Wednesday, December 22, 2010

Chapter 16

Nagulat naman ako sa sinabi ni pogi. Haha. Baka nga hindi niya ako kilala eh. Nginitian ko lang naman siye. Feeling ko pag binara ko siya, mapahiya pa siya. Sayang kapogian niya. Haha. So yun, umalis naman na ako nun. Ibang klase ah. Ang lakas ng pandinig ni kuya pogi. Feel ko sinadya niya na lahat na gawin yung mga naririnig niya mula sakin. Mukhang timang ah.

So yun, lumipas yung mga dayd at weeks na din. Dumaan ang Quarterly Exams namin. Yehey! Nakatapos na din ng isang quarter ng paghihirap. Haha. Then yun, nabuo na din yung bridge na matagal na naming pinagplaplanuhan ni Ver. Ang astig din kasi hindi na bintana yung dating bintana namin. Haha. Pintuan na siya. Ang daya nga eh. Labas pasok si Ver dun sa kwarto ko samantalang ako, never in my life ako nakapasok sa kwarto niya. Sobrang daya no? Pero hindi ko na rin siya inaaway dahil blinablack mail niya ako tungkol dun sa ring na galing sa kanya na nawala ko. Naalala ko na naman. Badtrip. Lalo naman kaming naging close ni Kuya Evans. Well, ayun palagi niya akong nililibre eh. Haha. Taas noo naman ako sa mga tao eh, ang gwapo ba naman kasi ng kasama ko. Palagi ko siyang katext at kachat. Kinikilig nga ako minsan eh pero hanggang dun na lang ata. Wala naman akong balita sa kanila ni Ate Rits. Ang tagal na din naming nag-iimbestiga ni Gigi, wala pa rin kaming alam kay Ate Rits at Kuya Evans. Hmm, sa tingin niyo? Anong meron sa kanila? Well, never mind na ngayon. Tila mabilis talaga ang pagtakbo ng panahon. Akalain mong August na. Haha. Eto yung month na pinakaboring eh. Wala kasi masyadong activities. Puro aral, projects at kaboringan. In short, Hell Month. Haha.

Pero may advantage naman yun sakin, palagi kong nakakasama si Ver sa kwarto ko o minsan sa sala nila para mag-aral. Sabay na din kasi kaming nagawa ng project. As of now, magkakasama kami nila Gigi at Ver sa sala nila Ver. Gumagawa kami nung scrapbook para sa Values. Grabe no? Values na nga lang, pahihirapan pa kami this month of august. Haha. Badtrip lang eh.

Naghahanap si Gigi ng pictures nun sa Facebook. Dala niya kasi yung laptop niya plus yung smartbro na plug-in niya kaya nakakapagsurf siya ng pictures. Ako naman eh busy sa pagdidikit ng mga pictures sa scrapbook ko. Si Ver naman eh busy sa paglalagay ng mga captions sa mga pictures niya.

"Ano ba yan Bru?! Hirap maghanap ng pictures, tulungan mo ako!" sabi naman ni Gigi. Haha. namang-mang na ata 'to sa facebook eh. Hahaha.
"Grabe ka naman Bru. Kaya mo na yan?!" dinedesignan ko ng mga cut-outs na strips at flowers yung page kung saan may picture kaming dalawa lang ni Ver na magkasama. Ang cute namin niyan eh. Hahaha. Nakita ata ni Ver yung gawa ko kaya parang medyo nag-react siya.
"Ano ba naman yan?! Bakit yang picture natin linagay mo?! Ang pangit ko dyan?!" Napatingin naman si Gigi dun sa gawa ko.
"Wushu ikaw bru! masyado naman atang halata yan?! may heart pa sa gilid oh!" Inaamin ko na may heart pero isang heart lang naman yun eh?! tsaka walang ibig sabihin yun?! ano ba?! nakakainis naman eh.
"Anong heart ka dyan?! bilog yan?!" Hahaha. Natatawa ako sa palusot ko. Grabe. Halata naman puso eh
"Mukha kang timang?! Tamang ipagpilitan?! Adik 'to eh.." Halos nagtawanan lang naman kami. Linagay ko din dun syempre yung picture ni Tella. Napatingin ako bigla dun sa page na dindesignan ni Ver. Yun yung page kung saan may pic na silang dalawa lang ni Tella. Bigla akong nakaramdam ng selos. Medyo nadismaya ako nun. Nawala yung sweet smile mula sa mukha ko. Parang nasapawan na ng mga ngite ni Tella mula sa picture na yon. Ano ba naman yan, Tella?! ang swerte mo namang babae. Nakita kong napatitig si Ver dun sa picture ni Tella tapos hinahawakan niya pa yung picture na yun. Grabe, parang nadudurog lang yung puso ko eh. Picture palang yan tapos ang sakit sakit na.
"Namimiss mo siya no?" sabi ko with a fake smile. Medyo mahina lang yung boses ko nun. Medyo busy kasi si Gigi sa paghahanap ng pictures at pagsasoundtrip mag-isa. Tumango lang naman si Ver nun tapos ngumite siya. Nginitian ko lang naman sya. That would be a better response diba? Kahit na sobrang sakit na. Tumitig ulit si Ver dun sa picture. Aray talaga. Grabe.
"ang ganda niya no?" tumango ako to hide the pain. hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretso eh. "ang daya nga niya eh. hindi na puputi yung buhok niya. hindi siya papanget. hindi na kukulubot yung pisngi niya. ang swerte. forever na siyang maganda" then, tumawa siya. siguro, to hide the pain na rin. mahal niya pa rin si Tella. Alam ko. Nararamdaman ko. Kahit sabihin niya na naging crush niya lang yun nung Elem days, nasaktan pa rin siya nung binasted siya ni Tella pagdating nung highschool. Naalala ko pa lahat nun. Una kong nakita si Ver na umiyak dahil sa isang babae.

