Thursday, December 16, 2010

Chapter 5

"See how I fall for you?" Badtrip. Sinabi ko ba talaga yung mga katagang yan? Malamang hinde. Nananaginip lang ako. Okay. Medyo minulat ko na rin yung mata ko nun. May hang-over pa din ako sa pagkakatama ng bola sa ulo ko. Masyadong malakas ang impact kaya naman yun, nahimatay na lang ako bigla. Napasabi pa ako ng `see how I fall for you` sa panaginip ko. Pano ba naman, si Ver este si Kuya Evans yung huli kong nakita bago ako magpaka-ala sleeping beauty. Haha.

Maayos naman ang pakiramdam ko. Parang wala namang bago. Dumating pa nun si mama. Nakita ko nga siya na kausap si...

sino nga ba?

bumaba na ako dun mula sa kama upang sumilip dun sa pintuan kung saan ko nakita yung mama ko na kausap si... si Kuya Evans... Ang swerte naman ni mama... Nakausap niya na si Kuya Evans... aba, ako hindi pa! Hahaha.

Masyado naman na akong nawiwili sa pagsilip sa kanila. Napapa-tip toe na nga ako eh! Hahaha. Sige. Ako na adik. Adik kay Kuya Evans. Hahaha. Joke.

So yun bigla namang lumingon si Kuya Evans sakin kaya bigla akong nagtago. Nakakahiya kaya! Sana hindi niya na-gets na sinisilip ko siya. Eh matalino yun! Baka nagets niya. Waaaa. Palamon na ako sa lupa. Ghaaaad. Sumilip ulit ako ng kaunti pero nakatingin pa din siya sa direksyon kung nasaan ako. Nakangite pa. Ang cute. Feeling ko nag-iinit bigla yung pisngi ko. Paano kung nagbla-blush ako?! Tapos nakita niya?! Naku po. Hahaha. Crush lang 'to. Relax lang. Chillaaaaax Men!

May bigla naman akong narinig na foot steps kaya dali-dali akong humiga dun sa kama ko tapos nag-acting na natutulog. Haha. Nakakahiya 'tong ginagawa ko ha! Mukha akong timang. Hahahaha.

Alam ko nun na pumasok sa clinic si mama pati si kuya Evans. Bigla akong napaisip, saan kaya nagpunta si Ver? Awww. Hindi naman sa siya ang gusto kong unang makita pero... bakit parang wala siya?? wala ba siyang pake sa best friend niya?? Hay nako. Melodramatic much?! Ayoko na. Kuya Evans na lang talaga. Hahaha.

Gusto kong buksan yung isang mata ko nun pero napaisip ako na mamaya na lang. Hahaha.

Na-over heard ko naman yung paguusap nila ni mama. malamang nasa iisa lang kaming kwarto eh.

"Ah. Opo. Mrs. Benitez, ako na pong bahala kay Carol" OMGGGG. Yung pangalan ko yun diba? OMGGGGG talaga. Kinikilig na ako. Napapangite na ako nun. Ang hirap magpigil ng ngite ah! Pero isang senyales lang yun na hindi niya talaga ako kilala. Malamang, tiningnan niya yung ID ko tapos hinulaan niya na lang yung nickname ko. Pero...teka lang... Wala pa kaming ID!?!! Paano niya malalaman yung pangalan ko?! Okaaay. Ang weird pero kinikilig pa rin ako. Hahahahaha.
"Ow sige Evans... May tiwala naman ako sayo eh... May dapat pa lang talaga akong asikasuhin sa office... pakisabi na lang sa kanya lahat ng bilin ko ha?" Teka... May tiwala?? Eh di ibig sabihin dati pa sila magkakilala ni mama!! Si mama talaga, hindi sakin sinasabi na may gwapo siyang kakilala sa school namin!?! Nakakainis naman oh?!
"Opo. Ako na rin po maghahatid sa kanya. Pakamusta na lang po ako kay Tito." TITO?!?!?! Kamag-anak niya ba daddy ko?! Kung ganun, awwww. Wala na kaming chance :((  Iyak na ako. Joke! Hahaha. Ako kaya yung tipo ng tao na hindi naiyak!
"Sige... Bye na Evans ha? Take care of my baby..." Okay. Sobra talagang nakakahiya si mama. As in to the highest level. Feel ko naman na ngumite nun si Evans. AAHHHH!! And feel ko na ang cute ng ngiteng yun?! Wooooo. Nakatalikod ako sa kanya pero feel ko eh nakatitig siya sakin tapos buong mukha niya eh nakikita ko. Ang cute ba naman kasi. Hahaha. Nafeel ko na rin na umalis na si mama nun. May narinig kasi akong footsteps. Mga two minutes lang ang nakakaraan ng naramdaman kong may tumapik sa likod ko. Nakaramdam ako ng kilig. OMG :)) Hahaha.

