Friday, January 14, 2011

Epilogue

Lumipas ang ibang days... Nakawala din ako syempre sa ospital na yun no at nagsisi na din ako.. Ang sakit pala ng dextrose no? Nakakatrauma na... Ayoko na! Hahaha. At syempre, umayos na din yung paa ko, nakalaya na din ako sa pagdadala ng saklay araw-araw sa pagpasok. Infairness, sobrang hirap nun no?! Muntik ng hinding kayanin ng powers ko...

Medyo sumigla na din naman ako nun. Ayoko na ring maging emotional ngayon. Pinipilit kong maging masaya kahit na sa likod ng lahat eh may tinatago pa din akong kalungkutan. Minsan nga kapag ako na lang ang mag-isa, pinipikit ko ang mga mata 'ko at nagwiwish ako na sana pagkamulat ko ay makita ko ulit siya. Pero ilang beses ko ng triny eh wala pa ding nangyayare.

Siguro nga, hindi siya ang prince charming ko. Siguro, hindi siya ang leading man ko sa storyang 'to. Baka may iba naman diba? Hindi rin natin alam. Ang tanging ginawa lang naman niya sakin nun ay i-recreate ang isang perfect love story para sakin... sinabi niya na dapat magkakabungguan kami... sa una, ay hindi magkakasunod pero madedevelop kami at magiging kami na forever... wala kaming problema kasi mahal namin ang isa't-isa... naalala ko yung mga memories na yun... natatawa na lang ako pero at the same time, nakakamiss naman talaga...

Ano na bang nangyare sa ibang tauhan ng kwento ko?

Well kay Gigi, ayun naman best friend ko pa din siya. Makulit pa din siya at palagi niya akong napapatawa. Mukhang swinerte naman siya sa taong 'to dahil nagkaroon na rin siya ng sobrang gwapong boyfriend?! daig pa ako ahh!!
So yun kay Josh naman, wala pa naman siyang bagong girlfriend! kagwapo-gwapo at sobrang lupet netong bumanat, pero mukhang hindi effective sa mga babae ngayon. malas ata siya sa taong 'to. Haha
Kay Gian naman, ayun! Naging sila na ni Ate Pat! Nakakatuwa no? Mukha ngang seryoso na si Gian kay Ate Pat eh.
Kay Prince naman, ano bang nangyayare sa kanya? Wala ata!! Wala siyang nililigawan pero mukhang lahat ng may gusto kay Ver dati eh nagkagusto sa kanya... Ano naman kaya yung pinasa sa kanya ni Ver no?! Haha
Kay Ate Rits at kay Kuya Evans, normal na nun si Kuya Evans at naging sila na din ni Ate Rits... Masaya nga ako sa kanila eh... Mukha talagang magtatagal sila eh... Mukhang forever na eh... Naiingit nga ako eh... Pero okay na din 'to... Puso naman ni Ver yung na kay Kuya Evans eh (well, according lang naman sa theory ko)
At sa pamilya naman ni Ver, tinuloy na nila ang pagpunta sa Canada... malamang naman ay nasaktan din sila sa pangyayare at mukhang nakakarecover din naman sila...
Si Tami at Bojie naman, ganun pa din, makukulit pa din. Walang pinagbago. Pero lalo akong napalapit sa kanila.
Kay mama naman at kay papa, lalong naging tight yung pamilya namin. ang saya nga eh. mukhang lahat ng pinagdaanan ko ay pinagdaaanan din nila kaya sobrang saya ko na magkaroon ng pamilya na katulad nila...

At ako naman? Walang lovelife eh... Mukhang hindi ko pa din makita ang isang tao na pwedeng lagpasan si Ver...

So yun, March na din ngayon. To be more specific, last day na nga pagiging Second Year ko... Grabe, next year ay Third year na ako! Siguro maiingit sakin si Ver, hindi kasi sila makakaranas ng Prom eh! Hahaha. Joke lang!

