Wednesday, December 22, 2010

Chapter 15

"HAHAHAHAHAHA" I laughed.

Ako lang yung tumawa ng mag-isa nun. Ahehe. Sige, mukha akong timang. Ako nga lang kasi talaga ang tumawa. Inulit pa. Haha. Nagtinginan sakin yung mga tao mula sa iba pang kubo. Grabe, diba joke yun? Makisakay kayo sakin! Diba joke yun? Napangite lang naman si Ver nun. Okay. Mananahimik na lang ako. Ayaw ko na. Parang namumula ako nun. Buti na lang medyo madilim na nun. Tiningnan ko yung cell phone ko. 6:30 p.m na. Patapos na yung party nun. Inaannounce na nung emcee na time for goodbyes na muna. Ang drama e no? So yun, para makalimutan nila ang kahihiyan na ginawa ko. Yinaya ko na silang lahat na umuwi.

"Umuwi na nga tayo!" Nag-ngitian silang lahat. Well, erase na lahat ng nangyare. Sigurado ako na isa lang yun sa mga banat ni Ver. I'm sure talaga. Haha. Marami naman siyang alam diba?
"Sige Bru! Sabi mo eh" Then, nagtayuan silang lahat. Kasabay kong maglakad si Ver nun. Ewan ko kung paano kami nagkasabay. Haha. Siguro, sinundan niya ako. Badtrip siya no? Nag-ayos naman kami ng kaunti nun. Tumawid na kaming lahat para maghintay ng jeep. Si Gigi lang yung unang baba dun sa subdivision nila. Tapos kami nila Gian, Josh, Prince at Ver ay nakatira sa isang subdivision na mas malayo sa subdivision nila Gigi. Nakita ko naman si Kuya Evans at Ate Rits na kakalabas lang ng school. Tatawid din sila papunta samin.
"Bye Vher. Ingat ka..." Sabi niya sakin habang nakangite siya. Ngumite lang naman ako sa kanya tapos nag-wave ako ng goodbye sa kanya. Bigla naman akong tinabig ni Ver nun. Tumingin ako sa kanya ng mataas kasi alam ko na intentional yun. Pero pinagtaasan niya ako ng kilay para sabihin na hindi talaga intentional yung pagtabig niya kahit halata naman na intentional lang talaga ang lahat. Mas naunang sumakay ng jeep si Ate Rits at Kuya Evans. Sa jeep papuntang complex sila sumakay. So kami naman eh halos 15 minutes ng naghihintay ng jeep na may nakalagay na Mamatid o Derecho. Haha. Then after 10 years, nakita na rin namin ang soulmate naming jeep. Hahaha.
Sumakay kami dun. Katabi ko si Ver sa right side nung jeep. Tapos yung apat eh andun sa left side. Magkakatabi sila tapos nakatingin sila samin ni Ver na sigurado ako na may halong pang-aasar. Inirapan ko lang naman sila. Nakangite lang naman si Ver nun. Medyo sumusulyap kasi ako sa kanya ng paunti-unti para hindi halata. Then yun, una ngang bumaba ni Gigi. Ganun pa din yung tingin nila Josh, Gian at Prince samin. Badtrip talaga yung apat na lokong 'to. Kung mang-asar eh. Hahaha.

Then yun, at last nakababa na din kami dun sa may rotonda. Sumakay kaming tricycle. Badtrip silang apat. Ako pa yung pinaupo dun sa charity seat! Grabe, ang gentleman nila?! Grabe, ang kapal talaga ng mga mukha ng apat na 'to. Pinagtatawanan pa nila ako?! Ano pa nga namang magagawa ko diba?! Humiwalay na samin si Prince at Gian kasi yung bahay nila eh malapit sa clubhouse. So kaming tatlo nila Josh at Ver ang naglalakad papuntang phase namin. Kumaliwa na si Josh nun kasi dun ang bahay niya syempre. So kami na naman ni Ver ang until the end eh nagkatuluyan este nagkasama sa paglalakad. Dumaan kami sa bahay nung pogi at sa chapel. Then, kumaliwa. Then yun na, hahaha. Hindi kami nagpapansinan nun. Ewan ko ba kung bakit. Nahiya ako bigla. Mukhang timang naman kasi yung joke niya kanina eh. Ang corny. So yun, pumasok na ako ng bahay namin. Wala pa din si mama. Inaasikaso pa rin yung design nung bahay nila Kuya Evans. Tapos si papa nagluluto nun. Yinakap ko siya then kiniss ko siya sa cheeks. Ang lambing ko no? Haha.

