Friday, December 17, 2010

Chapter 6

Lumipas ang ibang days. Palage ko namang nakakatext at nakakachat si Prince Charming ko a.k.a Kuya Evans. At ngayon ko lang naman nalaman na ang buong pangalan niya ay Gian Evans Javier. Pangalan pa lang gwapo na. OHA! Hahaha. At ngayon ko rin naman narealize na palapit na ng palapit ang HS Ball na usapan na sa buong campus. Nung first year naman kasi ako eh hindi ako nasali sa mga ganito. Kahit nung acquaintance last year eh hindi ko inattendan. Tamad lang siguro ako o sadyang wala akong hilig sa mga ganito. Kaso mas ayos pa nga yung acquiantance last year gawa ng puro kasiyahan lang naman daw yun. Eh etong HS Ball, naglevel-up na! Parang JS Prom na nga daw 'to eh. Gawa required ang mga estudyante na magkaroon ng ka-date. Grabe eh.

Dalawang araw na lang, HS Ball na. Hindi naman ako naeexcite. Feel ko nga hindi na naman ako makakapunta kasi wala namang nagyayaya sakin. Si Gigi nga gusto kong ka-date kaso pati best friend ko naunahan na din. Eh si Ver? Aasarin lang ako nun kapag sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang ka-date. Ineexpect ko naman na yayayain ako ni Kuya  Evans. Pero malabo na ata yun. Bahala na nga. Bakit ko ba 'to prinoproblema?

So yun, dismissal na rin nun. Gusto ko pa sana manuod ng practice nila Kuya Evans pero bigla ata akong tinamad. Hahaha. Nasa First floor na ako ng makita ko si Ver na nakatambay lang dun. Nanunuod ata siya ng practice ng volleyball varsity.

"Huy. Makatitig. Anong meron?" Nakatulala kasi siya dun sa mga nagprapractice. Feel ko.... Teka... Volleyball GIRLS at Boys yung nagprapractice ngayon. Tss. May crush 'to siguro galing sa mga babae na yan. Badtrip. Sige. Ako na selos.
"Ha?"
"Meron kang type dyan no? Aminin mo nga!" Halos yugyugin ko na buong katawan niya nun. Nakakabadtrip kaya. Ang sakit kaya.


Erase na yun. Scratch that. Tiningnan ko naman siya gamit ang tantalizing eyes ko. Haha.

"Ano ba? Tumahimik ka nga dyan." Ay sorry naman. Masyado lang kasi akong affected diba.
"Sabihin mo na kasi."
"Oo. Yung Third year na naglalaro. Si Ate Rits. Ang cute niya eh." Tssss. Mabilis na nag-load sa utak ko na taob na taob na ako sa third year na yun. Hay nako.
"Sus. Okay lang naman."
"Ang ganda niya." Nakangite siya nun. Ang landi mo Ver. Para kang kuto no. Ang sarap mong tisirin.
"Okay. Fine. Umuwi na tayo." hinila ko yung kamay niya with all my powers para wala ng kawala. Hahaha.
"Eto naman. Panira. Nag-eenjoy pa eh" Sabi niya habang papalabas kami ng gate. For sure, kadate niya na yun. Hay nako naman.
"Ano ka ba. Padating na din yung HS Ball. Pwede mo siyang isayaw dun. Teka, yinaya mo ba as date?" Please. Sana hindi pa. Please lang. Tumigil na kami nun sa waiting shed ng mga jeep. Tinago ko yung kamay ko na naka-crossed fingers ngayon.
"Hindi pa. Second Choice ko lang yun eh." Second Choice si Ate Rits? Wag mong sabihin na may babae siyang hindi ko alam. Sige ka. Magtatampo ako.
"And the first choice?" dug dug dug. Heartbeat daw yan. Haha


Sinabi niya na kung sino kaso tepok. Hindi ko narinig ng biglang may humaharurot na jeep ang dumaan. Sa sobrang lakas ng engine sounds eh, halos wala akong narinig. Pasuspense naman oh. Badtrip.

"Ano ulit? Umepal yung jeep eh."
"Badtrip ka. Wala." AYY, so ako pang badtrip ngayon. Sumakay agad sa jeep si Ver nun kaya ako naman na hindi prepared sa pagsakay niya eh pver nagmadali pa para lang makasakay na din sa jeep na sinakyan niya. Hindi ko pa tuloy siya natabihan. Pero kaharap ko naman siya. Okay lang. Mukha ngang badtrip siya. Ano ba naman yan?! Kasalanan ko bang maging binge?! O kasalanan ko ba na biglang humarurot yung jeep na yun!? Sinusumpa ko na talaga ang jeep na yun. Hahaha.

"Huy" Hindi niya ako pinansin. May apat na pasahero na umalis mula sa linya ng upuan ni Ver. Medyo lumuwag dun kaya tinabihan ko siya. Siniko ko naman siya nun. Badtrip kase. Ayaw akong pansinin.
"Ano?"
"Yung sinasabi mo kanina."

Tumigil yung jeep sa isang area kung saan sigurado ka na marameng trabahador ang sasakay. Medyo sumikip naman kami nun. Nafeel ko yung elbows namin ni Ver na nagkadikit. And nafeel ko rin naman na may spark akong naramdaman. Wait. Kinikilig ako. Haha. Napakagat na lang ako sa labi ko.

