Sunday, December 19, 2010

Chapter 8

So yun, syempre lumabas na din kami sa kwarto nun. Ma-issue pa kami kapag nahuli pa kami dito eh. Haha. Nagtatawanan pa kami nung palabas kami. Makapag-joke pa naman kasi. Badtrip eh. Ayun, naiisip ko lang na paano kung si Ver yung prince charming ko? Hindi rin naman malabo diba? Pero malabo talaga eh. Ay sige, ako na lang ang malabo. Haha.

Sakto na pagtapak namin sa labas nung classroom eh nakita namin si Kuya Evans. Naka-lean siya sa wall tapos nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya. Ang astig ng aura niya. Para kang nakakakita ng sobrang gwapong anime. Tapos yung tipong may flowers pa sa background niya habang ginagalaw niya yung buhok niya. Ay grabe naman ako mag-imagine. Syempre, nagback to reality na din ako. Napatitig din pala ako sa kanya ng matagal.

"Ay. Kuya Evans! Sorry po" Nahihiya ako nun pero nakita ko siyang ngumite kaya biglang gumaan yung pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang nadadala ako sa mood niya. Nakita ko yung mga mata niya. Sadness. Hindi ko alam kung bakit pero yun yung sinasabi ng mga mata niya. There's something. At nabagabag akong bigla sa kung ano mang meron behind the emotions of such a perfect guy like him.
"Don't worry. Do you want me to drive you home?" English pa. Grabe. Lumabas ang pagkatalino at pagkasosyal niya ha. Nakakapanglumo.
"Ay hindi na. Andito naman si Ver. Siya ng bahala sakin" Pinilit kong ngumite. Nakita ko din na ngumite si kuya Evans pero halatang fake. Alam ko yun kasi madalas akong nagpapakita ng fake smile noon. Nung buhay pa si Tella. Lalo na nung nagsta-start akong kutuban na may gusto sa kanya si Ver. Grabe. Mukha ngang hindi ako ngumingite ng totoo nun eh. Too much drama for a kid huh?
"Okay. Fine. Kailangan ko na ring umuwi." Parang nangingig yung kamay niya nun. Siguro nalalamigan. Then nag-cough siya. Siguro, wala lang naman yung cough. Halatang isang simpleng ehem lang naman yun. Then inayos niya yung suot niya. "Sige. I'll better go. Text na lang kita Vher"
"Sure" sabay naming sinabi ni Ver. Bakit kasi magkapareho kami ng nickname eh?! Haha. Tumawa lang nun si Kuya Evans then tumalikod na siya and lumabas na siya ng building namin. Dun lang ako nagtaka kung gaano na katagal si Kuya Evans sa labas ng classroom na yun. And halos 30 minutes pa lang kami dun sa party and nag-decide na siyang umuwi.

Ayoko namang isipin na nagselos siya. Masyado pang maaga dun. Ang in the first place, impusible na isang katulad niya eh magkagusto sakin. Pero teka. Cinderella had the chance to make the handsome prince fall for her. Ako kaya may chance din?

So yun, nagpatuloy pa rin yung party. Magkakasama kami ni Ver, Gigi at Ate Rits. Mabaet naman si Ate Rits. Mukhang naporma sa kanya si Ver. Fake smiles ulet. Hindi na mabibilang sa sobrang dami. Haha.

Dahil mabwibwiset lang ako, ifast forward natin sa katapusan nung HS Ball. Naghintay kami ng jeep ni Ver at Gigi. Nakakamiss si Tella. Dati kaming apat yung sabay-sabay na naghihintay ng jeep. Grabe. Bakit kasi maaga siyang kinuha ni Lord? Super heart broken tuloy netong si Silverio. Sumakay na rin kami dun sa jeep. Naunang bumaba si Gigi kasi iba yung subdivision niya samin ni Ver. Then bumaba na kami sa may rotonda. Napagpasyahan namin nun wag sumakay ng tricycle papunta ng clubhouse. Tipid pamasahe na din tsaka wala lang. Mas masaya 'to. Mas matagal ko siyang makakausap.

