Thursday, December 23, 2010

Chapter 17

Nginitian ko lang siya nun. Wala na kaming napagusapan after nun. Pinagpuyatan din namin yung project na yun nu. And ako pinakamaagang nakatapos sa kanilang dalawa ng project. Ang artistic ko kasi. Haha. Kaya naman nun tinulungan ko na si Gigi sa paggawa ng project niya. Baklita talaga yung bruha na yun kasi halos ako din yung gumawa nung project niya. Ang tamad talaga, grabe. Pero enjoy pa din, mas matagal kong nakasama si Papa Ver. Joke. Hahaha. Nahawa na ako sa kalandian ni Gigi. Haha.

So yun, sabay-sabay din naming pinasa ko yun. Ako nga yung nag-volunteer na magpasa nung mga gawa nila. Gusto ko kasing tingnan yung gawa ni Ver. Ssh lang kayo. Haha. Gusto ko lang naman makita kung ano bang nasa loob nung scrapbook niya. Baka naman scrap talaga. Joke! Haha. So yun, sa first page nung scrap book niya eh yung picture ng buong pamilya niya. Bata pa siya dun sa picture. Ang cute nga eh! Haha. May caption dun na `I miss my Mom!`. Aww, baby boy. Kawawa si baby Ver, namimiss ang kanyang mommy. Haha. Then sa second page naman eh yung tropa niya. Malamang, andun si Prince, Josh at Gian. Nakasuot sila nun ng sando na gray tapos nakapants sila pati astig na rubber shoes. Sige, sila na gwapo at dancer. Badtrip lang. Haha. Tiningnan ko yung susunod na page. Ineexpect ko nun na ako na yung susunod sa page. Kaso nadismaya ako nung nakita ko yung picture nilang dalawa ni Tella na halatang well-decorated niya. Ang cute nga eh. Blue and pink yung motif nung page na yun. Favorite ni Ver yung kulay na blue and favorite naman ni Tella yung pink. Sa kulay pa lang na paborito nila, bagay na. Kaya naman bagay talaga sila. Hahaha. Ako naman 'tong nasasaktan pero nagiisip pa rin ng mga fool analogies. Then, linagay ko dun sa next page. Akala ko ako na kaso picture pala nila ni Gigi na magkasama. Meron pang caption na `Ang nagbibinatang tropa ko`. Tagalog yun kaya for sure may minus point siya dun. Haha. Adik talaga yun. Ginawa yung scrap book na yun ayon sa sarili niyang kalokohan. Tama bang tawagin si Gigi na nagbibinata?! Pag nakita 'to ni Gigi, lagot siya sa baklitang yun. Haha. Then, next page ulet. Akala ko na naman ako na yung andun!? Kaso mga pinsan niya na yung andun?! Badtrip. Paano na ako?! Nakalimutan na ba ako ng best friend ko? Naiinis na ako nun. Halos gusto ko ng ilaglag yung scrapbook niya mula fourth floor at hindi na ipasa yung gawa niya. Haha. Joke. Pero kasi eeeehhhh, bakit wala ata ako? Flinip ko ulit sa mga sumunod na pages. Puro pictures ng relatives lang. Then, pagdating dun sa dulong page. Dun na ako nawawalan ng pag-asa na kasama ako dun sa scrapbook niya then nanlaki yung mata ko nung may apat na picture kaming dalawa ni Ver na magkakasama sa isang page. yung una picture nung halos pre-school pa lang ata kami tapos nakain kami ng spaghetti pareho at ang amos namin nun. dun sa pangalawang picture, yun yung picture nung elem kami. nasa may garden pa kami ng school namin nun. ang cute naman naming dalawa ni Ver. Haha. Then dun naman sa sumunod na picture eh picture namin nung first year kami, naka-akbay siya sakin. Tapos halata dun sa mukha ko na kinikilig ako kasi nakakagat pa ako sa labi ko nun habang naka-smile sa camera. Then dun sa huling picture eh yung picture ko na nakastretch yung kamay ko dun sa styro na snow naman talaga. Ang ganda ng pagkakakuha dun. Ang ganda ko kasi. Joke. Hahaha. Napangite ako ng bonggang bongga nun.Then, pinasa ko na yung work naming tatlo dun sa Values teacher namin. Pare-parehas lang naman kami ng values teacher kaya ganun. Haha. Dismissal na nun so pumunta ako sa classroom ko para magayos ng gamit. Hindi ko nakasabay si Gigi na umuwi dahil busy siya sa pagte-take up nung mga namiss niyang quizzes nung tinamad siyang pumasok last week. Dahil malas ang bruhildang yun, dun pa siya umabsent sa araw kung kelan marameng seatworks at quizzes. kawawa tuloy siya. Haha. Sarap pagtawanan eh. Hindi ko naman nakasabay nun si Ver dahil may practice siya para sa Basketball Varsity niya. Eh hindi naman ako malandi na magste-stay pa dun para lang manuod ng practice niya. Nanunuod nga si Ate Rits ng practice ni Ver eh tapos from time to time during practice eh, lumalapit si Ver kay Ate Rits. Nagseselos naman ako nun pero at the same time, lalo akong naguluhan. Diba si Ate Rits at si Ver?

