Thursday, December 30, 2010

Chapter 33

Hindi nun nakaimik si kuya Evans. nagtawanan na lang kami kaya parang nagmistulang joke lahat ng sinabi ko sa kanya. syempre, nakapagkwentuhan din kami tungkol sa kung anu-ano. minsan nga sinisingit ko yung pang-aasar ko sa kanya kay Ate Rits. sa totoo lang, mas bagay naman talaga sila kaya sigurado ako na they will make a good couple. mahal na mahal ni Ate Rits si kuya Evans eh. while si kuya Evans naman (kahit obvious naman), sinasabi pa rin na best friend niya lang si Ate Rits.

"kantahan mo ako..." bigla naman niyang sinabi ng nakangite. mukhang timang lang no? haha.
"hala! hindi ko naman forte yan no!" sabi ko naman sa kanya. tamang pakantahin ako?!
"sige na! baka bukas mamatay ako... sige ka... magsisisi ka!" nakatawa siya nung sinabi niya yun pero mukhang sineryoso ko yun. nawala yung mga ngite ko sa mukha.
"sige na nga! sorry ka na lang kapag umulan ha!" sabi ko naman sa kanya. tumawa lang naman siya nun.

All I hear is raindrops
Falling on the rooftop
Oh baby tell me why’d you have to go
Cause this pain I feel

kinantahan ko siya nun. feeling ko nga ang galing-galing kong kumanta eh. haha. nakapikit nun si kuya Evans tapos mukha namang ineenjoy niya lang yung boses ko. feeling ko nga din inaasar niya lang ako. loko talaga 'tong mokong na 'to. hahaha!!

It wont go away
And today I’m officially missing you
I thought that from this heartache
I could escape

nahahaluan na rin ng tawa yung kanta ko. nagmemake kasi ng mga funny faces nun si kuya Evans. parang bata lang eh. akala mo naman kagandahan talaga ang boses ko!

But I fronted long enough to know
There ain’t no way
And today
I’m officially missing you

medyo nahihiya na ako nun lalo na nung tumitig sakin si kuya Evans nun. parang ginagamit niya yung mata niya pang-communicate sakin kahit na wala naman akong naiintindihan sa bawat pag-blink ng mgag mata niya. napapangite na lang tuloy ako.

Oh can’t nobody do it like you
Said every little thing you do
Hey baby say it stays on my mind
And I, I’m officially

naisipan ko na rin na hanggang dito na lang yung kantahin. baka pag tinuloy ko, bumagyo na eh! haha

"hanggang dun na lang!" sabi ko naman sa kanya. natawa lang naman siya nun.
"maganda naman pala boses mo eh..." feeling ko nun namula ako sa sobrang pagka-flatter. haha "you should sing more often..."

tumango lang naman ako nun. akalain mong may talent pala ako sa pagkanta?!! haha. ang alam ko si Tami lang talaga ang magaling kumanta sa pamilya namin eh?!! wooo. at last, may nakapagsabi na din sakin na maganda pala ang boses ko... parang first time eh nu?

nagtuloy kami sa pagkwekwentuhan na tila walang katapusan. nakauwi kami ni mama dun nung bandang 6 pm na. pagod na pagod nun si mama kaya naman trinatry ko ang best ko nun na kwentuhan siya ng maraming bagay para medyo sumigla naman ang kanyang diva. 30 minutes lang ang naging byahe namin nun. kumaen na kami ng dinner nun. naunahan pa kami ni papa sa paguwi nun. happy family na naman kami. buo na naman eh. haha.

ako yung naghugas ng pinggan nun kasi duty ko eh. nagshower naman ako nun at nagpalit ng damit. umakyat ako dun sa kwarto ko. syempre, tamang oras para makapag-facebook. wala namang importanteng tao na online so sinarado ko na rin agad yung computer. tinatamad na din ako mag-facebook. ano naman kayang pwedeng magawa ngayon? napahiga ako dun sa kama ko... naalala ko yung mga ngite ni kuya Evans... mukhang masaya siya... natutuwa ako para sa kanya... bigla namang may kumatok dun sa pintuan na dating bintana... sigurado ako na si Ver yun... siya lang naman akong pumapasok dun eh... tumayo ako kaagad nun at binuksan ko yung pintuan... si Ver nga... malamang... nakangite siyang pumasok dun sa kwarto ko tapos umupo siya dun sa kama ko... meron siyang dalang envelope nun...

