Monday, December 20, 2010

Chapter 11

Naghintay ako dun sa labas nung kwarto kung nasaan si Kuya Evans. Nagsta-start na din nun yung Basketball Boys ng Sophomores at Freshmen. Naglalaro nun si Ver. Kaso parang may nagpipigil sakin na manuod. Feeling ko kasi na parang mas gusto ko pang magpaka-chismosa dito sa nangyayari kay Kuya Evans. Kasama ko ngayon si Gigi na bagot na bagot na. Mas gusto niya kasi nun na manuod ng laro ng kanyang papa Ver. Haha

"Ano ba yan?! Bru! Naglalaro na si Papa Ver!" O di ba? Sinabi ko naman sa inyo?! Hahaha
"Ano ba?! Hindi ka ba nag-aalala kay Kuya Evans?!" Saktong pagkasabi ko naman nun ay biglang lumabas si Ate Rits. Parang namumula yung mata niya nun. Halatang kakatapos lang umiyak. "Ate Rits?" Yan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Tumingala siya para pigilan yung luha niya. Ngumite siya sakin na parang walang nangyare then ginamit niya yung pink niyang panyo para takpan yung mukha niya. Then, umalis siya kaagad.
"Hala, anong nangyari kay Ate Rits?" Pag-aalalang sinabi ni Gigi sakin. Sigurado ako nun na meron ngang koneksyon 'to kay Kuya Evans. Bakit ba kasi masyado akong naiintriga?! Napapaisip tuloy ako. Dati naman walang ganito. Nakilala ko lang si Kuya Evans, naging ganito na ang lahat. Sumilip ako dun sa kwarto and nakita ko si Kuya Evans na nakahiga, nakataas pa nga yung paa niya nun habang hinahagis niya yung bola ng volleyball sa ceiling pero syempre, nasasambot niya pa din. Siguro, alam niya rin na andun ako. Napatingin kasi siya dun sa direksyon ng pintuan at napatigil na din siya dun sa pagva-volley nung bola mula sa ceiling.
"Vher?" tumingin ako sa likod ko para siguraduhin na hindi si Ver ang tinatawag niya kundi ako. Haha.
"Uh... Sorry... Aalis na ako..." Paalis na sana ako nun pero hinawakan ni Gigi yung kamay ko para pigilan ako.
"H-hindi. Okay lang. Pumasok ka" Nakangiteng sinabi niya. So pumasok naman kami ni Gigi nun. Nahihiya pa nga si Gigi nun eh. Aba, ang baklitang 'to meron pa palang hiya?! Haha. Hindi nga siya masyadong nagsasalita eh. Umupo lang kaming dalawa ni Gigi nun. Sobrang tahimik, yung tipong nakakabinge na. Napapa-ubo nga nun si Gigi eh. Para lang masabing may tunog kaming naririnig. Haha. Meron namang isang first year na hindi ko kilala ang kumatok dun sa clinic.
"Kuya Greg, laban niyo na po sa senior..." Okaaay. Who the heck is Kuya Greg?! HAHAHAHA. Laugh Trip. Tiningnan ko nun si Gigi na ang sama ng tingin sakin. Gusto ko siyang tawanan nun. Nakita ko naman si Kuya Evans na napapangite na rin. Gusto kong tumawa ng malakas eh. Grabe.
"Che! Magkita na lang tayo mamaya Bru! Baboosshh.." Ngumite na lang ako sabay tango then umalis na si Gigi. Mukhang timang lang eh. Nawala yung mga tawa ko nung narealize ko na kami na nga lang pala ni Kuya Evans yung nasa kwarto.
"Kanina pa ba kayo andyan?" Sa tanong niyang yun, halatang may tinatago siya.
"Uh... Hindi naman... pero..." Napatigil ako nun. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung tatanungin ko pa ba sa kanya.
"pero?" bumilis yung pagtibok ng puso ko. Bakit parang July pa lang ang dami ng nangyayare? Pero uulitin ko, parang wala naman talagang nangyayare. Okay. Malabo na. Ayoko na. Haha.
"Pero nakita ko si..." Pinutol niya agad yung pagsasalita ko nun.