Ayoko ng isipin pa yun, lumabas ako ng gate and sumakay ako ng jeep. madali lang naman akong nakasakay, siguro swerte yung araw na 'to. Medyo nagulat naman ako ng makita ko si Kuya Evans na andun din sa jeep. Nasa halos unahan ko siya pero hindi naman talaga as in sa unahan ko, medyo lang. Haha. Siguro galing siya ng comp shop, nag-DOTA. Hahaha. Nginitian ko lang siya nun. Nahihiya nga ako na pansinin siya eh. Ewan ko kung bakit. Mas makulit ako kapag katext ko siya. Alam kong tumitingin siya sakin pero umiiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kita ko ngang napapangite siya eh. Siguro sa  loob-looban niya eh iniisip niya na masyado akong suplada. Sa hindi nalalamang dahilan, sa kanya inabot ni manong driver yung sukli na para sakin kaya naman malamang, binigay niya sakin yung sukli. dumampi yung fingers niya sa palm ko kaya naman medyo nataranta ako. Hindi ko mapigilang ngumite nun. Kinuha ko yung panyo ko mula sa bulsa ko. Tinakpan yung bibig ko na napapangite na talaga ngayon. Nakakahiya naman 'to. Bakit ba ako ngumingite?! Hahaha. Bigla namang tumigil yung jeep kaya halos lahat ng pasahero na nasa jeep ay nawindang. Nahulog nun yung dalawa kong libro na nakapatong lang sa lap ko.