*Flashback. 1st year highschool. Month of October.*


Sobrang magpagwapo si Ver ngayon. Feel ko may pakulo na naman 'to para kay Tella. Nagtago ako nun sa likod nung pintuan nung classroom kung saan sila maguusap ni Tella. Dapat maging succesful 'to para kay Ver Tagal-tagal niya na 'tong inaasam-asam eh. All out naman ang ears ko nun para marinig bawat detalye ng pag-uusap nila.
"Ehem..." wrong move. wala talagang kwenta 'tong si Ver oh. Hahaha "Tella..."
"Hm?" ang sweet ng boses ni Tella nun. kaya nga nainlove si Ver dun eh. Lakas ng tama niya dun kahit hindi niya talaga masyado sakin sinasabi. Haha.
"Tella... ano kasi... may sasabihin ako sayo..." eto na. This is it :"""> Medyo kinikilig ako nun. Hahaha. Siguro ang saya saya ngayon ni Ver kasi masasabi niya na rin kay Tella lahat.
"Ano yun Ver?" feeling ko kinilig si Ver nung sinabi ni Tella yung pangalan niya.
"Uh... I love you..." medyo sinilip ko sila nun. nakatungo si Ver habang binibigay niya yung tatlong red roses kay Tella. Ang sweet. Naluluha nga ako nun. Tears of Joy o dahil nagseselos ako? Ewan ko ba. Basta masaya ako sa best friend ko. Kinuha ni Tella ng dahan-dahan yung roses na yun. Hindi ko na din mapigilan yung pag-iyak ko. Nagble-blur bigla yung paningin ko dahil sa mga namumuong tubig sa mata ko. ginamit ko yung kamay ko na pampunas ng mga luha ko. Nakakainis. Bakit ko pa kasi pinanuod 'to. Hindi ko na sila tiningnan. Siguro, kung sino man ang makakita sakin dito eh sasabihan ako ng ` Tanga, alam mo namang masasaktan ka, bakit andyan ka pa din?`. 
"Uh.. Ver?" medyo pinatigil ko yung sarili ko sa pag-iyak nun nung narinig ko yung boses ni Tella. Pero humihikbi pa rin ako nun. Siguro sasabihin niya na `I love you too Ver` o di kaya ` sige tayo na Ver?! o di kaya `Ver, Tayo na forever ha? Promise?`. Lalo akong naiyak sa  mga pinag-iisip ko. Nakakabadtrip.
"I'm sorry Ver.." nanlaki yung mata ko nun. halos umurong lahat ng mga luha na dapat sana eh iluluha ko na nung sinabi yun ni Tella. Hindi naman sa masaya ako pero nakakagulat lang. Bumilig yung pagtibok ng puso ko. Lalo na nung sinabi pa ni Tella na "sorry, wala akong nararamdaman sayo..."
Parang gumuho yung puso ko nun para kay Ver. Nasaktan ako para sa kanya. Sinilip ko yung kwarto ulit. Then, nakita kong binabalik ni Tella yung tatlong roses tapos parang bata si Ver na naiyak. Nakatakip pa yung buong braso niya sa mga mata niya. Parang siyang bata na naagawan ng isang sobrang importanteng laruan. Naawa ako sa kanya nun. Dun ko naisip, alam mo Ver kung ako lang si Tella, hindi ko yan gagawin sayo. hindi kita paiiyakin. Tumakbo naman ako kaagad nun ata nagtago sa pinakamalapit na CR, feel ko kasi lalabas na sila nun. Grabe, hindi matanggal sa isip ko yung pag-iyak ni Ver. After 10 minutes, bumalik ulit ako dun sa kwarto, andun na lang si Tella, wala na si Ver. Kinabahan ako dun kaya lumabas agad ako ng Building A then triny ko yung best ko na hanapin si Ver. Nakita ko yung tatlong roses na nakakalat dun sa may gate ng school namin. Daig pa ng pagtibok ng puso ko ang pinakamabilis na tren ng mga oras na 'to.Lumabas ako ng gate namin. Medyo umaambon pa nun. Nakakabadtrip. Naglakad ako papunta dun sa park. yun na lang kasi ang naisip ko na pinakamalapit na tambayan ng isang tao na heartbroken. Pumunta ako dun. Grabe, bumuhos ng malakas ang ulan. Lagot ako neto kay mama, basang-basa ako pati yung uniform ko. Nakatayo ako dun sa gitna nung park habang iniikot ko yung paningin ko sa buong park para lang makita siya. Then, dun ko lang nalaman na nasa likod ko na pala siya. May hawak siyang payong tapos lumapit siya sakin para payungan ako.