"si Rits?" Okay. alam niya na. Napatungo ako nun. Nakakahiya talaga. For sure, sasabihin niya lang na wala lang yun. bakit nga naman siya magsasabi ng sikreto niya sakin? Eh halos isang buwan pa lang mula nung magkakilala kami. Kung tutuusin, hindi mo masasabi na close talaga kami kasi hanggang text lang naman yun.
"Opo..." Nakakahiya talaga. Feeling ko nag-iinit yung kamay at pisngi ko pero at the same time, linalamig na rin ako. Grabe. Ibang klase.
"Naiyak ba siya?" Napatingin ako sa kanya nun. Meron talagang something na hindi ko nalalaman. Tumango na lang ako nun. Ano namang nangyayare para umiyak si Ate Rits? Nawawala na nga ata ako sa kabihasnan. Rinig na rinig ko naman yung hiyawan mula sa court at yung announcer na sinasabi palagi yung apilido ni Ver. Malamang, palaging nakaka-score yun. Unti-unti naman akong nakakaramdam ng pagsisisi na sana pinanuod ko na lang yung laban nila Ver. Nakutuban na rin kasi ako nun na may nalalaman ako galing kay Kuya Evans na parang.... parang nakakasakit.... o siguro na parang ang harsh.... o siguro parang nakaka-turn off.. ganun... Tinakpan ni Kuya Evans yung mukha niya tapos parang meron pa siyang feeling na halos binagsakan na siya ng langit at lupa. For short, problemado.
"Bakit?" Hindi ko mapigilan yung bibig ko. Ano ba yan?! Naginit tuloy lalo yung pisngi ko lalo na nung tumingin na sakin ng diretso si Kuya Evans.
"I dumped her..." Bumilis yung pagtibok ng puso ko. As in define ang bilis. Parang tumigil yung pagtakbo ng oras. A part of me said na wag akong maniwala. Kasi bakit magmumukhang problemado si Kuya Evans kung hindi naman talaga problema ang pagbabalewala sa hindi naman talaga niya gusto. Diba? Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na si Ate Rits may gusto kay Kuya Evans. Ano ba yon?! Hindi pa rin ba siya kuntento sa sobrang haba ng hair niya?! akalain mong crush na nga siya ng best friend ko, aba, hahanapin pa niya si Kuya Evans. Okay. Sige, Ikaw na! Pero parang 3 seconds lang yung dumaan nung natauhan na lang akong bigla. Dun ko lang naalala na dapat pala eh nagsalita ako.
"Ow. Sorry..." Nakikiepal na naman kasi ako sa buhay ng ibang tao. Dito ba talaga ang talent ko?! Haha.
'Hindi... Okay lang... May tanong pala ako..." Please. Sana hindi mahirap. Hahahaha.
"Sige. Ano yun?" Dug dug dug
"Tama ba na saktan ang isang tao ng mas maaga kung alam mo naman sa huli na masasaktan mo din naman siya?" Tumigil ulit ang oras nun. Napaisip ako eh. Haha.
"Eh syempre depende naman yun sa dahilan nung nagtatanong niyan..." Matino ba 'tong sagot ko? Hahaha
"Sabihin na natin na ganun ang nangyare samin ni Ate Rits..." Umupo siya dun sa kama niya. May theory na parang nabubuo sa utak ko. And feeling ko totoo yun. "Kaya mo ba siyang kausapin para sakin?"
"Sige. Ano bang gusto mong sabihin sa kanya?" So gagawin pa talaga akong yahoo messenger?! Haha
"Tell her that I really love her..." Ngumite siya pero nakita kong may tumulong luha mula sa left eye niya. Bumilis ulit ang pagtibok ng puso ko. Naalala ko si Ver. Naalala ko si Ver nung umiyak siya dahil sa pagkawala ni Tella. Parang ganito din. Pinunasan niya agad yung luha niya. "Sige. Thanks. Magpapahinga na ako." Humiga siya dun sa kama and pa-side siyang humiga habang nakaharap dun sa other side. Sa side kung saan hindi ko siya makikita. Napagpasyahan ko na umalis nun. Pagkalabas ko dun sa pintuan, ang huli kong narinig mula sa kwartong yun ay ang mga iyak ni Kuya Evans. At ang una ko namang narinig sa paglabas ng pintuan ay ang tawag ni Ver.

