Monday, December 27, 2010

Chapter 23

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Nanlamig yung buong katawan ko nung sinabi sakin ni Ver yun... mahal niya ako? o siguro naghahallucinate lang ako na sinabi niya yun. ewan ko. natutuwa ako... mahal niya pa rin pala ako... pero kahit na ganun...

"Uh..." eto lang ang nasabi ko sa sobrang pagkastunned. parang tumigil ang pagtakbo ng oras sa sarili kong mundo. parang gustong magpaparty ng puso ko sa sobrang tuwa. medyo nagulat nga ata si Ver dun sa sinabi ko sa kanya. ewan ko naman kasi kung anong sasabihin ko. dapat ko pang sabihin na `mahal rin kita` o di kaya `i love you too`. alam kong parehas lang ang meaning nun pero nahihirapan pa rin akong mag-decide kung anung sasabihin ko sa kanya. magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Josh at Gian.

"ang daya niyo dyan ah?! tamang takas sa lecture?!" epal talaga si Josh. Nako naman. Hahaha. Medyo lumayo ako sa pagkakatabi ko kay Ver nun. Medyo nailang kasi ako bigla.
"Oo nga! Oh kami din dyan na lang..." umupo si Gian dun sa space na ginawa ko sa pagkakalayo ko kay Ver. So, andun na siya sa gitna namin. Hindi ko maiwasan na hindi sumulyap kay Ver. Kinikilig pa din ako. Parang ang hirap paniwalaan na ganun din pala ang nararamdaman niya... parehas pala ang nararamdaman namin para sa isa't-isa...
"ano bang ginagawa niyo dito ha?!" iba yung tono ng boses ni Josh. Parang naman may ginagawa kami dito no?! Hahaha
"Ha? May dapat bang gawin?" pambabara na sinabi ni Ver kay Josh.
"Oo nga. nakaupo lang naman kami dito ah!" panira ata ako. naging defensive na naman yung tono ko eh.
"eto namang si Vher! halatang-halata na may ginawa eh..." feeling ko namula ako ng bonggang bongga nun. wala naman talagang nangyare ah?! bakit ako nagkakaganito?!
"kayo nga umamin na nga kayo?!! kayo na ba?!" pang-aasar na sinabi ni Josh samin.
"Uh..uh..a-an..." pautal-utal kong pagsasalita. grabe, ang hirap mag-isip ng palusot ah?!
"siya lang naman ang hinihintay ko eh..." ako yung tinutukoy ni Ver nun?! grabe nga eh. napatingin talaga ako sa kanya. nanlaki yung mata ko. feeling ko din naman eh mas nanlaki pa yung mata ni Josh at Gian. Paano pa kaya kung andito si Gigi?! Baka malaglag na ang panga nun?! Hahaha.
"AAAAAHHHHHH!!!!" napasigaw nun si Josh. Mukhang timang lang eh. napatayo nun si Gian na nasa gitna namin nung mga panahon yun. nagstep-away si Gian sa banig tapos humarap siya saming dalawa ni Ver na magkatabi na ngayon.
"KAYO NA TALAGA NO?!" sabi niya habang naturo pa samin. grabe, nakakahiya. hinila siya ni Ver pababa dun sa banig ulet. Hahaha. Nagtitinginan na nga yung mga tao samin eh.
"ang ingay mo..." hala, akala naman ni Ver kami na?! Hahaha. Feeler much?! Joke. Dun din naman tutungo ang lahat.
"EH bakit?? kayo na ba talaga?!" grabe naman si Josh ohh! ang boses naman oyyy!!
"hindi ahh! ang kulit niyong dalawa?!" sabi ko naman sa kanila. defensive much talaga ako. Hahaha.
"pero malapit na..." akala ko nun joke yung pagkakasabi niya. napatingin ako sa kanya nun. dun ko narealize na nakatingin din pala siya sakin. seryoso yung mukha niya. malamang, hindi joke yun. ibang klaseng tumibok yung puso ko ngayon. parang ngayon ko lang narinig yung mga words na dati ko pa gustong marinig galing sa kanya.
"aba si Silverio?! kumokorni na?!" nagtawanan bigla nun si Josh at Gian pero parang kaming dalawa ni Ver ay walang pakialam sa kanila. Basta nagtitinginan lang kami. sige, magtutunawan na lang kami gamit ang tingin?! Joke! Hahaha. Hinawakan niya bigla yung kamay ko. hindi ko alam kung nakita ba yun ni Josh at Gian. Sobrang gabi na din kasi. Halos wala ng ilaw kaya naman siguro hindi na mapapansin yun. parang may ibang klaseng force na dumaloy sa mga kamay namin. napatingin ako dun sa kamay naming dalawa na magkapatong ngayon. kamay pa lang yan, sobrang kinikilig na ako. nagkakaroon na ata ng slumber party sa loob ng puso ko eh?! Hahaha.

