Thursday, December 23, 2010

Chapter 19

"Oo..." Halos hindi ako makapagsalita nung mga time na yun. "ang panget mo! at mas papanget ka pa kapag naunahan kita na makababa sakin?!" then bigla niyang ginulo yung buhok ko at ginamit yung ladder pababa. stunned pa rin ako nun. ano yun?! joketime lang ang lahat?! badtrip. yun na eh! malapit na?! akala ko na naman... hay nako... triny ko na lang na makalimutan lahat ng nangyare except dun sa meteor shower na nangyare kaso yung kiss... sobrang hirap kalimutan... as in whoa kase... feel ko naman na hindi naiilang si Ver kasi nakakatawa pa siya tsaka hindi sya sakin nagbibigay ng motibo para lumayo... wala nga siguro siyang gusto sakin. nakakabadtrip talaga 'tong lalaking 'to oh! nagsigh muna ako bago bumaba dun gamit yung ladder. malamang, siya yung nauna diba?!
"Okay. ikaw nahuli, ang panget mo talaga!" sabi niya habang natawa. isip bata eh. mukhang timang lang. haha. medyo tinulak ko naman siya nun kasi naharang siya sa daanan. pumasok ako dun sa bahay namin. dahil makapal ang mukha netong si Ver, pumasok din siya sa bahay namin. feel at home naman yang bestfriend ko eh. nakipagkwentuhan siya kay Tami at Bojie na tuwang-tuwa naman sa kanya. Nakaupo ako nun sa sofa habang nanunuod ng TV. andun sila sa medyo isang side nung Sala namin, hindi ko nga matake na hindi sumulyap sa kanya eh. mukha naman siyang masaya... ang bilis naman niyang makalimot... nakakabadtrip lang... nagfocus ako dun sa movie sa star movies na pinapanuod ko ngayon... pero kahit na ganun... yung kiss kasi eh... naloloka na ako aah!! badtrip lang. dun ko naman naalala na iniwan ko nga palang bukas yung computer sa kwarto ko so bumalik ako dun then nakita ko na nag-offline na si kuya Evans.. ewan ko ba, wala akong naramdaman na panghihinayang... then, nagout na din ako at sinara ko na yung computer. bumaba ulit ako at nakisalit dun sa pagkukulitan nila Tami, Bojie at Ver. Then, dun ko naman nalaman na yung basketball varsity ay may laro next week. ininvite naman ako ni Ver na manuod so umokey naman ako. wala naman akong importanteng gagawin sa weekends eh. Haha.

August 27. Basketball game.


Hindi ko na rin pinatagal ang panahon. Nasa covered court na kami nung school namin. Katabi ko si Gigi ngayon na nagcheecheer para kay Ver este para sa school namin. Haha. sobrang ingay niya. Then, katabi ko din sa right ko si Gian. Siya nga lang yung hindi basketball varsity eh, nung nagkaroon kasi ng tryouts nung 1st year sila eh, nagkasakit siya. ang malas nu? pero magaling din siya magbasketball. Then, andun sa other side ng court yung mga cheerdancers na ubod ng landi. Haha. Kabilang dun si Ate Rits kahit na hindi siya cheerdancer at hindi siya malandi. Siguro, katropa niya yung mga sikat dun. Total naman, sikat siya eh. Haha. Nagwave siya sakin ng hello nung nagkatinginan kami. Napahanap ako kay Kuya Evans nun kaso wala siya. Well, bahala na. 4th year na siya, mas madame naman siyang inaasikaso kesa sakin diba?

Then, yun biglang naglabasan na yung mga players sa bawat team.

"Oh my gossshhhh!! Go Papa Ver?! Papa Josh?! And Papa Prince?!! Wooooo" ang ingay niya grabe. mukhang timang lang. Hahaha. nagtatawanan na lang kami ni Gian nun. inaasar nga namin si Gigi na hindi namin siya kilala eh. Nakakahiya kaya! Haha. Then yun, nagpasikat yung mga cheerdancers mula sa school namin. Nagcheecheer sila kahit na hindi ko masyado maintindihan yung cheer nila. Anyways, bahala na. Hahaha. So yun, lahat kami excited dun sa game. First 5 nun si Ver, astig nga eh. tapos meron siyang kasamang 2 juniors at 2 pang seniors. Whoa, as in sobrang tangkad. Humahabol naman 'tong si Ver sa tangkad nung mga kasama niya. Haha. Then yung sa mga kalaban nila eh puro matatangkad din. Whoa, sana manalo sila Ver no?!

