Saturday, January 1, 2011

Chapter 41

nagkaroon pa ako ng pagdududa kung ako nga ba ang dapat na unang magsorry at pumansin kay Ver... hindi naman sa ayokong umamin na akong mali... pero kasi wala naman talagang mali eh... wala naman talagang may kasalanan... sa totoo lang, mahal naman namin ang isa't-isa kaso ang mahirap lang kasi eh parang nalalayo kami sa isa't-isa... kung siya, kaya niyang tiisin ang lahat yun, aba ako hirap na hirap magtiis... eh mahal na mahal ko siya eh...

pero siguro kailangan ko naman talagang lunukin nun yung pride ko para pansinin siya... kakauwi ko lang nun galing eskwela... hinatid ako nun ni Kuya Evans kaya medyo nagkausap pa sila ng kaunti ni mama... pero nagulat ako nun nung nakita ko si Ver dun sa sala namin... nakaupo siya dun sa sofa... nagkatinginan kami nun pero parehas kaming hindi nakapagsalita...

"sige po... mauuna na ako.." sabi naman ni Kuya Evans... tumango lang naman nun si mama...then, umalis na din si Kuya Evans... hindi ko na ring magawang magpaalam sa kanya kasi napatitig na talaga ako kay Ver na hindi naman ako pinapansin... tama bang magturingan kami na parang hangin lang?!
"Ay Vher! dito kakaen si Ver ng hapunan... wala kasi yung tita mo sa bahay nila... inaasikaso yung visa niya..." tumango na lang ako nun. parang nasaktan nga ako dun bigla eh... ayokong marinig yung word na `visa`. magkagalit kami pero ayaw kong mahiwalay siya sakin... "punta na kayo dito... kaen na tayo..." tumayo nun si Ver ng hindi ako tinitingnan. dumiretso siya dun sa dining area namin... napasigh ako nun tapos gusto kong umiyak nun... nababadtrip talaga ako sa lalakeng 'to...

syempre, umupo na din ako para kumaen... nagdasal muna kami at nagpasalamat sa pagkaen na nakahain sa harapan namin ngayon then yun, chibugan na din!

"paabot nung kanin..." sabi nun ni Ver. nakakasigurado ako nun na ako yung kinakausap ni Ver nung mga oras na yun. nakatingin siya sakin eh. kaso parang biglang naatubili siya at binalin niya yung tingin niya kay Bojie na nasa tabi ko lang... "uh... Bojie... paabot ng kanin..."
medyo nainis naman ako nun. alam kong ako yung kinakausap niya eh... pero bakit ganun? napadabog naman ako nun kaya napatingin sakin si Ver. nagulat nga ako ng siya lang ata yung nakapansin sa pagdadabog ko gamit yung kutsara ko eh. napasigh lang ako nun tapos binalin ko yung tingin ko sa  pagkaen ko... napapansin ko nun na nakatitig siya sakin... pero hindi naman siya nagsasalita... inubos ko ng mabilis yung pagkaen ko tapos tumayo ako kaagad...
"tapos na ako kumaen..." sabi ko naman.
"Oh Vher! Ikaw pa din ang maghuhugas ng pinggan ahh!" tumango lang naman ako nun kay mama tapos umupo ako dun sa may sofa sa sala.

pasimple kong sinisilip si Ver nun na mukha namang sinisilip din ako ng pasimple. imbis nga na mapangite ako, naiines ako kasi hindi pa rin kami nagpapansinan... dun ko naman narealize na tapos na pala silang kumaen lahat... nagsitaasan na nun si Bojie at Tami... si mama naman back to work dun sa mga drafts niya while si papa, nasa trabaho pa. haha. nakaupo pa rin nun si Ver sa may dining area... ayaw ko naman siya sabihan na umalis siya dun kasi ibig sabihin nun pinapansin ko na siya... so habang nililigpit ko yung mga pinagkainan nila... hindi ko maiwasan na makapagtinginan kami...

nagsimula na ako nung maghugas ng pinggan... medyo nagulat nga ako nun ng tumabi siya sakin at nakipagsiksikan sakin para lang makapaghugas ng pinggan.... hindi pa rin niya ako pinansin... medyo dumistansya naman siya sakin nun pero nasa tabi ko pa rin naman siya... tuloy naman ako sa paghuhugas ng pinggan ko... narinig kong umubo siya nun pero ayaw kong magpatinag... hangga't hindi siya namamansin, hindi ko talaga siya papansinin...