March 19. Last Day


Napagpasyahan namin ni Gigi nun na maggala sa SM nun. Tutal naman last day na eh. So sumakay naman kami sa jeep nun. Mabilis lang ang byahe. Hindi naman masyadong traffic eh. Pero mukhang minamalas, ang sikip sa jeep. Kasabay ng school namin ang Last day din ng ibang school. Ang init tuloy sa jeep! Hindi ko makeri.

So pagkatapos naman ng sobrang hot na byahe na yun, bumaba na din kami sa SM. Parang kaming nakalanghap ng sariwang hangin pagpasok naman sa di-aircon na mall. Ang sarap magpalamig! Hahaha

So yun, tumingin-tingin lang naman kami dun sa mga stores... may nakita ako nun na dress... so yun, nashare ko lang naman... tinitigan ko pa yung dress na yun ng bigla akong napatingin sa isang pamilyar na tao..

Bumilis yung pagtibok ng puso ko... Kitang-kita ng dalawang mata ko na nakatingin sakin si Ver... kinabahan ako nun... lumabas ako bigla ng store nun pero hinigit ako ni Gigi nun...

"oh saan ka pupunta?" tanong naman niya sakin.
"may susundan lang ako! wait ka lang dyan. okay?!!" binitawan ko siya nun at kumaripas ako ng takbo.

hindi ko alam kung saan ako titingin pero bigla ko ulit siyang nakita. dumadami na din yung mga tao nun. nagkakasiksikan na rin. hindi ko na nga rin alam kung sang parte ng SM ako naroroon eh. pero nakikita ko pa din siya. bumilis yung pagtibok ng puso ko. naluluha na ako nun. hanggang ngayon nga talaga eh, siya pa din ang hinahabol ko. mahal na mahal ko nga talaga siya...

hindi ko na nun makita siya... badtrip ako sa sarili ko nun... pakiramdam ko naloko ako... pakiramdam ko parang dinala niya ako sa kung saan man... naglakad pa ako ng paunti-unti ng biglang may bumunggo sakin nun... hindi ko pa nakikita yung itsura nung lalaki na nakaitim at nakajeans na nakabunggo sakin... napatungo na lang ako nun...

"Pwede bang tingnan mo yang dinadaanan mo?" hindi pamilyar sakin yung boses nung lalaki pero mukhang wala na din naman akong pakielam. napaiyak na lang ako nun. naalala ko si Ver. nakita ko siya... hindi ko alam kung ano bang plano niya... iyak ako ng iyak at mukhang naghysterical yung lalake na nakabunggo sakin...

"ayy miss...bakit ka naiyak?! nakakahiya?! sorry na miss?! masyado ata akong nagsingit?! wag ka ng umiyak please! nakakahiya na talaga?! baka akalain nila na tayo tapos nakikipagbreak na ako sayo!" sabi naman niya sakin. napatingin ako sa lalaking nakabunggo sakin. parang gamit naman ang peripheral vision ko eh nakita ko si Ver sa likod niya ng nakangite pero sa isang kurap ko lang, eh nawala bigla si Ver. tiningnan ko ng mabuti yung lalaki... moreno at magkasingtangkad sila ni Ver... parehas din ang kayabangan na linalabas nila ni Ver... matangos ang ilong niya at sobrang ganda ng mata niya... parang pamilyar nga yung mga mata eh...gwapo siya... at hindi ko matatanggi yun... hindi ako makapagsalita nun... naluluha pa din kasi ako eh...
"sorry talaga miss! pero baka akalain talaga nila na... kahit na type kitang maging girlfriend pero kahit na... sorry na talaga miss..." bigla akong napangite dun sa sinabi niya. ang daming tao na dumadaan samin nun. napatingin ako sa mga mata niya at pinunasan ko din yung luha ko nun.
"okay lang..." sabi ko naman sa kanya. ibang klase talaga si Ver... hindi ko alam kung 'to ba talaga ang plano niya pero mukhang 'to na eh...
"uh miss... siguro, pwede naman na mayaya kita for lunch diba?" pasimpleng banat naman niya sakin. hindi ko siya kilala pero nakakatawa ako sa harapan niya.
"grabe kuya ha? hindi pa nga kita kilala eh..." natatawa ko namang sinabi sa kanya.
"ayy ganun ba..." nagreach out siya ng hands sakin sabay sabi ng "Hi. I'm Blake... and you?" natawa na lang ako sa kanya nun. Blake pala ang pangalan niya. Nice one...
"I'm Vher..." nakipagshake hands ako sa kanya nun. infairness, bentang benta ang ang mga banat niya.
"So magkakilala naman na tayo diba? then, agree ka na?" tumango na lang naman ako sa kanya nun. syempre, sinundo naming dalawa si Gigi. nagulat nga si Gigi eh. parang daw akong nakasungkit ng malaking isda. hahahaha. Si Ver talaga! hindi man lang ininform sakin na may ipapakilala pala siya?! badtrip talaga yun oh?! hindi ako prepared...