Nagiging awkward na rin yung feeling ko habang naglalakad kami. Napapatingin ako sa kanya pero syempre inaalis ko rin yung tingin ko sa kanya. Baka magwapuhan ako masyado eh. Hahaha.

"Uh... ano... Sinayang mo yung opportunity..."
"Hm? saan?"
"Kay kuya Evans... sayang yun... ihahatid ka pa sa bahay mo gamit yung BMW niyang kotse" Napangite ako nun. yan na naman yung pagiging bitter niya. Hahaha. Tumigil siya nun. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumite siya nun na parang abot langit na kasi nawawalan na siya ng mata.
"O bakit ka tumigil?"
"Angkas ka sakin. Dali" tumalikod siya sakin. Natawa ako nun. Piggy Back Ride eh. Haha.
"Nakakahiya" Kahit madilim pa kasi nun. Madame pa ring tao no.
"Dali na. Wala naman tayong kotse ngayon eh. Wala na din yung motor. Kinuha ni kuya diba?" Sabi ko nga. Tumingin muna ako sa right and left side ko then inalis ko yung high heels kong sandals then umangkas na ako sa kanya. Nakakahiya, nakapalda pa man din ako nun. Hawak ko nun yung sandals ko habang nakakapit ako  sa kanya.
"ang bigat mo pala"
"Ang gaspang neto." Tumawa lang naman siya nun. Ang sarap ng feeling. Nung nasa may clubhouse na kami, sumuko na siya. Malamang, sobrang layo kaya nun.

"Grabe. Nakakapagod. Hindi ko na kaya. Sobrang bigat mo!"
"ikaw ba naman kase nagpapakamartyr pa"
"Eto talaga, hindi man lang nagpasalamat..."


Nagsimula na ulit kaming maglakad nun papunta naman na dun sa phase namin. Tumigil siya nun. For sure, sobrang pagod yun.

"Teka lang. Pwede bang huminga muna?"

Nagcross ako ng arms ko nun tapos tumitig ako sa kanya habang hingal na hingal siya dun. Ang cute niya. Pero kahit na pagod siya, nakuha pa rin niyang ngumite sakin. Biglang kumulog nun. Tumingin ako sa langit nun and then naramdaman ko na may tubig na biglang tumulo sa noo ko. 

Umuulan na pala.

"Hala. Naulan na. Ang bagal mo naman kasi eh" Kinuha ko yung payong ko sa body bag ko. Aba, girl scout 'to. Haha. Pinayungan ko siya nun. ang tangkad niya. Ang hirap tuloy payungan. Kailangan talaga na naka-stretch yung kamay ko para mapayungan lang siya ng maayos. Kinuha niya sakin yung payong bigla. Aba, para sa kanya ang dali dali lang hawakan yung payong. Inakbayan niya ako nun then nagsimula na kaming maglakad.

"In love ka na siguro sakin no?" Teka, pano mo alam? Haha
"A-asa naman. Ang panget ng ugali mo eh. Lagi mo nga ako inaaway tapos magkakagusto ako sayo..."
"Tama ka." Then, tumawa siya. Hindi ba niya nagets na hinihintay ko lang siya na amuhin ako at pilitin ako na sabihin sa kanya na may gusto naman talaga ako sa kanya. "Wag kang magkakagusto sakin ha?"
Sakto nun nasa tapat na kami ng mga bahay namin.Ngumite muna sa kanya habang papasok na ako sa gate.

"Oo talaga. Promise." Ngumite siya then pumasok na siya sa bahay nila. Sa totoo nga lang, mas nauna siyang makapasok sa bahay nila kesa sakin. Naging mabagal na rin akong kumilos nun. Siguro kahit sabihin man lang niya na joke yung pagkakasabi niya nun, parang tagos pa din. Kailangan ba talagang sabihin yun?