Nag-stretch ng kamay si Ver nun tapos inakbayan niya ako. Nagkaroon tuloy ng space nun. Space para huminga. Haha. Siguro, iniisip na ng mga tao na magboyfriend kami. Okay lang yan. Yan ang gusto ko. Hahaha. Joke.

"Mamaya ko na sasabihin. Ang daming tao eh" tumango na lang ako nun. Medyo lumuwag na rin nun at medyo malapit na rin kami nun. Naka-ayos na din naman ako ng upo nun. Gamit ang peripheral vision ko eh nakita ko na nakatitig sakin si Ver. Napatawa tuloy ako.
"Masyado na bang maganda?"
"Ha? Yung ano?" Sus. Utal na utal naman sa pagsasalita. Haha.
"Kanina ka pa nakatingin sakin eh. Baka matunaw ako niyan"
"Uh.. Ah.. Ha?... Ano?.. An?" Wow. Alien talk ba? Haha. Pumara ako sa jeep nun. Then bumaba agad ako. Gantihan lang 'to. Kanina, siya yung sumakay ng jeep ng hindi ako prepared. aba, ngayon ako ang bababa sa jeep ng prepared. haha. Sumakay kami ng tricycle. Bumaba sa clubhouse. Then yun naglakad na. Siguro naman wala ng sagabal na tunog ngayon diba. Kailangan ko marinig loud and clear 'to. Haha.
"Game. Ano na yung kanina? Sino si First Choice?" Medyo malapit na kami sa chapel nun. Kakadaan na rin namin dun sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. 
"Uh. Yun. Si First Choice." Nasa tapat na kami nun ng kanya-kanyang bahay namin.
"Sino?"
"Ikaw. " Bumilis yung pagtibok ng puso ko nun. "Hindi ka pa naman yinayaya ni Kuya Evans diba?"
"Ako?"
"Oo."
"Di nga?"
"Oo nga. Ang kulet."
"Weh?"
"Gusto pang ulit-ulitin eh. Oo nga"
"Masyado ka naman kasing biglaan. Sana sinabi mo pa dati. Okay lang naman"
"Eh di ayos. Mag-ayos ka ha? Ayoko ng kadate na panget"
"Whatever"
"sige. Pumasok ka na"

Pumasok na ako bahay namin nun. Napapikit agad ako tapos napangite ako ng bonggang bongga. Nagmumukha ako nun kasi natawa ako ng mag-isa. Gusto kong hampasin yung pintuan nun. Badtrip. Hahaha. Masyado naman akong kinikilig. Humarap ulit ako sa sala at nakita ko dun si mama, papa, si Tami at si Bojie na nakatitig sakin with a puzzled expression. Siguro iniisip nila na nahihibang na talaga ako. Haha.

"Ay sorry. Akyat na ako" Naka-peace sign na ako nun. Kinikilig talaga ako. Diretso naman agad ako sa kwarto. Hindi ko na inintay na magsalita mga magulang ko. 

Nagshower naman agad ako at nagpalit ng damit. Binuksan ko din yung bintana ko nun pero nakasara yung kurtina. Binuksan ko yung wardrobe ko at naghalungkat ng pwedeng suotin sa HS Ball.

Nag-experimento na lang ako ng mga damit nun. Wala naman kasi akong dress talaga eh. Alangan namang bumili pa ako. Diba? Haha.

Nung nakahanap na din ako ng swak na damit. Natulog na ako. Pero syempre, ang hirap kayang makatulog kapag sobrang excited ka na sa dadating na HS Ball. Pero tested na para sakin na bumibilis ang panahon kapag tulog ang tao. Kaya tulog lang, parang bumilis ang panahon. Hahaha.

Friday. June 28. HS Ball
HS Ball na talaga. This is it na talaga. So yung suot ko nun ay isang white na tank top lang. tapos may skirt ako na hanggang tuhod pero kapag sinuot ko, magmumukha yung above the knee. Haha. Tinuck-in ko yung skirt ko sa tank top ko. Then naglagay ako ng black na belt para may style naman. At hindi halatang pinagexperimentuhan lang ang damit. Onting suklay lang naman and okay na. 

5 pm na nun. 6 pm pa naman yung party. Pero okay lang naman na malate. Binuksan ko yung bintana ko nun. Bukas din pala yung bintana ni Ver nun.

"Hoy! Okay ka na ba? Tara na?!"
"Teka lang. Excited masyado eh." Sino bang hinde maeexcite kapag ikaw ang kapartner? Hahaha. Lumapit na siya dun sa bintana niya. Halos malaglag yung panga ko nun. kay gwapo naman kasi eh. "Okay na ako"
"Wow. Ang tagal mo ah" Bigla naman kaming may nairnig na kotse na tumigil sa tapat ng bahay namin. Napatingin kami dun ni Ver. Kita naman kasi.

Mas nalaglag yung panga ko ng nalaman ko na isang BMW na silver pala ang tumigil sa pamamahay namin. Rich much? Asa namang amin yan. 

"Imba. Kanino yun?" Amaze naman 'tong lalaking 'to.

Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Bojie yung pinto. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

"Ate. May maputing lalaki na matangkad na naghahanap sayo sa baba. 4th year ata 'to eh. May dala pang roses!" Kuya Evans?

No comments:

Post a Comment