Then, nagstart na din yung game. Hindi mapakali yung announcer kasi ang bilis ng mga pangyayare. Laging si Ver yung nakakakuha ng bola kaya lagi mong maririnig yung mga phrase na "nakuha na naman ni Silverio ang bola.." nagtatawanan na lang yung mga tao kapag naririnig yun eh. Eh ubod ng yabang 'tong si Ver, nakindat pa dun sa mga cheerdancers nung kabilang school na kalaban nila. ang sama lang eh. Hahaha.

Lamang sila ng 13 points nun and 3rd quarter na din, sure win na yan?! syempre, hindi na naglalaro si Ver nun. pero andun na sa game si Josh at si Prince. Magaling din 'tong mga mokong na 'to eh. Hahaha. Nakakailang shoot din. Pagdating naman ng 4th quarter, kahit na lamang na ng 17 points yung school namin, nagpaparinig yung mga tao ng "we want Ver. we want Ver" . Sige, ikaw na sikat. Kaso hindi na pumayag yung coach dun. haha. bahala sila. laro na nila yan.

bawat shoot naman na ginagawa ng school namin eh, napapatayo kaming tatlo nila Gian at Gigi. Nung halos, puro pasahan pa rin ng bola ang nangyayare, nakita ko si Ate Rits na may kausap sa phone. Napatingin ako sa kanya. Napatitig pala... ewan ko kung bakit... then nakita kong tinakpan niya yung mukha niya na parang naiyak ulit siya.... bakit ba parang sobra akong nag-aalala kay Ate Rits?! nakita kong tumayo siya tapos umalis siya papunta dun sa gate nung school namin. medyo napatigil siya nun then napaisip ako na kung puntahan ko kaya siya...?? pwede naman siguro yun diba??

"Bru.. Gian... teka lang ha? try kong bumalik..." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ha? hindi pa tapos ang game ah!" sabi sakin ni Gian.
"oo nga bru! baka magtampo sayo si Ver niyan?!" pananakot naman saking sinabi ni Gigi.
"eh.. importante 'to eh..." sabi ko naman kahit na hindi ko alam yung importansya netong ginawa ko.
"sige. sabi mo eh. magtext ka na lang, okay?" tumango ako then ngumite ako sa kanila and umalis ako nun. nakalabas na ng gate nun si Ate Rits. Naghihintay na siya ng jeep nun. Hindi ako nagpahalata na sinusundan ko na siya. Ano ba naman yan?! Feeling ko sobrang stalker mode ako to the highest level. Napansin ko naman na nagpupunas pa rin siya ng luha niya. Then, sumakay siya sa isang jeep na papuntang SM. Nagulat ako nun. Pupunta ba yung SM?! Sumakay ako sa sumunod na jeep na meron ding sign na SM. Buti naman hindi pa rin ako nalo-lost out of track dun sa jeep na sinasakyan ni Ate Rits. Binayaran ko naman na yung manong driver. Hindi masyadong traffic nun kaya hindi ako nahirapan na sundan si Ate Rits.

Nakita ko siyang bumaba dun sa hospital na nadaanan namin. Hindi pa nakakalampas ng SM nun. dun nga ako nagtaka eh. bakit sa hospital pa?! anong meron sa hospital?! kinabahan ako nun. bumilis yung pagtibok ng puso ko sa hindi nalalamang dahilan. bumaba din ako sa same hospital. triny kong hanapin si Ate Rits kaso hindi ko na siya nakita. Pumunta ako sa  iba't-ibang floors nung hospital. Kaso sa sobrang laki nun, malabo kong makita si Ate Rits. naghintay ako sa may tapat ng elevator. clinick ko yung `up` na botton. pupunta pa ako sa ibang floors para lang makita si Ate Rits.

Then nagulat ako ng saktong pagkabukas nung elevator eh nakita ko si Kuya Evans. Napatitig ako sa kanya.