kumaen lang kami sa foodcourt nun... masayang kausap at kasama si Blake... madami siyang kwento pero masasabi mo pa din na kahit ganun eh, may tinatago pa din siyang sikreto... malamang, lahat naman diba... may napansin ako sa kanya nun... napansin ko nun yung kwintas na star na nakasuot sa may leeg niya... parehas ng sakin...

"yung necklace mo... magkaparehas tayo..." hawak ko nun yung necklace ko tapos hinawakan din niya yung necklace niya. wala nun si Gigi kasi bumibili siya ng halo-halo sa ibang stall.
"wow... meant to be ata tayo ah..." pajoke naman niyang sinabi.
"I like to know the story behind that necklace..." sabi ko naman sa kanya ng seryoso. mukhang nagtaka nga siya sakin eh. siguro narealize niya na chismosa ako sa mga bagay-bagay. "kasi yung akin, binigay ng boyfriend ko..." medyo napalayo nga siya nun eh. "kaso namatay na siya eh..." pinilit kong ngumite nun. "sayo?" huminga siya ng malalim nun.
"binigay ng mom 'ko..." mukhang nahihirapan pa siya na hanapin yung mga words para sa statement niya... "last eyar lang 'to... bago sila magaway ni papa... umuulan pa nun... bago bumangga yung kotse na sinasakyan namin... bago siya namatay... at bago ako nabulag..." bumilis yung pagtibokg ng puso ko. nagagawa niya pa ding ngumite kahit na ganun.
"sorry... pero di ka na bulag ngayon..." tumango siya nun.
"nagkaroon kasi ako ng donor..." kinabahan ako nun... "nung January lang... to be specific, January 6... may isang teenager daw na namatay dahil binangga ng truck yung sinasakyan nila..." napapatulala ako nun. January 6.... dun namatay si Ver... dun nabangga yung kotse nila ng isang truck... "thankful ako sa taong yun... pakiramdam ko nga ang bait niya eh... pati kasi puso niya nakaregister din na idonate... masaya siguro siya na nakatulong siya no..."


tumibok ng sobrang lakas yung puso ko. napangite na lang ako sa sinabi niya. ayokong umiyak nun. ayokong magpakita ng kahinaan. tiningnan ko yung mga mata niya. may resemblance nga sa magagandang mata ni Ver... ibang klase talaga siya... full of surprises... parang nakita ko si Ver nun kay Blake pero sa isang kurap ko lang eh bumalik na din ako sa realidad...

dumating si Gigi nun na may dalang halo-halo... nagpatuloy yung kwentuhan naming tatlo... humangin ng malakas nun... nagkataka nga ako eh, paano magiging mahangin sa loob ng SM? bigla na lang akong may naramdaman sa bandang paa ko... nagulat ako nun na parang may papel na nilipad sa paa ko...

kinuha ko yun at narealize ko na photo paper yun... tiningnan ko yung litrato at bumilis yung pagtibok ng puso ko...

picture yun na kinuha mismo ni Ver...
isang picture kung saan enjoy ako nun sa snow na ginawa nila....

The End ♥