Nagkatinginan ulit kami at muling nagkangitian... hindi ko alam kung ano na kami... ano bang tawag dito?? MU ba 'to?! nanliligaw na nga ba siya?? o kami na ba?? ang gulo no??

"Students... please proceed to the lecture hall! NOW!" galit yung boses nung head nung science department. nataranta kaming apat nun. bigla kaming nagligpit ng banig tapos hinagis na lang namin dun sa loob nung tent. grabe. nakakatakot pa man ding magalit 'tong teacher na 'to. binilisan namin yung takbo nun. nahanap naman namin agad si Gigi, Prince, Ate Rits at Ate Pat. Kaya lumapit kaming apat dun. hinawakan ko agad yung wrist ni Bru tapos medyo lumapit ako sa tenga niya.

"Bru... naloloka ako! may kwento ako sayoooo" binulong ko naman sa kanya. nag-effort talaga ako na medyo pigilan yung ngite ko. Hahaha.
"sige bru... excited na ako dyan..." medyo pasimple niyang sinabi sakin. ang galing talaga naming magpasahan ng mga messages. yung tipong, hindi halata ng mga tao na nag-uusap kami. nag-indian seat ulit kami. katabi ko si Gigi nun pati si Prince. Nasa likod ko nun si Ver kasama niya si Josh at Gian. Ang kulit nga nila sa likod eh. tawanan sila ng tawanan. nakakahiya lang. napapatingin naman ako kay Ver nun na napapatingin din naman sakin. nagkakangitian kami pero halatang may halong hiya yung mga ngite na yun. ano ba yan?! natatawa ako saming dalawa eh?! parang parehas kaming kinikilig! Hahaha.

"Mukhang inaantok na kayong lahat, so let's have an icebreaker?!" ayon naman pala?! kaya naman pala pinatawag dito para gisingin yung mga estudyante?! "so who wants to volunteer?? tayo na lang kayo?? show your talents?!"


nagkabulungan naman yung mga estudyante. yung iba pinipilit yung isa sa mga katropa nila na magperform dun sa stage. so dun pa lang sa sinabi na yun nung head, eh medyo nagising na din yung mga tao. Haha.

nakita ko namang bumulong si Ver kay Prince. Basta lang nakita ko gamit yung peripheral vision ko. Haha. Then yun, nakita kong bumulong si Prince kay Gigi. Sigurado akong aabot yung message na yan sakin. Lumapit naman sakin si Gigi nun.

"Bru?! madumi yang inupuan mo" sabi niya sakin nun. nataranta ako nun kaya napatayo talaga ako. then dun ko narealize na wala naman palang dumi dun sa inupuan ko. uto-uto naman ako. then dun ko narealize nakatingin sakin lahat ng tao pati yung head ng science department
"okay. so we have a volunteer?!" Badtrip!! hindi naman ako volunteer eh?!
"huy hinde!!" napasigaw ako nun. sobrang nakakahiya talaga.
"WOOOO. GO VHEEERRR!!!" napagtritripan ata ako ng mga tao ngayon. ang lakas talaga ng trip ni Silverio?! Nakakainis lang eh. meron naman saking lalaki na lumapit then sinabi niya sakin na pumunta ako dun sa stage. so yun, no choice ako. ang daming estudyante.  sobrang kinakabahan ako. feeling ko magcocollapse ako anytime. Hahaha. Ang OA no?!

then dun, tumapak na ako sa stage kung saan halos hindi ko na mabilang yung mga mata na nakatitig sakin. hindi ko na rin mabilang kung ilang bibig ang nagdadaldalan tungkol sakin ngayon.

"Okay. anong name mo?" tanong naman sakin nung isang lalake na mula dun sa sponsor nung stargazing activity namin na 'to.
"Vher po..." hawak ko na yung mic nun. grabe. feeling ko nanginginig na yung buong katawan ko sa sobrang kaba.
"so are you going to sing? dance? or what?" ano nga ba?!! wala naman akong talent ahh!
"sing na lang po..." sige, ako na 'tong napilitan. exposure much naman 'to?! Hahaha.
"okay. so here is Vher to sing for us...!!" lalo akong kinabahan nun. lumapit ako dun sa parang kuya na in charged sa sounds at audio. rinequest ko sa kanya yung song ni Kyle na Without You. buti na lang talaga meron siya nun. Hahaha.