Pumasok na ako sa bahay namin nun. Nagkwekwentuhan kami ng kaunti ni mama. Architect kasi si mama. Nagdedesign siya ng mga bahay. So yun nabanggit niya sakin na dindesignan niya ng bahay si Kuya Evans. Well, syempre request galing dun sa daddy ni Kuya Evans. Ang yaman talaga no? Masyado ngang minamadali si mama eh. Eh may mga nauna pa namang kliyente sa kanila kaya grabe sila mag-offer ng money para lang unahin ni mama yung pagdedesing ng bahay nila.

Well, masyado silang demanding. Gusto nila ng bahay na may dalawang floors tapos dun sa second floor marame daw na windows. Sabi pa nga daw yung second floor eh dapat 75% windows at 25% walls. Ang timang no? Gusto ko ngang tanungin si Kuya Evans kung bakit ang weird nung pinapadesign nilang bahay. Haha.

After ng bonding time namin, tumaas na ako sa kwarto ko and nagshower at nagpalit na rin ng damit. Tulad ng dating kinagawian, binuksan ko yung bintana ko para masulyapan ko si Best friend pogi. Haha.

And andun na nga siya. Nakabukas din agad yung bintana niya tapos nakasilip na rin siya dun.

"Ang tagal mo ah..."
"Hinihintay mo 'ko?"
"Ha?... hindi a-ah.."
"Wushu..."

Tumawa lang naman ako nun. Kumuha ako ng pamaypay dun sa tabi ng kama ko. Ang init kasi ng panahon ngayon. Ang abnormal ng panahon eh. Ramdam na ramdam ko na ang climactic change. Haha.

"Grabe. Ang init. Sana naman mag-snow sa Pilipinas?!"
"Oo nga eh" Tumawa siya. Nawawala talaga yung mata niya pag nakatawa. Ang cute. Haha.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-ano. Napagplanuhan pa nga namin na gawan ng bridge yung bahay naming dalawa eh! Ang panget naman kasi, naguusap kami sa bintana. Hahaha. Hindi kami makapaglaro ng Monopoly o di kaya scrabble pag ganito. 

So yun, inantok na rin kami kaya napagpasyahan na naming matulog.

Wala kaming pasok ngayon. Saturday eh. Nagmukmok ako sa bahay buong araw. Syempre, nagsipag ako na gumawa ng mga assignments. Ang bilis ng panahon. Dalawang araw na lang July na. Magiging masaya ang buwan na 'to. Intrams eh. Yun pa naman ang pinakapaborito ko kahit na wala naman akong sport na sasalihan. Haha.

Dahil wala namang masyadong nangyare, ifast-forward na natin nung gabi. Kasama ko si Tami sa loob ng kwarto ko. Inaayos ko yung buhok niya nun at nagkwekwentuhan rin kami. Bonding time din namin 'to eh. Kwinekwento niya rin kung gaano kasaya ang highschool life niya. Nakakainggit nga. Sana naging katulad ko siya nung 1st year highschool ako para hindi ako invisible ngayon. 

Kasabay ng pagkwekwentuhan namin eh biglang nag-vibrate yung cell phone ko. Dahil tamad ako, ginamit ko yung paa ko bilang pangkuha sa cell phone ko. Haha.

tiningnan ko kung sinong nagtext.

From: Silverio
Buksan mo bintana mo. Haha ^_^

Nacurious naman ako kung bakit niya pinapabukas yung bintana sakin. So ako naman etong in love sa kanya (Hahaha), binuksan yung bintana. Naki-usi nga 'tong si Tami eh.

Nanlaki yung mata ko kasabay ng pagsabi ni Tami ng "Woooooooow"

Nagsno-snow na pala sa Pilipinas ngayon...

No comments:

Post a Comment