"Vher..." nagulat ako nung sinabi niya yung pangalan ko. bigla tuloy dumulas yung baso sa mga kamay ko. bigla ngang lumapit sakin si Ver nun tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko sabay tanong ng "nasugatan ka ba?" umiling ako nun. swerte ako ng hindi nabasag yung baso nun. nagpatuloy ulit ako sa  paghuhugas nun. syempre, binitawan ni Ver yung kamay ko nun tapos pinunasan niya yun... hindi ko pa rin siya kinakausap nun... syempre, natapos din ako sa paghuhugas ng pinggan kaya napagpasyahan ko na umakyat dun sa kwarto ko... napansin ko naman na sinundan niya ako nun hanggang sa kwarto ko...

"Vher..." muli niya ulit akong tinawag. napatigil ako nun at napatingin ako sa kanya. sinarado niya nun yung pintuan ko. dun ko narealize na kami na lang yung andun sa kwarto. lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Sorry Vher..." nakatitig siya sakin nun. parang biglang lumambot yung puso ko. hindi naman ako makapagsalita nun. bigla ngang may tumulong luha mula sa left eye ko eh. "sorry na... hindi kasi kita inintindi eh... sorry talaga..." yinakap niya ako nun ng sobrang higpit. hindi ko na rin naman napigilang umiyak nun. humiwalay siya sakin tapos tinitigan niya yung mga mata ko. hinawakan niya nun yung kanang kamay ko tapos hinila niya ako palabas dun sa pintuan na dati kong bintana... akala ko hanggang dun lang kami sa bridge nun kasi expected ko na hindi niya ako papapasukin sa kwarto niya pero nagulat na lang ako ng bigla niyang binuksan yung pintuan ng kwarto niya tapos hinila niya ako sa loob... binuksan niya nun yung ilaw... nanlaki yung mata ko sa mga nakita ko...

isa sa mga ding-ding nung kwarto ay pinagdikitan ng mga pictures ko... napatigil yung mundo ko nun at bumilis ang pagtibok ng puso ko... hindi na nga sakin nun makatingin si Ver ng diretso sa sobrang hiya...

"ngayon, alam mo na kung bakit hindi kita pinapayagan na pumasok dito..." natulala ako sa kanya nun. lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung dalawa kong kamay.
"i love you Vher..." napatango ako nun tapos hindi ako matigil sa pagiyak. kiniss niya nun yung noo ko then biglang nanlamig yung buong katawan ko.
"Sorry Ver..." sabi ko naman sa kanya.
"okay na tayo ha?" sabi naman niya sakin. ang lapit ng mukha naming dalawa nun. nanginginig ako sa sobrang saya nun... iyak tawa nga ako eh... mukha akong baliw... haha...
"okay na talaga tayo..." sabi ko naman sa kanya. hinawakan niya nun yung mukha ko. parang bumagal pa yung oras nun at yung nangyayare sa paligid namin... kiniss niya nun yung lips ko... sakto pang umulan nun pero nagmistulang pati yung ulan eh patigil-tigil din ang pagpatak... siguro, eto na ang pinakamatagal na kiss na magagawa namin ni Ver and perhaps the last kiss we can ever have... hindi ko alam kung bakit sinasabi ko 'to... parang wala ngang katapusan yung pangyayare na yun eh... parang pagkatapos nito, ramdam na ramdam ko na ang langit... naramdaman ko naman nun na nagalaw na kami then dun ko na lang narealize na nakasandal na ako nun sa may pader... ayokong tumigil... kung pwede ko lang itigil ang oras, ginawa ko na...