Nagpakwento naman sakin si Tami at Bojie. Alam ko na nagsisisi na sila na hindi sila sumama. Hahaha. So pinagbigyan ko sila at nagkwentuhan kami habang kinakaen yung chicken curry na linuto ni papa. Haha. Grabe, kagwapo nga naman talaga ng tatay ko oh.

Then yun, ako naghugas nung pinggan. Mabait akong bata. Tumaas ako sa kwarto ko para mag-fb lang. Eh dahil wala akong makachat, pinatay ko na rin yung comp. Nag-ayos muna ako. Nag-t shirt ako ng maayos pati nagshorts. Nagpaalam muna ako kay papa na lalabas ako at tatambay muna sa chapel. Kailangan kong maamoy, makita at malanghap ang presensiya nung pogi na nakatira sa tindahan. Hahaha. Hinde, joke lang. Kailangan ko lang makapagisip kasama ang best friend ko na si Papa Jesus :) Pumayag naman si papa kasi malapit lang naman yun samin. Okay lang na kahit medyo 9:30 p.m na rin nun.

Then, pumunta ako dun sa Chapel. Umupo ako dun sa orange na parang benches na walang sandalan sa labas nung chapel. May bubong naman dun syempre! Dahil makapal ang mukha ko, dun ako umupo sa may side kung saan makikita ko agad yung pogi. Haha. Joke.

Okay. Time for thinking na. Eto lang naman ang bumabagabag sakin eh. May gusto ba sakin si Silverio? Alam kong masyado atang... masyado atang makapal ang mukha ko... pero... eeehh... diba siguro kung kayo nasa kalagayan ko, iisipin niyo na may chance naman talaga... hay nako Vher?!!

Idaan na lang natin sa signs. Sabi ni mama at papa, nadadaan ang lahat sa signs. Haha. Dun daw ang basehan nila kaya nagkatuluyan sila ni papa. Malay mo effective din sakin no?! Sige, eto na.

"Kapag lumabas si Papa pogi galing ng tindahan nila, ibig sabihin may gusto si Ver sakin..." sabi ko sa sarili ko. Haha. Mukha akong timang na kumakausap sa sarili ko eh?!

5...4...3...2...1
Biglang may naka-topless na sobrang puti ang lumabas galing dun sa tindahan. Grabe, yung pogi dumaan?!! WAAAAAAAAAA. Hinde, malay mo coincidence lang.

"Kapag tumingin yang si pogi sakin, may gusto na talaga sakin si Ver..." Biglang tumingin sakin yung pogi?! Grabe. baka iniisip neto na stalker niya ako?! Badtrip. Biglang ngumite yung pogi tapos umupo siya dun sa upuan na nasa harapan nung tindahan nila. Kailangan ko munang huminga. Masyado naman atang OA to lahat ng sinasabi ko eh nagkakatotoo. Haha.

"Sige. Kapag merong batang dumaan na ang pangalan ay potpot, may gusto na talaga sakin si Ver?!" Oh yan siguro impusible na yan diba?! Hahaha. Ewan ko na lang kapag biglang may batang dumaan nga na ang pangalan ay potpot. Badtrip na yun ng bongga?! Hahaha.

After 10 minutes, andun pa din si pogi dun sa harapan nung tindahan nila. Nagulat naman ako ng biglang may bata na natakbo papunta sa tindahan. Aba, wag mong sabihin na...

