Tuesday, December 28, 2010

Chapter 26

Nagtaka ako ng sobra kay Kuya Evans nun. Pero ayaw ko na rin pansinin yun, baka masira lang ang buong fieldtrip ko kakaisip ng mga kung ano mang meaning ng gestures ni kuya Evans. nagpatuloy kami sa pagkaen at sa aming pagkwekwentuhan. tawanan kami ng tawanan lalo na nung umapaw yung laman nung coke-in-can ni Prince. Ang saya nga nun eh. Pati yung ibang estudyante na schoolmates namin eh nakisali na rin sa tawanan namin.

Pagkatapos naming kumaen, yung iba samin tulad ni Gigi, Prince at Ver ay naggala na naman at nagpicturan. yinaya din nila ako kaso ang sakit na ng paa ko sa kakalakad kanina. nakakapagod kaya no! daig ko pa ang nag 1 kilometer run. si Ate Rits naman at si Ate Pat ay nakipagkwentuhan muna sa mga classmates nila. As usual, si Gian at Josh meron na namang trip. ewan ko kung ano. bahala na sila. Haha. Pasimuno talaga ng kalokohan kahit kelan si Josh eh?! So yun kaming dalawa lang ni Kuya Evans yung natira dun sa table. Medyo nahihiya naman ako. ewan ko din kung bakit.

Nagulat naman ako ng biglang hindi ako pinansin ni kuya Evans. tumayo din siya tapos naglakad-lakad siya. hindi ko alam kung saan siya nagpunta. napasigh naman ako nun. ano ba yan!? ako ng pambansang loner. sana pala sumama na lang ako kay na Ver. pero okay na din 'to. feel na feel ko naman nun yung malamig na simoy ng hangin. amoy na amoy ko na ang pasko. Haha.

Napatingin naman ako sa paligid ko then nilingon ko yung way na pinuntahan ni kuya Evans. feel ko sobrang laking pride yung dapat na lunukin ko bago ako nakatayo at pagpasyahan na sundan siya. pero kahit gaano man kalaki ang ego ko, naisipan ko na ring pumunta dun sa pinuntahan ni kuya Evans. bakit ko nga ba 'to ginagawa? hindi ko din alam. diba pwede naman siguro na si Ver na lang ang puntahan ko? bakit si kuya Evans? pati ata ako naguguluhan na din sa sarili ko.

bahala na. sana hindi ko na lang makita si kuya Evans.  sana hindi siya hanapin ng mga mata ko... pero parang kahit anong dasal ang gawin ko... parang meant to be ata kaming 'tong si kuya Evans... nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa isang tabi. natingin lang siya sa paligid... nagtaka tuloy ako... pwede naman niya akong yayain na pumunta kasama ako diba? gusto kong pigilan yung mga paa ko sa paglapit sa kanya pero hindi ko alam kung anong tawag sa force na yun na nagtulak pa rin sa mga paa ko na lapitan siya...

ano bang meron sa kanya?? hindi ko na siya crush eh. sigurado ako sa  sarili ko nun. hindi ko rin siya gusto... mas nakakakasigurado ako dun... at hindi ko siya mahal... alam ko yun... kay Ver ko lang naramdaman ang lahat ng yun pero anong meron kay kuya Evans? bakit parang of all people sa kanya ako napupunta?

linapitan ko siya nun. mukhang nagulat nga siya nung nakita niya akong nasa harapan niya. madaming tao na dinadaanan kami nun. siguro, nagtataka sila pero wala na akong pakielam. isipin na nila ang gusto nilang isipin. bumilis yung pagtibok ng puso ko habang nakatingin sakin si kuya Evans... parang anytime tatalunin pa ng pagsabog ng puso ko ang bagsik ng superlolo tuwing bagong taon...