after 100 years (okay. ako na OA. haha), humiwalay na rin siya sakin nun tapos napatitig siya sakin. hingal na hingal kami nun. ganito ba talaga yung feeling pagkatapos ng kiss? parang first kiss lang namin ah... bumilis yung pagtibok ng puso ko... hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos hinalikan niya yun... napangite na nga ako nun eh... sobrang kinikilig na rin ako...

"i love you..." bulong ko naman sa kanya. nakangite lang siya nun tapos binitawan niya na rin yung kamay ko pero ganun pa rin yung distansya namin sa isa't-isa.
"kung hindi man tayo hanggang sa huli, gusto ko lang sabihin na hindi kita makakalimutan..." ang lamig ng feeling ko nun gawa siguro ng ulan. "mahal na mahal kita... tatandaan mo yan..."
"bakit mo sinasabi yan?" tanong ko naman sa kanya.
"kahit ano namang effort natin... natatakot ako na baka masaktan kita... kapag umalis ako..." gusto kong umiyak nun sa harapan niya.
"a-ano?" nahihirapan akong huminga nun at nasakit na din yung puso ko nun.
"bata pa tayo... makakakilala pa tayo ng ibang tao... paano kung hindi naman talaga tayo sa huli?" iyak ako ng iyak nun. ayokong paniwalaan yung mga salitang naririnig ko galing sa kanya.
"eh Ver naman! gusto ko ikaw lang... gusto ko tayo lang..." sabi ko naman sa kanya.
"hindi ko 'to sinasabi dahil ayaw ko sayo... sinasabi ko 'to kasi mahal kita at ayaw kitang masaktan..." nahihirapan magsink-in sakin yung mga pangyayare nun. ayoko ng marinig 'tong mga sasabihin niya.
"nagkakaroon ka ba ng second thoughts tungkol sating dalawa?" tanong ko naman sa kanya na parang nagpatigil sa buong mundo niya. nagkaroon ng kaunting katahimikan pero tumango din naman siya. parang akong na-heart broken nun... ang sakit sakit... pero mukhang wala na akong mailuluha pa... hindi ako makapagsalita... bakit ka ganun, Ver?!
"mahal kita... at naniniwala akong mahal mo din naman ako pero long distance relationship... mukhang malabo..." sabi niya sakin. unti-unti ng nadudurog yung puso ko nun.
"pero sabi mo dati hindi mo 'ko kayang palitan... akala ko ba sobrang mahal mo 'ko... akala ko ba dadalhin mo 'ko dun tapos dun natin itataguyod yung pamilya natin?! anung nangyare sa mga salita mo?!" iyak ako ng iyak nun.
"hindi ko alam..." hinawakan niya nun yung kamay ko.
"anong ibig mong sabihin? bakit mo sinasabi yan?" tanong ko naman sa kanya.
"siguro dapat na nating layuan ang isa't-isa... pinangako ko sa sarili ko na bago ko sabihin 'tong lahat eh yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan kita ng pagkatagal-tagal..." sabi naman niya sakin.
"ganun na lang ba kadali yun sayo?" nanginginig nun yung boses ko.
"syempre, sobrang hirap nun pero kailangan na nating masanay na malayo sa isa't-isa... palagi ka na lang naiyak dahil sakin... ayoko na magaalala ako sayo kapag nasa Canada na ako..." natutulala ako nun. nahihirapan na din naman ako nun.
"pero...pero mahal kita..." yun na lang ang nasabi ko...
"mahal din kita..." sabi naman niya. dun bumuhos yung luha 'ko. parang ayaw kong maniwala sa mga pinagsasabi niya. parang naglolokohan lang kami eh.

"kaso mas mukhang mahal kita..."

No comments:

Post a Comment