"VHER!" Kakatapos lang pala nung game niya. Feeling ko sobrang bilis naman. Haha. O siguro, matagal na din ako sa kwartong yun. Hindi ko lang talaga napapansin. Lumapit ako kay Vher na nasa Covered court na nun. "Nakakatampo 'to. hindi man lang nanuod..."
"Eh alam ko namang kaya mo yun...." Nginitian ko lang naman siya. Kasabay naman nun ang paghahanap ko kay Ate Rits. Pero hindi ko rin naman siya nakita. As usual, wala na naman akong kasama. Si Ver naman kasi sumama dun sa barkada niya. Si Gigi may laro pa din naman. So ako, total loner na naman. Pumunta ako dun sa classroom namin para mag-lunch ng mag-isa. May mga on-going games pa din pero tinatamad akong manuod. Mag-isa lang ako dun sa kwarto. Nakakatakot nga eh. Hahaha. Kaya nga halos magulantang ako ng biglang may dumungaw sa pintuan ng kwarto namin. Badtrip eh. Sobrang nagulat ako.

"Ay Sorry Vher!" Si Ate Rits pala. Akalain mo na yung taong hinahanap ko lang kanina eh pupunta rin pala sakin. "Hinahanap ko kasi si Ver eh..." Nakaramdam naman ako ng selos nun.
"Hindi ko alam kung nasaan siya eh... Pasensiya..." Paano ko ba isisingit yung message ni Kuya Evans?!
"Ow. Sige. Thanks Vher!" Bago naman siya umalis, tumayo ako nun.
"Ate Rits, wait lang..." Napatigil siya nun. Lumapit ako sa kanya ng kaunti. Nag-sigh pa nga ako nun bago sabihin yung message sa kanya ni Kuya Evans. Grabe, nakakapagtaka talaga. Ano bang meron sa kanilang dalawa?
"Hm?" Kinabahan naman ako lalo.
"Pinapasabi ni Kuya Evans na mahal ka naman talaga niya..." Parang may pumindot sa puso ko na nagmistulang bomba na parang sumabog at nagkaroon ng 1 million casualties. Hindi naman sa nasasaktan ako pero parang nasasaktan ako na ewan. Hala naman. Malabo na naman. Parang tumigil yung mundo ni Ate Rits. And halatang may namumuong luha mula nun sa mga mata ni Ate Rits. Pero she still managed a smile habang natang-tango sakin na parang sinasabi niya nagets niya yung sinabi ko. Umalis siya sa harapan ko without saying a word. 5 segundo ang nakalipas nung naisip ko na sundan siya. Sabi kasi ng paa ko na sundan siya. Isang napakahabang hallway nun. Gamit ang bridge na nagkakabit sa building B at building A, dumaan siya dun and suddenly napatigil siya dun sa classroom ni Kuya Evans. Kitang-kita ko ang bawat pangyayare. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

Nakita kong lumabas si Kuya Evans mula dun sa classroom niya. Nagkatinginan pa sila ni Ate Rits. Hindi ako makagalaw. Okay na ang distansyang 'to para makita sila. Umiiyak nun si Ate Rits. From that moment, ang tanging naiintindihan ko lang na sinasabi ng utak ko eh wag na akong tumingin. Paulit-ulit na sinasabi na wag na akong manuod.

Yinakap ni kuya Evans and the first tear from my left eye fell. Kung ano man 'tong nararamdaman ko, eh hindi ko alam. As in Promise. Napahawak ako dun sa mukha ko. Ayokong makita. Ayoko ng manuod. Tumalikod ako sa kanila nun.

Sa saktong pagtalikod ko nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin. Tiningnan ko kung sino man yun na nagpagaan talaga ng loob ko. Si Ver...


Lalo akong umiyak. Ang babaw eh. Umiiyak ba ako dahil sa nagseselos ako kay Ate Rits at kay Kuya Evans? Badtrip. O siguro meron akong something na iniiyakan pero hindi ko alam kung ano yun?

Ang higpit ng pagkakayakap sakin ni Ver. Parang ayaw akong pakawalan. Dun ko narealize na parang may dalawang pusong nagyayakapan. Puso ni Ate Rits at ni Kuya Evans. At ang puso namin ni Ver.


"Sssh.." sabi ni Ver sa mga tenga ko. "Okay lang yan. Andito lang ako. Mahal kita"

No comments:

Post a Comment