Saturday, December 18, 2010

Chapter 7

Bumaba naman ako dun sa first floor. Tama nga ang hinala ko. Si Kuya Evans nga. Andun si mama. Kilala niya pala si Kuya Evans. Siya lang naman daw kasi yung anak nung kliyente ni mama na ubod ng yaman. Isang fourth year high school student na may pag-aari ng isang BMW na kotse pero hindi nakakahingi ng allowance. Whoa. Makikipagpustahan ako. Ang suot na suit niya ngayon ay nagkakahalaga ng sampung libo pataas. Makalaglag panga naman ako nun. May dala nga siyang roses. Isang bouquet pa. May White. May Red. May Blue. Nanlaki yung mata ko. Anak ng kalahating patola. Blue Rose. Eh sobrang mahal niyan. Ang hirap pang makabili niyan. Paano siya makakabili ng ganyan kaagad?

Ghad. Masyado atang literal 'to. Prinsepe ka nga ba talaga bui? Haha.

"Uh... Kuya Evans?" Grabe. Out of words ako. Omg.
"Sorry kung nabigla ata kita. Gusto sana kitang maging kadate sa HS Ball" eh si Ver. Gusto kong sampalin yung sarili ko ngayon. Paano si Ver? Huyyyy. Ano ba Vher?! Dapat si Ver?! Badtrip. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bigla namang may isang familiar na tao ang kumatok mula sa pintuan ng bahay namin. Si Ver. Cheap man ang suot niya pero mas gwapo pa din siya.  Ano baaa? Ang hirap naman mag-decide. Okay na ang lahat eh. Sumingit ka lang prince charming eh.

"Ready ka na ba Ver? Lika na" Isa pa 'tong wrong timing oh. Dapat mamaya ka na pumasok sa eksena eh.

"Uh..."
"Ay, kadate mo pala siya?"
"Uh?" Okay. Fine. Ako na mukhang timang.
"Oo. kadate ko siya"
"Uh!" Pare-parehas lang sinasabi ko pero nag-iiba ang expression. Haha.
"Ow. Then, sabay-sabay na lang tayo na pumunta sa school. Pinahiram ako ni papa ng kotse. Andyan yung driver namin para ipag-drive kaming dalawa ni... I mean... tayong tatlo na pala..."
"Uhhh...." Nadagdagan na siyang ng madameng `h`. Hahahahaha.
"Okay. Sige" Pumasok si Ver ng bahay namin tapos hinawakan niya yung kamay ko then hinila niya ako papalabas. "Sige Tita Zerli. Babalik ko ng buhay 'tong anak niyo. Don't Worry." sabi niya habang hila-hila ako.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Naiilang ako. Pero okay pa rin. Gamit yung isa kong kamay, hinawakan ko yung ring na ginawa kong pendant. Ang tanda ng walang katapusang friendship namin ni Ver. Ang friendship namin na halos for 8 years na eh hindi pa din naglelevel-up. Haha.

Lumabas na rin nun si Kuya Evans. Nakakapagtaka. Bakit siya ganun? Siguro dahil kliyente ni mama yung daddy niya kaya nakikipagclose siya sakin. Pero ano ngayon diba? Anong connect?

"Sa unahan ka Vher..." Nagtaka kami ni Ver kung sino ba samin yung pinapa-upo niya sa unahan. Na-gets niya ata yun kaya naman sinundan niya pa ng isa pang statement. "I mean si Carol" Tinatawag na rin niya akong Vher kasi close na nga naman talaga kami. Sa text lang syempre. Haha. binuksan niya yung pintuan sa unahan tapos pinaupo niya ako nun. binulungan niya yung driver. mukha ngang pumapalag yung driver pero bigla na lang tumango tapos umalis bigla.

Okaaaay. Saan pupunta si manong driver?!!

