Tuesday, December 28, 2010

Chapter 27

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang ngang nagslow motion yung mga pangyayare eh. syempre, dumating na yung mga teachers para tulungan si Kuya Evans. kinuha nila yung first aid kit. hindi ko na alam kung ano yung nangyayare nun. nakita ko si Ate Rits na parang pinipigilan niya yung luha niya. tapos feeling ko nun, mas nahihirapan siya kesa sa nararamdaman ni kuya Evans...

nagulat ako ng hinawakan bigla ni Ver yung kamay ko. naging better din ako nun pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano mang nangyare kay Kuya Evans. lalo akong kinakabahan eh.

"okay lang kaya siya?" napatanong talaga ako nun. naging malapit na rin naman sakin si kuya Evans eh.
"magiging okay din siya..." sabi naman niya kahit walang kasiguraduhan yung sinasabi niya. napalingon ako kay ate Rits. biglang tumulo yung mga luha niya. hiniwalay ko yung kamay ko kay Ver nun tapos lumapit ako kay Ate Rits. tinapik ko yung balikat niya.
"Ate Rits?" pinunasan niya agad yung mga luha niya at ngumite siya ng pafake para itago lahat ng nararamdaman niya. "Ate Rits naman..." niyakap ko siya ng sobrang higpit nun. then, dun ko naramdaman na iyak na din pala siya ng iyak. parang nga akong naha-heart broken dahil sa mga drama ni Ate Rits eh. kahit na parang ang dami ko pang hindi naiintindihan tungkol sa kanilang dalawa ni kuya Evans, nalulungkot para ako kay Ate Rits... sa kanila...
"Ate Rits... taha na , okay?" binubulungan ko naman siya nun. kahit na anong gawin ko naman eh, hindi pa rin siya tumigil sa pagiyak.

inakbayan ko siya nun tapos naglakad kami papunta dun sa mga site na pinagkainan namin. iniwanan na rin namin sila Ver na busy sa panunuod sa pagresponde nung mga paramedics kay Kuya Evans. umupo kami ni Ate Rits dun sa upuan. ang lamig ng simoy ng hangin nun at nagtatago na rin yung araw nun. tiningnan ko yung mukha ni ate Rits. grabe, pulang-pula siya nun.