"oh anong ginagawa mo dito?" sinabi ko naman sa kanya ng pabiro. tinabihan ko siya dun sa kama ko. syempre, nakaupo din ako.
"ayaw mo bang malaman ang good news at super good news??" tanong naman niya sakin. mukhang masaya siya. mukhang may dala nga siyang good news para sakin. hahaha.
"oh talaga? ano naman yun?" tanong ko naman sa kanya. medyo excited naman ako dun sa mga pinagsasabi niya.
"teka. ano bang gusto mong unahin ko? good news o super good news?" natawa naman ako nun. hindi naman ako natatakot na pumili kasi parehas namang good news diba? haha.
"yung good news muna!" sabi ko naman sa kanya ng nakangite.
"good choice!" sabi naman niya na parang nageendorse siya sakin ng isang produkto. haha. napapatawa nga ako nun eh. kinuha niya yung wallet niya mula sa bulsa niya tapos meron siyang kinuha na dalawang cards. nagtaka naman ako nun. "tingnan mo..." inabot niya sakin yung dalawang cards na yun. napangite ako nung marealize ko kung ano yung dalawang cards na yun.

tiningnan ko muna yung harap nung card kung saan 'to ang nakalagay:

ORGAN DONOR         * Keep this card
           CARD                            with you where it can 
                                          be found easily

     I would like to help someone to
    live after my death

Naalala ko nun si kuya Evans. napahawak ako dun sa left side ng chest ko habang binabasa ko yung nasa harapan nung card. tiningnan ko naman yung likod ng dalawang cards. tig-isa pala kami ng card nun ni Ver.

                                                                    date: October 28, 20xx
In the hope that I may help others, i wish to donate after my death my:
A.    Kidney             Liver                        Pancreas
      Eyes             Heart & Lungs          Others              
B.       Any needed parts or organs to be used for transplantation,
                                 research or education
Donor Caroline Miles D.C Benitez   Birthdate September 3, xxxx
Signature                                          Tel no. 639-xxxx
 Witness                                       

napangite ako nun kay Ver. grabe, kaya pala hindi siya pumayag sakin nung birthday ni Tella para dito. hindi ko napigilan yung pagpatak ng luha ko. ewan ko ba. siguro, ginawa niya 'to para kay Kuya Evans. parehas na kaming registered organ donor. napayakap ako sa kanya nun.

"Thank you Ver!" sabi ko sa kanya nun. humiwalay din ako sa kanya tapos pinunsan ko yung luha ko.
"oh meron pang isa?!" sabi naman niya sakin ng nakangite.
"ano naman yang super good news?!" tanong ko naman sa kanya. lalo akong naexcite. binuksan niya nun yung envelope tapos meron siya saking pinakita na isang papel. parang document na ewan eh. kinuha ko yun. nanlaki yung mata ko. bumilis yung pagtibok ng puso ko. hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. naguguluhan ako sa kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

EASTERN CANADA HIGH SCHOOL

November 9, 20xx

Silverio Ricardo Martin (22196875)
Laguna, Philippines

Dear Silverio,
            It is my pleasure to inform you that the Admissioner's committee has granted you provincial acceptance to Eastern Canada High School this 20xx. Tests are required for you to fully confirm this admission. Check your mails for the schedules of your exams.

            We look forward to having you as a student in year 20xx!! Cheers!

Sincerely,
Chris Jobenson
Executive Director
Eastern Canada High School Admissions


Halos hindi ako makapagsalita. Isang admission paper yun galing sa  isang school sa Canada.

"matutupad na mga pangarap ko Vher!!" ang saya-saya niyang sabihin yun. "kasi at last! makakasama na namin si mama tapos makakapag-aral na ako sa ibang bansa..." pinilit kong ngumite kahit na parang ang hirap maging masaya para sa kanya lalo na't naiisip ko na iiwan niya na rin pala ako...

No comments:

Post a Comment