Pumasok naman si Ver sa back seat. nakakahiya naman. Tiningnan ko siya gamit yung mirror na nasa kotse. Mukha siyang badtrip. nakatulala lang siya dun sa bintana. Hay nako Ver naman oh.

Sumakay na din nun si Kuya Evans sa driver's seat.

"Ikaw magdra-drive?" Whoa
"Yeah. Don't Worry. May lisensya ako." HA?! PAANO?!
"18 ka na ba?!"
"Hinde no. 15 pa lang ako. Nadaya lang." Tapos tumawa siya. "Nakakahiya no?"
"Hibang ka ba?!" Pwedeng makulong no?! WAAAAA.
"No. Just sick." tapos tumawa ulit siya. Seriously, dapat tumawa? Haha.

Magsasalita pa sana ako ng biglang binuksan ni Ver yung pintuan niya sabay sabi ng "Pupunta na lang ako dun mag-isa. Sige"


Pipigilan ko pa sana siya nun kaso mabilis siyang nakalabas ng kotse at mabilis din siyang naglakad papasok dun sa garahe nila. Mukhang badtrip nga.

"Hala. Si Ver..."
"Anung meron?"
"Wait. Kakausapin ko lang ha?" tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Wala akong naramdaman na spark. Napatingin ako ng mga 5 seconds kay Kuya Evans pero tinanggal niya din yung kamay niya sakin sabay sabi ng "Sorry..."

Wala akong masabi. Napatingin lang talaga ako sa kanya. Nawala lang yung pagkatitig ko sa kanya ng biglang may narinig akong tunog ng motor. Sakay ng motor na yung si Ver. Gamit niya yung motor ng kuya niya. Wala pang helmet. Badtrip talaga si Ver. Walang helmet. Badtrip. Lagot siya sakin mamaya! Bakit ba ganyan ang ugali niya?!"

"Huy lika na!" Lumarga naman na kami ni Kuya Evans nun. Nagsisimula ng topic nun si Kuya Evans kaso masyado akong nag-aalala kay Ver. Hindi ko na rin siya napapansin Nasa bayan na kami nun. Medyo malapit na din sa school namin. Kaso nga lang traffic na nun kaya lalo naman akong kinabahan. Anak ng tinapa talaga oh.

"Masyado kang nag-aalala kay Ver ah"
"Nakakainis kasi siya eh! Nagmotor! Eh walang helmet! Badtrip! Paano kung mabangga yun?! Paano kung mahuli siya ng pulis?! Lagot siya sa kuya niya! Lagot siya sa daddy niya! Lagot siya sa mommy niya?! baka maging grounded siya?! Paano kung...." Nun ko lang narealize na masyado na ata akong naghy-hysterical. Kaya nanahimik naman na ako.
"Relax ka lang. Okay lang yun. Okay?"

Naging kalmado naman na ako nun. Ayoko na. Nakakahiya na. so yun, ilang minuto lang naman ng tumigil na kami sa tapat ng school namin. Nagtinginan samin yung mga estudyante. kelan ka nga naman ba kse makakakita ng isang estudyante na nagdra-drive ng isang BMW. Kung ganito siya kayaman, bakit parang ang simple niya? tapos bakit dito pa siya sa chipangarutay na school nag-aral?! Bakit hindi sa isang executive na school?! Bakit sa isang private school na 10,000 lang naman ang tuition fee sa buong taon. Ang weird.

Pumasok na kami sa gate nun. Sa court gagawin yung HS Ball. Ang bongga ng lights at sounds. Grabe. Tapos ang daming tao. Pabonggahan pa ng suot. Hinanap ko si Ver nun. Pero hindi ko siya makita. So si Gigi na lang ang hinanap ko. Pero mukhang mas naunahan akong mahanap ni Gigi kesa sa mahanap ko siya. Haha.

"Bru! Bongga ka?!"
"Bru naman?! Asan si Ver?"
"Ay Bru. Andun sa may mga chairs and tables?! Kasama si Ate Rits?!"
"Ha? S-sino?"