"O gabe na potpot ah... Anong bibilhin mo?" sabi ni pogi dun sa bata.

Okay fine. Grabe na 'to. joketime ba 'to?! Bumili ng lollipop yung bata. Hahaha. Then, umalis na siya. Napasigh talaga ako ng bonggang bongga nun. Grabe naman 'to oh.

"Sige kapag within 5 seconds walang fireworks, wala na talagang gusto sakin si Ver?!!" Parang napalakas yung boses ko nun. Sana hindi narinig ni pogi. Hahaha.

5...4...3... BOOGSSHH!!
Napatingin ako sa kalangitan nun. Badtrip. Fireworks galing sa Enchanted Kingdom. Wooo. Sarap gibain ng EK grabe. Hahahaha. Nakakawindang ah. Natatawa na ako sa sarili ko.

"Okay. So hinahamon na talaga ako. Sige, magsayaw muna si pogi. Eto na talaga. sigurado na talaga ako na..." Hindi pa ako tapos sa pakikipagusap sa sarili ko ng biglang magpatunog ng music galing sa cell phone niya yung pogi. Then, medyo nagsayaw lang siya dun. Limited lang yung moves. Hindi naman talaga as in todo bigay. Parang meron lang siyang prina-practice na sayaw. Dancer pala 'to. Malamang oo, alam ko namang sumali yung grupo neto sa showtime eh. Ayyy. Hahahahahahaha. Baka walang makarelate. Sige, back to the story. So medyo nagsayaw nga si Papa pogi. Weeew.

"Sige. Eto pa. Kapag may dumating na kasama kay pogi na nagsayaw sa showtime tapos nakamotor yung taong yun, yun na talaga?! Tatanggapin ko na talaga ang pagkatalo ko..." After 5 minutes biglang may narinig akong tunog ng motor. Dumaan sa harapan ko yung motor na yun. Please wag kang tumigil sa bahay ni pogi. Then yun, tumigil nga sa bahay ni pogi. Okay, badtrip. Hahahaha. Ang gwapo din nun eh. Badtrip lang talaga.

"Makabili na nga lang ng softdrinks..." sabi ko sa sarili ko sabay tayo. nadismaya na talaga ako. Lahat ng sinasabi ko eh nagkatotoo. Pero panigurado ako na kapag hindi naman nagkatotoo lahat ng sinabi ko, madedepressed lang ako. Hahaha. Baka isipin ko na pati ata signs eh hindi nakikiayon sakin. Pumunta ako sa tindahan nila pogi na bukas na bukas nga naman talaga.

"Pabili nga po ng RC..." Tumingin sakin si Pogi at si gwapings na nasa motor. Haha. Grabe. Gusto kong idescribe si pogi at gwapings. Malandi kasi si Otor. Haha. So si Pogi, payat pero malakas ang loob na magtopless, tapos sobrang puti, sobrang kinis, medyo maliit, matangos ang ilong tapos kinababaliwan ng marameng babae. Haha. Si Gwapings naman eh meydo moreno pero sobrang kinis, katamtaman lang ang katawan, matangos din ang ilong, ang cute ngumite tapos kinababaliwan din ng maraming babae pero mas marami pa din yung kay pogi. Hahaha. Sige, extra lang naman yan.

Kumuha si pogi ng RC mula sa ref then linagay niya sa plastic. Binayad ko sa kanya syempre yung bayad ko. Haha. Iba yung tingin niya sakin. Feel ko talaga iniisip neto stalker niya ako. Wag naman. Admirer na lang. Joke! Hahahaha. Ako na malandi.

Bago niya sakin ibigay yung RC na nasa plastic na ngayon. Nagsalita muna siya.

"Alam mo ate, maganda ka. Imbis na maghintay ka ng signs dyan buong magdamag, aminin mo na lang sa taong yun" Badtrip. Lakas pala ng pandinig ng poging 'to.

No comments:

Post a Comment