Nagkunwarian naman ako na parang sobrang himbing sa pagtulog. Syempre diba?!!

"Tayo na lang naman andito... Nakakatuwa ka... Hindi mo naman na kailangang magkunware na tulog... obvious ka ate..." Napamulat naman ako ng bonggang bongga nun. Umupo naman ako agad dun sa kama ko. Tapos si Kuya Evans eh nakatayo sa harapan ko. Nasa heaven na ata ako. Hahahaha. Sobrang nahiya naman ako nun. Worst day naman ohh!
"Ah...hehe" Promise. Nabigkas ko talaga yung `hehe` na yun! Hahaha. OMG. Kahiya.
"Hinde... Okay lang... Carol name mo?"
"Ah?" Bakit ako ganito sumagot?!! Mukha akong timang?!! Waaaaa. Lamunin na sana ako ng kama! Ohh Pleaaaasee!!!
"Sabi kasi ni Ver, yun daw ang itawag ko sayo kasi hindi pa naman daw tayo close... Tatawagin na lang daw kita sa tunay mong nickname kapag gusto mo...Mukhang bitter eh..." Badtrip talaga si Silverio! Hindi pa ako pinakilala bilang Vher eh! So ngayon, maghihintay pa ako ng mahabang panahon para maging close kami?!! Pero magiging close nga kaya kami?! Ang malas ko pa naman pagdating sa lalaki. Alam niyo ba lahat ng nagiging crush ko eh hanggang tingin ko lang. Kung hindi namna hanggang tingin lang, hanggang friends lang kasi may girlfriend na silang iba. Ang saklap ko no? Sinumpa kasi ata lovelife ko eh?! Ganito kais yun, si papa, umaapaw ang lovelife nun?!! Si mama naman swerte din sa lovelife... ang dami kasing nagkakagusto sa kanya!? Eh ako?! DUH?! Walang kalovelife-lovelife.!! Nakuha na lahat ng mga magulang ko. Baka nga sa pagtanda ko eh, maunahan pa ako ni Tami at Bojie!
"Boyfriend mo ba si Ver?"
Nagulantang naman ako dun sa sinagot niya kaya ang bilis din ng reply ko sa kanya.
"Hindi ah! And never ko gugustuhin yun?!" ENGGGKKK!! Wrong Answer. Hindi kami pero gusto ko.Awww.
"Easy lang... By the way, I'm Evans... Kilala mo ba ako?"
"Ah... Oo naman..." At last, humahaba na rin ang mga sagot ko sa kanya. Haha.
"Wow... Ang dami ko na palang atraso sayo nu?"
"Ha?Paano?"
"Nakalimutan mo na ba? Ako yung nakabunggo mo nung first day..."
"AHH!! Oo..." yung prince charming ko :"> Hahaha
"Tanda mo pa ako?"
"Yup..." DUH?! Sa gwapong face na yan, paano kaya kita makakalimutan?! Hahaha.
"Well then... halika... hayaan mo akong bumawi sayo..." Hinawakan niya yung kamay ko nun. OMG. *kilig*. Hindi ko keri 'to. Hinila niya ako palabas ng clinic. Nakita ko dun yung bag ko sa may upuan sa labas nung clinic. Wala ng tao nun. Pakiramdam ko nga eh 7pm na nun. Nakakaramdam na rin naman ako ng gutom nun. Palabas kami ng gate ng school nun. Madaldal din pala 'tong si kuya Evans. Nagkakakwentuhan lang naman kami nun tungkol sa kung anu-ano. Dinala niya ako dun sa may gotohan malapit sa park na malapit sa school namin. Hindi siya ideal na dinner pero okay na din.
"Sorry eto lang ha? Hindi kasi ako humihingi ng allowance eh..." Umupo kami dun sa upuan. Bigla pa ngang umulan eh.
"Okay lang. Tamang-tama sa panahon oh..." Ngumite siya nun.
Umorder siya ng dalawang order ng goto. So yun, medyo matagal yun kasi madami ding umoorder. Mabenta 'to dito!?! Hahaha.