Lumakas bigla yung sounds. isang patunay na magsta-start na yung program. May biglang kumausap kay Gigi kaya hindi ko na rin siya nakausap ng maayos. Nagkaroon naman ng corny na program. Hindi ko pa rin nakikita si Ver. Ano ba yan? Sumunod na lang ako kay Kuya Evans. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip nila? Nalalandian ba sila sakin o naiinggit sila? Hay nako.

Nagkaroon ng games pero hindi na ako sumali. Ang corny talaga. Sabi ko na nga ba eh dapat hindi na lang ako pumunta. Si Silverio naman kasi eh?! Nako naman.

And dumating na rin naman ang oras na pinakahihintay ng IBANG tao. yung oras na pwede mong isayaw yung gusto mong isayaw. Nag-reach out ng hand sakin si Kuya Evans pero syempre tinanggap ko naman. Nagsayaw kami. Tiningnan ko yung mga mata niya. Siya nga ba talaga ang prince charming ko?

Swak lang naman kasi sa kanya lahat ng nangyayare diba? Lahat ng mga gusto ko sa isang fairytale, parang kayang-kaya niyang gawin lahat. Pero kulang pa din. Wala akong maramdaman kaya halos wala rin akong masabi. Dahil sa wala akong masabi, parang yung eksena na 'to eh nawawalan ng importansya sa kwentong 'to. 2 minutes nangyare ang lahat pero parang wala lang. Parang walang nangyare. Nasulyapan ko nun si Ver  na pumaosok sa Building B ng campus. At gusto ko siyang sundan.

"Ay... Wait lang ha? May pupuntahan lang ako"
"Sige. Sure" Then, umalis na ako nun. Pumasok na rin ako sa Building B. Chineck ko yung mga rooms. Then may isang kwarto na naka-attract ng attention ko. Alam kong kwarto 'to ng mga third year. Tapos pinapaligiran yun ng mga glow in the dark na stars. Kaya pag madilim, ang cute naman talaga.Sinilip ko muna yung bintana. Then, nakita ko si Ver sa loob. bumilis ang pagtibok ng puso ko. hinawakan ko yung left side ng chest ko kasi feeling ko sasabog na yung puso ko. Bakit ako nagkakaganito? Hindi pa ba ako sanay na nakikita ko siya??

Pumasok ako dun sa kwarto ng dahan-dahan. Pero kahit ganun, mukhang naramdaman niya ang presensiya ko. Lumingon siya sakin. Ang ganda nung scene. Madilim. Tapos napapaligiran kami ng mga naiilaw na bituin. Parang isang fairytale. Parang isang perfect romantic scene. A perfect setting with the perfect guy. But in the wrong time.

"Ver?"
"Oh bakit ka andito?" Nakita ko siyang ngumite pero mabilis na nawala yun.

Rinig na rinig namin yung tugtog sa labas. Biglang tumutog yung kantang `Your Song` ni Ellie Goulding.

Lumapit ako sa kanya tapos inistretch ko yung kamay ko sa kanya. 

"Isayaw mo ako"

a rush of memories began


It's a little bit funny
This feeling inside me.
I'm not one of those who can
Easily hide.

Naalala ko nung sinagip ko siya mula sa pagkakalunod. I stretched out my hand. First time kong pumayag na makipagholding hands sa isang lalake. At first time ko nun na magka-crush. First time kong kiligin. First time kong maka-feel ng butterflies in my stomach. First time kong hindi makatulog dahil sa isang lalake.

Hinawakan niya din yung kamay ko. Bumabagal ang mga pangyayare. 3 seconds. pero parang.... parang 30 minutes of happiness. Pinull niya ako papunta sa kanya ng unti-unti. Gently, hinawakan niya yung hips ko tapos tinaas niya yung right hand ko.

I don't have much money
But boy if I did
I'd buy a big house where
We both could live.

