naman nung dalawa na si Gigi lang yung basain. Ang sama nila eh. Hahahaha

"mga lintek kayo?! wala akong pamalit?!!" nagtawanan lang naman sila nun. Tawa pa kami ng tawa nun ni Ver. Magkatabi kami nun habang pinapanuod yung katripang ginagawa ni Prince at Josh kay Gigi. Nagbago yung isip nila at si Gian naman ang pinagtripan. Sobra yung tawa nun ni Ate Pat at Ate Rits. As in lahat kami nagtatawanan.

"Grabe. basang-basa sila Ate Rits oh?!" sabi ko kay Ver. hindi pa rin mawala yung ngite ko nun sa surprise na ginawa ni Josh at Prince.
"Oo nga eh... Happy Birthday pala..." sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya. nun ko lang narealize na nakatitig pala siya sakin. "Akala mo si Evans lang may regalo sayo ah... aba ako din meron!"
Then kinuha niya mula sa pocket niya ang isang kwintas. Hindi siya yung dating kwintas na ginawa ko gamit yung ring as pendant. Lalo kong naalala na nawala ko pala yun kaya medyo nalungkot na naman ako.
"tumalikod ka. isusuot ko sayo..." sinunod ko naman siya. sinuot niya sakin yung kwintas. grabe, ang ganda. silver siya tapos simple lang. merong pendang na star.
"ang cute..." sabi ko sa kanya ng nakangite. "thank you..."
"nakita mo na ba yung pinakaimportanteng parte niyan?" nagtaka ako dun kaya napahanap naman ako sa importanteng parte nung kwintas. kinapa ko yung likod nung pendant na star at tiningnan ko kung ano yung nakaukit dun. napangite ako lalo ng marealize ko na `Vher` pala yung nakaukit sa likod ng pendant.
"Wow!! grabe?! thank you talaga Ver?!!" niyakap ko siya nun pero humiwalay agad ako.
"nagustuhan mo?" tumango ako sa kanya nun. napapangite talaga ako nun. dumaan ang 5 seconds na nagkakatinginan lang kami. hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa isa't-isa. iba yung tingin niya sakin nun at nakikita kong napapalunok siya nun. hinawakan niya nun yung kamay ko. feeling ko nun nadaluyan ako ng kung ano mang kuryente sa katawan. nanlamig bigla yung buong katawan ko. lalo ng medyo lumapit siya sakin. napapalunok na din ako. ayaw ko siyang itulak. ayaw ko siyang paalisin.

"OH yung dalawa dyan, hindi pa masyado basa?!" nagulat ako nun kay Prince na biglang binasa kaming dalawa ni Ver. Napalayo tuloy kami sa isa't-isa. Pinuntirya nila Josh si Ver nun. Sobrang basa siya nun. Hahaha. Kwentuhan pa din naman kami at tuloy-tuloy ang laugh trip. Napahawak ako dun sa regalo sakin ni Ver. Para sakin eto ang the best... mas the best pa ang kwintas na 'to kesa sa isang tunay na star sa langit...

nung napagod na sa pangbabasa sila Josh at Prince, tumigil na sila. Umupo kami dun sa table ulet. So yun si Gigi at Gian ng joined forces na gantihan si Josh at Prince. May dala silang isang bote ng tubig nun para buhusan sila Josh at Prince. Naghabulan pa tuloy sila dun sa labas. Si Ate Pat naman tawa ng tawa. Nandun din siya sa labas nung gate habang masayang pinapanuod yung mga naghahabulan. So kaming tatlo na lang nila Ate Rits at Ver yung nasa table.

"Sige. Kuha lang muna ako ng drinks natin sa loob.." sabi ni Ver.
"sige.." sabi ko sa kanya then pumasok muna siya sa loob. nagka-alone time together na din kami at last ni Ate Rits. Siguro, pwede ko na siyang tanungin tungkol dun sa dahilan kung bakit wala si Kuya Evans.
"Ate Rits? super thank you sa pagpunta ha?" nagulat nga ata si Ate Rits nung sinabi ko yun. basang basa pa kami nun. busy siya sa pagpapatuyo ng buhok niya.
"no problem" ngumite siya nung sinabi niya sakin nun.
"alam mo ba kung bakit hindi nakapunta si Kuya Evans?" napatigil siya sa pagpipiga nung buhok niya nung sinabi ko yun.
"uh... ang hirap kasing iexplain eh..." kinabahan ako nun. anong mahirap iexplain?? "papuntang States siya ngayon... he's..." napatigil siya nun. medyo nahihirapan nga na magsink-in sakin yung mga sinasabi ni Ate Rits. Nasa ibang bansa ngayon si kuya Evans?! 

"he's just doing something..." bakit ba? ano ba talagang meron??

No comments:

Post a Comment