"Uhm... Appreciative... Cute... Uh... Eyes? Okay na din kahit singkit... Braces? Okay na din kahit meron... Skin? Uh... Okay na din kahit morena..." Nagtaka naman ako dun sa sinabi niya. Iba din kais yung expression ng mukha niya nun. Hahaha.
"Ha? hindi ko nagets..."
"Uh...ikaw? Okay na din..." tumingin siya sakin ng diretso. "Nagtataka ako... bakit dati hindi kita napapansin?!!" Tumawa siya nun at feel ko ako naman eh namumula na sa sobrang kilig. "So ikaw naman... anong ideal guy mo?"
"ideal guy??" si Ver... AYY HINDEE... Ikaw pala :"> Hahahaha
"Oo..."
"Uh... Okay lang kahit hindi appreciative... Syempre, cute... sino namang may gusto ng panget diba?" Napangite ko siya nun. Camera ba ako? Napapangite kasi kita?!! Hahaha. "Uh... Eyes? Kahit mabilog o singkit pwede na rin... wala din naman akong pakielam... Braces?? Kahit wala na... Uh... Skin? Mas gusto ko ng mapuputi..." hindi ako sigurado kung si Ver ba o si kuya evans yung tinutukoy ko nun. Ang gulo ko no? Ngumite lang naman siya nun. Bigla namang may naglagay ng goto sa table namin. Hindi ko na tatawaging waiter yun kasi pang-sosyal lang yun. Hahaha. Nagpatuloy naman kami sa pagkwekwentuhan.
"Uh... sa restaurant na sosyal... tapos maraming natugtog ng violins... tapos may mga rose petals sa paligid at maraming candles..."
"Ano yun?"
"Ideal date..." Tapos ngumite siya. Hahaha. Ngumite din naman ako. Hindi ko masabi yung ideal date ko kasi nahihiya ako. So, sinabi ko na lang na wala akong maisip. Nagkwentuhan ulit kami. Hanggang mapunta sa usapang Silverio.
"So, kelan pa kayo naging mag-best friends ni Ver?"
"Since birth... naniniwala na nga ako na meant to be talaga kami... pero syempre, as best friends..."
"Never bang sumagi sa isip mo na magkagusto sa kanya??"
"Uh..." sasagot na sana ako nun ng biglang may mga 4th year galing sa school namin ang dumating sa gotohan na yun. Kaya naman nagkabatian pa sila ni kuya Evans. Mga katropa niya ata yung mga yun. Mukha namang hindi ako napapansin ng mga tao dun. Ang invisible ko talaga. Medyo 5 minutes na rin nun yung nakakalipas, nakalimutan na ata ni kuya Evans na may kasama siya. Ubos ko na rin yung goto ko nun ng biglang umupo ulit sa harapan ko si kuya Evans.
"Ang kulit nila no?" ngumite lang naman ako. "Uhm... ano nga bang pinaguusapan natin kanina?"
"Uh... nakalimutan ko na eh... baka hindi naman kasi importante.... kaen ka na..." Pero tandang-tanda ko pa yun. Mukha namang nakalimutan talaga ni kuya Evans yun kaya nagpatuloy siya pagkaen. Mabilis lang naman yun kaya nagpaalam na siya dun sa mga katropa niya tapos nagpunta na kami dun sa park. Dun na rin kami naghintay ng jeep. Nalaman ko naman na parehas kami ng subdivision. Nasa ibang phase nga lang siya. At ang layo niya samin.
Nakahanap na din kami ng jeep nun. Then, sumakay ng tricycle at bumaba ng clubhouse. Dun na kami naghiwalay ni Kuya Evans pero kinuha niya muna yung number ko nun bago siya sumakay ng isa pang tricycle papunta sa bahay nila. Ako kasi eh lalakarin ko lang yun. Syempre, dadaan ako sa chapel... then dun sa tindahan kung saan may nakatirang pogi... then kakaliwa ako... then yun na!! ang bahay namin. Nakabukas nun yung ilaw sa kwarto ni Ver. Gabi na ah. Anung ginagawa nun dun?