"kuya Evans?" malumanay kong binigkas yung pangalan niya. nginitian niya ako nun pero ako naman etong hindi makangite. hindi ko alam kung anong rason. naguguluhan na ata ako. nababaliw na nga ata ako eh! Hahaha! wag naman sana.
"hm?" umupo ako dun sa tabi niya. napapahawak ako dun sa jogging pants ko. hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko dito. hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinundan eh?!! umalis na lang kaya ako?!!
"kuya Evans, may problema ka?" tanong ko naman sa kanya. ano ba yan, parang kanina lang gusto ko ng umalis tapos nag-open na ako ng tanong sa kanya. mukha namang nagulat siya dun sa tanong ko. lalo tuloy akong kinabahan.
"a-ako?" pautal-utal pa niyang sinabi. halatang meron.
"ayy hinde hinde... ako... ako may problema?!" pambabara ko naman sa kanya. tamang gayahin si vice ganda no?! Hahaha. napangite ko naman siya nun which is good. ang cold ng atmosphere namin kanina eh. nataas tuloy yung balahibo ko sa  katawan.
"loko ka..." pabiro naman niyang sinabi. hindi na nga mapawi yung ngite niya sa mga labi eh. natutuwa naman ako sa fact na napapangite ko siya.
"hindi ka pa nasanay?" joke ko naman sa kanya. nakangite pa din siya. dumaan na naman ang katahimikan saming dalawa. wala na naman akong topic na maisip. Haha. parang sa text lang 'to ah?! pwede din palang mangyare sa personal?! Haha. napansin ko naman na nakatitig si kuya Evans dun sa pink rose na nasa harapan namin.
"Rosaceae..." binulong niya sa sarili niya.
"ha?" nawindang naman ako dun. Hahaha. hindi naman ako kasingtalino niya para maintindihan yung mga lenggwahe na ganyan no?!
"Rosaceae... scientific name ng pink rose na yan..." sabay turo nung pink rose na nasa harapan namin.
"Aaahhh" sige, ikaw na matalino?! Hahaha.
"favorite flower ko... ikaw?" nagulat naman ako dun sa tanong niya. tanungan portion ba 'to?! ano nga bang favorite flower ko? hmmm...
"sunflower... ang cute kasi eh!" wala naman talaga akong hilig sa bulaklak. natutuwa lang talaga ako sa mga sunflowers na nakikita ko sa mga cartoons! Hahahaha.
"Helianthus annuus... scientific name ng sunflower..." then ngumite siya. ang talino talaga ng lokong 'to. napangite lang naman ako nun. "uhm... red... favorite color... ikaw?" bigla naman niyang tanong.
"bakit ka nagtatanong ng ganyan?" medyo curious din naman ako diba? hahaha.
"uh... naisip ko lang kasi na parang hindi pa talaga tayo magkakilala... ang dami pa nating hindi alam sa isa't-isa..." TAMAAAAA. dati ko pa rin yan inisip kaya naman napatango na lang ako sa sinabi niya.
"Aahh.. okay... blue... favorite color ko..." at last medyo nakilala ko na din siya.
"ow... drawing... favorite hobby..." bigla naman niyang sinabi. Haha.
"hirap naman niyan... syempre, facebook tapos texting..." sabi ko naman sa kanya. nakakahiya naman yung mga hobbies ko?! Hahaha. tinawanan niya lang naman ako nun.
"uhm... 22... favorite number... hindi ko alam kung bakit..." nakangite naman niyang sinabi.
"uhm... 3... favorite number... birthday ko kasi september 3..." sabi ko naman. nagsigh kaming pareho nun. out of questions na ba? feel ko ang dami pa ah!
"naniniwala ka ba sa love at first sight?" nawindang naman ako dun sa tanong niya.
"a-ano?" ang hirap naman paniwalaan na tinatanong sakin ni kuya Evans 'to?! Hahaha. nakakaloka infairness?!
"i mean... eto na lang... crush at first sight... then like at second sight... tapos love at first meeting... naniniwala ka ba?" nahihirapan sakin mag-sink in yung mga utak ko.
"uhm... ang hirap naman niyan... hindi ko pa naman yan naeexperience eh... ikaw ba?" sabi ko naman.
"yep..." sabi niya habang natango. nagulat naman ako nun. in love pala 'tong si kuya Evans?! may kung ano mang kakornihan ang sinasabi?! Hahaha. Joke!!
"oh? talaga?!! share mo naman?!!" nawindang talaga ako nun kaya naman sabik na sabik ako tungkol sa topic na 'to.
"uhm... crush at first sight... sa isang resort pero nakalimutan ko na kung saan...bata pa ako nun eh..." nacurious na ako nun. nakakatuwa namang makipagkwentuhan kay kuya Evans tungkol sa lovelife?! Haha "... like at second sight... sa Chapel..." napapaisip ako nun bigla. sino kaya yung tinutukoy ni kuya Evans?? "love at first meeting... sa school..." humarap siya sakin nun at tumingin sakin ng diretso. "and with the same girl..." sabay ngite. nginitian ko din siya. ewan ko ba. natuwa ako bigla dun sa mga sinabi niya. 
"wow... buti ka pa may experience na ganyan no!" sabi ko naman sa kanya ng nakangite.
"bakit naman?" tanong naman niya. napaisip ako nun paano nga ba nedevelop yung feelings ko kay Ver?? Hmm...
"eh kasi... hindi naman talaga ako nagkacrush dun sa  lalakeng yun sa unang pagkikita..." sabi ko. inisip kong mabuti si Ver. lalo naman akong kinilig. Haha. ang landi ko!! joke! "kumbaga nung araw pa lang na mas lalo ko siyang nakilala tapos lalong tumibay yung pag-sasama namin, dun lang nagsimula yung pagkacrush ko sa kanya..."
"Ahhh.. tapos?" he wanted to hear more kaya medyo natuwa na din ako.
"Tapos after a week, dun ko narealize na ang saya-saya ko kapag nakikita ko siya... dun ko nalaman na crush ko na pala siya..." feeling ko nun namumula na ako. natawa na nga si kuya Evans eh! "tapos kahit na madalas ko siyang nakikita, hindi pa din ako nagsasawa... dun ko narealize na gusto ko na pala siya..." naalala ko talaga si Ver nun. lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko. "tapos mas nakilala ko siya at yun... hindi ko na namalayan na mahal ko na pala siya at nasasaktan na ako kapag nasasaktan siya..." naalala ko din yung ginawa ni Tella kay Ver. nalungkot nga ako pero i tried to smile.
"wow..." sabi naman niya. panigurado ako nakokornihan na 'to sakin?! "ang korni na naten! lika na nga?! punta na ulit tayo sa kanila..."
"sige na nga..." sabi ko naman sa kanya. tapos tumayo na kami at pumunta dun sa table na pinag-kainan namin kanina. andun na silang lahat. nakatingin nga silang lahat samin ni Kuya Evans. nahalata ko naman nun na napatitig samin si Ver. pero ayaw ko ng pansinin yung kung ano mang ibig sabihin ng mga titig na yun. umupo na ulit kami dun sa  table at nagpatuloy kami sa kwentuhan.