"BAKIT KA BIGLANG NAWALA?! NAG-AALALA AKO SAYO!" pasigaw kong sinabi sa kanya. pinagtitinginan kami ng mga tao.
"EH BAKIT KA NAGPAPAULAN?! BAKA MAGKASAKIT KA?!" pasigaw niya ring sinabi sakin. nginitian niya ako pero kita mo sa mga mata niya na halos maluha-luha na din siya. "sabi ko na nga ba wala akong pag-asa..." sinabi niya na sakin. That broke my heart. Hindi sa kadahilanang nagmamahal si Ver ng iba kundi dahil nasasaktan siya ngayon. Nasasaktan ako. Kasi nasasaktan siya. Ang martyr ko talagang best friend oh. Bakit ba ako pinanganak ng ganito. 
"umuwi na nga tayo! wag ka na magdrama dyan.." hinawakan ko yung kamay niya. then hinila ko siya papunta dun sa mga taong naghihintay din ng jeep. Grabe, nilalamig ako. Sobrang basa na rin kasi ako nun. sumakay kami ng jeep. Pagdating sa rotonda, nagspecial na kami sa tricycle dahil hindi na namin keri na maglakad dahil sa sobrang lakas ng ulan. nagshower muna kami at nagpalit ng damit. nasermonan pa nga ako ni mama eh. expected ko naman na yun. tsaka alam ko naman na nag-aalala lang siya para sakin. binuksan ko agad yung bintana ko. hindi naman na ako masyado nagulat nung nakita kong nakabukas na din yung bintana niya.
"oh ano kamusta puso mo?" sabi ko na may halong biro sa kanya.
"malamang basag... badtrip eh..." halos tinatawa niya na lang yung nararamdaman niya pero alam mo na sobrang nahihirapan siya dahil sa ginawa sa kanya ni Tella. si Tella kasi yung tipo ng babae na hindi naman talaga mahilig sa lovelife at crush kaya siguro hindi naman talaga siya na-fall kay Ver. pwede naman kasi na... pwede naman na ako na lang... hay nako... ayaw ko ng ipagpilitan... nagkwentuhan kami nun tungkol sa nangyare, umiyak siya nun. first time. bumilis yung pagtibok ng puso ko habang tinitingnan ko siyang umiiyak. nasabi ko sa sarili ko na never akong aamin sa kanya. as in never talaga kung magiging katulad ko siya. kung iiyak din naman ako dahil sa kanya. dun tumigil yung lahat ng pangarap ko na siya ang magiging prince charming ko. dun ako tumigil na umasa na merong chance para samin dalawa. alam kong wala... ayokong masaktan katulad niya.... halos 11 pm nung matapos kaming nagkwentuhan at napagpasyahan na naming matulog. 

Humiga na ako sa kama ko nun at hindi ko napigilan na umiyak....

After 1 week, parang nagbago ang lahat. 
"oh kamusta ang puso?" pabiro ko pa ring sinabi sa kanya.
"ha? bakit? nadurog na ba ang puso ko?" dun na siyang nagsimulang maging pa-cool kapag si Tella na ang usapan. parang ginagamit niya yung mga ganyang salita para makalimutan lahat ng masasakit na naramdaman niya nung binasted siya ni Tella...

*End of Flashback*

tulad nung nangyare nung intrams' night. kinaila niya pa na wala na siyang feelings kay Tella nung 1st year kami eh sobrang halata naman na malakas ang tama niya kay Tella nun eh. Masyado siyang ma-pride. yun ang masasabi ko sa kanya. 

"Mahal mo pa ba?" tinanong ko siya kahit na parang alam ko na masasaktan ako sa kung ano mang isasagot niya... napatingin siya sakin nun...
"oo..." sabay tango. kasabay din nun ang pagdurog ulit sa puso ko. "pero wala na siya. siguro time na din na magmahal ako ng iba..." then ngumite siya sakin.

No comments:

Post a Comment