Pumasok na ako ng bahay nun. Nanunuod ng tv nun si Tami at Bojie. Pinapasok ko na sila sa kwarto nila para matulog. Late na kaya. Chineck ko muna yung cell phone ko nung pagkatapos ko mag-shower. Puro GMs lang then may text from an unknown number!! Yeheyyy. Hahaha. ALAM NA!

From: +63926*******
, evans 'to! sbi ng mami m p2lugn m dw ng maaga ung kpatd m...
ikw dn m2log k n sbi ko nmn... haha...
inom k ng vitamins... bilin ng mami mo at xmpre ako..
ge.. gudnyt... sliptyt... swit drimz..


HALAAA. Anong irereply ko?! Hahaha. 

To: Kuya Evans
.ok po :) good night and sweet dreams!! haha

Wala na talaga akong maisip. OVERRR. Hahaha. Hindi naman nagreply nun si Kuya Evans. Ang boring ko kasi talagang kausap. Pumasok na ako sa kwarto ko tapos syempre nagdamit. Then, binuksan ko yung bintana ko. Sulyap lang kay Ver. Ngayon nga lang ako nagtaka kung bakit hinayaan niya na pumapel muna as mag-aalaga sakin si Kuya Evans kesa sa kanya. Nakasarado yung bintana niya nun. AYY. Epic Fail. Naglagay ako ng upuan malapit dun sa bintana then tumanaw na lang ako sa mga stars.

Parang kulang yung araw ko ngayon. Diba dapat nagulong na ako sa kama ngayon sa sobrang kilig?? 

Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Ver yung bintana niya. Naka-topless siya nun kaya naman nagulantang talaga ako ng bonggang bongga.

"gising ka pa?"
"ay hinde hinde!! kaya nga ako nakaupo ngayon diba? ay oo... tulog ako!! obvious!!" Ngumite naman siya nun. AY ang cute. Hahaha. Napangite din naman ako nun.
"Natuwa ka ba sa ginawa ko?"
"Ha? San?"
"Nakapagdate kayo ni Kuya Evans..." Owwww...
"Uh... Okay lang naman..."
"Hindi ka pa satisfied? Ang demanding mo naman!"
"Hindi kaya!!"
"Sus... Ayaw pang sabihin na hindi ka talaga masasatisfy kay Evans kasi sakin ka lang naman masasatisfy!" Inirapan ko lang naman siya nun. 
"whatever! sige tutulog na ako... good night!" sinarado ko agad yung bintana ko nun.

Napaisip ako bigla. Nagkaroon na rin ako ng dahilan para magpagulong-gulong sa kama. Haha.

No comments:

Post a Comment