Mmm…hmm…

Napatingin ako nun bigla kay Ver. Nakangite siya sakin. tapos feeling ko kaming dalawa lang yung andun.

It feels like a lifetime,
A thousand days have passed by
Since I held you close to me
If I could see that smile from my friend
I know that I could live again
I need you here with me

Nagtaasan yung mga kamay nung mga estudyante. then may pasway-sway effect. mukha namang nagugustuhan nila yung pagkanta ko. Infairness, eto pala ang talent ko?! Hahaha. Parang dati pa akong nakanta, pero eto na ata ang pinakamaayos na pagkanta ko. 

Heaven knows what to say
Even though for right
Now you’re so far away
I hope and I pray
Somewhere in your heart I’ll always stay

Napatingin ulit ako kay na Gigi na parang naluluha pa. ewan ko ba sa baklitang yun?! Hahaha. Bakit naluluha yung best friend ko na yun?! napatingin ako kay Prince at kay Ate Pat?! ang sweet nila. nakalagay yung ulo ni Ate Pat dun sa balikat ni Prince. Grabe, kinikilig ako para sa kanila. bagay na bagay talaga sila.

Boy, lately my sun does not shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, boy
‘Cause my sun does not shine,
Sun does not shine without you

Napatingin ako kay Gian na nagthu-thumbs up sakin. alam kong pang-aasar yun pero napapatawa talaga nila ako. Hahaha. nahahalo na nga yung tawa ko dun sa lyrics nung kanta eh. napatingin din ako kay Josh nun na pumapalakpak. sus, magiging idol na ako niyan pagdating sa kantahan!!!

This is more for me than for you
Boyl, I finally see there’s no substitute
For what we have
Do you know how much I love you

then napatingin ako kay Ate Rits. naalala ko si Kuya Evans. Ano na nga ba talagang meron sa kanya? nakatingin lang sakin si Ate Rits nun. natutuwa ako na nakilala ko siya. feeling ko swerte ako ngayon taon. ang dami kong nakilala. wow naman yun. hahaha. naging super ka-close ko pa. hindi ko akalain na pwedeng mangyare 'to eh.

Heaven knows what to say
Even though for right now you’re so far away
Gonna tell you and show you
Do whatever I can do to get back to you

Napatingin ulit ako kay Ver. Nakatitig pa din siya sakin. hindi ko maiwasan na ngumite. eh loko din pala 'tong lalakeng 'to?! dati ko pa siya gusto, aba ngayon lang umamin?! kamusta naman yon?! Hahaha.

Boy, lately my sun does not shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, boy
‘Cause my sun does not shine,
Sun does not shine without you

Nakatingin pa din ako sa kanya. Naalala ko yung mga sweet memories na nangyare samin mula pagkabata pa lang namin. Yung pinaka importante na ginawa niya sakin... ano nga ba??

This is no for me then for you
Boy,i finally feel there’s no subtitute
But we have,do you know how much i love you
And what we share i can forgive
Boy,a love life young i never let
Just people away no no no no..
Promise you stay

hindi ko masasabi na ngayong gabe ang pinakaimportanteng bagay na ginawa niya sakin. dahil para sakin, mas importante ang araw kung kelan ko siya nakilala... nakwento ko naman na yun. yung linigtas ko siya mula sa pagkakalunod niya sa dagat... naalala ko pa bawat detail nun... yun yung time kung kelan sobrang tumibay yung friendship namin... dun kami nagturingan bilang magkapatid...

Have you i’ve i need to know about you 
Since slowly night without you
Well then without you baby
So come turn my life its to today
ohh baby
Cause my sun does not shine without you
Never never never never noticed

Flashback
"grabe... paano kung namatay ka dun?! hindi ko alam ang gagawin ko!!" ang lakas ng boses ko nun. sobra yung pagaalala ko sa kanya.
"sorry talaga. mag-iingat na po ako sa susunod..." parang siyang bata nun. 
"lika nga dito!" hinila ko siya tapos yinakap ko siya ng sobrang higpit. "nag-aalala talaga ako sayo..."
End of Flashback

And my last breath,my breath
Had to say just what I was feeling,boy
Cause my sun does not shine
Sun does not shine without you

Dun ko biglang naisip na kahit dati pa eh ayaw ko talaga siyang mawala dahil hindi ko kakayanin. tinitigan ko siya sa mga mata niya. nung natapos yung kanta, bumulong ako sa sarili ko.

"i love you too..." hindi ko alam kung narinig niya pero nanlaki yung mata niya nun tapos bigla siyang ngumite.

No comments:

Post a Comment