"Vher?" pagtataka niyang tinanong sakin.
"Kuya Evans? anong ginagawa mo dito?" tanong ko din sa kanya. kasabay na nun ang pagpasok ko sa elevator. then pinindot ko yung 6th floor.
"Ha? Wala..." nagtaka ako dun sa sinabi niya kasi parang may tinatago siya.pero ayaw ko ng ungkatin pa kung ano man yung tinatago niyang yun. "may hinahanap ka ba?"
"uh..oo" medyo nagtaka ako nun kasi parang ibig sabihin nun alam niya na meron akong hinahanap o di kaya alam niya na kaya na hinahanap ko si Ate Rits?
"Aahh.. ingat ka na lang..." tumigil kami dun sa 4th floor. ibig sabihin nun meron pang sasakay. Then, bumukas na yung elevator and nagulat kaming dalawa ni kuya Evans ng makita naming pareho si Ate Rits na papasok dun sa elevator. Nagkatitigan kaming tatlo nun.
"Vher? Evans?" sabi ni Ate Rits pero nakatingin lang naman siya kay Kuya Evans nun. Parang tumaas yung mga balahibo ko nung nagsalita si Ate Rits. Ewan ko kung bakit.
"Pinapunta ka naman ba nila?" tanong ni Kuya Evans kay ate Rits in a very cold manner. hindi ako makapagsalita nun. kasi wala din akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
"oo... nagaalala lang naman ako sayo eh..." umiiyak na nun si Ate Rits. gusto kong magsalita pero walang words na lumalabas mula sa bibig ko.
"umuwi ka na..." sabi ni kuya Evans. nakakagulat. akala ko ba okay na sila?? diba mahal nila ang isa't-isa.
"ano ba naman yan, Evans?!" napapasigaw na nun si Ate Rits. Grabe, awang-awa ako sa kanya. bumibilis yung pagtibok ng puso ko habang nanunuod sa paguusap ng dalawang 'to.
"ilang beses ko ba uulitin na umuwi ka na? ang kulit kulit mo na no? hindi naman kita kailangan eh..." grabe. hindi ko akalain na magiging ganun yung reaksyon ni Kuya Evans kay Ate Rits.
"wag kang ganyan..." hinawakan ni Ate Rits yung kamay ni kuya Evans pero hiniwalay niya agad yung kamay niya. "nasasaktan ako..."
tinitigan lang siya ni Kuya Evans. then, biglang bumukas yung door nung elevator. nasa 6th floor na pala kami. dapat dun ako lalabas pero parang ayaw ng mga paa ko na lumabas nung mga oras na yun.
"akala mo ikaw lang..." sinabi yun yun ni kuya Evans bago siya lumabas nung elevator. super nanlaki yung mata ko nun. wala na talaga akong naiintindihan. swear. parang ang daming nangyayare na wala man lang akong kaalam-alam. iyak ng iyak nun si Ate Rits lalo na nung sumarado na yung elevator. Then, dun ko narealize na kaming dalawa na lang ni Ate Rits yung nasa loob nung elevator.
"Ate Rits?" hinawakan ko yung kamay niya. naawa talaga ako sa kanya. feeling ko kasi sobrang mahal niya si kuya Evans pero eto namang si kuya Evans binabalewala lang siya. hindi siya makapagsalita nun. siguro, wala rin naman siyang masabi sakin. wala din naman akong karapatan na makielam eh. hindi naman kami close ni Ate Rits o kung ano man. pero there's something kasi talaga eh. ano ba naman yan?! binigay ko kay Ate Rits yung panyo ko. Tumingin siya sakin.
"thank you..." kinuha niya sakin yung panyo then pinampunas niya sa mga luha niya.
"okay lang. gusto mong magmerienda muna?" nakangite ako nung sinabi ko sa kanya nun. mukhang hindi pa nga siya papayag nun pero ginamit ko ang mga tantalizing eyes ko para pumayag lang siya. Haha.
"Okay. sige..." then, clinick ko mula dun sa elevator yung ground floor. Then, hindi naman rin masyado nagtagal, andun na din kami sa ground floor. Lumabas kami ng hospital. gusto ko siyang tanungin kung bakti andun siya sa hospital, pero parang nahiya ako bigla. diretso SM kami nun. sumakay pa kami ng jeep kasi tinatamad kaming maglakad pareho. pumasok kami dun sa may `Dunkin' Donuts` na stall malapit sa National Bookstore. Haha. Kumaen lang kami ng sandwich dun tapos nakapagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano. mabait siya. sobra. tapos ang sweet pa magsalita. hindi ko rin naman napigilan yung sarili ko na tanungin siya kung ano meron sa kanila ni Kuya Evans.

"Uh... yung nangyare kanina? ano yun??" malumanay kong tinanong sa kanya.
"ahh.. yun ba?" she faked a smile. "ang sama ni Evans no?" nagulat ako sa sinabi niya pero tinuloy niya pa rin yung sasabihin niya. "pero don't worry, hindi talaga siya ganun. ayaw niya talagang nangingielam ako. mabait yun... sobra..."
at that point, nagtaka ako. bakit kailangan sakin sabihin ni Ate Rits lahat ng 'to? hindi rin naman ako makaimik.
"pero alam mo ... kahit na nasasaktan niya ako..." may luha na biglang tumulo mula sa left eye niya.

"...mahal na mahal ko pa rin yun..." then she smiled.

No comments:

Post a Comment