"Ate Rits... wag ka ng umiyak... please lang..." inaayos ko yung bangs niya nun na nadikit na sa mukha niya. pinagpapawisan na rin siya nun kaya nanghiram ako dun sa classmate niya ng pamaypay para mabigyan siya ng hangin. sumandal siya sakin nun at walang tigil yung pag-iyak niya.
"nahihirapan na ako..." nahirapan siyang magsalita nun. eto naman akong nahihirapan na makinig sa kanya. ewan ko ba. parang may kumurot sa puso ko. parang nakafeel ako ng mga durog ng puso nung narinig ko na magsalita si ate Rits.
"bakit Ate Rits??" nagaalala na din ako kay Ate Rits nun. wala kasi talaga akong kaalam-alam eh. parang wala akong kwentang kaibigan... hay nako naman...
"hindi ko kaya makita na si Evans ng ganun..." lalo siyang umiyak nun. pinat ko yung likod niya kahit na alam kong walang magagawa yun para pagaanin yung loob niya.
"Ate Rits, mas nakakasigurado ako na mas ayaw ka niyang nakikitang umiiyak..." sana naman sa sinabi kong 'to sana naman umayos na din yung pakiramdam niya. nage-effort talaga ako para lang patigilin siyang umiyak no!
"kawawa si Evans... kawawa siya, Vher..." nanlaki yung mata ko nun. wala talaga kasi akong kaalam-alam tungkol sa kung ano mang meron kay kuya Evans. tanging favorite flower, color, number, ideal girl, date at kung ano mang walang kwentang bagay ang alam ko tungkol sa kanya. wala namang isang konektado sa pagiging kawawa niya. pero nafeefeel ko eto na siguro yung malaking bagay na wala akong kaalam-alam kay Kuya Evans. kinabahan ako nun. pinat ko pa lalo yung likod ni Ate Rits nun. wala akong masabi. parang ayaw kong makimasok sa hindi ko naman business. feeling ko kasi nagiging pakielamera ako kung ganun.
"basta please... Ate Rits... wag ka na umiyak..." pero sa sinabi kong yun, bumuhos pa din yung luha niya. umupo na din siya ng diretso nun. nahihirapan na nga rin siya sa paghinga eh. nakikita ko naman yung mga estudyante sa paligid namin na pinagbubulungan ko. mga chismosa. badtrip naman ohh.
"alam mo ba yung feeling na... gusto mong gumawa ng isang bagay para sa kanya pero kahit anong i-effort mo, wala lang... parang hindi tumatatak sa isipan niya yung mga ginagawa mo para sa kanya..." napatitig ako nun kay Ate Rits. biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. kinakabahan ako. grabe. "lahat ng efforts ko wasted para kay Evans... kahit anong gawin ko... wala akong nagawang malaking bagay para sa kanya..."
"ano ka ba Ate Rits? sigurado ako na naappreciate ni kuya Evans yun..." convincing words. dun ko lang narealize na hindi ako natulong sa kanya. parang mas pinapaasa ko pa siya. mas sinasaktan ko ata siya...
"naiingit nga ako sayo eh..." she faked a smile nung sinabi niya yun but then luha pa rin siya ng luha.
"b-bakit?" medyo nagulat ako nun. anong kaiinggitan sakin? eh halata namang mas lamang ng ganda sakin si Ate Rits... may talent pa siya... eh ako wala...
"kasi kahit anong bagay na gawin mo, napapangite mo si Evans... napapasaya mo siya... isang ngite mo lang... nangite na din siya..." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung sinabi yun ni Ate Rits. napatungo siya nun tapos iyak siya ng iyak. lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko. ayokong gumawa ng mga conclusions nun...
"Ate Rits?" yun na lang ang nasabi ko. wala naman kasi talaga ata akong masasabi na matino eh.
"ang sakit sakit na..." bumuhos lalo yung luha niya. nakita kong sinarado yung fist niya tapos rinig na rinig ko yung bawat paghikbi niya. alam kong nahihirapan na siyang huminga nun. "sobrang mahal ko siya... at sobrang sakit na..."
parang tinusok ng isang milyong karayom yung puso ko. feeling ko ako yung dahilan kung bakit nagkakaganito si Ate Rits.
"sorry..." wala na talaga akong masabi sa kanya. medyo naluluha na din ako nun. alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman ngayon ni Ate Rits. miski ako, naramdaman ko yun ng mahal pa ni Ver si Tella. at sobrang sakit nun... as in sobra... umupo na ng maayos si Ate Rits nun tapos tumingin siya sakin ng diretso...
"no need to be sorry Vher... naging isang mabuti kang kaibigan para sakin..." sabi niya sakin nun kahit na nahihirapan na siya sa pagsasalita. "wala na rin naman akong pakielam kung mahal niya ako o hinde... kung mahal niya lang ako as best friend... wala na akong pakielam dun...basta ako sobrang mahal ko siya..." pinipigilan niya yung pagbuhos ng luha niya. "kaso ang sakit kasi eh.." medyo naguluhan ako dun. kung tanggap niya na hindi siya ang gusto ni kuya Evans... ano pang masakit??
"sorry talaga ate Rits..." pero kahit ganun, andun pa rin yung guilt feelings sakin.
"kaya sana in behalf of me... pasayahin mo siya..." tumingin siya sakin ng diretso tapos nag-fake siya ng smile. wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya pero tumango na lang ako. "sana wag mo ng saktan yung puso niya because it's already broken..."
kinabahan ako dun sa sinabi niya.
"h-ha?" napa-ha na lang talaga ako nun. kung kanina sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, ngayon naman tila tumigil na 'to sa pagtibok.
"alam ko na mas nasasaktan na siya ngayon kesa sakin..." umiiyak ulit nun si Ate Rits. "ako kasi... heart broken lang.... tapos siya..." napatigil pa siya nun. parang ngayon naiintindihan ko na... parang ngayon lahat ng tanong ko nasagot na din..."yung sa kanya mas malala pa..." naluluha na din ako nun. sana hindi tama ang hinala ko. "kasi baka buhay niya, mawala na din..." napahawak ako sa bibig ko nun tapos tumutulo na din yung luha ko. parang nagcontinue ulit yung puso ko sa pagtibok nun but very much faster. "i have a broken heart... while he has an unstable heart..." iyak ako ng iyak nun. napahawak ako dun sa left side ng chest ko... puso... puso ang problema... "yun ang masakit dun eh..." napaluha si Ate Rits nun. "masakit na mawala siya... yun ang hindi ko kaya...."

nagsink-in sa utak ko ang lahat... unti unting bumabalik yung mga memories sakin... parang sumasakit yung puso ko nung narinig ko yung lahat ng yun galing kay Ate Rits...kaya pala nagcollapse siya nung sa Intrams... kaya pala pumunta siya States... paano kung nagpagamot pala siya dun?? kaya din siguro... binubuo agad nung daddy niya yung bahay sa kanya... ang sakit sakit... grabe... na malaman na ang isang kaibigan mo... may nararamdaman pa lang ganun... tapos wala kang magawa... ang sakit sakit lang... hindi ko mapigilan yung pag-agos ng luha ko nun... parang ako yung may sakit eh... parang ako pa yung mawawala eh...

"'hindi yun pwede..." napasabi pa ako ng ganun kahit na alam kong ginagawa ko lang yun para pagaanin yung loob ko.
"it's confirmed..." hindi pa rin natigil yung pagluha ni Ate Rits nun... "he's dying..."

No comments:

Post a Comment