"Anong nangyare sayo kanina?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Sorry. Nahibang ako kanina eh"
"Ha? Bakit?"
"Nag-drama ako. Feeling ko kasi hindi mo na ako kailangan..."

So excuse me forgetting
But these things I do.
See I've forgotten if
They're green or they're blue.

Nagpatuloy yung kanta. And sana hindi na matapos. Eto na kasi yung ideal dance ko. yung tipong nagalaw pa yung mga stars. Nasunod yung tingin ng mga bituin sa bawat pag-ikot niyo sa buong room. yung tipong ang purpose lang ng mga stars is to shine for both of you.

"Paano mo nasabi?" Nasigh muna siya.


Anyway the thing is...

What I really mean...
Yours are the sweetest eyes
I've ever seen.

"Alam mo kasi... siguro siya susunduin ka niya gamit ang BMW na kotse... pero ako Motor lang... minsan wala pa... ang kaya ko lang gawin para sayo eh ilakad ka... eh samahan ka lang para makapaggala... eh samahan ka lang na sumimoy dun sa gwapong nakatira sa may tindahan... yun lang..." naluluha ako nun. nakakatouch kayaaa!
"Eh di sasakyan kita!" Tumawa naman siya nun.
"Tapos siya kaya ka niyang bigyan ng isang bouquet ng roses. Mas madami pa dun..."
"Eh di magtatanim tayo ng isang hardin ng roses. Oh di ba mas marami yun?" tumawa ulit siya.
"Kaya ka niyang dalhin sa isang sosyal na restaurant at ipakain sayo ang pinakamahal na pagkain dun..."
"Eh alam mo namang favorite ko yung siomai diba? kaya mo akong dalhin dun. O pwede din namang magluto tayo. Enjoy pa tayo diba?"

And you can tell everybody
This is your song.
It maybe quite simple but
Now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind
That I put down in words
How wonderful life is
Now you're in the world.

Ngumite siya nun. Grabe. Ang babaw ng mga dahilan pero natatawa na din ako. Hahaha. Ang bagal ng pangyayare and I'm liking it.

"Kaya ka niyang ibili ng malaking mansiyon. Eh ako, baka dog house lang magawa ko para sayo"
"Eh di gagawa tayo ng bahay! Magtratrabaho tayo bilang construction worker!" 

Natawa na naman siya nun. Haha. Pati ako din natatawa na eh. Mukha lang akong timang sa mga sinasabi ko.

If I was a sculptor
But then again no.
Or a girl who makes potions in
The travelling show.
I know it's not much but
It's the best I can do.
My gift is my song and
This one's for you.

"Eh siya kaya niyang..." Pinatigil ko na siya nun. Masyado kasing negative 'tong best friend ko eh.
"Wag ka ngang magfocus sa mga ganyang bagay. Isipin mo na lang... na hindi niya kayang mag-alay ng sayaw para sakin... na hindi niya kayang patagalin ang oras katulad ng ginagawa mo ngayon... na hindi niya naman talaga kayang makisakay sa lahat ng gusto ko... ano ka ba? sa milyon-milyong tao sa mundo, ikaw ang pinaka nakakakilala sakin..."

Oh... 

And you can tell everybody
This is your song.
It may be quite simple but
Now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind
That I put down in words

Ngumite siya nun. Patapos na yung kanta ng bumitaw siya sakin tapos tumingin siya sakin ng diretso.

"Potch.Bes. Bestfriend Tots. Panget. Bruho. Ver. Mokong. Yats. Tabs." *ngite* "Chong. Palits. Pards. Potpot. Chupot. Chups. Chum" *tawa* "Eight years na pala. Ang dami ng dumaan na tawagan pero hindi ka pa rin nagbabago"
"May nakakalimutan ka pang tawagan oy?!"
"Ano?"

How wonderful life is
Now you're in the world.

"Kapatid"




Official Soundtrack: Your Song by Ellie Goulding

No comments:

Post a Comment