"ano ba yan manong? dahan-dahan naman..." napatingin ako nun kay kuya Evans. Hindi ko akalain na magiging ganun siya. Hindi siya pinansin nung manong driver pero I know na biglang nagbagal ng takbo yung driver sa jeep niya.pinulot nun ni kuya Evans yung dalawang libro ko sa sahig tapos binigay niya sakin. Ngumite siya habang inaabot niya sakin yung mga libro ko.
"Uh... Thanks.." ngumite din ako. tumigil yung jeep nun. marameng bumaba na pasahero mula sa side ko. Nagulat ako ng biglang lumipat ng side si kuya Evans sa tabi ko pa.
"Oh bakit?" sabi ko sa kanya. ang sama ko naman ata. Hahaha. sa tono ng boses ko eh parang nandidiri ako sa kanya. Hahaha.
"Wala lang. Ang tagal na din nating di nakakapagusap..." sa pananalita niya, alam ko na ang susunod na sasabihin niya. "namiss kita..." sabi na nga ba eh. Hahaha. Medyo kinilig naman ako nun. Weeee. Super Happy. Hearts Hearts Hearts. Sige, ako na malandi. Hahaha.
"Talaga?" Ngumite lang naman siya nun. Ang bilig nga ng pagtibok ng puso ko. Nakalimutan ko bigla yung kung `ano mang meron` sa kanila ni Ate Rits kahit na naalala ko ngayon. Badtrip. Hahaha. Natraffic nun kaya medyo nataranta ako. Gagawa pa ako ng reaction paper ko sa Social Studies eh. Nako, cramming na naman ako sa bahay.
"Hala, traffic..." sabi ko sa sarili ko pero malamang narinig yun ni kuya Evans.
"Oo nga no. Gusto mong maglakad na lang? malapit na lang naman eh..." sinuggest sakin ni kuya Evans.
"Uh... sige..." sabi ko sa kanya.
"manong, teka lang po ha! baba lang muna kami..." sabi niya dun sa manong driver na pinagtaasan siya ng kilay. feeling ko napikon sa kanya yung driver. Haha. Mas nauna siyang bumaba nun sa jeep. Medo naisip ko nga nun na hindi gentleman si kuya Evans kaso nabawi naman nung inalalayan niya akong bumaba sa jeep. Ayy, ang sweet eh. Hahaha.
Tumabi naman kami nun sa may nagtitinda ng barbeque. Haha.
"Gusto mo? Libre ko..." sabi niya sakin. Ay, ang cute ngumite ng lokong 'to. Hahaha. Naloloko ako eh.
"Nakakahiya naman sayo.." sabi ko naman.Hindi naman sa nahihiya ako. Kinikilig lang talaga ako. Hahaha.
"Sus. sige na. bibili na ako..." inakbayan niya ako nun then naglakad kami papalapit dun sa ate na nagbebenta ng  barbeque.
"ate, dalawa nga po..." sabi ni kuya Evans dun kay ate. Ngumite si ate nun tapos nagluto siya. nun ko lang narealize na naka-akbay pa rin sakin si kuya Evans. Pero ayokong pansinin kasi... kasi wala lang... Hahaha.. ang landi ko naman. Napatingin naman samin si ate habang pinapaypayan niya yung barbeque.
"Kayo ha. kung makapaglambing kayo dyan, baka langgamin kayo niyan..." pang-aasar naman ni ate samin. grabe ha, nagulat kaming dalawa ni Kuya Evans dun. Hindi namin ineexpect. Natawa na lang kami nun tapos dahan-dahan na niyang tinanggal yung kamay niya sa pagkaka-akbay sakin. Panira si ate ng mood, kinikilig na ako eh. Hahaha! Joke.
"Bagay kayo infairness.." sabi samin ni ate. nakakatuwa naman 'tong tinderang 'to. hahaha
"ay, hindi po kami..." nagulat si ate sa sinabi ni kuya Evans nun. nakakatawa nga yung expression ni ate eh! Haha.
"Talaga? Eh di maging kayo, mukha namang may malalim kayong pagtitinginan sa isa't-isa..." tumawa kaming tatlo nun. Medyo napalingon ako nun kay kuya Evans. Dun ko nakita na nakatitig pala siya sakin habang nakangite. medyo namula ako nun. hindi ko alam kung dahil ba yun sa usok na galing dun sa linulutong barbeque o dahil sa kakiligan na dala ni kuya Evans. Iba na eh. Hahaha. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. grabe.
"Ako lang po ata, ate.." sabi ni kuya Evans dun kay ate na ikinagulat ko talaga. As in nanlaki yung mata ko. Haha.
"Oh biglang nanlaki yung mata nung kasama mo..." tinuro ako ni ate nun. grabe si ate, kung mang-asar ah! Hahaha. Wag ganyan.Kinikilig akoooo. Joke. Hahaha. Kahit oo naman.
"Eh ate hindi pa yan maniniwala sakin ngayon..." nakangite siya habang sinasabi niya yun.
"ano ba yan kuya Evans?! mga pinagsasabi mo?!" ang defensive much ko naman. Hahaha. Tapos na nun ni ate na lutuin yung barbeque kaya binigay niya naman na samin yun tapos binigay na din ni kuya Evans yung bayad.
"sige ate, salamat. babye..." kumaway siya dun sa ate then umalis na kami tapos naglakad na kami papunta dun sa sakayan ng tricycle. Medyo matagal na paglalakad pa yun. grabe, traffic nga. as in whoa. Yung jeep na sinakyan namin kanina eh parang hindi gumalaw. Haha. bagot na bagot nga yung driver eh. nakakatawa lang. so yun, enjoy naman ako sa paglalakad kasama si kuya Evans.
"ang lakas ng topak mo kanina ah! by the way, salamat sa barbeque..." tumawa muna siya bago magsalita pabalik sakin.
"bakit? totoo naman ata lahat ng sinabi ko ah..." gusto kong tumigil sa paglalakad nun. that's just impossible diba? Haha.
"loko ka talaga kuya Evans..." sabi ko sa kanya ng pabiro. natataranta na nga ako nun eh.
"masama na bang magsabi ng totoo ngayon?" ewan ko ba kung nagjojoke siya o hinde. ang gulo lang talaga. hindi naman kasi ako sanay sa mga conversations na ganito eh. never pa nga ako nasasabihan ni Ver ng ganito. Kung magsasabi si Ver ng mga ganitong bagay, may mga banat pa. eh si kuya Evans, mukhang straight to the point eh. Lokohan nga ba talaga? Pero paano na si ate Rits?! diba mahal niya si ate Rits?! bakit siya ganito?! manloloko ba siya? hay nako naman oh.
"hindi naman pero joke yun diba?" hindi siya nagsalita nun. Hahaha. Halos, nakarating na din kami dun sa may tricycle. Then, sumakay kami papuntang clubhouse. Yung phase namin ni Kuya Evans ay malapit lang pala, nun ko lang nalalaman. Then dun ko rin lang nalaman na siya pala yung nakatira dun sa sobrang laki na bahay na katabi ng isang school. Whoa. Feeling ko nga pag andun ako sa bahay na yun eh, mawawala ako. Haha.