napagpasyahan namin nun na itry na sumakay dun sa zipline. maikli lang naman yun tapos halos kaunting segundo lang yun pero sabi nila masaya daw na sumakay dun. pumila naman kami dun. libre na rin kami nung nalaman na isa kami sa mga estudyante na nagfifieldtrip. akalain mong covered din 'to ng bayad namin?!! ang taas taas pala nun kaya medyo nangatog yung tuhod ko. unang, nagtry sila Josh. halos 10 seconds lang yun then andun na sila sa kabilang dulo. natawa ako dun sa reaksyon ni Prince. nahilo papagdating dun sa dulo. tawa nga kami ng tawa eh. si Ver din syempre, nagtry. tulad kanina sa horse back riding, kaming dalawa ni Kuya Evans yung natira.

"Hala, hindi ko ata kaya..." sabi ko sa sarili ko. lumapit naman sakin bigla si kuya Evans tapos bumulong siya.
"okay lang yan. isipin mo na lang nalipad ka..." sinabi niya sakin ng nakangite. nagsigh ako nun. this is it na talaga. then, triny ko din siya syempre. katulad ni Prince parang nahilo din ako pagdating ko dun sa kabilang dulo pero WHOAA. ang saya dun. syempre, nagtry din si kuya Evans... parang sanay naman siya... siguro nakailang ulit din siya dito... mayaman naman sila eh..

then yun, nagikot-ikot ulit kami. nakakapagod nga eh. picturan kami ng picturan nun. kasabay ko na maglakad nun si Gigi. nasa harapan namin si Ver na busy sa pagpipicture ng mga tanawin. sila Prince, ate Pat at Ate Rits naman ay mabagal na naglalakad sa  likod namin. sila Josh, Gian at kuya Evans naman ay nasa pinakalikod. medyo close naman sila eh. nageenjoy pa kami ni Gigi sa pagkwekwentuhan ng bigla naming narinig na sumigaw si Josh.

"Kuya Evans?!" napalingon kaming tatlo nila Gigi at Ver dun sa may likod. Si ate Rits naman nakita kong biglang lumapit kay Kuya Evans. bigla akong kinabahan nun.
"huy... anong nangyare kay kuya Evans?!!" nagpapanic na nun si Gian.

nagcollapse nun si Kuya Evans. pinagpawisan ako ng sobra-sobra nun pero at the same time nanlalamig na din ako.

"kuya Evans?" yun na lang ang tanging nasabi ko sa sobrang pag-aalala.

No comments:

Post a Comment