So naglalakad naman kami ngayon papunta sa phase ko. Ihahatid daw kasi ako ni Kuya Evans sa bahay ko pero sabi ko kahit hanggang dun na lang sa Chapel, okay na ako eh. Haha.

"mago-online ka ba mamaya?" tanong sakin ni kuya Evans.
"yep..." i said with a smile.
"okay, chat na lang tayo..." sabi niya. marami pa kaming napagkwentuhan nun. Hahaha. Ang saya nga eh. Parang nakakita ako ng isang big brother. gwapo pa!! Haha. Hinatid niya ako dun sa may chapel then we part ways. Wala yung epal na pogi sa labas nung tindahan nila which is good. Naepalan ako sa kanya nung nalaman ko na naririnig niya pala yung mga pinagsasabi ko. Hahaha. Umuwi na ako nun. Grabe, hanggang ngayon wala pa din yung kapatid ko. Kung saan saan na namang naggagala yung mga yun?! Nagkwentuhan kami ni papa. Hanggang ngayon kasi busy pa din si mama. Eh si papa, napaaga ang uwi ngayon mula trabaho kaya happy happy kami. Haha. Then, nagshower ako at nagpalit ng damit. Kumaen na din ng early dinner at ginawa agad yung printed na reaction paper ko. Nung medyo nawawalan na ako ng ideas, binuksan ko muna yung facebook ko. Meron akong 7 notifs, wala lang naman yung iba. Napangite ako nung nakita ko na nagpost si Kuya Evans sa wall ko. Ayy, Kilig. Hahaha.

Nakapag wall to wall kami sa facebook nun kahit na hindi naman na ata siya wall to wall kasi nga nagupgrade na sa new profile yung aming dalawa ni kuya Evans. Hahaha. Anyways, hindi naman yun ang issue! Hahaha.

Evans Javier → Hi Vher! Padaan :) ahehe
Vher Benitez → Ge daan ka lang kuya Evans :P
Evans Javier → Okay 
Vher Benitez → Hahahaha :)
Evans Javier → Tawa :D
Vher Benitez → Ok. Hahahaha :)
Evans Javier → Ganda mo 
Vher Benitez → Thanks. Panget mo ;)
Evans Javier → K. Ganda mo 
Vher Benitez → Ok. Salamat pala sa libre kuya! :P
Evans Javier → Bukas ulit? :)
Vher Benitez → Ikaw bahala :P
Evans Javier → Ge. Huy out na po ako. Ingat 
Vher Benitez → Haha. K 

Kinikilig talaga ako ng sobra nun. As in, over. Ewan ko kung bakit. Hahahaha. Ang landi ko na nga ata eh. Clinose ko muna yung Facebook ko, bigla kasi akong naengganyo sa paggawa ng reaction paper ko dahil kay Kuya Evans. Hahaha. Ang bilis ko namang matapos nun so binuksan ko na din ulet yung Facebook ko. May 1 notif. Nagpost si Best friend Ver dun sa wall ko.

Ver Pogi → >:)

Nang-asar pa. Badtrip talaga 'tong best friend ko oh.

No comments:

Post a Comment